First Mystery


Someone's POV

Takbo...takbo lang...Tumakas ka...

Nagulat ako at muntikan na akong mahimatay sa takot ng mag-play ang kantang "close to you"...

"....why do birds suddenly appear..."

Hindi ko na pinatay ang cellphone ko...kailangan ko munang makatakas...Kailangan.

Napatakbo ako sa isang lumang sementeryo...

Napatingin ako sa paligid...unfamiliar ang surroundings.Patuloy ako sa pagtakbo.Tumingala ako sa medyo madilim na kalangitan at mayroong mga uwak na nagsipagliparan.

"...everytime you are near..."

ano yun?

May  narinig akong mga yabag.Tumingin ako sa likuran ko pero wala namang tao.Ang creepy sa feeling kasi parang may nakatingin sa akin.

"...why do stars fall down from the sky..."

*boogshh*

May kumalabog sa isang parte ng gibang bahay.Kinilabutan ako sapagkat sigurado akong nakakita ako ng anino sa parteng yun.Nakakita ako ng patpat na pinulot ko sa daan.Para kung sakaling may mangyaring masama ay may ipanglalaban ako

"...everytime you walk by..."

Marami na ang namatay,alam kong ako na ang susunod.Pero papatayin nya muna ako bago nya ako maunahan.Hindi nya ako mase-seduce alam ko yun.

Inihanda ko ang patpat ko.Naramdaman kong may paparating.Bigla na lang akong nahilo.Parang umiikot ang paligid.Parang robot na di-makontrol.Naglakad ako papunta sa direksyon ng anino.Pinilit kong labanan ang nangyayari sa katawan ko pero ang tanging resulta nito ay ang ang aking pagkakatumba.Mula sa malayo ay natanaw ko ang pulang sapatos.Halos hindi ko na maiangat ang ulo ko,nandidilim na ang paningin ko.

Kinuha nito ang cellphone ko mula sa aking bulsa at pinatay ang kanta.

Iniangat nito ang mukha ko.Ipinikit ko na lang ang aking mga mata.Ito na ang aking katapusan.Paalam!

Narinig ko pa ang mga salitang binanggit nito...

"Just like me they long to be close to you"

Pinilit kong igalaw ang mga kamay ko...

Yan ang huling salita na narinig ko at dumilim na ng tuluyan ang paligid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top