Passport
20
"Sigurado ka ba dito kamahalan?" tanong ni Greg sa akin habang tinutulungan niya akong ilagay sa likuran ng taxi ang maleta ko. Tumango lang ako bilang sagot. Tinitigan lang niya ako at hindi na nagsalita pa.
Tahimik lang kaming dalawa sa buong biyahe. Sa kanilang lima, si Greg lang ang sumama sa akin paalis. Hindi na ako nagulat doon, considering how rude Iñigo was when he learned about my decision. Hindi rin pumayag ang kambal sa gusto ko at pinigilan pa nila ako. Hindi na ako nagsalita noong nagalit ang AEGIS sa pag-alis ko.
"You know.. I kept my mouth shut dahil alam kong sobra na ang sasabihin ni Iñigo at nung kambal. Pero kasi Toryang, sa tingin ko, mas maganda kung dito ka na lang." sabi nito. Tiningnan ko siya. Nagsasalita siya habang pinapanood niya ang video ng performance nilang lima sa youtube.
"I need to go." Katwiran ko.
"You want to go. We need you Toryang. Stanley needs you." Diretsyo niyang sabi. Tumingin ako sa labas ng bintana at hindi na sumagot pa.
"Ikaw ang kailangan niya Victoria Shayne. Not just a woman who is deserving of him. He needs you. Ikaw lang." ibinulsa niya ang cellphone niya at tiningnan ako. Ngumiti lang ako ng mapait sa sinabi niya.
"Shut up Greg." Sabi ko na lang dahil ayaw kong marinig ang mga sinasabi niya. Surely, he is just doing that because he wants me to stay. But I can't stay. Alam kong marami ang maiiwanan ko dito kapag umalis ako, but they will survive. AEGIS will survive without me. I know them.
"I don't know T. Alam mo naman sigurong malaki ang posibilidad na wala ka ng babalikan kapag umalis ka hindi ba? Stanley's not the most forgiving person."
Nakagat ko ang labi ko sa sinabi ni Greg. Alam ko naman yun. And that makes me more afraid. I know Stanley, kilala ko siya kaya nga ginagawa ko ito. Tama si Tatay Sandro. Kailangan nga naman talaga naming dalawa magmature. All my life, kay Stanley lang umikot ang mundo ko. Ginawa ko ang lahat para mapansin niya ako.Naging desperada ako at wala nang nakitang iba pa kung hindi si Tan Tan lang.
Sometimes too much is too much. I have to lie low. I have to let him go and find myself. Yung Toryang na nabubuhay para sa sarili niya at hindi para mapansin ng isang Stanley Montreal. If I want everybody to accept me as someone who is deserving of that Montreal, then I have to accept myself first. I have to lose all my insecurities. Kailangan kong gawin ito.
Siguro hindi nila ako maiintindihan ngayon. But I know, everything will fall right into its place. Hindi man siguro ngayon, pero darating din ang panahon na hindi ko na kakailanganing patunayan ang sarili ko sa lahat ng nasa paligid namin ni Tan Tan.
"Mag-iingat ka." Greg said. Tumango lang ako at pumasok na sa loob para makapag board. I looked back at Greg and waved him goodbye. He just nodded at me. Tinitigan ko lang siya habang kumakaway ako sa kanya. I bit my lips so hard para pigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Pero nang maramdaman ko iyong tumulo ay agad na akong tumalikod sa kanya. Halos takbuhin ko na ang daan papasok. Natatakot akong baka magbago pa ang isip ko at mananatili na lang ako dito.
I have to be away from here. I have to grow. Para balang araw, I can be someone who is worthy of Stanley.
---------------------------------
"You're watching that again?" natatawang sabi ng roommate ko habang tumutok siya sa screen ng PC ko. Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang pagplay ng video ng AEGIS. Sumandal siya sa sofa at pinanuod din ang performance nila.
Apat na taon na mula noong umalis ako. For four years, I have severed all my ties between the five. Tanging ang mga social networking sites na lang ang binibisita ko para may makalap akong balita sa kanilang banda.
"Seriously Tori. I still can't believe na you went here and made those guy iwan because you wanted to be a lawyer. Grabe girl, kung ako ikaw, I would have stayed with them." maarteng sabi niya. Tiningnan ko lang siya at pinandilatan.
"Shut up Avvi." Natatawa ko na lang sabi. Lumapit siya at halos itulak ako ng ang kambal na ang pinakita. Her gaze glued against Athan. She pointed at him before biting her fingers.
"God, he's hot." Sabi niya. Napailing na lang ako sa ginawi niya. Kinuha ko ang tissue paper at hinampas siya.
"Go away. Nakakaistorbo ka." Sabi ko dito. Ngumuso lang ito at kinuha ang tissue at iyon ang niyakap.
"Come on. After graduation, I will sama to you when you go home ha? Huhuntingin ko siya." nagningning ang mata niya habang nakatingin kay A. Wala na akong nagawa kung hindi ang tumahimik na lang.
"Hindi ka pa ba uuwi? I mean, were done with our electives. Tapos na rin yung exams natin and we could wait there for the results."
"Let's just wait here." Sabi ko na lang. Humiga ito sa kama at tiningnan ako.
"For sure, you'll ace the test Tori. You're a freaking genius a'ryt?"
Hindi na ako sumagot. Nagclick ako ng bago nilang mga video. Kakarelease lang ng bago nilang album at madami na namang bagong music video silang nilabas.
"I'll do everything to have Athan. He's so cute diba?" patuloy na pangungulit ni Avvi. Tiningnan ko na lang siya at napanguso dito.
"He's..hindi kayo bagay." Sabi ko na lang. Paniguradong ihahagis lang palabas ni Athan si Avvi kung sakali. Napakaingay ng kaibigan ko and knowing Athan, hindi niya ito matatagalan.
"Why? May girlfriend na ba siya?" tanong nito. Umiling ako at nagfocus na sa isa nilang video.
"Wala naman pala eh. Then why hindi kami bagay?" sabi nito sa baluktot niyang tagalog. Nipause ko muna ang video at humarap sa kanya.
"He's into girls like you okay? Alam mo ba, he has a stalker back then. Kahit saan siya pumunta, the girl chases him. Athan hates her. And he's really rude to that girl. Ayaw ko namang maging rude si A sayo." Tuloy tuloy kong sabi. All throughout ay nakangiti lang ito sa sinasabi ko hanggang sa natigilan na lang ako.
"You're not listening to me." I narrowed my eyes a her. Tumawa lang ito ng malakas bago umupo at hinarap ako.
"Kasi naman Tori, I really like him okay? And when you like a person, whatever shits they will say to you, hindi mo papakinggan. Just like that desperate girl you're talking about. I bet she really likes him kaya no matter how rude A is, she still pushed her way in. And I'll do the same thing the moment I'll get my ass out there in the Philippines." She shrugged at bumaba na sa kama para kuhanin ang suklay niya. Inayos niya ang buhok niya habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya.
"Gosh I'm so pretty talaga." Sabi nito sa sarili habang itinataas ang buhok niya. She popped her lips before putting her lipstick. Sinuot niya ang hikaw niya habang kinakanta ang kanta ng AEGIS na kakapatugtog ko pa lang.
When you like a person, whatever they will say won't matter. You will stay. Natawa na lang ako sa naisip kong iyon. I bit my lip at agad ng tumayo. Kinain ako ng panghihinayang sa mga huling ala-ala na mayroon ako. Hindi ko mapigilang hindi maalala ang huling beses na nakita ko si Tan Tan noon.
-----------------------------
Luminya na ako para makapagboard na nang may biglang humawak sa braso ko at hinatak ako paalis sa pila. Ganun na lang ang gulat ko ng makita si Stanley na hinihingal habang galit na galit na nakatingin sa akin. Binuksan ko ang bibig ko para magtanong pero agad siyang nagsalita.
"Sasama ako."
Nanlaki ang mata ko sa narinig mula sa kanya. Ilang beses akong kumurap para siguraduhing tama ang narinig ko. Baka isa na naman ito sa mga jokes niya para inisin ako. Tiim ang bagang niya at mahigpit ang hawak sa braso ko. Doon ko nasigurong seryoso nga siya sa sinabi niya. At para patunayan iyon ay itinaas niya ang hawak niyang passport at pinakita iyon sa akin.
"Sasama ako." Pag-uulit niya. Mas madiin na ngayon ang sinabi niya. Naramdaman ko ang pait sa dila ko ng sinabi niya iyon. Pilit kong hinila ang braso ko mula sa kanya pero hinigpitan niya ang hawak niya sa akin.
"Toryang.."
"Stay here." Sabi ko. Hindi ito sumagot. Iilang beses siyang bumuntong hininga para makapagtimpi. Tiningnan ko siya at napangiti na lang. Dahan dahan akong umiling at tiningnan siya ng mata sa mata.
"Please don't do this Stanley." Bulong ko. Napasinghap siya sa sinabi ko.
"No. Don't you do this Toryang." May pagbabanta sa boses niya ng sabihin niya iyon. Sinubukan ko ulit hilain ang braso ko at bumitaw na siya.
"Sasama ako. Yang, kahit saan. Just don't leave. Please, I'm begging you." Nabasag ang boses nito at namula ang mata niya habang nakatingin sa akin. Napapikit ako dahil hindi ko siya kayang makitang nagkakaganyan.Hindi ko kayang makita na nagkakaganyan siya dahil sa akin.
"You made me fall for you Yang. I fell. Hard. Wag mo naman akong bitawan sa ere." Pagmamakaawa niya. Yumuko ako para itago ang luha kong nagbabadya na namang bumagsak.
"We can run together. Hindi mo na kailangang isipin yung sasabihin nila Tatay. Aalis tayo Yang. Kahit saan mo gusto."
"Ayoko Tan." Sagot ko. Napatigil siya sa pagsasalita at tiningnan ako.
"Gusto kong tanggapin ako ng Tatay mo Tan. Gusto kong tanggapin ako ng mga taong importante sayo. Ayaw kong magtago. Kaya nga aalis ako, para pagbalik ko, mapapatunayan ko ng pwede ako para sayo." Paliwanag ko. Naningkit ang mata niya ng marinig niya ako.
"I am inlove with you. Hindi ba sapat para sayo yun? Kailangan pa ba nang approval ng lahat? This is between the two of us Yang. Tayong dalawa lang. Bakit pilit kang nagpapasok ng extra?"
Tinitigan ko lang siya noong sinabi niya iyon. Nakatingin lang din siya habang hinihintay akong magsalita.
"I won't ask you to wait for me." yun lang ang sinabi ko. I just wanted to be accepted by everyone he loves. Alam kong mahirap intindihin ang rason ko pero kailangan kong maging matatag sa desisyon ko. Ayaw kong darating kaming dalawa ni Tan Tan sa punto na kailangan niyang mamili sa pagitan ko at sa pangarap niya, sa pamilya niya.
We're both not yet ready for this.
Tumalikod na ako sa kanya noong hindi na siya nagsalita pa. Naglakad na ako at bumalik na para pumila. Hindi na ulit ako lumingon sa kinalalagyan niya.
------------------------------
*pen<3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top