Smile,Though Your Heart Is Aching
21
"Oh my capital G! Look at me, Tori!" sabik na sabi ni Avvi habang iwinawagayway niya sa akin ang diploma niya. Patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Congratulations!" tuwang tuwa kong sabi. Ngumiti rin ito at lalong sumingkit ang singkit na nga niyang mata dahil sa ginawa niya.
"Congratulations din! Top ten ka sa exams girl! You're so great! Ako nga, I almost failed eh." Sabi nito habang nakanguso. Napailing na lang ako. Avvi's a smart girl. Ayaw lang talaga niya ang law kaya hindi niya sineryoso. Inuuna kasi ang kaartehan eh.
"So, can we go home na sa Philippines nyan?" nagningning ang mata niya nung sinabi niya iyon. Natigilan ako sa narinig ko at hindi agad nakasagot.
"Tori. You said diba right after graduation tayo babalik?" nakanguso nitong sabi. Tinitigan ko lang siya habang tinatanggal ko ang toga kong suot. Nanatili siyang nakatitig sa akin habang hinihintay ang sagot ko.
"Hindi ka ba maghahanap ng trabaho dito?" tanong ko sa kanya. Pinagtaasan lang niya ako ng kilay sa sinabi ko.
"Naman Tori. I spent almost ten years na here. Gusto ko naman ng new environment noh? A place where Athan lives. Gosh!" kinikilig nitong sabi.Yumakap pa siya sa braso ko at humilig na doon.
"Isa pa, we can work there. I can tell my sperm donor to hire you na lang if you want." Alok niya. Hindi ako nagsasalita kaya tumingin siya sa akin. Lumipat siya para makaharap ako bago niya inayos ang bangs ko.
"You don't want to go back, do you?"
Napatingin na lang ako sa kanya noong sinabi niya iyon. Avvi just kept staring at me, waiting for my answer. Kinagat ko ang labi ko at yumuko na lang.
"Tori.."
Huminga ako ng malalim at pinilit kong ngumiti. Avvi smiled back at me.
"Ofcourse gusto ko."
"Then why ka malungkot?" seryoso niyang tanong. Sinipat niya pa ang mukha ko para makita ang bakas ng sinasabi niyang kalungkutan. Pinilit kong tumawa para hindi niya mahalata ang kaba na nararamdaman ko.
Am I already enough? Sapat na ba ang ginawa ko para maging sapat ako kay Tan Tan? Am I worthy of him?
Ang daming tanong na naglalaro sa isipan ko ngayon. At natatakot akong baka sa pagbalik ko, hindi ko magugustuhan ang sagot. Baka sa pagbalik ko, marami nang nagbago at hindi na ako makakahabol noong nawala ako. Baka sa pagbalik ko, wala na akong madadatnan.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mata ko ng sumagi sa isipan ko iyon. Hindi ko namalayan na nahatak na pala ako ni Avvi hanggang sa labas ng university. Patuloy pa rin siya sa pagsasalita at hindi niya napansin ang pag-aalala ko.
"You know, you can't run away forever Tori." Humarap siya bigla at inis na inis na tumingin sa akin. She narrowed her eyes at me bago ako tinuro turo.
"May tinataguan ka ba there?" diretsyo niyang tanong. Yumuko lang ako at nauna nang naglakad. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko.
"You said you wanted to be enough to your special someone na iniwan mo there. Now naman na you're more than enough, ayaw mo naman bumalik. What's wrong with you ba ha?" her voice raised a tone higher than usual. Natawa na lang ako imbes na sumagot pa sa tanong niya. Patakbo akong pumunta sa bus stop.
"Tori naman eh. Sige na. I want to be at the Pinas na." patuloy niya sa pangungulit sa akin. Ngumiti na lang ako at wala ng sinabi pang iba.
--------------------------------
"Kailan ka ba kasi uuwi kamahalan?" naiinis ding sabi ni Ethan sa kabilang linya. Tumawa lang ako at inadjust ang camera ng PC ko.
"Miss mo na ako?"
"Tss." Yun lang ang sinabi niya bago ngumuso. Pinitik niya pa ang camera na para bang mapipitik niya rin ako kung ginawa niya iyon.
"Seryoso Toryang. Wala ka bang balak bumalik?"
Huminga ako ng malalim at nilingon ang mga maleta kong iniligpit ko na kagabi. Kumpleto na lahat ng kailangan ko. I have my luggages, passport and everything that I will need. Tinapik uli ni Ethan ang camera noon para makuha ang pansin ko.
"Babalik na po. Hinintay ko lang namang maggraduate ako." Sabi ko. Tumaas ang kilay ni Ethan habang tinititigan ako. Matagal siyang hindi nagsalita at akala ko ay nagbuffer na ang Skype dahil hindi na siya gumagalaw.
"Are you scared?" biglaan niyang tanong. Napatingin ako sa kanya at tumawa ng hilaw. Kahit ako ay napangiwi sa kinalabasan ng halakhak ko. Ang plastic pakinggan.
"Why would I be?"
"He's different now."
Napahinto ako sa pagpipilit ng tawa ko noong narinig ko ang sinabi nito. Kinagat ko ang labi ko at pinaglaruan ang daliri. Hindi nagsalita si Ethan. Alam kong hinihintay niya ang susunod kong sasabihin.
"What kind of different?"
"Very different T. I.. you see, nagalit talaga siya noong umalis ka. Hindi ko maipaliwanag sayo eh. You have to see for yourself." Paghahamon nito. Tumawa na lang ako at napailing dito.
Biglaan akong tumigil noong napansin konghindi tumatawa kasabay ko si Ethan. Mas lalo kong itinago ang mukha ko sa bangs ko bago sinabi rito ang kinatatakutan ko.
"God Ethan. May babalikan pa ba ako?"
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko habang pinipilit kong patatagin ang itsura ko habang nakaharap kay Ethan. Hindi ko napigilan ang pagkabasag ng boses ko ng sinabi ko iyon. Si Ethan naman ang yumuko nang marinig ang sinabi ko.
"He's really mad Toryang. Not the normal angry Stanley we know. Iba Toryang."
Napapikit ako ng marinig iyon. I expected that to happen, pero hindi ko alam na masakit palang marinig iyon. Ano pa kapag nakita ko na ng harap harapan ang galit ni Stanley sa akin. Makakaya ko kaya?
"To the point na kinalimutan niya lahat ng tungkol sayo. It is as if you did not exist at all."
Namanhid ako sa mga salita ni Ethan sa akin. Surely, kasalanan ko naman eh. Damn insecurities. Ayaw ko lang namang mapahiya si Stanley kung sakaling ako ang piliin niya. Gusto ko lang namang maging kapantay siya.
"So, in short, wala na akong babalikan?" tanong ko. Napalunok si Ethan sa sinabi ko.
"Mayroon. Kami Toryang. AEGIS will wait for their queen."
Napangiti ako sa sinabi ni Ethan. I can do it. I am a big girl now. Kaya ko nang harapin ang mundo dahil malakas na ako. I can do it. I can do it, right?
-------------------------
"Tori! Ang bagal mong magwalk!" sigaw ni Avvi sa akin. Sa tantya ko, dalawampung metro na ang layo niya sa akin dahil sa kakatakbo para lamang makaalis na sa airport.
"Andito na." natatawa ko na lang na sabi. Umirap lang ito sa akin at lumapit para siya na ang humila sa luggage ko.
"I know you're not as excited as I am, but don't you dare delay my meeting with Athan." Pagsasabi sabi niya. Tinitingnan ko lang siya habang humahaba ang nguso niya. Nakakatawa ang itsura niya ngayon.
"Isa pa, as if naman you can make iwas pa. We're here na kaya oh. Any moment now, we will make tapak na sa Manila. So don't be maarte Tori."
"Ako? Maarte?"
"Yes. Because you're delaying everything!" pasigaw niyang sabi. Iilang beses pa siyang pumadyak habang nakatingin sa akin. Natawa na lang ako at kinuha ang baggage ko.
"Let me guess. You're afraid you will see him again? Kaya ba you are so bagal?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya at huminto sa paglalakad.
"Ano bang sinasabi mo--"
"Or maybe you are afraid of the changes that you will see when you come back? Is that so?" sabi niya habang hinihimas ang baba niya. Hindi agad ako nakapagsalita sa akusasyon niya sa akin. Ngumiti lang siya at inayos ang buhok niya.
"I am right,right?" paninigurado niya. Hindi na ako sumagot.
"Silence means yes. Tama ako, right?" pangungulit niya. Binilisan ko na ang paglalakad patungo sa exit at hindi na siya hinintay.
"But do you know the fact Tori?" tuloy tuloy pa rin niyang sabi habang umaagapay sa paglalakad ko. Hinarap ko siya para patigilin na pero bigla siyang ngumiti sa akin.
"The more that you expect changes, the more the things that you left remain the same." malambing niyang sabi. Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na sumagot dahil nilampasan niya ako ng may makita na siyang taxi na naghihintay ng pasahero nito.
Pumihit na ako patalikod para sumunod sa kanya noong mapahinto ako sa paglalakad. Pakiramdam ko ay nalaglag ang puso ko noong makita ko si Tan Tan na nakatayo sa harapan ko at nakangiti ng malawak. Muntikan na akong mawalan ng hangin noong binuka niya ang mga braso niya na para bang handa na siyang yakapin ako.
"Welcome back!" he shouted. Sumilay ang malaking ngiti sa mukha ko at humakbang na papunta sa kanya.
Humakbang din si Tan Tan papunta sa direksyon ko, pero ganoon na lang ang gulat ko noong lampasan niya ako. Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"I missed you Ria." Sabi niya sa babaeng niyakap niya. Biglaan akong napatalikod. Pumikit ako at huminga ng malalim.
"Welcome back din Victoria." Malamig ang boses niya noong sinabi niya iyon. Napahinto ako sa paglalakad at pinilit nang humarap sakanilang dalawa.
"Long time no see." Nakangiting sabi nito. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti. Sinubukan kong balewalain ang pagkakaakbay niya sa braso ng babaeng kasama niya.
"Y-yes."
Tumaas ang sulok ng labi niya at kinuha ang bag ng babaeng kasama niya.
"Kaya ko na yan." She said. Ngumuso si Tan at hindi ito pinansin.
"Let me." maangas nitong sabi. Hinuli niya ang kamay ng babae at hinila na ito. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paraan ni Tan Tan ng pagsulyap sa babae na para bang ito lang ang tao sa paligid niya. Iniwas ko ang tingin ko lalo na noong sumulyap si Tan Tan sa direksyon ko.
"Bye Toryang." Sabi nito. Nginitian niya ako ulit bago hinigpitan ang hawak sa kasama niya. Tumango na lang ako at naglakad na. Halos takbuhin ko na ang taxi namin ni Avvi, mawala ko lang silang dalawa sa paningin ko.
Sana hindi na lang niya ako nginitian.
------------------------------------------
#10
*pen<3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top