Prologue

He was my partner in crime.

He was like a walking diary for me.

He knows my secret, and I know his secret as well.

He was always there, wherever I was. Nobody can ever separate us. We never get bored when we're in each other's company.

No one dares to bully me because he is my protector.

But everything changed when Chloe came into our lives. He forgets about me, as if I don't exist. He was preoccupied with Chloe while I was alone. I feel betrayed, as if Chloe took Jandrick away from me.

"Jan, baka naman puwede mo akong samahan ngayon. Kailangan ko kasi talaga pumunta doon. Saka natatakot ako kasi hindi ko naman  kabisado ang lugar." Pamimilit ko kay Jandrick. Patapos na iyong last subject namin, hinintay na lang namin na i-dismiss kami ni Mr. Romez.

"Enna, alam mo naman na hindi puwede. Sinabihan na kita na bukas na lang natin puntahan iyon. May lakad kami ni Chloe." 

"Jandrick naman eh.. Kailangan kasi ngayon, sabihan mo lang si Chloe na bukas na kayo aalis." Hindi talaga ako tumigil sa kakakulit nito. Wala naman kasi akong ibang puwede isama, siya lang kaibigan ko na maaasahan ko.

"I'm sorry, Enna. Pero hindi puwede, magagalit sa akin si Chloe. Alam mo naman mahirap yun suyuin." Napakamot ito sa kanyang ulo. Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang pagtikhim ng aming guro habang nakatingin sa amin. Napayuko na lang ako at tumingin sa aklat.

Si Chloe na naman.. dati naman ay hindi ko na kailangan siyang pilitin para samahan ako. Siya pa itong magagalit kapag hindi ko sinama. Pero ngayon palagi na lang hindi puwede. Noong nakaraang araw hindi ako nito nasamahan sa SM kasi may lakad sila ni Chloe. Tapos iyong nakaraang linggo, nakalimutan nito ang usapan namin dahil inuna si Chloe. Para tuloy akong namamalimos ng atensyon sa kanya palagi.

Gusto ko maiyak dahil laging si Chloe na lang. Nakakalimutan na niya ako lagi. Hindi nito naisip kung gaano kahalaga iyong pupuntahan ko doon. Bakit ba kasi nakilala niya iyang si Chloe?! Bakit ba kasi lagi na lang ito ang pinipili niya? Ilang buwan pa ba sila magkasama. Habang ako ay limang taong gulang pa lang kami ay magkasama na kami. Bakit ang dali niya akong pinagpalit dun, porket girlfriend niya iyon habang bestfriend lang ako.

Nang tumunog ang bell ay mabilis ko niligpit ang aking gamit. Napalingon naman ako ng may tumapik sa akin. "See you mamaya, Enna." Nakangiting sabi ni Jandrick at hindi na ako hinintay nitong sumagot dahil mabilis itong tumakbo palabas. Malalim akong napabuntong hininga at nilagay ang aking mga gamit sa bag.

Naglakad na ako palabas ng room namin. Habang naglalakad papunta sa gate ay napalingon ako sa room ni Chloe at nakita doon si Jandrick naghihintay sa paglabas. Mapait akong ngumiti habang tinitingnan sila. Iwan ko ba kung anong nagustuhan niya kay Chloe at baliw na baliw ito. 

Matamlay akong naglakad palabas sa school at pumunta sa sakayan ng jeep. Kung hindi niya ako sasamahan, kaya ko naman siguro mag-isa. Dapat masanay na akong wala siya dahil mukhang kay Chloe na lahat ang kanyang atensyon. Nakakapagod din kasi minsan ang mamalimos ng atensyon sa kanya.

Nakasimangot akong sumakay ng jeep. Nakadalawang baba ako dahil medyo malayo iyong pupuntahan ko. Nakita ko na rin na malapit na lumubog ang araw. Kaya nagmamadali akong sumakay ng tricycle. Sinabi ko sa driver ang block na pupuntahan ko.

"Taga rito ka ba, ne?" Tanong sa akin ni Manong driver.

"Hindi po, may kukunin lang akong libro sa kaklase ko. Absent kasi siya ngayon tapos kailangan ko na iyon," sagot ko dito at tiningnan ang aking cellphone na namatay na. Nalimutan ko pala ito i-charge.

"Ganoon ba, mag-iingat ka sa lugar na yun, ne. Maraming tambay doon, baka mapagtripan ka." Nakaramdam naman ako ng takot sa sinabi nito. Pero sayang naman kung uuwi ako kung kailan malapit na ako. Kailangan ko din kasi iyong libro, lalo't report ko na bukas.

"Hindi naman siguro po." Pilit akong ngumiti.

Huminto si Manong at sinabi niya sa akin na hindi na niya ako mahahatid pa doon dahil hindi na makapasok ang tricycle dahil sa sobrang liit ng daan. Sinabi niyang lakarin ko na lang daw. Kaya binigay ko na ang aking bayad saka nagpasalamat dito at nagsimula ng maglakad. Nahirapan pa ako sa daan dahil sobrang maputik ito. 

"Huwag maarte, Enna. Malapit ka na." Pampalakas loob ko sa aking sarili. Nakahinga ako ng maluwag ng makalagpas sa makipot na daan. Napakamot naman ako sa aking ulo ng makitang ang daming bahay at hindi ko alam kung saan iyong bahay ni Margaret.

Naisipan ko magtanong kaya lumapit ako sa may tindahan. Pero hindi pa ako nakalapit ay hinirang na ako ng mga binatilyo.

"Ms. Beautiful, saan punta natin?" Nakangising sabi nito at tiningnan ako. Narinig ko naman ang mga kasamahan nitong nagtawanan.

"A-Ah... sa b-bahay ni M-Margaret." Kinakabahan kung sagot. Nagsisi na tuloy ako kung bakit naging matigas ang ulo ko at pumunta pa dito. Sana hinintay ko na lang si Jandrick. Pero kailangan ko ngayon ang aklat at baka bukas ay may lakad na naman ito.

"Samahan ka na namin." Inakbayan ako nito kaya napaatras ako at inalis ang kamay nito. 

"Pre, tinatakot mo naman. Dahan-dahanin mo lang." Natatawang sabi ng kasama nito.

"Pre, naniniwala ako sa hindi mo madaan sa paki-usap ay dapat sa santong paspasan." Nakangising sabi nito at hinawakan ang braso ko saka hinila palapit sa kanya. Hinimas nito ang aking braso na nagpatindig ng balahibo ko. Gusto ko na umiyak dahil sa takot.

"Jackpot tayo dito, pre. Amoy mayaman." Inamoy ako nito kaya mas lalo akong natakot.

"B-Bitawan n-n'yo a-ako." Nauutal na sabi ko dahil sa labis na takot. Pero hindi ako nito pinakingnan kaya buong lakas ko itong tinulak at mabilis na tumakbo. Wala na akong paki kung napuputikan ako at muntik na madapa dahil sa daan nila. Ang tanging iniisip ko lang ay makatakas sa mga binatilyo na iyon.

"Oh ne! Ano nangyari sa iyo?" Hinihingal ako dahil sa labis na pagtakbo. Nakita ko si manong driver na nasakyan ko kanina. Mukhang nagulat ito sa aking hitsura. Napatingin naman ito sa aking likuran kaya lumingon ako at doon nakita ang mga binatilyo. Mukha naman natakot ito ng makita si manong kaya umatras. Gusto ko na talagang maiyak.

"Napagtripan ka nun?" Nag-alalang sabi ni Manong. "Mga kabataan talaga.."

"Pakihatid na lang po ako sa sakayan ng jeep." Mahina kung sabi at pumasok sa tricycle. Mahina akong napahikbi pero agad naman pinunasan ang aking luha. Nanginginig pa ako sa takot dahil sa nangyari kanina. Paano kung hindi ako nakatakas doon? Ano mangyayari sa akin?

Nagpasalamat ako kay Manong at sumakay na ako sa jeep. Pagbaba ko ay nag-taxi na lang ako pauwi sa bahay namin. May kaya naman pamilya namin pero gusto ko mabuhay tulad ng mga normal na estudyante. Kaya sinabihan ko si mommy na huwag na akong ihatid dahil gusto ko mag-commute. Pumayag naman sila dahil kasama ko si Jandrick at sigurado silang ligtas ako.

Habang sakay ako ng taxi ay hindi ko na mapigilan umiyak at malakas na napahikbi. Tiningnan pa ako ng driver at tinanong na okay lang ba ako. Hindi ko ito sinagot at naintindihan naman niya kaya hindi na nag-abalang magtanong ulit. 

Gabi na ng nakarating ako sa amin. Binayaran ko na si manong at hindi na hiningi ang sukli. Pagpasok ko sa bahay ay sumalubong sa akin si mommy na nag-alala habang katabi nito si Jandrick. Tiningnan ako ni Jandrick at napakunot ang noo nito sa hitsura ko. Mabuti na lang talaga pinasakay ako ng taxi na ganito. Kaya nilakihan ko ang bayad dito kanina.

"Where have you been, Enna? I keep calling on you, but you cannot be reached. Jandrick told me, nauna ka umuwi. Kaya labis ako nag-alala." Tanong sa akin ni mommy.

"I'm tired, mom. I want to take a rest. I will go to my room." Tiningnan ko si Jandrick. "See you tomorrow, Jan." Pilit akong ngumiti dito. May sasabihin pa sana ito pero nilagpasan ko lang ito at umakyat na.

Sobrang pagod ako dahil sa nangyari. Gusto ko ng magpahinga. Pumasok ako sa banyo at doon naglinis saka nahiga sa kama. May nakita akong pagkain, mukhang pinaakyat ni mommy. Pero wala akong gana. Tahimik akong umiiyak habang nakahiga sa kama. Naalala ko pa rin ang nangyari kanina. 

It made me realize that all I have is myself. Jandrick will not always be by my side. Only myself will protect me. It's just me...


****

HIMELINNE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top