Version 2.0

16

Tiningnan ko ulit ang singsing na bigay sa akin ni Tan Tan noong nakaraang gabi. Hindi ko iyon isinusuot sa daliri ko. I prefer to wear it as a necklace. Pakiramdam ko kasi, mas komportable ako kung malapit ang singsing sa puso ko. Nabibigyan ako ng isipin na iyon ng pag-asa na pareho na kami ng level ni Tan Tan. Malapit na ako sa finish line. Tapos na ang seduction ko.

Napahinto ako sa paglalakad ng tumunog ang phone ko. Binasa ko ang text. Nagtatanong ang bunso kong kapatid kung uuwi ba daw ako ngayon. I texted back at sinabing doon ako kakain. Ipinasok ko ang phone ko sa bag at nag-abang na ng taxi.

Ang bilis ng panahon. Isang buwan na nga mula ng makabalik ako sa Pilipinas. It is quite funny to know that I made a huge progress within those 30 days kumpara sa mga panahong nakasama ko si Tan mula noong bata pa ako hanggang sa magdalaga ako.

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko ng makita ko ang pangalang nakaregister. Kahit sa text, napakasungit pa rin talaga.

 

From: Tan Tan

Where the hell are you?!

Agad kong pinindot ang reply button. Para akong tanga. Ako na nga ang nasigawan sa text, ako pa ang natutuwa. Parang sira lang.

To: Tan Tan

Taxi. Why?

Hindi ko pa man naiilock ang phone ko, tumunog na naman ito dahil tumatawag na siya. Inayos ko ang buhok ko kahit alam ko namang hindi niya ako makikita.

"Hello?"

 

 

"Nasaan ka?" inis niyang tanong. Natawa na lang ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Sumandal ako sa upuan at tinitigan ang billboard nilang lima.

"Sa taxi nga."

 

 

"Damn it Victoria. Ilang libong taxi meron sa Manila. Saan nga?"

Naiimagine ko na siyang pinapaikot ikot ang drumsticks niya sa daliri niya. Habit niya iyon kapag naiinis na siya eh. Parang sa drumsticks niya ibinubuhos lahat ng inis niya.

 

"Uuwi ako sa Tondo. Miss na daw ako nila Tatay." Sabi ko na lang. Narinig ko siyang napabuntong hininga. Gumalaw siya ng kaunti at umungot ang upuan niya sa ginawa niya.

 

"You'll sleep there?" humina na ang boses niya nung tinanong niya iyon. Tumaas naman ang kilay ko ng marinig ko ang pagkadismaya sa boses niya.

"Nope. Pero doon ako kakain ng hapunan." Sagot ko. Umandar na ang taxi at nawala na sa paningin ko ang lima.

 

"That's good. Be home before 9 Toryang." Utos niya. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay pinatayan na niya ako ng tawag. Napanguso na lang ako sa inasta niya. Baliw talaga. Gusto talaga niyang nakasunod ko lahat sa bawat sabihin niya. He never takes no as an answer.

Mahigit isang oras din bago ako nakarating sa bahay. Kahit na nagtaxi na ako ay matagal pa rin ang byahe dala na rin ng bigat ng traffic. Mabuti na lamang at hindi hearing ang pupuntahan ko dahil kung hindi, baka napagalitan na ako dahil sa sobrang late ko.

 

"Oy, Toryang?" tawag sa akin ng isa naming kapitbahay. Ngumiti ako at nagmano dito. Nagkamustahan muna kami sa daan bago niya ako binitiwan para makauwi na. Nasa gate na ako ng mapahinto ako dahil sa isang kotseng nakaparada sa tapat namin. Kumunot ang noo ko at tiningnan iyon. Kanino ito? Hindi naman sa AEGIS ito, kilala ko ang kotse ng mga itlog na yun. Tuloy tuloy akong pumasok para tingnan kung sino iyon. Agad napatayo ang kapatid ko ng makita ako.

"Ate."

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang namumutlang mukha ng kapatid ko. agad akong lumapit dito at hinawakan ang braso niya.'

"Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong. Tumingin ito sa loob ng bahay. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Pumasok na ako sa loob. Napatigil ako sa paglalakad ng makita si Tatay na may kausap na isa ring matandang lalaki. Nagpapalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ngumiti ang lalaki sa akin at tumayo.

 

"You must be Victoria? The lawyer?" tanong niya. Ibinaba ko ang bag ko at tumingin ako kay Tatay. Nakayuko lamang ito at hindi ako tinitingnan.

 

"George Morales. Boss ako ng Tatay mo." Pagpapakilala ng lalaki sa akin. Tiningnan ko siya. Nakangiti ito sa akin. Umupo ako at sumunod naman ito sa akin.

"Anak.." tinawag ako ni Tatay. Tiningnan ko siya at nginitian bago bumaling ulit sa lalaki na may kinukuhang papeles sa attaché case niya. Ibinigay niya iyon sa akin. Kinuha ko iyon at binasa.

 

"I own Wave Records Ms. Ocampo. Pamilyar ka ba doon?" tanong nito sa akin. Kumalat ang lamig sa katawan ko ng makita ang mga nakasulat doon.

"Anak.."

 

 

"Hindi gagawin ni Tatay ito." Sabi ko sa lalaki bago ibinalik ang folder sa kanya. Ngumiti lang ito at kinuha iyon mula sa akin.

 

"Sa tutuusin, maliit lang ang kalahating milyon para sa akin Victoria. But as their boss, I intend to maintain discipline in and out of Waves. Hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang Tatay mo kahit na nagnakaw siya--"

 

"Hindi ho gagawin ng Tatay ko ang sinasabi ninyo. Hindi ho siya ganyang klaseng tao." Madiin kong sabi. Ngumiti lang ang matanda sa akin bago ako tiningnan.

 

"Bakit hindi mo siya tanungin?" paghahamon niya sa akin. Tiningnan ko ang Tatay na naiiyak ng nakatingin sa akin. Nang bumaling ako sa kanya ay nagyuko siya.

"Tay.." nabasag ang boses ko pero hindi niya ako nilingon. Umiling lang ito at tinakpan ang mukha niya.

 

"Pasensya na Toryang. Akala kasi ng Tatay totoo iyong inalok sa aking titulo ng lupa. Nagloan ako para mabayaran iyon pero tinakbuhan ako noong nakausap ko pagkatapos kong makapagbayad. Nabaon na ako sa utang, anak. Hindi ko naman ito ginusto." Umiyak na ito habang nagkekwento. Naparalisa ako sa narinig ko mula sa Tatay ko. Huminga ako ng malalim bago hinarap ang matanda.

"Babayaran ko--"

 

 

"Kailangan mo talagang bayaran iyan Victoria. You're a lawyer. Alam mo kung anong mangyayari sa Tatay mo kapag hindi niya naibigay sa akin ang pera hindi ba?" kinuyom ko ang kamay ko ng makita ko ang ngiti niyang iyon na hindi maialis alis sa labi niya.

Kinagat ko ang labi ko habang inililista ko na ang mga taong pwede kong hingan ng tulong ngayon. I can ask for my colleagues help. Pwede rin akong magpatulong sa AEGIS. They will help me--

 

"But I don't like the payment to be in cash, Ms. Ocampo."

Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ang matanda. Kahit si Tatay ay napatigil rin sa pag-iiyak.Lalong lumawak ang ngiti ng matanda at kumuha ng bagong folder.

 

"That is a scholarship grant Victoria. Tanggapin mo yan. That is your payment." Alok nito. Tiningnan ko iyon bago napailing.

"I won't."

Tumango ito bago niya pinagkrus ang palad para saluin niyon ang baba niya. Tinitigan niya ako at lalong lumawak ang ngiti niya.

 

"Hindi mo yata ako naiintindihan iha. You're hitting three birds here." Sabi nito sa akin. tumaas ang kilay ko sa sinabi nitong three birds. Anong ibig niyang sabihin doon?

 

"Kung hindi mo tatanggapin yan, I will terminate AEGIS' contract. Makukulong rin ang Tatay mo. Gusto mo ba yun?" hamon niya. Naramdaman ko ang pagtulo ng isang luha sa pisngi ko. mabilis ko iyong pinunasan.

 

"Papag-aralin kita ng libre. Magpapatuloy ang kasikatan ng AEGIS. Lastly, your father will still be free. Ano ba bang ayaw mo doon?"

Napatawa ako ng pagak sa sinabi niya. Kinuha ko ang scholarship na ibinibigay niya bago iyon pinunit. Hindi man lang ito natinag sa ginawa ko. Sumandal pa ito lalo at lumawak ang ngisi.

 

"Hindi babagsak ang AEGIS. Hindi nila hahayaan yun. Gagawa sila Tan Tan ng paraan para ma--"

 

"Oh, surely, hindi mo naman iniisip si Alessandro hindi ba? I bet Stanley's dad will not help. Tutol ito sa pagtugtog ni Stanley, kaya bakit niya ito tutulungan? It is Sandro's advantage kapag tumigil na si Stanley sa AEGIS, hindi ba?"

Napatigil ako sa sinabi nito. Kinuha nito ang mga gamit niya at niligpit. Tumayo ito at lumapit sa akin. Ngumiti ulit siya at tiningnan ako.

"I'll be expecting your answer by tomorrow Victoria." Sabi nito bago na nagpaalam sa akin. Nanghihina akong napaupo sa sofa at tuluyan ng umiyak.

Lumapit ang Tatay at hinawakan ang balikat ko pero lumayo ako dito. Narinig ko ang pangbuntong hininga niya sa ginawa ko.

 

"Pasensya ka na." bulong niya bago ako iniwan. Doon na tuluyang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Napahawak ako sa dibdib ko at nakapa ko ang kwintas na ibinigay ni Tan Tan sa akin. Lalong lumakas ang hagulgol ko ng matingnan ko iyon.

Kung bayad lang sa utang ni Tatay, makakaya ko namang magawan ng paraan. Pero ang mawala ang AEGIS? Nang dahil sa akin? Ibang usapan na iyon. Nakita ko gamit ang dalawa kong mata kung gaano kahalaga ito para sa lima. AEGIS became Tan Tan's lifeline noong mawala si Nanay Phoebe sa kanya. Bata pa lang sila, pangarap na nila ito. Wala silang ibang pinangarap kung hindi ang tumugtog.

Sino ako para sirain iyon?

Kumuyom ang palad ko sa singsing. Ilang beses kong kinagat ang labi ko habang nakatingin doon. Another batch of tears filled my eyes hanggang sa nakatulog na ako.

 

-----------------------------

 

 

"Ate.."

Napadilat ako ng maramdaman ko ang pagtusok ni Vince sa pisngi ko. Dahan dahan akong tumayo at nag-inat.

"Bakit?"

 

 

"May naghahanap sayo sa labas." Sabi nito. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko bago naglakad palabas. Binuksan ko ang pintuan at muntik akong mapapikit ng masilaw ako sa ilaw.

"I told you to be home before 9."

Napatigil ako ng makita si Stanley na nakasandal sa poste ng ilaw. Lumibot ang tingin ko at nakita kong nandoon ang apat na itlog dala dala ang mga gamit nila. Kumaway si Ethan sa akin habang tinanguan naman ako ni Athan. Ganun din ang ginawa ni Greg at Iñigo ng makita ako. Ngumiti ako pabalik.

"Toryang. Sa akin lang. Mas gwapo ako, ako lang ang tingnan mo." Utos ni Tan Tan sa akin. nakita ko siyang may hawak na bulaklak at unti unting umuupo sa isang stool doon. Isinabit niya ang isang gitara sa kanya at tinanguan ang apat.

 

"Manuod ka. This is Harana version 2.0 Toryang. Only for you." Nanunuksong sabi nito. Nagsimula na siyang magstrum at agad kong nakilala ang kanta.

Di ko man maamin

Ikaw ay mahalaga sa akin

Di ko man maisip

Sa pagtulog ikaw ang panaginip

Malabo man ang aking pag-iisip

Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin

Ramdam ko ang titig niya sa akin habang kumakanta siya. Pakiramdam ko ay unti unti akong hinahati habang nakatingin ako sa kanya. Ilang beses kong pinangrap na gawin ni Tan ito para sa akin. Ilang beses akong nangarap na maging ganito siya sa akin. Ito lang ang ginusto ko magmula noong bata pa lamang ako.

 

Ako'y alipin mo kahit hindi batid

Aaminin ko minsan ako'y manhid

Sana ay iyong nariring

Sayong yakap ako'y nasasabik...

 

Tumayo siya at unti unti akong nilapitan. Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at pinunasan iyon. Ngumiti siya sa akin pero nahagip ng mata ko ang takot sa mata niya. Ilang beses siyang lumunok bago ako tiningnan.

 

"Alam kong delayed na ito nang dalawampu't tatlong taon Toryang.." sabi niya. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagpatuloy.

"But I'll say it now."

Pumikit siya at idnikit niya ang noo niya sa akin. ramdam ko ang panginginig niya habang magkadikit kaming dalawa. Humigpit ang hawak niya sa akin na para bang takot siyang mawala ako.

 

"I am inlove with you."

------------------------------------

WALANG MAGAGALIT SA AKIN! Peace yow XD

*pen<3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top