Chapter 1
"C'mon Enna.. Huwag ka mabagal, late na naman tayo." Hinila ako ni Jandrick palakad habang ako ay tinatamad pa rin at inaantok. Ayaw ko sana pumasok ngayon kahit first day of school bilang Grade 11 student. Pero itong si Jandrick ang aga nambulabog sa akin.
"Sabi ko naman sayo na bukas na lang ako papasok. Alam mo naman first day, pakilala lang sa sarili. Duhh.. katamad." Maarte ko na sabi dito.
"Stop that, Enna. Ito na naman tayo sa pagiging tamad mo mag-aral. Pasalamat ka at nabigyan ka ng pagkakataon mag-aral. Hindi tulad ng iba d'yan." Sermon nito sa akin.
"Ito na naman tayo. Nagsisimula na naman si tatay mangaral." Inirapan ko ito pero natawa lang sa akin at binatukan ako. Kaya napasimangot naman ako.
Si Jandrick o mas kilala sa pangalan na Nikolai Jandrick Lagdameo, tawag sa kanya ay NJ pero ako lang tumatawag ng Jandrick para maiba naman. Magka-ibigan na kami nito simula noong bata pa ako. Para ko na itong kakambal kung saan kami magpunta ay nandoon din ito. Katapat lang kasi ang bahay nila sa bahay namin. Kaya ito lagi ang kalaro ko.
Minsan nakakasawa na ang mukha nito at kulang na lang magpalit ang mukha namin dahil palagi kaming magkasama. Kaya nasanay na ang mga tao sa amin na dapat kung nasaan ako ay nandoon ang aking buntot na si Jandrick. Naalala ko noong hindi kami magkapareho ng section sa klase. Hindi pumasok si Jandrick hanggang sa hindi nilipat sa section ko. Kaya labis ang stress ni tita nun.
Sabi nga ng iba ay magunaw na daw ang mundo kung magkakahiwalay kami. Parang magkadikit na bituka namin, laging hinahanap bawat isa hanggang sa paglaki.
"Sakay na.." Inalayan ako nito sumakay sa jeep. Oh di ba, dakilang komyuter kami kahit may kaya naman ang pamilya namin. Ako lang dapat ang gusto sa ganito dahil binigyan naman ng sasakyan si Jandrick noong birthday niya. Pero dahil kung nasaan ako ay nandoon din itong bestfriend ko.
Umupo na ako at tumabi naman si Jandrick sa akin. Hindi na ako nagulat na ilagay niya ang jacket nito sa aking hita upang matakpan at hindi ako masilipan. Parang nakasanayan na niya ito sumila noong malapit siyang makakita ng away sa nambastos sa akin. Pinagalitan pa ako dahil bakit ang ikli ng aking palda. Pero wala siyang magawa dahil malaking matigas at spoiled ako sa kanya. Kaya araw-araw may jacket itong dala para dito.
"Kuya, sa Angeles po." Sabi ni Jandrick sabay abot ng bayad. Dahil inaantok pa ako at medyo matagal pa ay sumandal muna ako dito upang maidlip lang sandali. Alam ko naman gigisingin lang ako nito, kaya hindi na ako mabahala.
Pagbaba namin sa jeep ay sumakay na kami sa tricycle papuntang school. Ako na nagbayad dahil si Jandrick kanina sa jeep. Pagbaba ko ay agad ako napatingin sa school. This is it.
Holy Angel University
Dati pangarap ko lang ito, ngayon ay nandito na ako. Gusto ko sana sa Manila mag-aral kaya lang ayaw ni mommy. Saka na daw kapag college, pinapili niya ako sa mga school dito at ito ang nagustuhan ko.
Pumasok na kami ni Jandrick, dahil same room lang naman kami dahil parehong STEM student kami ay nakabuntot lang ako dito. Sinabihan kami na pumunta muna sa orintation sa mga bagong studyante. Buong orientation ay natulog lang ako at hinayaan si Jandrick makinig sa sobrang boring na orientation. Kahit nakatulog ako may mata at kamay ako, walang iba kung hindi ang bestfriend ko.
Matapos namin ay pumunta na kami sa aming room. Dahil antukin at tamad ako ay doon ako sa hulihan umupo, kahit alam kung ayaw ni Jandrick sa hulihan dahil hindi siya gaano nakakakinig sa leksyon. Pero sumunod pa rin ito sa akin. Di ba.. bestfriend forever kami. Kung nasaan ang isa, nandoon din ang isa.
Tulad ng hula ko ay nagpakilala muna kami sa bawat isa bago nito sinabi pag-aralan namin ang ilang pahina para sa susunod na meeting. Kaya ayaw ko talaga pumasok basta first day, kung hindi getting to know each other ay may pa quiz naman para alamin ang prior knowledge mo. Hindi ba nakakabanas para sa isang tulad ko na tamad mag-aral.
Pero kahit ganito ako ay kasali naman ako sa top no. Hindi din naman ako papahuli. Nakakahiya kaya kung itong bestfriend mo laging top 1 sa klase tapos ikaw kulilat. Kaya nag-aaral din ako kahit tamad pumasok. Oh sabihin na lang walang magawa dahil sinasama ako ni Jandrick mag-aral.
"Kain muna tayo. Gutom na baby ko sa tyan." Nakasimangot kung sabi kay Jandrick.
"Baby? Baka bulate.." Saad nito kaya mahina ko itong hinampas ng notebook.
"Sige na uh... Hindi ka ba naawa sa akin?" Nag-puppy eyes ako dito. Alam ko naman hindi ako nito matiis. Kaya ngayon ay naglakad kami papunta sa cafeteria. Siya na ang pumila habang ako ito prinsesa naghihintay sa kanya.
"Ayiieee... nakakatakam.." Tuwang-tuwang sabi ko ng nilagay ni Jandrick ang pagkain sa mesa. Nagpasalamat ako dito saka nagsimula ng kumain. Kanina pa ako nagugutom talaga.
"Uyy.. dahan-dahan naman..walang aagaw sa'yo n'yan." Nakangiting sabi nito sa akin pero hindi ako nakinig.
Napahinto lang ako sa pagkain ng makitang hindi nito ginagalaw ang kanyang pagkain. Kaya napataas ang kilay ko at tiningnan ito.
"Oh.. bakit hindi mo ginagalaw pagkain mo?" Tanong ko nito pero ngumiti lang ito.
"Gusto mo?" Itinulak niya palapit sa akin ang pagkain. Pero mabilis ko ito binalik at umiling.
"Kumain ka, kaya ang payat mo." Inirapan ko ito.
"Bulag ka ba? Ako payat? Marami nga babae nababaliw makita katawan ko." Natatawang sabi nito. Pero inirapan ko lang ito. Alam ko naman hindi ito payatot tulad noon. Marami kaya nagka-crush sa kanya noong highschool. Lalo't magaling pa itong mag-basketball. Kaya minsan nakaka-inis tilian ng mga babae.
Pero ayaw ko naman sabihin sa kanya maganda katawan niya no. Lalo't mahilig ito sa mga sport, hindi lang basketball. Ayaw ko kasi lumaki ang ulo nito. Ang yabang kasi minsan nakaka-irita na. Ang sarap batukan.
"Whatever.." Sabi ko dito at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Pagkatapos namin kumain ay nagtungo kami sa library. Sabihin na natin siya lang may gusto pero sinama ako. May ilang oras pa kasi kami bago magsimula ang susunod na klase namin. Kaya itong genius kung kaibigan ay pupunta na naman sa kanyang lungga. Naiwan ako sa may mesa naka-upo habang bored na bored. Si Jandrick naman ay naghahanap ng libro.
Pagbalik nito ay may tatlong makapal na libro itong dala. Mabuti na lang talaga at hindi ito nerd tingnan. Maayos naman kasi ito manamit at walang suot na eyeglasses. Kaya kahit minsan ay weirdo ito at laging gustong mag-aral lang ay dami pa rin fans na nahuhumaling sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ilang oras lang naman kami sa library pero pakiramdam ko ay buong araw na ako nakakulong doon. Kaya ito ako ngayon inaantok papunta sa susunod na klase. Habang naglalakad kami ay hindi maiwasan mapatingin ang mga kababaihan kay Jandrick at parang kinikilig. Pero sa tuwing napapatingin sa akin ay napapataas ang kilay nito at parang may kasalanan ako sa kanila kung makatingin.
"Alam mo minsan, sarap din takpan iyang mukha mo. Nakakainis iyang mga malalandi kung makatingin sa akin. Lagyan ko kaya sa likuran ko na bestfriend lang to haler.." Sarkatisko kung sabi dito sabay irap. Narinig ko naman ang mahina nitong tawag.
"Sienna Rose Benitez, hindi ka ba nasanay d'yan? Ikaw ba naman may kaibigan gwapo." Nakangising sabi nito sabay hawak sa mukha nito.
"Shut up! Nakakainis ka na... saka huwag mo ako tawagin sa buo kung pangalan. Para kang lola ko." Mataray na sabi ko dito sabay irap pero tinawanan lang ako ng mukong. Alam na alam talaga nito kung paano ako inisin. Kuhang-kuha talaga nito ang inis ko.
Nang makarating kami sa room ay umupo ito sa unahan kaya napataas ang kilay ko dito. Ayaw ko sa unahan, hindi ako makakatulog. Madali mapansin ng teacher namin ang mga kagaguhan ko kapag nasa unahan ako.
"Nasa hulihan na tayo kanina, Enna. Dito na naman tayo. Maawa ka naman sa akin." Seryosong sabi nito kaya napasimangot ako at na-upo sa tabi nito. Nagsidatingan na din iyong ibang kaklase namin kaya medyo maingay nasa room.
Tumahimik lang sila ng dumating ang guro namin. Hindi man lang pinaglagpas ang unang araw ng klase at nagturo ito agad. Pagkatapos ay nagbigay ito ng quiz. Kaya paglabas ko ay panay ang reklamo ko kay Jandrick. Hindi naman ito nagsalita at nakikinig lang sa mga rant ko sa unang araw ng pasukan. Kayo pa naman magsama ng ilang taon, kulang na lang tumira sa iisang bubong. Alam na talaga nito ang ugali ko kapag naiinis ako. Alam nito kung gaano ako katamad mag-aral.
"Siomai tayo.." Yaya nito sa akin kaya tumango lang ako at pumunta ito sa nagtitinda ng siomai.
"Dalawang bente, ate. Huwag masyadong maanghang iyong isa, ate." Sabi nito sa nagtitinda. Napangiti naman ako dahil alam talaga nito na ayaw ko sa maaanghang.
Ilang minuto lang kami doon at matapos namin kumain ay binayaran nito ang kinain namin at bumili na rin ito ng gulaman. Naghintay na kami sa sakayan ng jeep at lahat ay puno dahil uwian na. Kaya natagalan kami sa pagsakay sa jeep. Medyo natagalan din kami dahil sa traffic.
"See you tomorrow, Enna. Maaga ka gumising baka ma-late tayo. Huwag mo naman ako paghintayin ulit." Sabi nito sa akin ng nasa may tapat na kami ng gate namin.
"Oo na... Yes, boss.." Binuksan ko na ang gate saka pumasok. "See you, Jandrick.." Nakangiting sabi ko sabay talikod para pumasok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top