Tinkerbell

SIYAM

                      

Tanga ka.

Yun ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko sa tuwing maaalala ko ang mukha ni Athan pagkatapos ng sinabi niya. Ang tanga ko. Paanong hindi ko napansin iyon? Kung alam ko sana, hindi ko na hinayaang mahulog si Athan sa akin. Sana hindi ko na lang siya pinayagan noong pinuntahan niya ako sa US. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Baka maging rason ito ng pag-aaway ni Stanley at Athan. Ayaw kong masira ang AEGIS. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan nila ng dahil sa akin.

Athan said that he loves me. Ilang beses ko bang hiniling na sana marinig ko iyon. But Athan's words did not give me any happiness at all. Iisang tao lang talaga ang makakapagpasaya sa akin kapag sinabi niya ang mga salitang iyon. And it is not Athan. I know it is not Athan. Whatever happens, it will always be Stan.

Tanga ka.

Ayaw kong saktan si Athan. Hell, I will never hurt him. Mahalaga siya sa akin. He is a part of me. Nakasama ko na siya buong buhay ko at ayaw kong magkaroon ng lamat ang pagsasama namin dahil lang sa hindi ko kayang tugunan ang nararamdaman niya. But I can't choose him over Stanley. Ngayon pa? Ngayon pang napapansin na ako ni Stanley, saka ko siya bibitawan? Ayaw kong gawin siyang panakip butas. Ayaw kong gamitin si Athan. He deserves a girl who can love him back, not a girl who only stays with him because of an unrequited love. Ayaw kong mabuhay si Athan sa anino ni Stanley. Ayaw kong sagutin ang nararamdaman niya dahil hindi sinagot ni Stanley ang nararamdaman ko para sa kanya.

Tanga ka.

Ano nang gagawin ko? Ang tanga ko talaga! Naiinis ako sa sarili ko! What will happen now? Ayaw kong masaktan si Athan pero ayaw ko namang iwan si Stanley. Hindi ko na alam. Ano nang gagawin ko?

I have to choose. And I know I will hurt Athan with my choice, but I would rather hurt him now than use him. Mas masasaktan lang siya kung gagamitin ko siya.

Hanggang sa makarating ako sa firm ay iyon ang iniisip ko. Hindi ko na nareview ng maayos ang annulment case na ibinigay sa akin dahil sa problem akong iyon. Mukhang napansin ito ng boss ko kaya lumapit siya sa akin.

"Anong problema?" tanong ni Judge sabay lapag sa harapan ko ng isang kape. Tinitigan ko lang iyon. Hindi agad ako nagsalita pero matyagang naghintay si Judge na magsabi ako.

"Alam po ninyo na may gusto po akong lalaki hindi ba Judge?" tiningnan ko siya habang sinasabi iyon. Tumango ito bago sumipsip sa kape na hawak niya. Hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"At sa tingin ko po, mahal na rin niya ako---well he didn't say the words yet, pero ramdam ko ho. He loves me. He said that he owns me--"

"Do you own him?" biglang sabi nito. Napatigil ako at tiningnan si Judge. She smiled at me before drinking again at her cup. Hindi ako agad nakapagsalita kaya lumawak lalo ang ngisi niya.

"Do you own him, Tori?"

Kimi akong tumango. Tinitigan niya ako na para bang hinuhulaan kung nagsisinungaling ba ako sa harapan niya. And part of me is lying. Part of me is having doubts about Stanley. But a bigger part of me still hopes that deep inside him, there is a love that is meant for me. Siguro hindi lang talaga siya showy. Ayaw niyang binobroadcast ang tungkol sa nararamdaman niya, and I understand that.

But I wish he can say that he loves me. Just like what Athan did.

"Do you love him?"

Napapikit ako. Bakit pakiramdam ko ay isang interrogation ang nangyayari? Dumilat ako at nakita kong naghihintay si Judge ng sagot ko.

"I d-do.." sabi ko. Nakagat ko ang labi ko ng nabulol ako. Nanliit ang mata ni Judge ng marinig niya ang sagot ko. Ibinaba niya ang tasa niya at diretsyo niya akong tinitigan.

"I'll ask you again next time Tori. Be sure about what you feel." Kinuha na ni Judge ang tasa niya at iniwan na ako sa lamesa ko. Napasandal ako sa upuan ko and closed my eyes tightly.

I am having doubts. Tinatanong ko ang sarili ko kung tama pa bang umasa ako kay Stanley. Yes, he acts as if he is my man, but he never said the words. Athan acts and says the words. Athan makes me feel the things I wanted from Stanley.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na. I can't work while thinking about A and Tan. Siguro kailangan ko muna ng timeout. Yung malayo sa kanilang dalawa. Yung panahon na para sa akin muna. Yung walang kahit na anong gulo. I need that.

 

 

Dumiretsyo ako saisang jewelry shop para humanap ng bagong kwintas. Nahagip ng paningin ko ang isang maliit na silver tinkerbell sa gilid. Tiningnan ko iyon.

I can be sweeter Toryang. I care better. At kapag ako nagselos, sisiguraduhin kong apelyido ko na ang dadalhin mo para wala ng magtangkang agawin ka. I won't beat around the bush. Hindi kita paasahin sa wala.

Naalala ko si Athan pagkakita ko sa pendant. Athan was there whenever I need him. Kahit hindi na ako magsabi o humingi ng tulong, nandyan na siya. Nung mga panahong nahohomesick ako, si Athan ang nandyan. He spent hours under the snow while waiting outside my university. May exams kami noon kahit christmas season, nagsisimula ng magsnow noon but he waited for me. He cooked for our christmas kahit na nanlalamig pa ang kamay niya sa paglalagi sa ilalim ng snow. He sang for me hanggang sa makatulog na ako. He's always there. Just like Tinkerbell to Peterpan.

Kinuha ko na ang kwintas at binili iyon.  Agad ko iyong sinuot. Tiningnan ko ang repleksyon ko at ganun na lang ang tuwa ko ng makita ko ang maliit na tinkerbell malapit sa dibdib ko. Paalis na sana ako sa mall when my phone beeped. Kinuha ko iyon and saw atext message from Ethan. Nagpapabili ito ng pizza at pinapahatid niya sa Waves. Agad akong dumiretsyo sa pizza parlor at umorder ng limang kahon.

Pagkarating ko doon ay pinadirestyo ako sa conference room na ikipinagtaka ko. Sanay kasi ako na kung hindi sa dressing room ay sa practice room ako dinadala. Pumasok na ako sa conference room at muntik ko ng mabitawan ang kahon ng pizza when I saw Stan's lips bleeding.Agad akong kinain ng pag-aalala. Patakbo akong lumapit sa kanya.

"Anong nangyari?" kinakabahan kong tanong. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang gilid ng labi niyang pumutok. Kumuha ako ng alcohol pero biglaan siyang tumayo. Muntik na akong matumba sa ginawa niya.

"This is for the better Stanley--"

"For the better?! Hindi ako papayag!" dumagundong ang boses niya sa buong kwarto. Napatingin ako sa apat. Nagulat ako ng makita kong gusot ang damit nila Greg at may bahid din ng dugo si Athan.

Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang lima. Manager cleared his throat bago ako tiningnan.

"Please, have a sit."

Hindi pa man ako nakakupo ay nagsimula na itong magsalita. Inilapit niya sa akin ang isang laptop. I gasped with what I saw.

"Kalat na sa internet Tori. The management can't do anything about it. In fact, AEGIS sales hiked for fifteen percent because of this news." Nakangiti nitong sabi. Napatingin ako kay Athan na nakatingin lang sa akin.

"To hell with the fifteen percent! Why did you kiss him Toryang?" baling nito sa akin. hindi agad ako nakasagot. Napayuko ako. Pakiramdam ko, nagtaksil ako sa kanya kahit wala naman kaming kahit na anong relasyon.

"Tan.."

"It's not her fault. Ako ang humalik." Sagot ni Athan. Napatingin naman ako dito. I was about to talk when Stanley lunged at Athan. Pareho silang natumbang dalawa sa sahig, with Stanley on top. Agad akong napatayo at tiningnan ang tatlo na nanunuod lang.

"Awatin nyo!" sigaw ko. Umiling lang si Iñigo bago nagsuot ng earphones.

"Gago ka Nathaniel! What happened to the bro code?! Akala ko ba walang agawan?!" sigaw ni Stanley. Tinulak siya ni Athan at tumayo ang huli. Pinunasan niya ang labi niya.

"Hindi ko inaagaw si Georgina sayo." Madiin niyang sabi. Nanlisik ang mata ni Stanley bago muling sinuntok si Athan.

"Ano ba!" awat ko pero walang nakarinig sa akin.

"Labas si Georgina sa usapan na ito! Bakit mo hinalikan si Toryang?! Wala kang karapatan!"

"Hindi mo siya pag-aari. She' not yours."

"She's mine, damn you." Mariing sabi ni Stanley. Tiningnan ko ang tatlo na nagaabang lang ng pagkakataon kung kailan aawat. Sa nagmaakaawang mata ay sinabihan ko silang paghiwalayin na si Stanley at si Athan bago pa sila magkasakitan ng todo.

"Sayo rin si Georgina. Ano ito Stanley, sabay sabay lang?" may pang uuyam na sabi ni Athan. Napatingin ako kay Stan na hindi agad nakasagot.

"Hindi ko hahayaang saktan mo si Victoria, Stanley. Magkamatayan na. Wala na rin akong pakialam sa AEGIS. Masira na lahat ng masira, pero hindi ko isusuko si Toryang." Buong loob na sabi ni Athan. Hindi pa rin nagsasalita si Stanley. Hinarap ko siya.

Tiningnan niya ako at napayuko na lang.

"Tan.."

Walang nagsasalita sa amin sa loob ng kwarto. All I can hear is the sound of their heavy breathing. Hinihintay kong sumagot si Stanley. Kahit na abutin ako ng gabi sa paghihintay, ayos lang. Basta malaman ko lang kung ano ba talaga ako para sa kanya.

"Bakit hindi ka makasagot?" hindi ko na natiis. Tiningnan niya ako bago napakagat sa labi niya.

"Toryang.."

"Laro lang ba ito Tan?" nabasag ang boses ko ng sinabi ko iyon. Napapikit si Stanley ng marinig niya ang pagpiyok ko.

"Toryang, hindi--"

"Kung ganon, ano? Stanley naman eh! Alam mo naman estado ng utak ko hindi ba? Slow ako, at hindi ko kayang manghula! Saan ko ba ipepwesto ang sarili ko sayo?"

Tumayo si Greg at hinawakan ako sa braso. Doon ko lang naramdaman na nanginginig na pala ako.

"Kalma lang." bulong ni G sa akin. pero hindi ko kayang kumalma. Lalo pa't unti unti ko ng nakikitang tama nga si Athan tungkol kay Stanley.

Tanga ka.

Napapikit ako sa naisip. Ilang beses ko na bang nasabihan ang sarili ko ng ganyan ngayong araw? Ilang beses ko na bang ipinagdikdikan sa sarili ko na tanga ako. Pero ngayon ko lang talaga naramdaman na tanga nga ako. Salamat kay Stanley, nalama ko kung gaano ako kalaking tanga.

"Tan.." tawag ko sa kanya. Tiningnan niya ako.

"Toryang, please." Pagmamakaawa niya. Hindi ko alam kung anong hinihingi niya. Hindi ko rin alam kung bakit siya nag-mamakaawa.

"Tama ba si Athan? Lokohan lang ba ito Tan?"

"No!" sagot niya sabay iling ng mariin. Napangiti ako ng mapait.

"Kung ganun, ano ba si Georgina para sayo? Ano ba ako para sayo?" malamig na ang boses ko. yumuko lang si Stanley sa tanong ko.

"Balik na naman tayo sa ganito Stanley. Pilian portion na naman oh. Ako ba o si Georgina?"

Walang sagot. Nanatili lang siyang nakayuko. Mapait akong napangiti.

Pareho pa rin ang sagot niya. Si Georgina pa rin. Hindi ko na hinintay na may sabihin pa siyang iba. Tumalikod na ako at pumunta sa pintuan ng bigla niya akong tawagin. Humarap ako sa kanya at hinila niya ako palabas. Iniliko niya ako sa bandang walang tao.

"Ikaw Toryang. Mula noon, hanggang ngayon, ikaw. And if Athan will kill for you, then he'll be damned. Because I won't give you up. You're mine."

--------------------------------

*pen<3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top