Entry 24

27th August 2020

What. The. Fuck.

Ito na yata ang pinaka nakakahiyang araw ko sa tanang buhay ko.

I am here for almost months, how come I didn't know the use of that button?

Ang bobo ko.

No'ng pindutin ko kasi 'yung button malapit sa gilid ng kama ko, akala ko pang nurse call lang 'yon.

Code blue pala.

Mabilis na nakarating si Uncle sa kwarto ko. Kung hindi ako nagkakamali halos mangiyak-ngiyak pa siya at nagkaugaga sa pagcheck ng lagay ko.

Sobrang ingay nung alarm kahit ako nagulat.

Nagalit si Uncle saakin, not sure though. Mas nanaig ang pag-aalala, akala niya siguro kung ano nang nangyari saakin.

Pagtapos naman ng mga pangaral niya, do'n niya lang napansin yung babae sa loob ng kwarto ko at mukhang close pa sila.

Sino ba 'yun talaga?

Badtrip. Ang balak ko lang naman eh paalisin siya.

Binilin pa ako sakanya ni Uncle pag-alis na para bang uulitin ko ang ginawa kong katangahan kanina.

Bago mag alas sais nagpaalam na rin siyang uuwi na. Sa wakas.

Kaso bago tuluyang lumabas sa pinto sinabihan pa akong mag-ingat dahil baka mapindot ko nanaman yung, ewan hindi niya tinapos, tinuro niya lang 'yung button ng code blue saka tumawa.

Badtrip talaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top