Si A at S

42

Ilang beses kong pinalo ang gumagapang na insekto sa aking likuran. Maaga pa at gusto ko pang matulog nang mas matagal. Napadilat ako ng maramdaman ko na naman ang paggapang sa aking batok kaya hinampas ko na naman iyon. May narinig akong tumawa. Doon ko lamang nalaman na hindi naman pala insekto ang gumagapang sa aking likuran.

Those were kisses.

"Namamalo ka ha?" natatawang sabi ni Tan Tan bago siya humalakhak ng kaunti. Hinuli niya ang kamay ko at hinila iyon. Napilitan akong humarap sa kanya. Hindi pa man ako tuluyang nakakaikot ay niyakap na niya ako.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Pareho lamang kaming tahimik habang pinapakiramdaman ang isa't isa. Si Tan Tan ay pinaglalaruan lamang ang buhok kong nakakalat sa aking likuran.

"Yang."

Tiningala ko siya. Umusog siya ng kaunti para magkapantay ang mukha naming dalawa. Pinadaan niya ang daliri niya sa aking pisngi bago niya hinalikan ang aking noo.

"Are you sore?" diretsyo niyang tanong. Naramadaman ko ang mabilis na pagpula ng aking pisngi sa tanong niya. Napalunok ako.

Geez, Victoria. The man already saw everything. Baka nga mas alam pa niya ang katawan ko kumpara sa akin.

"Yes. Your fault." Dagdag ko para mapawi ang hiya ko. Lalong lumawak ang ngisi niya ng marinig ang sinabi ko. Siniksik niya ang sarili niya sa aking leeg bago niya kinagat ang aking noo.

"Congratulations Sweetheart. Markado ka na." humiwalay siya sa akin at hinalikan ang tungki ng aking ilong. Ngumiti ako at tumango. Yes, I am marked. Ramdam ko iyon sa gitna ng aking hita. I can still feel the pain, but as I said, it is worth it.

Sa lahat ng sakit na naramdaman ko, this pain is the most worth it.

Bumaba ang kamay niya sa aking katawan. He cupped my butt bago iyon malakas na pinalo.

"Stan!" sigaw ko dahil sa gulat sa ginawa niyang pagpalo. Ngumisi lamang siya bago tuluyang umupo.

"Dammit. I remembered you screaming my name last night." Pilyo niyang sabi. Umakyat agad ang dugo ko sa aking pisngi. Hinila ko ang kumot para takpan ang sarili ko at bumaba sa kama.

"Shut up."

"Tangina, namumula ka pa." hirap na hirap niyang sabi. Natawa ako sa kanyang itsura. Dumapa ulit siya sa kama at huminga ng malalim. Parang kinakalma niya ang kanyang sarili.

"Tan--"

"STANLEY MONTREAL! ANONG PETSA NA!" sigaw ni Leria mula sa labas ng aking kwarto. Kumunot ang noo ko. Paano niyang nalaman na dito si Stanley nagpalipas ng gabi.

"PAIMPORTANTE KA TALAGANG LALAKI KA! LUMABAS KA DIYAN!"

Napabuntong hininga si Stanley bago niya pinulot ang damit niyang nagkalat. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako. Pinasadahan niya ako ng tingin kaya napahigpit ang hawak ko sa kumot na siyang tanging nagtatakip lang sa akin. Tumaas ang labi niya sa ginawa ko.

"Gotta work first Sweetie." Kinindatan niya ako bago niya binuksan ang pintuan. Nakita ko si Leria na galit na galit ng nakatayo roon.

"IKAW NA LANG HINIHINTAY! ABA'T--"

"Lalabas na nga oh. Ang init na naman ng ulo mo." Natatawang sabi ni Stanley dito. Nilingon ako ni Leria. Hindi man lang siya nagulat noong nakita ang estado ko. Tumaas lang ang sulok ng labi niya na para bang nagpipigil ng ngiti. Ngumuso na lang siya at huminga ng malalim.

"Mag-almusal na kayong dalawa. Pagkatapos dumiretsyo kayo sa golf course, doon kayo magtataping. God, Stanley, anong oras na." inis niyang sabi bago tinalikuran si Tan Tan. Narinig ko lang ang halakhak ni Stan habang nakatingin sa papalayong si Leria.

"Kiss lang ni A katapat mo!" sigaw nito. Nagmura lang si Leria bago niya ibinagsak ang pintuan. Napailing na lang si Stanley bago siya bumalik sa kwarto.

"Bihis ka na." masuyo niyang sabi. Tumango lamang ako at agad na bumaba sa kama. Pero ng maramdaman ko ang hapdi sa gitna ng hita ko ay agad lang din akong napaupo. Agad na lumapit si Stanley sa akin at nag-aalala akong tiningnan.

"Anong nangyari?"

"N-nothing. Masakit lang." sabi ko at sinubukan ulit tumayo. Inalalayan niya ako at dinala sa banyo. Naligo na ako at nagbihis bago kami sabay na bumaba para mag-almusal. Mabilis lang kaming natapos, considering that Stan is in a hurry. Alam ko ay ngayon na nila tatapusin ang shooting para sa music video nila. Siya na lang ang kulang kaya naiintindihan ko ang pag-aalburoto ni Leria kanina. Agad niyang kinuha ang isang golf cart at dumiretsyo na sa set.

Masama ang tingin ni Leria kay Stanley pagkarating namin. Tinaas lang ni Stan ang kamay niya bago lumapit sa kanyang make-up artist para maayusan. Tawa lang ito ng tawa habang kinukuhanan ang mga scenes na hindi naman siya kailangan.

"Ginalit mo yata si Leria." Sabi ko dito. Kinuha lang niya ang kamay ko at pinaglaruan iyon. Ngumuso siya habang tinititigan ang daliri ko.

Tinaas niya ang palasingsingan ko at tiningnan ako. "Maybe I should put my ring here." Nakangisi niyang sabi. Nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Tan.."

Magsasalita pa sana siya pero kinailangan na siya sa set. Kinuha niya ang drumsticks niya at lumapit sa crew. Binigyan siya ng direksyon ng director habang ang iba naman ay nagpahinga sa tent.

"Sungit, bati na kayo?" nakangiting sabi ni August habang tumatabi sa akin. Tumango ako bago bahagyang lumayo sa kanya. Nakita ko na naman ang talim ng titig ni Stanley sa amin kaya nagbigay ako ng distansya sa pagitan namin ni August.

"Oo." Simple kong sagot. Lumawak ang ngisi niya bago uminom ulit.

"Ano ba yan. Ang bilis naman. Hindi pa ako nag-eenjoy." Nakanguso niyang sabi. Nilingon ko siya at nagtaka sa kanyang sinabi.

"Nag-enjoy saan?" kunot noo kong tanong. Ngumisi lang si August bago niya tiningnan si Stanley.

"Pagselosin yan." Sagot niya. Napanganga ako sa narinig. He did what? Kaya ba niya ako biglaan na lang hinahalikan? Pinagseselos lang niya si Stanley?

"Don't get me wrong Sungit ha? Gusto kita. I really do. But only as a friend. And since I am your friend, at nakwento mo sa akin na minsan kang nasaktan nang lalaking iyon, idagdag mo pang banas ako sa kanya kasi ang yabang niya. Akala mo kung sinong gwapo." Tumigil siya sa pagsasalita bago niya pinadaan ang daliri niya sa kanyang buhok. "Gusto ko lang naman siguraduhing malinis ang intensyon niya sayo Sungit. Kaya tiningnan ko kung magseselos ba siya kapag inangkin ko ang kanya." Tumawa siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Tumayo siya at pumunta sa harap ko. Yumuko siya para magkapantay kaming dalawa.

"One thing is for sure Victoria, he loves you. Taga mo man yan sa gwapo kong mukha." Maangas niyang sabi bago tumayo ng maayos. Natawa na lamang ako sa ginawi niya bago tumango.

"Thank you Gus." Buong puso kong sabi. Nag bow siya sa akin at tinalikuran ako.Ngumiti lang siya bago niya ginulo ang buhok ko. Hindi na ulit siya nagsalita. Bumalik na siya sa set at kinuhanan na ang huling eksena ng kanilang music video.

------------------------------------------

"So, we will just edit the video, titingnan ko kung may dapat bang ulitin doon. Pero habang wala pa, magpahinga muna kayo. The whole day tomorrow is yours." Anas ni Leria. Pinatay niya sa ashtray ang sigarilyo niya bago niya kinuha ang kanyang alak.

Pinaikot ko ang tingin ko sa buong AEGIS. Tahimik na sila, maging si Ethan, dala na rin siguro ng sobrang pagod. Si Stanley ay nakasandal na sa aking balikat. Alam kong kaunti na lang ay makakatulog na ito.

"You want a drink?" alok ni Ria sa akin. Inabutan niya ako ng baso pero tinanggihan ko lang. Umupo siya malapit sa amin bago niya tinaas ang kanyang paa.

"You know you should celebrate. You got rid of your virginity dear." Natatawa niyang sabi. Naramdaman ko ang pamumutla ng aking mukha noong walang pakundangan niya iyong sinabi sa harapan ng AEGIS. Maging si Stanley ay napaupo ng diretsyo.

"Leria, you're drunk." Sabi ni Stanley. Ngumuso lang si Leria bago siya tumingin sa buong paligid. Napayuko na lang ako pero marahang pinisil ni Stanley ang kamay ko.

"I'm sorry. Hindi ko alam na gusto ninyo palang pribado lang ang balitang iyon. Though I don't know why you want to keep it private. Dapat nga matuwa ka kasi kay Stan mo naibigay yan." Tuloy tuloy pa rin niyang sabi. Napasinghap na lang ako at tiningnan siya. Nagsindi siya ulit ng sigarilyo bago niya ibinuga ang usok niyon.

"Geez,  atleast Stan has the decency to be with you right after he took your V. Maraming lalaki diyan na tatakbuhan ka kapag nakuha na nila ang gusto nila." Tumawa siya ulit at humithit. Tumingin siya sa akin bago niya tinukod ang siko sa kanyang tuhod.

"You are really a one lucky bitch. Nakakainggit kayong dalawa." Lumamlam ang mata niya noong sinabi niya iyon pero agad din iyong napawi. Ngumiti siyang muli. "Remind me to get a boy pagbalik natin sa Maynila Stan. I miss sex so much already--"

"Morales!"

Dumagundong ang boses ni A. Napalingon ako sa kanya na tumayo na. Inagaw niya ang baso ni Ria bago niya kinuha ang sigarilyo nito at pinatay.

"Ano ba! Fuck you!" pagmumura ni Ria dito. Nanlisik ang mata niya bago niya kinuha ulit ang baso niya pero iniiwas lamang iyon ni Athan.

Nilingon ko si Stanley. Nakatitig lamang ito sa dalawang halos magpatayan na. Huminga lang siya ng malalim bago niya ipunulupot ang kamay sa aking beywang.

"A, patulugin mo na yan. Lasing na yan." Utos ni Stan dito. Napanganga si Leria at biglaan siyang tumayo. Muntikan na siyang matumba ngunit sinalo siya ni Athan. Kaagad naman tinulak ni Leria si A bago siya dumiretsyo ng tayo.

"Damn you Stanley." Inis na sabi nito. Kinuha niya ang isang bote ng alak at nagmartsa palayo. Sinundan lamang siya ng tingin ni Athan bago ito napabuntong hininga.

"Hindi mo ba siya susundan?" si Ethan ang nagsalita. Umiling lang si Athan bago niya kinuha ang kanyang gitara. Tinitigan ko si A habang nakatingin ito sa upuan ni Leria kanina. Tagos ang tingin niya roon na para bang may malalim na iniisip. Maya maya ay napangiwi na lamang siya bago niya pinunasan ang kanyang mukha.

Nakagat ko ang labi ko. He looks as if he is in pain. Tiningnan ko si Stanley na tahimik ring nanunuod sa kaibigan namin. Pinisil ko ang kamay niya at ngumiti rito.

"I see myself in him." Bulong niya. Tiningnan ko ulit si Athan na wala sa sariling pinaglalaruan ang kanyang gitara. Napangiti na lamang ako at tumango. I get him. I really do. Tiningnan niya ako bago siya ngumiti.

"AEGIS is really good at messing things up with their girl, right?" natatawa niyang sabi. Pilit siyang ngumiti pero hindi iyon umabot sa kanyang mata. Huminga siya ng malalim.

"You should sleep too A." sabi ni I at tumayo na. Sumunod sa kanya si Ethan bago niya tinapik ang balikat ni Athan. Tumango lamang ito at hindi tiningnan ang dalawa. Naiwan kami nila August roon na nagkibit balikat lamang at nauna ng naglakad.

"Toryang.." tawag nito sa akin. Bumitaw ako kay Stanley at nilapitan si Athan.

"I've found her." ngumiti siya ng mapait ng sinabi niya iyon. Bumigat ang dibdib ko  sa narinig. Naalala ko ang sinabi ko kay Athan noon. I promised him that there is a girl who can love him the way he wants to be loved. Nangako ako na may babaeng handang mahalin siya ng buo.

Nilingon niya ako bago niya tiningnan si Stanley.

"I'm really sorry. Sa inyong dalawa. It's my fault. Naging madamot ako at hindi ko naisip na masasaktan kayo. Pasensya na talaga." Mapagkumbaba niyang sabi. Lumapit si Stan sa amin bago niya ako inakbayan.

"I won't forgive you." Matigas nitong sabi. Napatingin ako sa kanya pero nakita ko ang ngisi niya.

"Not unless you get Ria back asshole." Nakangising sabi niya. Nilahad ni Stanley ang kamay niya kay Athan and the shook hands. Tumayo si Athan at niyakap ako.

"Thank you T." bulong niya. Tumikhim si Stanley sa likuran niya. Natawa na lang ako bago humiwalay dito.

"Wag kang nangyayakap. Hindi na yan virgin." Maangas niyang sabi. Nanlaki ang mata ko at hinampas si Stanley.

"Tan Tan!" gulat kong sabi. Humalakhak lang silang dalawa ni Athan bago ito nagpaalam sa aming dalawa. Ngumisi lang si Tan Tan at binigyan ako ng malutong na halik. Wala na akong nagawa kung hindi ang manahimik na lamang.

----------------------------------

Posted na po si A. Kung gusto ninyong basahin, pakitingnan na lang sa works ko. :)

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top