Surrender

13

Walang sinabing kahit na ano si Stanley pagkatapos niyang ibinigay ang kwintas na may pendant na singsing. Pagkatapos niyang inutos sa akin na huwag na huwag ko iyong tatanggalin ay nanahimik na siya. Hindi na kami nag-usap dalawa hanggang sa matapos ang pyrofest.

Ayaw ko namang magassume na may mas malalim pang ibig sabihin si Tan Tan sa pagbibigay sa akin ng singsing na iyon. I know he is just putting his name on his property. Isang malaking neon sign ang singsing na iyon kay Athan at sa iba pa. Territorial si Stanley. I know him. Mula sa drumsticks niya hanggang kay Nanay, pagdating sa pag-aari niya hanggang sa akin, basta kapag gusto niya ay aangkinin na niya. Si Shana lang naman ang may kayang agawin ang kanya, at ayos lang iyon dahil kapatid naman siya ni Stanley. Pero bukod dito, wala ng pwedeng kumuha ng sa kanya.

"Goodnight." Sabi ko kay Tan Tan. Pinagbuksan lang niya ako ng pintuan ng kotse niya bago ako inalalayang bumaba. Lumabas ako pero hinawakan niya ang braso ko.

"Pupunta ka bukas?" tanong niya sa akin. Tumaas ang kilay ko bago umiling. Kumunot naman ang noo niya sa sagot ko.

"Bakit hindi?" inis niyang tanong. Ngumuso lang ako pero wala akong maisip na dapat isagot sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin.

Concert na nila bukas. Ito rin ang unang concert na mapapanood ko magmula noong bumalik ako. Walang taon din akong nawala at hinintay ko talaga ang pagkakataon na makapanuod ako kapag live na silang nagperform. Gustuhin ko mang pumunta, kailangan ko pa ring bumisita sa firm bukas. May mga kaso na kailangan kong ireview dahil malapit na ang hearing nila. Kailangan kong maipanalo ang kaso dahil kailangan ko ng pera ngayon para kay Tatay. Hindi ko pa siya nakakausap pero sabi niya ay sinisingil na daw siya ng pinagkakautangan niya at kailangan na daw niyang makabayad.

"Toryang.."

"May hearing ako bukas." Sagot ko. Namulsa siya bago sumandal sa kotse niya. Pinaglaruan ulit niya ang hikaw niya habang nakakagat na naman sa labi. Kinamot niya ang batok niya bago dumiretsyo ng tayo.

"Hindi ka ba makakahabol?" paninigurado niya. Kinuha ko ang memo ko at binuksan iyon. Magsisimula ang hearing ng tanghali.

"Anong oras yung concert ba?"

"Six. You have to come Victoria." Utos niya. Gusto kong iikot ang mata ko sa tono ng boses niya. Alam naman niyang hindi ko hawak ang oras ko dahil na rin sa trabaho ko. Gusto ko naman eh, pero hindi ko pwedeng unahin ang concert nila sa rape victim na kailangan kong protektahan.

"Tan--"

"Kapag hindi ka pumunta, hindi ako magpeperform. Bahalang humanap ang AEGIS ng drummer nila." Banta niya. Nanlaki na ang mata ko at napailing.

"Tan naman." I whined. Hindi niya ako pinapansin. Nakatitig lang siya sa kwintas na ibinigay niya. Tinuro niya iyon bago ngumisi. Napabuntong hininga na lang ako sa kanya. Kilala ko ang ngisi niyang iyan. Wala na naman siyang gagawing matino kapag ganyan siya.

Lumapit na siya sa kotse niya pero tumingin ulit siya sa akin.

"You don't come, then there will be no show. Maawa ka sa mga fans namin Toryang. Nakasalalay sayo ang kaligayahan nila."

Pumasok na siya at iniwan akong nakatunganga doon.Napabuntong hininga na lang ako.I know he is serious. Gagawin niya ang sinabi niya sa akin. Montreal si Stanley, he always gets what he wants. Wala siyang pakialam kung sino ang maapakan niya, makuha lang niya ang gusto niya. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.Hindi ko naman pwedeng hindi puntahan ang hearing ko. Unang kasong hahawakan ko iyon. Bwisit talaga!

 

-----------------------------------

"Guilty!"

Napapalakpak ang kapamilya ng biktima sa likuran ko. Tumakbo naman sa akin ang kliyente ko at niyakap ako ng mahigpit habang nagpapasalamat. Nginitian ko siya at pinangakuan na ako mismo ang titingin sa may sala. Sisiguraduhin kong makukuha nito ang karapatdapat niyang parusa dahil sa ginawa nito.

Panalo kami. hindi ko mapigilang hindi maluha dahil sa nangyari. Ito ang unang kaso ko. ito rin ang dahilan kung bakit bumalik ako sa Pilipinas. Ang sarap sa pakiramdam na natulungan ko sila. Gusto kong bigyan ang sarili ko ng tapik sa balikat ko dahil sa isang job well done na nagawa ko.

Tiningnan ko ang relo ko. its only 46 minutes after four. Marami pa akong oras para makahabol sa concert nila. Siguro ay maganda kung maghahanda ako ng isang tarp o di kaya ay magsuot ng isang customize shirt ng AEGIS. Matutuwa kaya sila? Hindi ko mapigilang hindi maexcite sa naisip. Agad akong nagpunta sa pinakamalapit na printing shop para magpaga na ng shirt at tarpaulin.

 

"Anong ilalagay?" tanong ng babae. Nakapokus siya sa piniprint na pamaypay. Tinitigan ko iyon at napasinghap ng makitang puro mukha nila Tan Tan ang naroon.

 

"Fan ka ng AEGIS?" tanong ko. Tiningnan lang niya ako na para bang isa akong baliw.

 

"Pwede ba. Mga desperada lang ang nagkakagusto sa limang yun." Sabi niya at kinuha ang notepad. Ibinigay niya iyon sa akin at pinasulat ang order ko.

 

"Pakirush." Sabi ko nalang. Tumaas lang ang kilay niya ng makita ang pinapagawa ko. Huminga na lang siya ng malalim at nagsimula ng magtrabaho. Kalahating oras lang ay natapos na niya iyon agad. Dali dali akong umalis at dumiretsyo na sa Araneta.

Kinakabahan ako. Unang beses ko silang makikita sa stage. Bata pa kami noong huli ko silang napanuod. Hindi ko na rin gaanong matandaan iyon dahil matagal na iyon.

Dumiretsyo ako sa dressing room nilang lima. Binuksan ko iyon at si Ethan agad ang unang nakakita sa akin. Lumayo siya sa PA niya at patakbo akong niyakap.

"Kamahalan! Buti na lang!" relieved na sabi niya. Tumaas naman ang kilay ko sa mga salita niya. Tinulak ko siya at tiningnan.

 

"Bakit? Anong nangyari?"

 

"Si S kasi. Ayaw niyang magbihis hanggat hindi ka dumarating. Fifteen minutes na lang magsisimula na yung show kamahalan." Sumbong ni Ethan. Nilingon ko ang kwarto at nakita ko si Tan Tan na nakaupo lang habang kinakalikot ang iPad niya. Pumunta ako sa harapan niya. Tiningnan lang niya ako bago niya binalik ang tingin sa gadget na pinaglalaruan niya.

 

"Tan--"

Tumayo lang ito at tinawag niya ang PA niya para ipakuha ang damit niya. Inalis niya ang pagkakabutones ng shirt niya at agad niya iyong hinubad. Napanganga naman ako ng makita ko ang likod niya. He's hot. Damn it.

Humarap siya sa akin sabay ng pagkagat ng labi niya. Bigla akong natigilan sa ginawa niya. Pinagpawisan ako ng malapot habang nakatitig lang sa kanya at wala ng nagawa noong lumapit siya sa akin at hapitin ang beywang ko. He flashed his wicked grin at me bago yumuko hanggang sa magkalapit na ang mukha naming dalawa.Fuck this bad boy. Nangseseduce ba siya?

 

"You don't get to hug Ethan. You don't hug any other guys Toryang. You don't wear their faces on your shirt.." sabi niya bago niyuko ang shirt na kakapagawa ko pa lang. Ngumuso ako pero tinaasan lang niya ako ng kilay. Kinuha niya ang shirt na suot niya kanina at ibinigay iyon sa akin.

 

"Take that off. Ito ang suotin mo." Utos niya. Lumayo siya sa akin ng kaunti. Doon ko lang napansin ang kwintas na suot niya. Katulad ito ng sa akin. Wala sa loob na napahawak rin ako sa akin. Nakita ko ang pagngisi niya bago ako tinalikuran at nagsimula ng mag-ayos. Lalapit sana ako ng marinig ko ang pagbagsak ng pintuan.

Napatingin ako sa tatlo na nanunuod pala sa amin. Ikinibit lang ni Greg ang balikat niya habang si Ethan naman ay kinuha ang gitara at sinundan ang kambal niya. Tiningnan ko si Tan Tan na nakatingin lang sa akin. Huminga ako ng malalim bago ko sinundan si Athan palabas. Tinakbo ko ang hallway na puno ng tao pero wala siya doon.

Bumuntong hininga na lang ako ng may marinig akong tili sa may bandang kaliwa ng hallway. Naglakad ako papunta doon at nakita ko si Athan na nakatiim ang bagang at nakatingin sa isang babaeng pilit na yumayakap dito.

"Just sign it." I heard the girl say. Itinaas niya ang suot niyang blouse at pilit iyong pinapapirmahan kay A. Nakatalikod ito sa direksyon ko kaya hindi ko siya nakikita. Hindi nagsalita si Athan. Tumingin siya sa akin bago niya binalik ang tingin sa babae.

"Go." Malamig niyang sabi. Tinalikuran siya ni A pero hinawakan siya ng babae. I gasped ng makilala ko ito. Ito ang babaeng hinihingan nila Athan ng restraining order.

 

 

"Please? Sige na.If you don't want to sign my skin, then sign my shirt. Just put your name on me Athan." sabi nito habang inaabot kay Athan ang isang pentelpen. Kinuha ni Athan iyon bago niya tinapon.

"Now go." Mas lalong naging yelo ang boses niya. Lumapit na ako dahil baka anong gawin ni A sa babae. Pero ganun na lang ang gulat ko ng makitang ngumiti lang ang babae sa kanya.

 

"Don't worry. Nabitawan mo ba? I have spare pens here." Sabi nito at binuksan pa ang bag. Tumiim ang bagang ni Athan at pabalya itong tinulak. Dumiretsyo si A sa direksyon ko at agad akong hinila palayo. Naiwan ang babaeng nakangiti pa ring nakatingin sa kanya.

"That was rude." Sita ko sa kanya. Tiningnan lang ako ni Athan.

"I don't care."

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya. Nakayuko lang ito at pinaglalaruan ang gitara niya. Kinagat ko ang labi ko at tiningnan siya.

"Sorry."

Tumigil ang daliri niya sa pagpitik sa string ng gitara niya. Nanatiling nakapako ang mata niya sa sahig at hindi ako sinasagot.

 

"Magpapakasal na kayo?"

Natigilan ako sa tanong niya. Awtomatikong dumiretsyo ang kamay ko sa kwintas na bigay ni Stanley sa akin. Sinundan ni Athan ng tingin iyon bago tumaas ang sulok ng labi niya.

"A.."

Matagal walang nagsasalita sa aming dalawa. Gustong gusto ko siyang kausapin pero ngayong nasa harap ko na siya ay wala akong masabi. Hindi ko alam kung paano ko ba siya tutulungang mawala ang sakit. He deserves someone who can love him without any reservations. Hindi ako ang babaeng iyon. Kahit kailan hindi ako ang babaeng iyon. Pero kahit hindi ako ang babaeng magpapasaya sa kanya, gusto kong matulungan siyang tuluyang maging masaya. Kaibigan ko si A. At hindi ko siya iiwanang mag-isa habang nahihirapan siya.

"Masakit. Alam mo yun?" pagak siyang tumawa ng sinabi niya iyon. Tiningnan ko lang siya at hinayaan siyang magpatuloy magsalita.

 

"Mahal kita. Mas mahal kita. Pero hindi ko alam kung bakit hindi mo nakikita yun."

Umupo siya sa gilid ng hallway at tinago niya ang mukha niya sa tuhod niya. Yumugyog ang balikat niya. Agad akong umupo sa harap niya at hinawakan ang pisngi niya para matingnan siya. Nang maingat ko ang mukha niya ay nakita kong pulang pula na siya dahil sa pag-iyak.

"Athan, wag kang ganyan." Nabasag na ang boses ko habang pinupunasan ang luha niya. Nakatingin lang siya sa akin na para bang ginuguhit niya sa alaala niya ang buong detalye ng mukha ko. Natigil ako ng may pumatak na namang luha mula sa kanya. Lalo lang nadurog ang puso ko ng hindi man lang siya kumurap ng nahulog ang luha niya. Hindi niya iyon pinilit para lang maipakita kung gaano kasakit sa kanya ang nagyayari ngayon.  Napalunok ako ng hinawakan din niya ang pisngi ko.

"Wag mo akong iyakan." Bulong niya. Natigilan ako. Doon ko lang napansin na basa na rin ang pisngi ko ng luha.

"Wag kang umiyak para sa akin. Please, don't do that." Nahihirapan niyang sabi. Lumong lumo ako ng napaupo na rin ako sa sahig. Tiningnan lang ako ni Athan sa mata.

 

"Don't cry for me. Don't make me fall harder. Parang awa mo na Toryang." Basag ang boses niya ng sinabi niya iyon. Tumayo na siya at inalalayan na rin ako. Kinuha ko ang kamay niya at ngumiti sa akin. Inipit niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko. Huminga siya ng malalim bago ako tiningnan.

"Atleast you're happy. Kahit yun man lang mapanghawakan ko, ayos na ako sa ganun." He smiled at me and bent down to kiss my forehead. Pumikit siya at parang ninanamnam niya ang halik na iyon. Noong lumayo siya ay agad niya akong hinila para mayakap ng mahigpit.

"This will be the last time I'll say this Toryang." Huminga siya ng malalim bago niya lalong hinigpitan ang hawak sa akin. Naramdaman ko ang mabibigat niyang paghinga.

"Mahal kita."

Lumayo siya sa akin at inayos ang gitara niya. Ngumiti siya sa akin. Nginitian ko siya pabalik. Patalikod siyang naglakad palayo. Nang makahakbang na siya ng tatlong beses ay tumigil siya.

 

 

"At sumusuko na ako."

-----------------------------

Yung nagcomment about kay LUHANBYEBYE<3 , walang masamang ibig sabihin yan. Nadepressed ako diyan at hindi ako natuwa sa balitang yan. The "<3" is my signature. I don't end a chapter without that.

TUG book 2 and UD for How To Train A Guy tomorrow.

 

*pen<3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top