Phone
43
Wala ng naging problema sa kanilang music video. Kinuhanan lang sila ng ilang shots para sa cover ng kanilang album. Pagkatapos non ay pinayagan na kami ni Leria na makabalik na sa Maynila. She actually gave the guys a three day break bago nila irelease ang album nila.
"Sungit."
Bahagya kong nilingon si August. Nasa likuran siyang parte ng van habang kami naman ni Tan Tan ay nasa gitna. Nakahilig si Tan sa aking balikat kaya hindi ako makagalaw ng maayos. Gumalaw lang siya ng kaunti at kumapit sa upuan namin.
"Tingin mo, tanggap nila ako?" bulong niya. Nilingon ko ang ibang AEGIS na mahimbing ang tulog. Napangiti ako sa tanong ni August.
"I'm sure. Isa pa, wala na rin silang magagawa kung sakali mang hindi ka nila tanggap. Three days from now, you will be introduced in the public." Pagpapaalala ko. Nawalan ng kulay ang mukha ni August sa narinig. Bigla akong kinabahan sa kanyang itsura.
"Wag mong sabihing kinakabahan ka?!"
"Eeeeh.."
Umusog pa ako ng kaunti para mas makaharap ko siya. Tinaas ko ang dalawa kong daliri at pinitik ang noo niya.
"Aray! Sungit, wag mo akong gasgasan! Maawa ka sa mga babae." Anas niya bago ngumuso. Natawa ako sa itsura niya.
"Baliw. Wag ka ngang kabahan, para kang tanga." Naiinis kong sabi. Hindi na ito nagsalita. Ngumuso lang siya lalo kaya napahalakhak na lamang ako. Bumalik siya sa upuan niya bago ako tiningnan. Inirapan niya ako kaya napailing na lang ako.
"Sinong nagsabing kinakabahan ako?" ngumisi siya bago nagpogi sign sa akin. Napailing na lang ako sa kanya.
"Sige, deny pa Pangit."
Bumuntong hininga siya bago niya tiningnan ang bigay niya sa aking kwintas. "Baka himatayin ako sa release. Pahiram mo sa akin yung kwintas mo ha? Pang moral support lang." seryoso niyang sabi. Natawa na lang ako habang umiiling iling sa kanya.
"Ang baliw mo talaga August."
-----------------------------------------
"Greg!"
Tumakbo ako sa kama niya. Agad niyang ibinaba ang librong binabasa niya at sinalubong ang yakap ko. Napaungol siya ng kaunti dahil sa lakas ng impact ko but I just couldn't care less. Ngayon lang ako pinayagan nila Tan Tan na makita si G, at excited ako dahil doon.
"Kamusta ka na?" tanong ko noong bumitaw na ako sa kanya. Ngumiti lang siya.
"Eto, masakit na ang pwet sa kakahiga." Medyo paos niyang sabi. Tinitigan ko lang siya bago ko inabot ang kamay niya.
"Magpagaling ka na ha?"
"Oo naman. Isa pa, Shana's taking a good care of me." sabi niya bago tiningnan si Shana na nagbabalat ng orange sa kabilang gilid. Ngumiti lang siya bago tumayo at lumapit sa akin.
"Ate Toryang." nakangiti niyang sabi. Niyakap ko siya at tinitigan. Napasinghap ako ng makita siya. halos kasingtangkad ko na siya. At maganda. Halata ngang kapatid siya ni Montreal.
"Laki mo na."
"Punta ka sa birthday ko ha? Hindi na ako teenager Ate!" tuwang tuwa niyang sabi. She'll be turning 20 this Sunday. Hinawakan niya ang kamay ko bago humilig malapit sa akin.
"Kasama mo si Kuya?"
"Nasa labas. Bumili sila ng kape." Sagot ko. Ngumuso siya bago niya ibinagsak ang orange sa sidetable ni Greg.
"Nakakainis siya. I heard from Mom hindi niya tinuloy yung proposal sayo--"
"Shana." Tawag ni Greg dito. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nanlaki ang mata ko sa narinig sa kapatid ni Stanley.
"Proposal?" Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa nalaman. Napahawak si Shana sa bibig niya at tumingin kay Greg. Maya maya ay ngumiti siya at pinaspas ang kamay niya sa harapan ko na para bang mabubura niya ang nasabi niya.
"Eeh.. erase erase. Joke lang Ate. Hehe." Natatawa pa rin niyang sabi. Tinitigan ko lang siya bago tumikhim si Greg.
"Sabi nila, may nahanap na silang kasama ko? Sinong nadagdag?" tanong nito. Hinarap ko siya bago sinagot ang tanong niya. Hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang sinabi ni Shana.
Proposal? Pero nung isang araw lang kami nagkabati. Sigurado ba si Shana doon? O hindi kaya, hindi kaya kay Leria niya balak mag-alok? Hindi. Hindi rin yun. Leria said Stan is not her boyfriend.
Alam kong hindi si Leria ang babaeng iyon. And if it is not her, then.. is it me?
------------------------------
"I'll call later." Sabi ni Tan Tan habang pinagbubuksan ako ng pintuan. Tumango lang ako. Sinara niya ang pintuan at tinulak ako para makasandal roon.
"You know, I have been thinking." Pagsisimula niya. Itinukod niya ang kamay sa pintuan ng kanyang kotse kaya mas lalo akong napasandal roon.
"About what?"
Lumapit siya lalo sa akin bago niya hinaplos ang aking beywang. Kuminang ang mata niya ng makitang ang kwintas na bigay niya ang suot ko. Tinanggal ko na ang kwintas ni August at inilagay na lamang sa treasure box ko.
"Susunduin kita sa linggo. Birthday ni alien." Nakanguso niyang sabi. Kumunot ang noo ko. Hindi iyon ang inaasahan kong magiging sagot niya. Ngumisi lang siya ulit bago ako hinalikan.
"Mamaya ha? Wag mong isilent ang phone mo." Bilin niya sa akin bago ako hiniwalayan. Umikot na siya at sumakay sa kanyang kotse. Kumaway na lamang ako at pinanood ang sasakyan niyang papalayo. Maya maya lang ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at napailing na lang ng ang pangalan ni Stanley ang nagregister.
'I miss you already. Is this a bad thing?'
Agad kong pinindot ang reply button at nagtipa ng isasagot.
'Don't text me. Nagmamaneho ka.'
Binulsa ko na ang phone ko at hindi na inasahan na sasagot pa ito. Kaya nga ganun na lang ang gulat ko noong hindi pa ako nakakapasok ay muli itong tumunog.
'I'm trying to be sweet here. Hindi ka ba kinikilig?'
Natawa na lang ako. Hindi ako kinikilig Montreal. Hindi pa nga ako nangingisay dito sa kinatatayuan ko. Naku, talagang badboy na ito. Hindi na lang ako nagreply sa kanya. Baka kasi patuloy lang siya sa pagsagot.
Avvi new something is up to me. agad niya akong tinanong kung bakit ang lawak ng aking ngiti. Ilang beses pa niya akong kinulit na sabihin sa kanya kung anong nangyari sa Baguio pero hindi na lang ako nagsalita. I am too happy I don't even know where to start.
"So, kelan ang kasal?" tanong niya habang kinakain ang strawberries na dala ko. Napanguso na lang ako at nagkibit balikat.
"Hindi pa namin napaguusapan eh." Sagot ko.
I sighed. Alam kong ayos na kami ni Tan. We settled our issues. Pero nandyan pa rin ang Tatay niya. I am not quite sure if Sandro Montreal will already approve of me as his daughter. Hindi ko alam kung sapat na ba ang nagawa ko para matanggap na niya ako.
Yun ang nasa isip ko buong gabi. Hanggang sa makahiga ako ay iyon ang iniisip ko. Sa linggo ay muli ko siyang makikita sa birthday ni Shana. Ayaw ko man ay kinakabahan pa rin ako kapag nakaharap ko na siya.
Nasa malalim akong pag-iisip noong tumunog ang phone ko. Agad ko iyong kinuha at sinagot ang tawag.
"Hello?"
"I love you too."
Napatayo ako ng marinig ang sagot niya. Napailing na lang ako at umupo sa may windowsill.
"Uuy, kinikilig na ang Yang ko." tukso niya. Narinig ko pa ang paghalakhak niya sa kabilang linya. Damn. Wag ka ng magchuckle Stan, please! Your chuckle is so damn sexy. Shit.
"Baliw ni Montreal ah." Tangi ko na lang nasabi. Hindi na gumagana ang utak ko sa sobrang saya na nararamdaman. Tumikhim siya bago muling nagsalita.
"Sinong baliw? Ikaw?"
"Huh? Sino bang Montreal dito? Diba ikaw?" tanong ko. Tumawa lang siya ulit. Narinig ko ang pagbagsak ng isang katawan sa kutson. Mukhang matutulog na rin siya ah.
"Montreal ka rin naman ah. Ang tanga mo talaga." Naiinis niyang sabi. Napangiti ako ng marinig ulit ang ganyang klase niyang pananalita. Ang harsh nitong lalaking ito.
"We're not married Stan." Katwiran ko. Pero pasimpleng pagsasabi na rin iyon na alukin na niya ako. Magpropose ka na kasi Montreal!
"Yet. Nagmamadali ka yata?"
Napanguso na lang ako. Ang manhid mo! Pakasalan mo na ako!
"Hindi naman sa ganun..pero.."
"Aaah.. ayaw mo ng maagaw ako ano? Sweetheart, alam mong habulin ako ng babae, you can't help that." Sagot niya. "But you don't have to worry. Nakatatak ang pangalan mo sa balat ko." pakunswelo niya. Tumayo na ako at pabagsak na humiga sa kama. Narinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya.
"Are you in bed?" bumaba ang tono ng boses niya. Bumilis ang tibok ng puso ko sa klase ng pananalita niya. Agad akong pinamulahan ng mukha.
"Yes." Sagot ko. Ilang sandali siyang nanahimik. Naririnig ko rin ang mabibilis niyang paghinga.
"Damn. I'm turned on." Bulong niya. Napasinghap ako sa narinig. Agad akong napaupo sa sinabi niya. Napahawak ako sa aking dibdib at pilit na kinakalma ang protesta ng mga paruparo sa tiyan ko. Mga avid fan ni badboy!
"Stanley--" narinig ko ang pagtayo niya. Ilang kaluskos ang tumunog sa background bago ko narinig ang langitingit ng kanyang kama. Humiga ulit ako at hinintay siyang magsalita ulit.
"Sleep now. Bago pa ako pumunta diyan. Hindi ka na makakatulog nun." sabi niya sa kabilang linya. Sunod kong narinig ang tunog ng gitara niya. Humiga ako at pinakinggan siya.
Tell me that you turned down the man
Who asked for your hand
'Cause you're waiting for me
And I know, you're gonna be away a while
But I've got no plans at all to leave
Hindi agad ako nakalagalaw ng marinig ko ang kanta. Pamilyar sa akin iyon dahil iyon ang kanta na nasa demo CD ni Stan. Hindi ko tinapos ang pakikinig noon dahil masama pa rin ang loob ko sa kanya ng mga panahon na iyon.
And would you take away my hopes and dreams and just stay with me?
All my senses come to life
While I'm stumbling home as drunk as I
Have ever been and I'll never leave again
'Cause you are the only one
Tuloy tuloy pa rin siya sa pagkanta niya. Napangiti na lamang ako habang pinapakinggan siya. Stan could be the vocalist of AEGIS. Kaya naman niya eh. But come to think of it, if he is the vocals, then he will be in the front line. Mas maraming babae ang hahanga sa kanya. Ayaw ko naman yun.
I should be the only one.
Tumigil na siya sa pagtugtog. Pumikit na rin ako dahil dumalaw na ang antok sa akin.
"I love you Stan." Bulong ko at tuluyan na akong ginupo ng antok.
---------------------------------------
Song Used:
Ed Sheeran- One
TAMING THE COLD BOY po iyong kay Athan
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top