Entry 29
30th August 2020
Dinalan nanaman ako ng pagkain nung weirdo na 'yon.
Nakakainis dahil habang kumakain ako, bigla ba naman akong kinuhanan ng picture.
Remembrance raw at itatabi niya 'yon. Biglang nag-iba timpla ko, ano 'yon? Para saan? Remembrance pag namatay na 'ko?
Tss. Bumigat nanaman ang pakiramdam ko.
Buong araw hinayaan ko siyang magsalita ng magsalita. Nagtakip ako ng unan sa mukha para makita niyang hindi ako interesado pero kulang yata sa sensitivity 'tong babae na 'to at mas lalo pa akong kinulit.
Nagkwento pa ng theory tungkol sa manok at itlog, kung ano ang nauna sa dalawa. Is she normal?
Hindi ko tuloy maiwasang isipin, hindi kaya takas siya sa mental?
Wala ba siyang ginagawa? Trabaho? O pumapasok pa ba siya sa school?
Ayoko namang magtanong. Magmumukha pa akong chismoso, baka lalo akong chikahin.
Mahirap na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top