Entry 27

29th August 2020

Hindi ako nakapagsulat kaninang umaga kaya ngayong gabi na lang.

Late ako nagising kanina at kung hindi pa ako naiihi baka mga after lunch na ako dumilat.

Hindi naman ako puyat pero parang pagod ang katawan ko. Sa dami siguro ng iniisip?

Halos pikit pa akong pumasok sa banyo and I was ALREADY peeing when I heard that sweet voice again.

Pakiramdam ko ang babaeng 'yon ang papatay sa'kin dahil sobrang nagulat ako.

The fuck? Nasa loob pala siya ng banyo at hindi pa talaga nagsalita bago ako umihi!

Safe naman daw dahil tumalikod agad siya at nagtakip ng mata.

Pero halata naman sa hilaw niyang ngiti at pamumula niya na nagsisinungaling siya.

Mabilis siyang tumakbo palabas ng banyo dahil naramdaman niya sigurong naiinis ako.

Naiinis talaga ako! Palagi na lang yata akong napapahiya sa harapan niya pero bakit ako nga ba ang mahihiya?

Hindi naman nakakahiya kung ano man 'yung nakita niya. Tss.

Paglabas ko ng banyo nakita ko na lang na may lunch box nang nakahanda sa mesa ng kama ko.

May note na nakalagay, lalabas lang muna raw siya at babalik na lang, may gagawin lang daw.

Sus. Duda ako.

Natawa na lang ako at kumain na. Hindi ko na ipagkakaila, masarap nga talaga siyang magluto.

Pwede siyang cook. Hindi ako OA, masarap talaga luto niya.

Bigla ko tuloy na-miss luto ni mama. Yung tatay ko naman, wag na nating pag-usapan.

Walang kwenta 'yun.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top