Sagot Sa Mga Tanong

SAMPU

Nakatiim ang bagang niya pagkatapos niyang sabihin iyon. Tiningala ko siya dahil sa tangkad niya. Nakadiin ang likod ko sa pader habang nakalagay ang braso niya sa magkabilang gilid ko. Malalim at maiikli ang paghinga niya. Unti unti siyang lumalapit sa akin.

"Malabo pa ba Toryang? Hindi ba't sinabi ko na sayong akin ka?" madiin niyang sabi. Napakurap ako at yumuko. Pakiramdam ko, isa akong aso na nahuling ngumangatngat sa tsinelas ng amo ko. Alam kong nagalit siya sa nakita niyang ginawa ni Athan.

Lumapit siya lalo at tinaas ang kamay niya. Pinikit ko ang mata ko at hinintay na saktan niya ako, pero napadilat ako ng may maramdaman akong pumapahid sa labi ko. Tiningnan ko siyang nakafocus sa labi ko habang pinupunasan iyon.

 

 

"Walang may karapatan Toryang. Ni hawakan dulo ng daliri mo, walang may karapatan." Bulong niya sa akin. Tiningnan ko siya. Pinadaan niya ang hinlalaki niya sa labi ko bago ako hinila at niyakap.

Napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang higpit ng hawak niya sa akin. How I wish, this is true. Sana totoo itong sinasabi at ginagawa ni Stanley.  Sana totoong nahulog na siya sa akin. Sana totoo na may nararamdaman na siya at hindi na niya ako bibitawan pa.

Idinikit niya ang noo niya sa noo ko bago parang lasing na ngumiti.

"Do you like him?" tanong niya habang nakapikit. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Tiningnan ko siya ng diretsyo dahil hindi ko gets ang tanong niya. Sinong him? Siya? Siya ba?

"Sino?"

Mabilis siyang dumilat bago lumayo sa akin. Tiningnan niya ako bago tumaas ang kilay niya.

"Si Athan. Gusto mo ba siya?" seryoso niyang tanong. Ilang beses akong napakurap. Inipon ko ang hininga ko bago unti unting umiling.

 

"Sigurado ka?"

 

 

"Alam mong ikaw lang Tan. Bata pa tayo ikaw na ang gusto--"

 

"And yet you still gave that goddamn flower to Greg." He hissed. Napatingin ako sa kanya bago napangiti na lang ng wala sa sarili.

"Ang tagal na nun Stan." Tukso ko. Ngumuso lang siya.

"Kahit na. Kung gusto mo talaga ako, dapat sa akin mo binigay iyon--"

 

"Sayo ko naman talaga binigay. Pinaabot ko kay Greg, sabi ko sa kanya ilagay na lang niya sa locker mo. Diba sabi mo sa akin noon, mag-isip ako ng unique na paraan kung paano ibibigay sayo yung bulaklak? Yun yung naisip kong paraan. I gave the flower to Greg with a note with it Tan." Tuloy tuloy kong sabi. Nanlaki ang mata niya ng narinig niya ako.

 

"Sayo galing yun? Yung pink na letter, sayo galing yun?" nagtataka niyang tanong. Tumango ako bago kinurot ang ilong niya.

"P-pero.." yumuko siya bago lumayo ng kaunti sa akin. Nagtaka naman ako sa ikinilos niya. Nagngalit ang bagang niya bago niya tinakpan ang mukha niya.

"Georgina.." inis niyang sabi. Bigla siyang tumalikod at naglakad palayo. Hinabol ko naman siya na nagmamadali sa pagpasok sa elevator.

"Stan.." tawag ko sa kanya pero nagsara na ang elevator. Tiningnan ko kung saang floor siya tumigil bago siya sinundan. Hingal akong nakarating sa floor ng CEO ng Wave Records. Tatlong hakbang pa lang ang nagagawa ko ng narinig ko ang sigaw ni Georgina.

"So what?! Ano ngayon kung sa kanya galing yung sulat? You spent ten years with me, wala lang ba yun sayo?"

Bitterness was laced in her voice.Pinakinggan ko ang boses ni Georgina, sigurado akong siya iyon. Dahan dahan akong naglakad at gumaya sa mga empleyadong nakikiusyoso sa away ni Stanley at Georgina.

"Hindi mo dapat inangkin yung sulat! Hindi mo dapat sinabi na sayo galing yun!"

Napatigil ako sa isinigaw ni Stanley. Inangkin ni Georgina na sa kanya ang sulat ko? Pero..bakit naman niya gagawin iyon? Nakakahiya, ang pangit pa naman ng penmanship ko noon. Baka wrong grammar pa ako. Nakakahiya talaga. Sana computerize na lang ang sulat ko. Bakit ko ba kasi inisip na handwritten ang ibibigay ko?

 

"Dahil yun lang yung pag-asa kong mapansin mo ako Stanley! I know your obsessed with the fact of being inlove! Alam ko ring naobsess ka sa sumulat noong letter! At alam kong kapag nalaman mong si Toryang yun, hindi mo na ako mapapansin." Humina ang boses ni Georgina ng sabihin niya ang huli niyang mga salita. Nakita kong natigilan si Stanley doon.

 

"Diba dapat liligawan mo na siya noon? Kaya mo nga siya pinilit magpunta sa prom dahil nagbalak kang magtapat hindi ba? At dahil isa siyang dakila siyang tanga. Ibinigay niya kay Greg ang bulaklak. Buti na lang, kasi kahit papaano, napansin mo ako." Pumiyok ang boses niya. Kitang kita sa mukha niya ang sakit sa bawat salitang sinasabi niya.

Naglakad na ito palayo pero napatigil siya ng makita ako. Nanlisik ang mata niya at bago pa man ako makagalaw ay naramdaman ko na ang palad niya na dumapo sa pisngi ko. Malakas iyon at nakakabingi. Muntik na akong matumba, kung hindi lamang ako  nahawakan ng katabi ko.

"Happy now?" tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya bago lumapit.

 

"Kung sasabihin kong oo, anong gagawin mo?" balik tanong ko. Lalo lang tumalim ang mata niya bago muling tinaas ang kamay niya. Isang beses pang samplain niya ang mukha kong palagi kong pinapafacial, makikita niya. Sasampalin ko din siya.

Pero bago pa man niya nagawa iyon ay may kamay na na humawak sa kanya. Napatingin ako kay Stanley na walang kaemoemosyon ang mukha. Hinigpitan nito ang hawak kay Georgina at pinilipit ang kamay nito.

 

"Hurt her and I'll hurt you twice. Try me Georgina." Dahan dahan nitong sabi habang lalong pinipilipit ang kamay ni Georgina hanggang sa mapasigaw na ito sa sakit.

Doon ko lang nakita na ganon si Stanley sa buong buhay ko. Nanlilisik ang mata niya at parang papatay siya ng tao. Noong panahon na iyon, nalaman kong iba nga talagang magalit ang isang Montreal. Anak nga talaga ni Tatay Sandro si Stanley. Walang katapon. Mag-ama sila.

Hinila niya ako papasok sa elevator. Nagmamadali siya sa paglalakad at halos takbuhin na namin ang labasan. Ako naman ay hirap na hirap na dahil sa suot kong sapatos. Mataas ang takong nito at masyadong malalaki ang hakbang ni Stanley para sa akin.

Pababa na kami sa hallway ng bigla akong matapilok. Napasigaw ako sa sakit at agad humarap si Stanley sa akin.

 

"Toryang?" nag-aalala niyang tanong. Agad siyang lumuhod sa harapan ko at inalalayan ako.

"Can you stand?" sabi niya. Sasagot pa sana ako ng tumalikod siya sa akin. Hinawakan niya ang dalawang braso ko at pinulupot iyon sa leeg niya. Nang makakapit na ako ay ang hita ko naman ang inilagay niya sa beywang niya bago siya tumayo.

 

"Tan.."

 

 

"Nevermind. I'll carry you." Sabi niya bago siya naglakad habang ako naman ay nakapiggy back sa kanya. Kumapit ako ng maigi sa leeg niya kahit wala namang bakas ng kahit na anong hirap sa ginagawa ni Stanley. Inilagay ko ang baba ko sa leeg niya.

Pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng atake sa puso sa lapit naming dalawa ni Tan Tan. Hindi siya sweet, aaminin ko. Hindi siya yung kalse ng lalaki na mabulaklak ang dila at palagi kang papakiligin sa bawat sasabihin niya. Hindi rin siya yung klase ng lalaki na mangingisay ka sa kilig dahil madalas siyang magbigay ng bulaklak at suportado ang pagpopromote ng diabetes dahil sa chocolates na binibigay sayo.

Hindi ganung klaseng lalaki si Stanley. Harsh siya magsalita. Suplado siya. Mayabang. Pero yung mga simpleng bagay na ginagawa niya, sapat na para mahulog ka ng paulit ulit sa kanya.

Si Stanley ang klase ng lalaki na magpapatunay sa isang babae na walang perpektong prince charming. Hindi ko alam, siguro nasasabi ko ito kasi nga, alam niyo na. Mahal ko siya eh. Bias lang talaga ako.

Dahan dahan niya akong nilapag sa kotse niya bago inilagay ang seatbelt sa akin.

 

"Diyan ka lang. Wag kang aalis." Sita niya sa akin. Napanguso naman ako. Paano pa ako makakaalis. Nakaseatbelt na nga ako, pilay pa ang sakong ko. Si Tan Tan talaga, oo.

"Saan naman ako pupunta?"

 

 

"Basta. Diyan ka lang. Kapag umalis ka, idederetsyo kita sa simbahan." Pananakot niya. Napakurap kurap naman ako sa kanya.

 

"Gusto mong magsimba?" tanong ko sa kanya bago ako napangiwi noong kumirot ulit ang paa ko. Napabuntong hininga na lang si Tan Tan sa sinabi ko bago siya yumuko at inilapit ang mukha sa akin.

"Gusto kong ikasal."

Inilagay niya ang braso niya sa taas ng upuan ko bago lalong lumapit pa sa akin. Halos magkadikit na ang mga ilong namin at amoy na amoy ko na siya.

"Sayo." Bulong niya bago hinalikan ang noo ko at lumayo na. Umikot siya para pumasok sa kotse at tuluyan ng nagmaneho. Ako naman ay parang tanga na hindi pa rin gumagalaw sa kinauupuan ko.

Dumiretsyo kami sa isang bahay sa may subdivision sa Tondo. Malapit lang iyon sa dati naming bahay noong mga bata pa kami.  Dito rin lumaki si Tan Tan pero umalis din sila noong naggraduate na kami ng highschool. Nang humimpil na ang kotse niya ay bumaba kaagad siya at binuksan ang gilid ko. Tinanggal niya ng seatbelt ko bago niya ako binuhat ulit.

"Tan.." bulong ko sa kanya bago tumingin sa mga taong nakikiusyoso.

"Ano?"

"Nakakahiya." Sabi ko sa kanya bago nagsumiksik sa dibdib niya. Bumulong bulong siya bago ako niyuko.

"Anong nakakahiya?" inis niyang tanong. Kinagat ko ang labi ko bago tumingin sa kanya.

"Wag mo ngang kinakagat yung labi mo!"

 

"Ha?" tanong ko ulit. Tumaas lang ang sulok ng labi niya bago tiningnan ang mga tao na nagsisimula ng kuhanan siya ng picture.

"Anong nakakahiya?" ulit niya. Yumuko ako bago ngumuso. Siyempre, nakakahiya ang ganito. Baka akala ng mga tao, may kung ano na sa amin. Eh hindi naman ako sigurado kung ano na nga ba talaga kaming dalawa.

 

"Pinagtitinginan tayo Tan Tan." Bulong ko sa kanya. Humigop siya ng hangin noong huminga siya. Alam kong kapag ganyan siya ay may nasabi na naman akong mali at nainis na naman siya sa akin.

 

"Kinakahiya mo ako?" inis niyang tanong. Bigla akong napatingin sa kanya.

 

"Hindi--" bigla siyang yumuko at inatake ang labi ko. Napahawak ako sa batok niya dahil sa takot na baka mabitawan niya ako. Madiin ang halik niya at pilit niyang binubuka ang bibig ko. Hindi pa siya nakuntento at kinagat niya pa ang ilalim ng labi ko bago humiwalay sa akin.

 

"Ngayon mo sabihin nahihiya kang kasama ako Victoria." Inis niyang sabi bago hinigpitan ang hawak sa akin. Pinasok niya ang susi sa gate gamit ang isa niyang kamay bago iyon sinipa. Ganun din ang ginawa niya sa pintuan. Maingat niya akong iniupo sa sofa niya bago siya lumuhod sa harapan ko. Kinuha niya ang paa kong natapilok at inilagay iyon sa hita niya. Pinisil niya iyon ng kaunti at napaigik ako.

"Masakit ba?" masuyo niyang sabi habang unti unti niyang hinihilot iyon. Kinagat ko ang labi ko ng makaramdam ulit ako ng panibagong kirot sa paanan ko dahil sa mga pagpisil niya.

"Damn it Toryang. Don't bite it." Sabi niya habang nakayuko at nakatuon pa rin ang pansin sa paa ko. Napanguso naman ako at magsasalita pa sana ng tumayo na siya.

 

"Kukuha muna ako ng hot pack. Diyan ka lang. Wag kang tatayo, baka lalong mamaga yan." Utos niya. Gusto kong iikot ang mata ko dahil na naman sa tono ng boses niya. Napakadominante talaga.

Sinundan ko na lang siya ng tingin noong dumiretsyo siya sa kusina at nag-init ng isang towel. Nang matapos siya ay bumalik siya sa dating pwesto niya at inilapat ang towel sa paa ko.

Tinitingnan ko siya habang ginagawa niya iyon sa akin. Makikita mo ang pag-iingat sa kilos niya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa nararamdamang pag-aalaga niya. Hindi ko alam na posible palang maging mapag-aruga ang isang Stanley Montreal.

"Here. Aantukin ka nga lang ng kaunti dahil sa pain reliever na yan." Sabi niya bago ako inabutan ng tubig at ng isang tablet ng pain reliever. Agad ko iyong ininom.

"Ask it." He said. Napayuko ako sa kanya sa sinabi niya. Tiningnan niya ako bago dahan dahang inayos ang mga unan sa sofa bago niya ipinatong ang paa ko doon.

"Anong itatanong ko?" nagtataka kong sabi. Seryoso niya akong tiningnan bago nagbuntong hininga.

 

"Si Georgina.." huminga siya ng malalim na para bang hirap na hirap siyang sabihin kung ano man ang saloobin niya.

"Safe ako sa kanya. Safe ang AEGIS sa kanya. What I feel for her is not that extreme. I don't feel anything for her at all. Inalok ko lang naman siya ng kasal para sa public display. Para lalong tumaas ang sales ng AEGIS sa merkado. Alam ni Georgina na yun ang intensyon ko kaya hindi siya pumapayag sa alok ko." ginulo niya ang buhok niya at wala sa loob na pinisil ang mga daliri ko.

 

"Alam rin niyang tumatakas ako kapag may world tour kami para silipin ka."

Napatingin ako sa kanya noong sinabi niya iyon. Nakita kong nakangiti siya sa sarili niya na parang baliw.

 

 

"Hindi ka ba nagtataka na hindi talaga kita nicontact kahit minsan? Because I don't see the need to. Alam ko kung anong nangyayari sayo sa States Toryang. Alam kong nagtatrabaho ka sa library kapag tapos na ang klase mo. Alam ko ring may kaibigan kang mataba na pangalan ay Susie." Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pangalan ng Amerikana kong kaibigan sa university noon. Ngumisi si Tan Tan ng makita niya ang reaksyon ko.

 

"Maulan kasi noon pero hinihintay kitang lumabas sa City Library. Wala akong payong dahil tumakas lang ako sa hotel noon. Isa pa, ayaw kong malaman ng iba na binabantayan kita dahil ayaw kong magkagulo kami. Usapan namin na walang lalapit sayo pero hindi ko natiis. Alam ko noon pa man na may gusto sila sayo." He snorted pagkasabi niya noon.

"SIla?"

Tumalim ang mata niya bago ngumuso.

"Oo sila. Bwisit. Lahat na lang may gusto sayo. Si Greg, si Iñigo, si Ethan.. lalo na si Athan. Lahat sila." Inis niyang sabi.

"Bakit hindi ka nagpakita sa akin?"

 

"Diba yun yung gusto mo? Bago ka umalis, yun ang sinabi mo sa akin. Gusto mo sa susunod na nagkaharap na tayo, abogada ka na at may ipagmamalaki ka na sa akin. Ayaw kong sirain yun, kaya nagtago ako. I watched you from afar, if you only knew." natatawa niyang sabi.

Hindi na ako nagsalita pagkatapos ng sinabi niya.

He likes me! He freaking likes me! Kung hindi niya ako gusto, ano ang tawag mo sa ginagawa niya? Binantayan niya ako. He was there for me. ianwa niya ang mga bagay na akala kong hindi niya kailanman gagawin para sa akin. He likes me.

 

"Gusto mo bang magpahinga? I can bring you to my room." Alok niya. Para akong tanga na tuwang tuwang umiling bago kinuha ang throw pillow at niyakap iyon. Humikab ako at naginat.

"Can I sleep here?" tanong ko. Tumingin siya sa akin bago nagtaas ng kilay.

 

"Bakit nagpapaalam ka pa? Do whatever you want. Bahay mo rin ito." Sabi niya bago pumanhik sa taas. Tumagilid ako ng kaunti para hindi ko masanggi ang paa ko. Tinago ko ang mukha ko sa gilid ng sofa bago paimpit na tumili sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

Grabe. Ang lakas ng tibok ng puso ko. ganito pala ang feeling kapag sobrang sobra ang tuwa mo. Pakiramdam ko wala na akong mapaglagyan ng tuwa sa dibdib ko.

Hinikab ulit ako at tuluyan ng bumigat ang talukap ko. Naramdaman ko ang pagbalot sa akin ng kumot pero hindi ako sigurado kung parte pa ba iyon ng panaginip ko. Naramdaman kong may umayos sa unan ko at inalis ang mga hibla ng nagkalat na buhok sa mukha ko.

 

"I love you."

Napangiti ako ng narinig ko iyon. Sana hindi na ako magising sa panaginip kong ito.

--------------

It's on! Ipaglaban na ninyo, A o S?

*pen<3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top