Walang Pinagbago
26
"Toryang." Tawag ni Athan ulit sa akin. Nanatili akong nakayuko at hindi siya tinitingnan. Heck, how could I look at him? Paano ko siya titingnan gayong alam kong hindi ako papayag sa gusto niya. Masasaktan ko lang siya sa sagot kong hindi na magbabago.
It will always be Stanley. Kahit na anong mangyari, walang magbabago. Nothing will change, masaktan man ako ng paulit ulit, pareho pa rin ang magiging sagot ko.
Ofcourse, I want to give Athan a chance. Gusto kong subukan dahil pagod na rin naman akong masaktan. But I just can't bring myself into loving someone else. Hindi ko kayang diktahan ang puso ko. Kung kaya ko lang, di sana'y matagal na akong sumuko kay Stanley.
"A.."
Lumamlam ang mata niya pagkarinig pa lang sa tono ng aking boses. Lumuwag ang hawak niya sa kamay ko hanggang sa tuluyan na niya iyong binitawan. Kinagat niya ang labi niya habang nakatingin lamang sa akin.
"Tangina. Ang unfair." Bulong niya. Hindi ako nagsalita at hinayaan lamang siya. Umiling siya at tiningnan ako ng diretsyo sa mata.
"Nathaniel." Madiin ang boses ko ng sinabi iyon. I held his stare. "Mahal kita, alam mo yan. You were there for me at malaki ang pasasalamat ko doon. But I just can't. I love Stanley. So badly it hurts."
Hindi pa man ako tapos magsalita ay umiiling na siya. May hinanakit ang mga mata niyo noong sinulyapan niya ako.
"Nagbabago ang nararamdaman Victoria. Trust me. I saw it with my two eyes. Sinasabi mo lang yan because you never gave anyone the chance to love you. Least of all, to see your worth."
"Stop it."
"Whatever you damn say, hindi magbabago ang desisyon ko. I'll fight for you now. I'll make you fall." Pinal nitong sabi bago siya tumayo at iniwan ako sa restaurant. Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa makasakay na siya ng kanyang kotse.
Nang mawala siya sa paningin ko ay napasandal ako sa aking upuan. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko. Basta ang alam ko lang, magiging unfair ako kay Athan kung tatanggapin ko ang nararamdaman niya gayong mas maliwanag pa sa sikat ng araw na si Stanley pa rin naman ang gusto ko. Ayaw ko lang naman siyang maging rebound ko. Iyong panakip butas lang para makalimot. Mahal ko si Athan at hindi ko gagawin sa kanya iyon.
I gathered my purse at tatayo na sana noong may umupo sa upuang nabakante pagkaalis ni Athan. Nagtaas ako ng tingin at ganon na lang ang gulat ko ng makita ko si Leria na nakatunghay sa akin.
"Anong--"
"I was at the back." turo niya sa lamesa na nasa harapan namin. "Hindi ko napigilang makinig sa usapan ninyo." Paghingi niya ng tawad. Tumaas ang isang kilay ko bago umayos ng upo.
"Seriously?" naiinis kong tanong. Anong karapatan niyang makinig sa amin ni Athan?
Hindi ito sumagot. Tiningnan lang niya ako na para bang may hinahanap na kung ano sa aking mukha. Ilang segundo lang ay naasiwa na ako sa titig niya.
"He really loves you, alam mo ba iyon?" Sabi niya sa akin. Pinaglaruan niya ang kulot sa dulo ng buhok niya bago huminga ng malalim.
"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at umiling.
"He loves you Tori. Hanggang sa puntong hindi na niya makita ang iba pang pwedeng magmahal sa kanya. God knows I tried, I really tried. Pero ang tigas mo. Hindi kita maalis sa sistema niya. To think na kinidnap ko pa siya para lang piliting makalimutan ka. But guess what, it was all useless. Sa huli, sayo pa rin siya babalik." Mapait ang tono niyang sabi. Ilang beses akong napakurap sa narinig.
"Kinidnap mo siya?"
"Yup. Just for several months lang naman."
"What the hell!" bulalas ko. Gulat dahil sa nagawa niya. Paanong? Nakanganga lang ako habang tinitingnan si Leria. Sinusuklay lang niya ang buhok niya gamit ang daliri niya. Bumilog ang bibig ko habang nakatingin lamang sa babaeng nasa harap ko. Walang nagsasalita sa aming dalawa.
"You're still inlove with him." Sabi ko. Natigil siya sa pagsusuklay at tiningnan ako. Nanlaki ang mata niya at iilang beses siyang napalunok.
"Nandito ka because you're stalking him. You're telling me these things to make me back-off. Palagi ka sa mga gigs nila kasi gusto mong magkalapit kayo. You're still into him--"
"No." simpleng sagot niya sa mga akusasyon ko. Kaagad niyang kinuha ang bag niya at walang paalam na umalis. Sinundan ko siya ngunit nagmamadali siyang nakapasok sa isang taxi. Ng makalabas na ako sa café ay nakaalis na ang kanyang taxi.
If Leria is still inlove with Athan, then Stanley is in a loveless relationship. Tama ba ako ng naiisip?
----------------------------------
"Akala ko you will not come." Sita ni Avvi sa akin pagkarating ko sa parke kung saan gaganapin ang opening ng streetdance. Ngumuso pa siya habang tinitingnan ang suot ko.
"Ang pangit naman ng outfit mo. You should have worn skirts or kaya shorts." Dagdag niya. Tiningnan ko ang pants ko at ang oversize shirt na suot ko bago ko nginitian ang kaibigan ko.
"You know I am not comfortable with that." Sabi ko na lang sa kanya bago siya tinalikuran. Alam ko naman kasing hindi ito titigil sa pangungulit sa aking suot hanggang hindi ko siya iniiwanan.
"Kamahalan!" sigaw ni Ethan sa pangalan ko. Umalis siya sa lupong ng mga fans nila at pinuntahan ako. Sinalubong niya ako ng yakap bago siya tumingin sa likuran ko.
"Where's my wife?" natatawa niyang tanong. Tiningnan ko rin ang likuran ko bago siya binalingan ulit.
"Sino?"
"My wife. Your conyo friend. Kasama mo ba?" excited nitong sabi. Tumingkayad ako bago siya sinapok.
"Hands off ka kay Avvi E. Playboy ka. You'll just hurt her." saway ko dito. Ngumuso lamang siya at inakbayan ako. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya ngunit hinatak niya ako papasok sa tent ng AEGIS.
"I won't. Sige na naman. Ilakad mo na ako."
"No--" naputol ang sasabihin ko ng may bulaklak na muntik ng tumabon sa aking mukha. Nilingon ko kung sino ang nagbibigay noon ng makita ko si Athan sa kabilang dulo ng bouquet. Napatahimik ang buong AEGIS ng makita kaming dalawa ni Athan.
"Para saan yan A?" nagtatakang tanong ni Greg. Palapit na silang dalawa ni I sa amin. Nakagat ko ang labi ko at alanganing tinanggap ang mga sunflower na ibinibigay ni Athan sa akin.
"Nililigawan ko siya." walang gatol nitong sabi. Napasinghap si Ethan sa narinig mula sa kambal. Sabay sabay pa ang pagtingin ng tatlong itlog sa akin na para bang hindi makapaniwala sa narinig.
"You should have told us!" inis na sabi ni Ethan. Napamulagat ako dahil noon ko lang nakitang nainis si E sa kanyang kakambal. Napatingin ako kay I at G na galit ring nakatingin kay Athan.
"A-ano ba." Natataranta ko ng sabi. Ibinaba ko ang sunflower sa isang lamesa at hinila si Ethan palayo kay Athan.
"Dapat nagpasabi ka. Hindi iyong nagdedesisyon ka ng basta basta. For god's sake Nathaniel, its Victoria we're talking about here!" si Iñigo naman ang sumigaw. Pumagitna na ako sa kanilang apat.
"Bakit ako magpapaalam? Hindi naman ninyo siya pag-aari."matapang na sabi ni Athan. Napapikit na lang ako noong lalong tumalim ang tensyon sa kanilang apat. Nilingon ko si Stanley na umiinom lang ng tubig sa isang gilid. Matatalim ang tingin na ibinibigay niya sa akin kaya ibinaling ko ang pansin ko sa iba. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko siyang naglakad at kinuha ang mga bulaklak na ibinigay ni Athan. Tinawag niya ang PA niya at ibinigay iyon dito.
"Throw it. Allergic ako sa pollen." Marahas na utos nito. Napasinghap ako sa ginawa nito habang siya ay walang pakialam habang pinaglalaruan ang hikaw niya.
"Gago ka!" sigaw ni Athan at akmang lalapit kay Stanley ngunit hinarang siya ni Ethan. Tiningnan lamang siya ni Tan Tan bago nagkibit balikat.
"Hindi naman sayo ha?! Kung makautos ka parang iyo--"
"Sa akin Athan." Maikli nitong sagot. Bawat salita ay may diin at talagang ipinagdidikdikan.Gumawi ang tingin niya sa akin bago niya binalik ang tingin kay A.
"Ikaw. Wag kang umasta na para kang kung sino dahil lang sa nabigyan ka ng pagkakataon. Bago ka gumalaw, manigurado ka muna. Wag kang mang-angkin ng hindi naman sayo." Banta nito bago na tumalikod at lumabas sa tent. Napaupo ako sa sofa at tiningnan ang apat.
"S-sorry." Bulong ko kay Athan. Lumambot ang mukha niya ng makita ang pamumutla ko. Hinawakan niya ang kamay ko at doon ko lang naramdaman na nanlalamig pala ako. Yumuko siya at lumuhod sa harapan ko.
"Bibilhan na lang kita ng bagong bulaklak." Paninigurado niya. Hindi na ako nakasagot lalo pa't nagsimula na ang tugtog sa labas hudyat ng pagsisimula ng streetdance. Hinila na ako ng AEGIS palabas at sumalubong sa akin ang makukulay na ilaw sa stage. Lumapit si Athan at pinulupot niya ang braso niya sa beywang ko bago niya inihilig ang baba niya sa balikat ko.
Give a little time to me
Or burn this out
We'll play hide and seek
To turn this around
All I want is the taste
That your lips allow
My, my my hey
"Give me love." Ibinulong niya ang huling linya ng kanta sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses niya.
"A.."
"Please. Ako naman." Pagsusumamo niya. Hinarap ko siya at hinawakan ang pisngi nito. Namula ang mata niya at tiningnan ako ng matiim. Huminga ako ng malalim bago siya niyakap ng mahigpit.
Inihilig niya ang pisngi niya sa palad ko at pumikit. "I am fighting a losing battle hindi ba? Hindi ko ba talaga kayang baguhin ang isip mo?" basag ang boses niya noong tinanong niya iyon. Dahan dahan akong umiling bilang sagot.
"I can't A. I'm sorry." Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya ng marinig niya ang sagot ko. Umalog ang balikat niya at niyakap ako ng mahigpit. Tinapik ko ang balikat niya at humiwalay sa kanya noong matapos na ang kanta.
Inipit niya ang buhok ko sa likod ng aking tenga bago siya naglakad palayo. Inayos ko ang shirt ko at naglakad lakad sa mga booth sa gilid gilid. Napahinto ako ng makakita ako ng isang wind chime na puro star ang disenyo. Itinaas ko iyon at tiningnan ang maliliit na mga star na nakabinbin sa hangin.
"You like that?"
Muntik ko ng mabitawan ang wind chime noong biglang magsalita si Stanley sa likuran ko. Ibinaba ko ang wind chime at hinarap siya. Nilampasan niya ako at nagbigay ng isang libo sa tindera at kinuha ang windchime. Inabot niya iyon sa akin.
"Here." Sabi niya. Kinuha ko ang windchime,nagpasalamat at pinaglaruan ulit ang mga bituin nito. Nanatili lamang nakatitig si Tan Tan sa akin.
"Kayo ng dalawa?" seryoso niyang tanong. Napatingala ako sa kanya bago kumunot ang noo ko.
"Kung makipagyakapan ka, parang walang ibang tao sa paligid ninyo." Iritado niyang sabi. Walang salitang lumalabas sa akin habang pinapasadahan lang niya ang buhok niya.
"T-tan--"
"Ano? Kayo na ganoon? Sunod kong malalaman, ikakasal na kayo? Babalik ka na parang walang nangyari, pagkatapos papatol ka kay Athan? Tangina Victoria. Wala ka pa ring ipinagbago. Paasa ka pa rin." Walang gatol niyang sabi. Hindi na ako nakapagsalita.
---------------------------------
Song used:
Ed Sheeran ft. Demi Lovato- Give Me Love
Nakita na ninyo teaser ng EXO? Feeling ko babalik sina Kris! Sana..
#GalawangS o #GalawangA
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top