So Inlove

48

'Yeah I know that it's cheap

Not like gold in your dreams

But I still hope

You'll wear it'

It is raining. Malalamyos at mahinhing mga patak ng ulan ang tangi mong maririnig. Pinanood ko ang mga patak ng ulan habang hinihintay ang paghinto nito.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Avvi roon. Ngumiti siya sa akin habang nakasunod sa kanya si si Vince at si Tatay. "Ready?"

Tumango ako at lumapit sa kanilang tatlo. Hinalikan ni Tatay ang aking pisngi bago ako hinayaang makaupo na sa tokador. Nagsimula na si Avvi na ayusan ako. Hinayaan lamang niyang malaglag ang ilang hibla ng kulot kong buhok bago niya isinuot sa akin ang belo. Niladlad niya iyon sa harap ng aking mukha bago nito natabunan ang kabuuan. Tumayo ako at tiningnan ang sarili ko.

The dress is big. The church is full of people. Montreal ang ikakasal, idagdag mo pang ang drummer ng AEGIS at ang buong AEGIS ang narito sa simbahan ngayon para tumugtog. Nasusuka na ako sa sobrang kaba. Malamig ang panahon at nanginginig na ako. But aside from being nervous, I am excited. Alam kong paglabas ko sa kwarto na ito, kapag sumakay na ako sa kotseng maghahatid sa akin sa simbahan, kapag naglakad na ako sa altar, makikita kong nakatayo si Stanley sa may dulo noon, naghihintay sa akin.

ISang beses ko pang nilingon ang sarili kong repleksyon bago ako naglakad palabas, hawak hawak si Tatay para pumunta sa simbahan.

Nagising ako na para akong dinuduyan. Ilang beses akong kumurap noong maramdaman ko ang paglindol sa paligid ko. Umaalon ang buong lugar at ramdam ko na ang pagbaligtad ng sikmura ko. Agad akong napatayo noong malasahan ko ang pait sa bibig ko. Luminga linga ako at pinilit ang sarili na pigilan ang hilo ko. Tumayo ako at tumakbo sa unang pintuan na nakita ko. Agad akong pumasok at dumiretsyo sa toilet at doon na nagsuka. Halos ilabas ko na ang lalamunan ko ngunit tanging mapait na likido lang ang naroon.

Nanghihina ako noong matapos ang nararamdaman ko. Niflush ko ang inidoro at lupaypay na napaupo roon. Kinalma ko ang sarili ko at doon lang ako muling dumilat. Kumunot ang noo ko ng mapansing hindi ito ang banyo ko. Mabilis akong tumayo at doon na sumalakay ang kaba sa akin.

Halos manlambot ako ng maalala ang pulang Maserati kaninang umaga. Bigla na lamang akong hinila ng mga taong nakasakay roon!

Lumabas ako ng banyo at kinalampag ang pintuan. Walang sumasagot kaya tiningnan ko ang bintana. Sumampa ako roon pero napahinto lang ako ng makita kung gaano iyon katas. Tantya ko ay anim na palapag itong kinaroroonan ko at nasa pinakataas ako.

Kinagat ko ang labi ko. Suot ko pa rin ang sinuot ko bago mag-jogging kanina. Kinapa ko ang cellphone ko pero wala na iyon sa bulsa ko. Tumingin ulit ako sa bintana at doon ko lamang nalaman na nasa liblib kaming lugar. Puro damo lang at puno ang nakikita ko. Umihip ulit ang hangin at tinangay nito ang buhok ko.

"Wag mong sabihing tatalon ka?"

Marahas akong humarap sa pinanggalingan ng boses. Halos malaglag ang panga ko ng makita si Stanley na nakasandal sa may pinto habang pinapanood akong nakaupo sa may bintana. Nakakrus ang braso niya sa dibdib niya habang pilyong nakangiti sa akin.

"Ikaw?" gigil kong sabi. Isang parte ko ang masaya na siya lang ang kumuha sa akin. Kalahati ko ay nais na siyang patayin dahil sa pakulo niyang ito.

Lumapit siya ng kaunti sa akin. "Ako." Nakangisi niyang sabi. Humigpit ang hawak ko sa bintana at agad na bumaba roon.

Tinikom ko na lang ang bibig ko at binuksan ang pinto. Lumabas ako roon para mapahinto lang ng makita na walang katao tao sa paligid. Muli kong hinarap si Stanley. Umuusok na ang ulo ko sa sobrang galit! Damn it! Siya naman ay parang natutuwa sa aking reaksyon.

"Chill Yang. Init ng ulo mo." Natatawa niyang sabi habang lumalapit sa akin. Agad niyang pinulupot ang kamay niya sa beywang ko bago niya ako hinapit palapit sa kanya.

"Stanley!" bwisit kong sabi habang tinutulak siya. Umungol lamang siya at lumayo ng kaunti.

"Nabibiwisit ako sayo! Akala ko may kumidnap na sa akin!" sigaw ko. Tumaas lang ang kilay niya habang hinihimas niya ang kanyang baba.

"Kinindnap naman talaga kita. Though the whole AEGIS helped." Dugtong niya. Napanganga ako sa narinig. Noong makahuma ako ay agad akong lumapit sa kanya at agad siyang sinapok.

"Walanghiya ka talagang badboy ka! Pinapatay mo ba ako sa kaba?!"

Tumawa lang siya at niyakap ulit ako. Sunod kong nalaman ay binuhat na niya ako at binagsak sa kama. Agad akong pumalag pero hinawakan niya ang dalawang braso ko.

"Victoria!"

"Baliw ka! Bakit mo ako dinala dito?! Wala ka talagang modo! Sinabi ko na diba! Break na tayo!" daldal ko. Hinihingal na pero hindi pa rin ako tumigil. Pilit kong hinihila ang kamay ko at ang binti kong inipit niya sa kanyang binti pero hindi siya natinag.

"In your dreams Yang. Hindi tayo magbebreak!" mapwersa niyang sabi. Dumiin ang hawak niya sa pulso ko habang kinokontrol ang pagpalag ko.

"Paki ko kung ayaw mo!" paglaban ko. Hindi ko alam kung bakit pero ang dali ko talagang mairita sa kanya. Nabibwisit ako sa pagmumukha niya.

"Oh you shut up! We will talk!"

Dumulas na ako at halos nakatapat na ang mukha ko sa dibdib niya. Lalo niyang idiniin ang katawan sa akin para hindi na ako makagalaw habang ako naman ay nagpupumilit na makatakas sa kanya.

"Damn Toryang! Wag ka ng malikot." Paos niyang sabi. Bigla akong natigilan at tiningnan siya. Yumuko siya sa akin habang hinihingal.

"Gusto kong mag-usap tayo. Wag ka ng gumalaw, please." Nagmamakaawa niyang sabi. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang kanya na nagigising na habang nakadiin sa akin. Nanlaki ang mata ko at tinitigan siya.

"I'm already turned on Victoria. Wag mo ng sagarin. Hindi na talaga tayo makakapag-usap." Banta niya. Napalunok ako ng maramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente sa aking katawan. Tinitigan ko lamang siya bago huminga ng malalim. Bumaba ang tingin ko sa labi niya at nanuyo ang loob ng aking bibig.

Tinaas ko ang ulo ko at dinampi ang labi ko sa labi niya. Bahagya pa siyang natigilan at umungol sa ginawa ko. Humiwalay siya ng kaunti pero hinabol ko ang kanyang bibig.

"Stan.." hinihingal kong sabi. Tiningnan niya ako. Ilang sandali lamang ay siya na mismo ang sumakop sa labi ko at hinalikan ako ng malalim.

Bumaba ang halik niya sa aking leeg habang naglalaro na ang daliri niya sa zipper ng aking jacket. Dumako ang labi niya sa likod ng aking tenga at marahan iyong kinagat.

"Please, be pregnant. I want that." Bulong niya. Nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ko na ang kamay niyang naglalaro sa dibdib ko. Hindi na ako makapagsalita sa sobrang kuryenteng nararamdaman. Noong binaba na ni Stanley ang huling piraso ng aming damit ay tuluyan na akong nawala sa sarili.

"Damn. Sabi ko na nga ba't hindi tayo makakapagusap." Piyok niyang sabi habang gumagalaw. Napapikit na lamang ako at hinayaan siyang kontrolin ang aking katawan.

----------------------------------------

"Bati na ba tayo?" tanong niya habang hinahalikan ang braso kong nakaexpose. Tinitigan ko lamang siya bago huminga ng malalim.

"What about Ria?" paghamon ko. Ngayon siya naman ang bumuntong hininga. Great god, maghingahan na lang tayo Montreal.

Matagal walang nagsasalita sa aming dalawa. Akala ko ay nakatulog na siya noong bigla na lang siyang tumikhim.

"Ria's sister died because of a car accident. Umuulan ng araw na iyon kaya ganun na lang ang takot niya. Look, Toryang. I know you won't understand it, pero ako lang kasi talaga ang nakakaalam nun. Ayaw ni Ria na may iba pang makaalam ng nangyari kay Georgina." Malungkot niyang sabi. Ilang beses pa akong napakurap sa narinig. Napaangat ang katawan ko habang nakatingin lang kay Stanley.

"Georgina's dead?"

"Oo. Three years ago. Mahabang kwento Toryang." Pinal niyang sabi. Nanatili akong tahimik. I just couldn't wrapped the thought of Georgina's death. Noong makarecover ako ay tiningnan ko ulit si Stanley.

"But you were so cold that night." Dagdag ko. Tumaas ang kilay niya na para bang nagtataka sa sinabi ko.

"Talaga?" hindi makapaniwala niyang sabi. Ngumuso lamang ako bago tumango. Ngumiti lang siya ng malungkot at hinila ako palapit sa kanya.

"Well, let's just say, kinakabahan ako noon. Maraming tumatakbo sa isipan ko noon Toryang, and the night did not turn out well dahil sa ulan. May mga plano akong nasira, idagdag mo pa si Ria. Hindi ko lang kasi siya maiwanan noon Victoria. Nagpatulong kasi ako sa kanya." Paliwanag niyang lalo lang nagpagulo sa utak ko. Kinagat ko ang labi ko at sumiksik sa kanya.

"You took her to your unit. Inalagaan mo siya. Kayong dalawa lang sa pad mo, anong gusto mong isipin ko noon Stanley? You even shouted at me." naluluha kong sabi. Yumuko siya at pinunasan ang luha ko. Tumawa siya ng walang laman bago ako tiningnan.

"Sinabi ko na Toryang. May mga plano ako noong gabing iyon. I actually have a surprise for you at my pad at that time kaya hindi kita inayang pumasok. Less ang manatili sa labas lang ng pad ko. Alam kong pakialamera ka at baka masabotahe pa ang nasabotahe ko na ngang plano." Natatawa niyang sabi. Tumango lamang ako at yuyuko na sana ulit noong hinawakan niya ang baba ko. Pinilit niya akong tumingin sa kanya.

"You don't have to be insecured of anybody." Aniya. " Kung may dapat man mainsecure, ako iyon. I don't deserve you."

Napanganga ako sa sinabi niya. Ilang beses pa akong kumurap sa kanya.

"I know I had girls back then. I used Georgina for publicity. Si Leria naman..well, we're just friends, pero nakiusap siya sa aking ilayo ko siya kay Athan at naisip ko namang magandang pagkakataon na iyon para saktan ka kaya pumayag ako." Tumigil siya at inipit ang buhok ko.

"I see it Yang. Kapag tumitingin ka sa iba ay kinukumpara mo ang sarili mo sa kanila. And I am telling you this, you don't have any reason to be insecured. Ayaw ko ng magaaway tayo dahil iniisip mong hindi ka sapat para sa akin. Because you are enough Yang." Anas niya. Hinaplos niya ang pisngi ko at hinila ako palapit.

"As long as you are my Victoria, then you are more than enough." Bulong niya sa akin. Naramdaman ko ang pagkawala ng agam agam sa dibdib ko sa narinig mula sa kanya. Humiwalay siya ng kaunti sa akin at tinignan ang mata ko.

"Bati na ba tayo?" umaasam niyang tanong. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay iyon sa kanyang dibdib.

"Yes." Sagot ko. Lumawak ang ngiti niya sa narinig. Napahinga na lang siya ng malalim sa aking sagot.

Matagal walang nagsasalita sa aming dalawa. Niyakap lang niya ako at nakuntento na sa sandali na ito. I admit, namiss ko talaga siya nitong mga nakaraang araw na nag-away kami. Alam kong may mga panahon na hindi kami magkakaintindihan, but we can make it through. He has his temper and I need tons of time.. as in oras para maintindihan ang isang simpleng bagay. I can be slow and Stan is impatient, but we will survive.

Mahaba nga siguro ang prusisyon namin. Maraming detour at U-turn, pero sa tingin ko, hindi kami mapupunta sa pwesto namin ngayon kung hindi namin pinagdaanan ang lahat ng pinagdaanan namin.

"Yang ko." tawag niya sa akin. Tiningala ko siya at hinintay ang sasabihin niya.

"Hmmn?"

"I really don't want to kill my friend. Alam mo naman. Minsan seloso ako." Bulong niya sa akin. Tumaas ang kilay ko sa kanyang sinabi.

"Minsan Stan? Natatawa kong sabi. Ngumuso lang siya at tiningnan ako.

"Ipapasalvage ko si I kapag hiningi mo siya ulit. I told you already Victoria. I own every inch of you. Ayokong mas gusto mong makasama si Iñigo sa akin." nagtatampo niyang sabi. Natawa na lamang ako at yumakap sa kanya.

"Please tell me you won't see him again." Pagmamakaawa niya. Tumawa ako at tumango na lang.

"Opo." Sagot ko. Humigpit ang hawak niya bago ako tinitigan.

"I am so inlove with you Victoria Montreal. So much." Bulong niya at muli akong hinalikan sa labi.

Proposal na lang talaga ang kulang. Bukas na bukas, bibili ako ng singsing.

--------------------------------

Maraming salamat sa suporta!

The drummer's done, proceed na tayo sa lead guitarist.

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top