Chapter 4

THEO'S POV

Pagkarating ko sa garage ng bahay ay agad akong bumaba, pero kinuha ko muna ang jacket ko saka isinabit sa aking balikat. Hindi ko na kinuha ang sling bag ko sa sasakyan dahil papasok ulit kami mamayang hapon.

“Mom, I'm home,” anunsyo ko.

Saktong lumabas siya. Gulat pa ako nang makita siyang nakabihis.

Nakasuot ng malinis at eleganteng fitted high-neck sweater sa beige, nakaparis ng tailored high-waisted trousers, and she also layered it gamit ang mahabang wool coat in a camel color.

She looks elegant, habang hawak ang expensive Gucci bag sa kanang kamay.

“And where are you going?” natatawang aniko, sinusuri sya. “Damn, woman.”

Natawa siya, saka bumeso. “Pupunta muna ako sa lolo't lola mo. They called, baby. Miss na daw nila ako.”

Tumango ako. “Hindi ako pwedeng sumama?”

Umiling siya. “Nope. Sa sabado ka na daw. Anyway, since you'll be alone, naghanda na ako ng food mo. Nakalapag sa mesa.”

Natuwa ako sa narinig. Pinaka-the best talaga si mom sa lahat. “Thanks, mom.”

“You're welcome, baby. Gotta go!” Madali siyang sumakay sa family car saka kumaway sa akin at pinaharurot 'yon.

Pinagpag ko ang sapatos ko saka iniwan sa labas ng bahay bago pumasok. Dahil hindi rin naman ako nagugutom, pumasok ako sa kwarto ko sa ikalawang palapag saka naligo at nagbihis ng pambahay.

Mamayang hapon pa ang klase nang ala una, 10AM palang ngayon. Marami pang oras ang pwedeng pudpurin.

Nag-aral nalang muna ako. Pinag-aralan ko ang Bernoulli's Equation para sa upcoming quiz. Dahil tamad na tamad ako sa CAD subject ko, hindi ko ginalaw iyon.

Nag-text ako kay Dianne kalaunan.

Ako:

You okay there? Sorry kanina. Hindi lang maganda mood ko. Love you.

Ilang minuto akong nag-hintay pero hindi siya nag-reply. Ngunit nang tatawagan ko na siya, doon lang siya nagreply sa text ko.

Mahal:

I'm okay. Mag-review kana. Nagrereview na ako dito :)  Love u too! 💕

Napangiti ako doon.

Kinilig ang loko. Hehehe.

Dahil sa nabasa ko ay ginanahan ako mag-review. Mga isang oras akong nakatutok nang biglang manigas ang pantog ko. Naramdaman kong parang natatae ako kaya dali-dali akong dumiretso sa bathroom.

Pero saktong pagcheck ko ng bidet, walang tubig! Chineck ko rin ang gripo, pero wala rin.

“Tang—” Dali-dali akong tumakbo patungo sa kwarto nila mama at nang buksan ko ‘yon, nakahinga ako nang maluwag dahil mabuti nalang ay hindi naka-lock.

Walang atubiling dumiretso ako sa bathroom nila at chineck ang bidet. May tubig! Jesus.

Nakahinga ako nang maluwag nang umupo na ako sa trono saka nagpalabas.

Nagmumuni-muni ako doon nang mga dalawampong minuto. Nang matapos ako at nag-flash, lumabas na rin ako agad.

Ayuko kase talaga pumunta dito sa kwarto nila lalo't pag wala dito si Mom dahil bangungot ang kwartong ito.

Ngunit bago pa ako makalabas, napansin ko ang basket na nasa gilid nila na may maruruming damit.

Hindi ko alam kung bakit pumunta ako doon nang makita ko ang underwear ni Dad na hindi pa nalalabhan.

Walang underwear si Mom doon, malamang nalabhan na.

Kabado akong dahan-dahang dinampot iyon. At hindi ko alam kung anong demonyo ang pumasok sa akin at nag-udyok na itabi iyon sa aking ilong at dahan-dahang... amuyin.

Nang maamoy ko ang natural na samyo ng maruming boxer, parang humithit ako ng cocaine dahil nag-short circuit pansamantala ang utak ko. Lumilipad.

Hindi ko namalayan ang sarili kong inulit ulit ang pag-amoy do'n. Nanigas na rin ang burat ko at gusto nang bigyan pansin.

Ngunit nang manumbalik sa utak ko ang ginagawa ko... parang nakahawak ako ng apoy nang bitawan ko ang boxer na iyon.

Nanlalaki ang mga matang tumakbo ako palabas sa kwarto ng magulang ko saka isara, dumiretso sa kwarto ko saka isara din..

Napasandal ako sa pader, sinampal sampal ang sarili.

Ano'ng ginagawa mo, Theo?!

Parang robot na umupo ako ulit sa study table saka nag-review. Ngunit sa kasamaang palad, hindi ako makapag-focus.

Kingina! Bwesit! Bwesit! Umalis ka sa utak ko!

Hindi mawala ang amoy ng underwear ng tatay ko sa utak ko.

Gusto ko nang umiyak dahil hindi ako makapag-focus. Konti pa lang ang impormasyon na pumapasok sa utak ko sa nirereview ko, wala pa lahat sa 40%. Kainis!

Nang makita kong 12:45PM na sa wall clock, dali-dali akong nagbihis at kumain. Hindi na ako naligo dahil wala nang time. Badtrip talaga!

Mabuti nalang at naka-ready na ang tanghalian.

Nagpaharurot ang sasakyan ko patungo sa campus. Saka patakbong pumasok sa classroom.

“Mr. Razon, you're late..." bungad ni Misis Asuncion, prof namin sa Fluid Dynamics. Nakataas ang kilay at nakahawak ng pamaypay habang nakaupo sa table nya.

Nakangiting pilit, pumasok ako at umupo sa silya ko. “Sorry po, Miss. Hindi na po mauulit.”

Tumaray siya, “Tch. Buti nalang at wala pa ako nagpa-start ng quiz. Kung nagkataon, hindi ka na makakapag-take. Number One! State Bernoulli’s equation for an incompressible, non-viscous fluid along a streamline.”

Dali-dali akong kumuha ng one-fourth paper at ballpen.

“Hey...” untag ni Dianne na ngayon ko lang napansin.

Nakangiwi akong tumingin sa kanya. Mukha siyang bruha sa itsura nya, parang stressed na stressed.

Pinalakihan ko siya ng mata. “What happened to you?!”

Pinalakihan niya rin ako ng mata. “What happened to you too?!"

Naguguluhan akong sumagot. “Bakit? Mukha kang haggard.”

“Mas mukha kang haggard!”

“Silence!” sigaw ni Miss Asuncion kaya pareho kaming napatahimik. “Kayong dalawa, gusto niyo bang paghiwalayin ko kayo ng upuan?”

“Hindi po,” sabay naming sagot ng girlfriend ko.

Umirap si Miss Asuncion. “Isang late, at isang muntik ma-late. You're lovers, right? Bagay kayo. Parehong walang consideration sa time ng professor nyo!  Number Two! Compare and contrast laminar and turbulent flow and what factors influence the transition between these two flow regimes?”

Potek! Ito yung mga nireview ko kanina na hindi pumasok sa utak ko. Ano na nga ulit 'yon?

“Number Three! Write down the Darcy-Weisbach equation and define each term!” talak ni Miss.

Pawis na pawis akong nagsusulat ng sagot, karamihan doon ay hindi ko sure kung tama.

“Number Four! Define the Reynolds number and provide its mathematical expression. How does the Reynolds number help predict whether a flow will be laminar or turbulent?” Mahabang litanya ng prof na mas lalong nagpakaba sa akin.

“Number five! Explain the energy equation for fluid flow. How is it related to, or different from, Bernoulli’s equation?” dagdag niya.

Nakahinga ako ng maluwag dahil alam ko 'yon.

Nang ipasa na namin ang papers namin, pinagpalit palit ni Miss ang mga iyon by row tapos ibinalik sa amin para checkan. Kay Samuel ang chineckan ko at nainggit ako dahil puro tama lahat.

Nang tawagin na ni Miss ang mga pangalan para banggitin ang sagot, kumabog muli ang dibdib ko.

Bagsak ba ako? Gagi, sana wag. First time ko 'to pag nagkataon.

“Quiñonez, Train?”

“Four over five po!” sigaw ng blockmate namin.

“Jacinto, Samuel?”

“Five over five po,” ako ang sumagot.

Ngumirit si prof sa narinig. “Yan! Ganyan ang dapat tularan. Wu, Dianne Channellaine?”

Napatingin ako kay Dianne. Confident ako na pasado siya dahil kahit mas matalino ako sa kanya pero hindi nalalayo ang IQ namin dalawa.

“Two over five po,” sagot ng blockmate namin.

Nagkatitigan kami ni Dianne. Pilit na ngiti ang isinagot niya.

“What—” Magtatanong sana ko paanong nangyare na bagsak siya. Pero tinawag ang pangalan ko kaya napatigil ako.

“Razon, Theodore Alonso.”

Sumasabog ang dibdib ko sa kaba. Bagsak ba ako? Three over five? Two over five? Imposibleng one lang dahil may nasagutan akong alam kong tama sa limang tanong na iyon eh. Kaya naman dapat hindi one over—

“Zero po.”

Parang tumigil ang puso ko.

Nagpantig sa tenga ko ang boses ni Train dahil siya ang sumagot ng papel ko.

Hindi ako nakagalaw. Maging si Dianne na nakatingin sa akin ay hindi rin makapaniwala.

TRAIN'S POV

Nang i-check ko ang paper ni Theo, napangiti ako because I know he will ace this quiz again. Pero halos lumuwa ang mga mata ko tuwing minamalian ko ang mga sagot niya.

Halos tama lahat, pero nag-rambol rambol ang mga info at iba iba, walang swak. Iyong explanation niya, parang tama pero may info na hindi kabilang.

Gusto kong gawan ng paraan para maging tama, pero katabi ko si Samuel.

Anak 'to ng Santo dahil isusumbong ako nito kapag napansin niyang binabago ko ang sagot.

O kaya naman kapag pinasa ko ang papel na may check tapos mali ang laman, baka pati ako i-zero ni Miss Asuncion.

Wala akong magawa.

“What the hell?! Nagkulang ba ako sa pagturo sa inyo?! Akala ko lowest na ang one! I can't believe may mas ibababa pa! You disappoint me, class! Lahat kayo, gumawa ng essay about significance of Reynolds Number in fluid dynamics!” galit na sunod-sunod na alburuto ni Miss Asuncion.

Hindi ako makaimik kase bestfriend ko ang isa sa dahilan ng galit niya.

Nagpatuloy siya. “And no exceptions! Ganito na mula ngayon ang setup natin, maliwanag?! Isa lang ang bagsak sa inyo, lahat kayo may parusa!”

“Pero, miss—” si Samuel na gustong sumagot. Pero tinignan siya ng masama ni Miss Asuncion.

“No exceptions! Wala ka bang common sense?!” barat ng prof.

Walang nagawa si Samuel.

“Class dismiss!” Lumabas siya na walang follow-up topics. Hindi nagturo sa araw na ito. Galit.

Bumuntong hininga ako saka tumingin sa mag-jowa. Hindi ko alam kung ano'ng dahulan at pareho silang bagsak.

Nagkantutan lang ba sila buong umaga at hindi nagreview kaya bagsak sila?

Imposible. Kahapon pa in-announce ni Miss na may quiz ngayon, dapat kagabi ay nakapag-review sila. Ano'ng nangyare?

Naglakad ako patungo sa kanilang dalawa at nagtatakang sinuri. “Anyare?”

Lantang gulay silang naupo at nagpipigil ng inis.

“Tara, cafeteria,” anyaya ko sa kanila. Mukha kasi silang walang kinain eh.

Wala silang nagawa kundi ang sumunod. Umorder kami doon saka naupo sa table tatlo. Agad ko silang kinomprunta pagkaupo.

“So? Ano'ng nangyare nga?”

Pareho silang tulala. Natural, first time nilang dalawa mabagsak sa quiz. Sabay pa! Ang galing. Relationship goals talaga.

“Wala,” si Theo.

Pinalakihan ko siya ng mata. “Wag ako. Ano nga?”

Umiwas siya ng tingin, ayaw sumagot kaya napatingin ako kay Dianne. Pero umiwas rin ng tingin.

Yawa! Ano 'to, sharades?

“Ganyan kayo. Naglilihim na sakin ah!” inis na saad ko.

Badtrip kase. Close kaming tatlo dahil first year palang barkada na kami.

Bago sila naging mag-jowa, magkaklase na kami ni Dianne mula highschool. Hindi pa kami close noon eh. Pero kilala na namin ang isa't isa.

Si Theo naman ay dati kong kapitbahay kaya no'ng nagkasama sama kami sa kolehiyo, agad kaming naging mag-tropa.

Pero ngayon, ganito? Tsk. Parang walang pinagsamahan.

“Ano? Wala pa rin?!” inis na singhal ko. Ngunit hindi sila sumagot.

Bumuntong hininga ako. “Fine. Baka gusto nyong sarilinin. Sige, ganito, let's eat. Tapos mamayang klase natin, mag-focus tayong tatlo sa klase. Walang kibuan. Pero mamayang gabi, mag-sleep over tayong tatlo!”

Nangunot ang noo ni Theo. Si Dianne naman ay napanguso.

“Uso pa ba 'yan?” ani Theo. “We're college.”

Ngumisi ako. “Let's call it group study. Angal? Oh ngayon, saan tayo matutulog? Sa bahay namin, or bahay nyong dalawa?”

“Bahay mo nalang,” si Dianne ang unang nag-suggest.

Ngumuso ako. “Bakit? Sure kayo? Nandoon si Papa.”

Sumiring si Theo. “Mas maganda na doon para makakain kami ni Dianne ng masarap na cupcakes.”

Lumiwanag ang mukha ko. Hehe. Mahilig kase magluto si Mama ng mga cupcakes kaya talagang palagi silang nakakatikim no'n. Proud ako sa cupcakes ni Mama, sobrang sarap.

“Sige!” masayang bulaslas ko.

Hindi na ako makapag-hintay.

Gumawa kami muna ng pinapagawang essay ni Miss Asuncion dahil mahaba ang nasayang na oras since hindi siya nagturo.

Dumating na rin ang susunod na prof kaya nag-focus kami sa pakikinig.

Pero pansin ko sa gilid ko si Samuel na buong oras na salubong ang kilay at pasulyap sulyap sa dalawa. Nainis yata.

Kinagabihan ay sinabihan ko si Mama na darating ang dalawa kaya agad siyang nagluto ng specialty niya, excited na excited dahil close na close silang tatlo. Parang teenager nga si mama dahil kayang sumabay sa amin eh.

Saktong dumating ang dalawa mga alas sais ng gabi kaya agad kaming dumiretso sa kwarto ko para mag-study together.

Ilang oras makalipas nang kumatok si mama. “Mag-dinner muna kayo, kids!”

“Arat!” Agad akong tumayo saka dumiretso sa sala. Sumunod ang dalawa.

Ngunit halos manigas ako sa kinatatayuan ko dahil nakaupo roon si Papa. Fuck.

“P-Pa...” saad ko, kinakabahan.

Tumingin siya sa akin nang seryoso, saka sinuri ang dalawa sa likod ko.

Straight body si Papa umupo, palibhasa Lieutenant General kaya sobrang istrikto sa lahat ng galaw at posisyon.

Agad akong tumayo ng tuwid. Maging sina Theo at Dianne ay sumunod sa akin. Kilala nila si Papa.

“G-Good morning po, Tito...” si Dianne.

“Good evening po, Tito...” si Theo, pinandiinan ang salitang hindi na-angkop ni Dianne.

Gusto kong tawanan si Dianne dahil sa sobrang kaba ay namali pa ng pagbati, pero hindi ako makatawa. Lalo pag ganito.

Tumango si Papa. “Sit.”

Sabay-sabay kaming tatlong umupo, sumunod rin si Mama. 

Tahimik kaming kumakaing apat at tanging kobyertos lang ang maririnig na ingay.

Pinagsilbihan kami ng mga kasambahay at sila ang nagdala ng mga pagkain at inumin na niluluto ng chef sa kusina.

May chef kami, pero madalas umuwi iyon dahil gusto ng ina ko na siya ang palaging nagluluto sa amin. Pero minsan gusto rin ni Mama magpahinga.

Ngunit kapag cupcakes, siya talaga ang gagawa.

Nabasag ang katahimikan ng magsalita si Papa. “Miss Dianne, kumusta ang Papa mo?”

Muntik mabilaukan si Dianne.

Binigyan agad siya ng tubig ng kasambahay namin.

“Dear, dahan-dahan sa pagkain...” si Mama na nag-aalala.

Napatingin ako sa kanya. Tinitignan siya ng makahulugang tingin. Sa talino ko ay imposibleng hindi ko mapansin ang dahilan kung bakit siya nabilaukan.

Bukod sa takot siya kay Papa, paniguradong may problema sa bahay nila.

“A-Ah... Tito. Promoted po siya sa kompanya. Executive Director na po siya,” pilit ang ngiti niyang sagot.

Ngumiti si Papa na ikinakaba ko. Hindi ‘yan ngumingiti nang basta basta, maliban kung interesado siya sa naririnig niya.

“Hmm... how about your Dad, Theodore?” tanong ni Papa ulit. Bumaling siya sa kaibigan kong lalaki.

Sa pagkakataong ito, siya naman ang muntik mabilaukan.

Yawa! Ano bang meron sa mga magulang ng dalawang 'to?

Kinuha niya agad ang tubig sa tabi niya saka ininom. Sumagot agad siya pagkatapos. “Tito, he's fine po. According to his assistant, pwede na po siyang magpa-promote as Engineering Director, pero ayaw pa daw niya po.”

Bilib na bilib ako kay Theo kapag ganitong sitwasyon. He can handle tense situations in a calm manner. Kaya nyang sumabay sa mga tulad ni Papa. Hindi nauutal.

“Alam mo ba ang dahilan?” tanong ni Papa, umupo pa nang tuwid. Hindi na niya ginalaw ang pagkain.

Kaya ayaw ko talaga na nandito si Papa pag nandito ang friends ko. Mahilig siyang umusyoso.

“Narinig ko lang po sa Mom ko. Ang sabe po ni Dad kay Mom, hindi pa daw po siya handa sa posisyon. At ine-enjoy pa daw po niya ang posisyon niya ngayon,” mahabang paliwanag ng kaibigan ko.

Tumango si Papa. “Good choice. Hindi nakapagtataka. You're lucky you have a father like him.”

“Not likely.”

Namilog ang mga mata ko. Fuck. Ayuko na ang tinutungo ng usapang ito.

“Why is that?” si Papa, umusisa pa lalo.

“Pa," singit ko, gustong pigilan si Papa. Pumigil rin si Mama sa kanya, hinawakan siya sa braso.

Agad tumingin sa akin ang ama ko at nang makita ang reaksyon ko, inayos niya ang pagkaupo. Saka siya tumayo.

“Nice talking to you, young geniuses. Matutulog na ako. Good evening.”

Umakyat na siya nang hindi kami nililingon lahat.

Doon lang ako nakahinga nang maluwag.

Bumalik kami sa pagrereview matapos kumain. Inabot kaming tatlo ng ala una nang madaling araw.

Humikab ako. “Sorry, guys. You can't fuck each other because I'm here.”

Binato ako ni Dianne ng unan. “Gaga. Nawala lahat ng libog ko sa katawan dahil sa papa mo.”

Tumawa ako, saka umurong at tumungo sa likod nilang dalawa, pareho silang inakbayan. Nakaupo pa rin sila sa silya. “What if doon ako matulog sa sala para magawa nyo ang loving-loving?”

Pinitik ako sa noo ni Theo. “Gusto mo lang kaming busohan.”

Napahiyaw ako habang hawak ang noo ko. “Sakit ah! Pero no! Hindi ako mambubuso!”

Sumiring si Dianne saka natawa. “You know, Train. You can always join us.”

“Ha. Ha.” sarkastikong tawa ko. “Pass. Hindi pa ako ready ma-devirginize.”

“Tanga,” untag ni Theo. Humiga na siya sa kama, sumunod si Dianne na humihikab. At sabay silang nag-akapan na ikinalabi ko.

Takte, nang-iinggit pa.

Iiling-iling akong lumabas para uminom ng tubig. Babalik din ako sa kwarto ko dahil kwarto ko 'yon. Malaki naman ang kama ko eh, kasya kaming tatlo. Walang malisya, walang kademunyohan.

Saktong pagbaba ko, naroon si Papa na umiinom ng tubig mula sa hawak na babasaging baso. As usual, straight body.

Nakasuot siya ng sweatpants. Madalas ay naka-boxer siya, ngunit kapag ganitong may bisita ay hindi niya ginagawa.

Nakita niya ako. “Don't forget your mission,” iyon ang binungad niya sa akin.

Tumango lang ako. “Yes, Pa. They trust me now. Pero mas lalaliman ko pa ang koneksyon ko sa kanilang dalawa para mas lalo nila akong pagkatiwalaan.”

Tumango siya bago ibinigay sa akin ang ginamit niyang baso. “Keep doing your best,” aniya saka tinapik ako sa pisngi bago umakyat.

Bumuntong hininga ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top