The Bitter Plan
IKALAWANG KABANATA
Nakatitig lang siya sa akin kahit na nasa loob na silang lima sa studio. Hindi nga siya makatugtog ng maayos dahil tinitingnan lang niya ako. Ilang beses na siyang pinagalitan ng scorer nila at ng manager pero walang pakialam si Stanley. Kaya ayun, nag break sila ng di oras.
"Toryang~" ngawa ni Ethan bago lumapit sa akin at ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. tinaas niya ang kamay niya at pinakita niya ang namumula niyang mga daliri.
"Ang sakit ng gitara." Parang batang sabi niya. Natawa na lang ako. Ethan is childlike in nature. I like that about him. Kahit na ang bigat na ng pressure para sa banda nila, considering how big they are now, wala lang iyon sa kanya. Nag-eenjoy pa siya at yun ang maganda.
"Hahampasin kita ng gitara kapag di mo nilubayan si Toryang."
Napatingala ako kay Stanley ng nagsalita siya. Ngumuso si Ethan at lalong nagsumiksik sa akin.
"Doon ka kay Georgina. Alis. Moment namin ni Toryang ito. Tagal na niyang hindi sinasagot tawag ko sa Skype!" nagtatampong sabi nito. Tumawa naman ako.
"Busy nga kasi ako." Pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Kahit na. Pati rin tawag ko hindi mo sinasagot." Maktol ni Iñigo. Narinig kong suminghap si Stanley sa gilid pero hindi ko na siya nasagot dahil sumabat naman si Greg.
"Ang hina ninyo kasi sa reyna natin. Ako, sinasagot ako ni Toryang kapag tumatawag ako." Nakangising sabi ni Greg. Pinandilatan ko lang siya dahil nagwala ulit si Ethan at Iñigo sa tabi ko.
"Ang daya mo! Favoritism!" akusa sa akin ni Ethan. Tumawa lang ako ng malakas when Athan cleared his throat.
"Ang iingay ninyong lahat. By the way queen, salamat at pinatuloy mo ako sa apartment mo noong binisita kita. Last christmas iyon hindi ba?" seryosong sabi nito. Napanganga silang lahat.
"You let him sleep at your apartment?!" sigaw ni Stanley. Tumango tango naman sina Ethan, Greg at Iñigo.
"Binisita niya ako. Alangan namang hayaan ko siyang maghotel, pwede naman siya doon sa akin." sagot ko.
"Anong pwede! Hindi pwede Toryang! At bakit nacocontact ka nila! Bakit ako hindi?!"
"Nagtanong ka ba?" sagot ko. Lalo siyang namula sa sinabi ko.
"Oo nga, nagtanong ka ba?" Si Greg.
"You should have asked." Segunda naman ni Ethan.
"Anong--why would I ask? As a bestfriend I am entitled to know whatever is happening to you! Akalain mo yun, wala akong balita sayo sa loob ng sampung taon! Habang ikaw!! Habang sila, alam kung ano ng nangyayari sayo!" galit na galit na niyang sabi. Ngumiti lang ako at pinaglaruan ang buhok ko.
"She's our queen. Hindi siya obligadong ipaalam ang kahit na ano sa atin." Pagtatanggol ni Athan sa akin.
"Isa ka pa! Aaargh! Toryang!" sigaw niya. Tumaas na ang kilay ko.
"Ano ba kasing kinagagalit mo? Nagagalit ka kasi hindi kita kinontact? Nagagalit ka kasi sila Greg alam nila habang ikaw hindi? Stan naman, hindi ba yun yung gusto mo? Ayaw mo akong makausap kasi nagseselos si Georgina sa akin? Ginawa ko lang naman yung gusto mo ah, bakit ikaw ngayon yung nagagalit?" mahinahon kong sabi. Nanahimik na silang lahat habang si Stanley naman ay nakatitig lang sa akin.
Huminga ako ng malalim. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Ethan sa balikat ko. Lumapit pa ang tatlo sa akin na para bang pinoprotektahan nila ako sa Montreal na nasa harapan ko.
"Enough." Si Athan na ang nagsalita. Stanley clenched his jaw at napailing na lang. lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Naalerto ang apat but I smiled.
"Dito ka nga bungi." Sabi niya. Lumapit ako sa kanya. Bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit. Pakiramdam ko ay nagrigodon ulit ang dibdib ko ng niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik.
"Miss na kita." Bulong niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Galit ako sayo. Sinigawan mo ako." Sagot ko. He chuckled and hugged me tighter. Huminga lang siya ng malalim.
"GROUPHUG! PARA SA REYNA!" sigaw ni Ethan at dinaluhong niya kami ng yakap. Sumama na sina Greg at Iñigo. Naiwan si Athan sa gilid kaya tinignan ko siya.
"Di ka lalapit?" mataray kong tanong. Ngumisi lang siya bago umiling.
"Isa Athan! Utos ng reyna! Lumapit ka dito!" sabi ko. Natawa na lang siya ng malakas bago yumakap din sa amin.
"Naman. Panira kayo ng moment!" sigaw ni Stanley bago ako hinila at niyakap ng solo. Muntik pa akong matumba sa lakas ng paghila niya sa akin.
"Akin siya. Mamatay na mang-aagaw." Suplado niyang sabi bago ako hinila palabas. Hahabol pa sana sina Ethan pero mabilis na nasara nito ang elevator.
"Namiss talaga nila ako." Sabi ko sa kanya habang natatawa kapag naalala ko ang mukha ni Ethan kanina.
"They treat you as their queen. Noong umalis ka, nalungkot talaga sila." Sabi niya. Huminga ako ng malalim. Sila. Ang apat na itlog lang ang nalungkot. Sino ba naman ako para ikalungkot ni Stanley?
"Nagpakulay ka ng buhok?" biglaan niyang tanong. I gathered my hair para mahawakan ko iyon.
"Yes. Nakakaganda daw eh." Sabi ko na lang. Ngumisi siya.
"Tingin mo niyan maganda ka na?" tukso niya. Ngumuso lang ako.
"Kailan ba ako naging maganda sa paningin mo, aber?"
Kumunot ang noo niya na para bang nag-iisip siya.
"Kailan nga ba? Bakit tinatanong mo? Nagpaganda ka ba sa States? Wala mang nangyari eh." Pang-aasar niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Hoy nag-aral ako sa States. Hindi ako nagpaganda. Pwede ba."
"Pero nagkaboyfriend ka doon?" biglaan niyang tanong. Hala? Anong connect ng nagpaganda sa boyfriend?
"Hindi. Wala. Busy ako." Sagot ko na lang. alangan namang sabihin ko, 'Hindi, kasi ikaw yung gusto ko'. Ayaw ko ng ganoon, magmumukha lang akong desperada sa kanya. Though desperada naman talaga ako.
"Toryang.." tawag niya sa akin. Tiningala ko siya.
"Ano?"
"Seryoso na ito. Gumanda ka." Nakangiti niyang sabi. Napanganga naman ako at hindi ako agad nakapagsalita. Kaya nung hinila niya ako palabas ay wala na akong nagawa.
------------------------------------------
"Seryoso ito?" takang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya bago tumango.
"Oo naman. Kain na."
"Puro canton! Stanley hanggang ngayon ba naman?!" sita ko sa kanya. Dinala niya ako sa eat all you can. At lahat ng available na luto ng canton ay inorder niya.
"Wag kang magreklamo. Ikaw nga farm lang yang kinakain mo."
"Veggies ang tawag dito. Vegetarian ako!"
"So? Cantonarian ako. Wag ka ng maingay, kain na!" inis niyang sabi bago pinasak ang lettuce sa bibig ko. Nginuya ko ito habang nakatingin ng masama sa kanya.
"Alam mo, mamatay ka talaga ng maaga sa ginagawa mo. Ang alat kaya niyan!" sita ko pagkalunok na pagkalunok ko pa lang sa lettuce.
"Ang taong gwapo, matagal mamatay. Paano pa ako? Baka imortal na ako sa sobrang perpekto ng mukha ko." walang pakialam niyang sabi. Napahinga na lang ako ng malalim. Hindi siya nagyayabang niyan. Seryoso siya kapag kagwapuhan na niya ang usapan.
And I must admit, gwapo naman talaga siya. Siya na yata ang pinakagwapong lalaking nakilala ko. But then again, bias ako. Mahal ko siya eh.
"At isa pa. Andyan ka naman. Bumalik na diba? Aalagaan mo na ulit ako, katulad nung dati diba?" naninigurado niyang sabi. Tiningnan ko lang siya ng masama.
Oo naman, aalagaan ko naman talaga siya. kung gusto niya habang buhay pa.
"Bigay mo muna sa akin apelyido mo." Seryoso kong sabi. Naglagay lang siya ng toyo sa canton niya.
"Paano ko naman gagawin yun?"
"Pakasalan mo ako." Deretsyo kong sabi. Ngumisi lang siya at tinitigan ako.
"Asa ka pa. May factory ka na ba ng canton?" tanong niya. Napasimangot ako. Ganoon pa rin pala ang batayan niya para mapakasalan ang isang babae.
"Bakit? Si Georgie ba mayroon?"
"Ibang kaso si Georgina Toryang." Mabilis niyang sagot. Huminga lang ako ng malalim at nagpatuloy sa pagkain.
"Alam ko. Noon pa man, ibang kaso na talaga si Georgina para sayo." Inis kong sabi. Natawa lang si Stanley sa akin.
"Selos ka na naman."
"Bwisit ka kasi. Alam mo namang ayaw ko sa babaeng iyon." Tuloy tuloy kong sabi. Pwede ba? Sinong matinong babae ang magkakagusto sa karibal niya?
"Hindi ko talaga alam kung bakit di kayo magkasundo."
"Tanong mo sa bruha mong girlfriend kung bakit. Baka sakaling sagutin ka niya." Binaba ko na ang tinidor at nagpunas ng bibig.
"Alis na ako. Maguunpack pa ako. Saka ko na bigay yung pasalubong ninyo ng mga itlog ha?" paalam ko bago umalis kahit hindi pa siya sumasagot. Alam ko namang hindi niya iiwanan ang canton niya--lalo pa't eat all you can iyon.
I have to have a plan kung paano mawawala ang bruha na iyon.
Kailangan kong patayin sa sindak si Georgina.
Para kay Stanley.
_____________________________
#DaNce or #TorTan ??
*pen<3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top