Pabayaan Mo Siya

12

"Hindi ba pwede ang restraining order Toryang?" napatingin ako kay Iñigo ng sinabi niya iyon. Ngumuso ako habang tinitingnan ko ang report na sinasabi ni Athan tungkol sa babaeng nagsastalk sa kanya. Tinitigan ko ang litrato at lihim akong nainggit. The girl is simply gorgeous. Hindi na niya kailangan ng kolorete para lamang lumitaw ang ganda niya. She has this mischievous glint in her eyes. Ang mukha niya ang perpektong halimbawa ng isang naughty and nice na diwata.

"Baka fan niyo lang." sabi ko habang sinisipat pa rin ang babae. Tumikhim si Athan bago umupo ng maayos.

"She's not. Walang fan ang gagawa ng ginagawa niya."

Tiningnan ko lang si Athan na seryosong nagsasalita. Kumunot ang noo ko bago siya huminga ng malalim.

"She's a damn stalker Toryang. Tight ang security sa condo namin ni Ethan pero nagawa niyang pasukin ang unit naming dalawa. And the weird part is, alam niya kung alin ang kwarto ko sa kwarto ni E." nahihirapan niyang sabi. Tumango tango si Greg bilang pag sangayon.

"Kaunti lang ang mga taong na kayang idistinguish kung sino si A at si E. Only people who know them thoroughly can do that." Sabi nito. Tumingin si Athan sa akin.

"Katulad mo." Sabi niya sa akin. napanganga naman ako dahil sa lagkit ng titig niya sa akin. Magsasalita pa sana ako pero pinili ko na lamang manahimik. Ayaw ko ng magkagulo ulit. Malinaw pa rin ang mga bakas ng pasa sa mukha nilang dalawa ni Tan Tan. Ayaw ko ng dagdagan pa iyon.

Nanahimik ang mga itlog ng maramdaman nila ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Athan. Napayuko na lang ako at muling tinitigan ang babae sa litrato.

"She stole A's underwear." Sabi ni Ethan sa akin. Tiningnan ko si Athan na seryoso pa ring nakatingin sa akin. Tumaas lang ang sulok ng labi niya at umiwas na ng tingin sa akin. Inipon ko ang mga papel at inilagay iyon sa folder.

"Sige. Ako ng mag-aayos nito." Paalam ko. Tumayo na ako at inayos ang gamit ko ng tumayo rin si Athan at tinulungan akong magligpit. Napahinto ako sa paggalaw at tiningnan lang ito.

"Kakain ka na?" tanong niya. Kinagat ko ang labi ko ng makita kong pasimpleng lumabas ang tatlo para iwanan kaming dalawa sa loob ng dressing room.

"Oo."

"Sabay na tayo." Alok niya. Tiningnan ko siya. Kitang kita ko sa mukha niya ang pag-asam na sana pumayag ako. Pinaglaruan ko ang daliri ko bago ako sumagot.

"Kasi--"

"Sabay kayo ni Stanley?" matalim niyang sabi. Yumuko ako bago tumango.

"Athan."

Tiningnan lang niya ako. Lumunok ako bago ko hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko iyon bago ko siya nginitian.

"Sorry." Inilapag ko sa kamay niya ang kwintas kong tinkerbell ang pendant. Sinara ko ang palad niya bago siya tiningnan ng diretsyo sa mata. Hindi siya gumagalaw habang nakatingin lamang sa palad naming dalawa.

"Sorry talaga Athan." Sabi ko sa kanya. Lumayo siya ng kaunti sa akin bago niya inihilamos ang kamay sa buhok niya. Huminga siya ng malalim bago mapait na ngumiti na lamang.

Walang salisalitang tumayo siya at naglakad papunta sa pinto. Sakto namang bumukas iyon at pumasok si Tan Tan. Nagkatitigan silang dalawa at agad akong naglakad para pumagitna sa kanila. Mabilis na lumapit si Tan Tan sa akin at kinuha ang kamay ko. Hinila niya ako palapit sa kanya bago hinalikan ang buhok ko. Nakita kong napatiim bagang si Athan sa ginawa ni Tan Tan kaya siniko ko ang katabi ko.

"Excuse." Sabi nito bago dali daling lumabas. Humigpit ang hawak ni Tan Tan sa balikat ko bago ako hinila palabas. Naglakad kami sa hallway at nadaanan ulit namin si Athan na papasok sa conference room. Tiningnan ko siya at tumango lang siya sa akin.

"Stop it."  Sita ni Tan sa akin. Tumigil siya sa paglalakad at agad akong hinarap. Nakataas ang kilay niya habang nakatitig sa akin.

"Stop looking at him. Huwag mo na siyang intindihin."

"Stan--"

"Mas lalo lang siyang mahihirapan kung lalapit ka pa. Iwasan mo na siya para masanay na siyang wala ka sa buhay niya. You're mine, and I won't share you just to heal his brokeheart." Matigas ang boses niya ng sinabi iyon. Kinagat ko ang labi ko bago umiling.

"Kailangan niya ako."

Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Humakbang siya palapit sa akin bago yumuko para magkatapat na kami ng mukha. Tinitigan niya ako ng diretsyo sa mata.

"I don't care. Hayaan mo siyang maghanap ng ibang babaeng kakailanganin niya. Wag na ikaw. Akin ka. Pag-aari na kita Toryang." Inis na ang tono ng boses ni Stanley noong sinabi niya iyon. Hindi na ako nagsalita pa dahil ayaw ko ng dumagdag sa galit niya. Tahimik na lang akong sumama sa kanya palabas ng Wave Records.

Walang nagsasalita sa amin noong kumakain na kami. Tahimik lang kaming dalawa at rinig ko lamang ang iilan niyang buntong hininga. Tumitingin siya sa akin pero iniiwasan ko ang mata niya. Pilit kong pinagtuunan ng pansin ang pagkain ko at hindi siya.

Hindi ko maintindihan si Tan Tan. Bakit ganon siya? Bakit ayaw niyang kausapin ko si Athan? BAkit hinahayaan lang niyang masaktan ang kaibigan niya? Bakit ang selfish niya? Hindi ba't dapat walang iwanan? Bata pa lamang kami, motto na nilang lima iyan. Wala pa man kaming relasyon, wala pa man kaming ganitong klaseng komplikasyon, may AEGIS na. At hindi dapat sila pumapayag na masira ang samahan na iyon ng dahil lang sa ganitong problema. Mas mapapadali ang lahat kung mag-uusap usap kaysa sa pagpapairal ng pride. Mas maiibsan ang sakit kung may makakaramay siya. Pero mas pinili ni Stanley na pabayaan na lang si Athan mag-isa. At yun ang hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit nila kailangang bitawan ang isa't isa.

Ibinaba ko ang tinidor ko bago ko pinunasan ang bibig ko. Tumingin siya sa akin.

"Tapos na ako--"

"Are you mad at me?"

Napatingin ako sa kanya, hindi dahil sa tanong niya kung hindi sa kaba na narinig ko sa boses niya. Napalunok ako bago umiling.

"Hindi."

"Bakit hindi mo ako kinakausap?"

Hindi ako sumagot. Sumandal si Tan Tan sa upuan niya bago niya pinaglaruan ang hikaw niya sa kaliwa niyang tenga. Napatingin na naman ako sa braso niya dahil sa ginawa niya. Iniwas ko ang mata ko dahil malakas makadistract ang naghuhumiyaw niyang biceps.

"Dahil ba kay Athan?" bakas ang iritasyon sa boses niya ng sinabi niya iyon. Tiningnan ko siya bago umiling. Pinaglaruan ng daliri ko ang laylayan ko ng damit bago huminga ng malalim.

"Stan, kailangan niya ako. Nasasaktan siya dahil sa akin." katwiran ko. Tinukod niya ang siko niya sa lamesa bago ako tiningnan ng diretsyo sa mata.

"Nasasaktan siya dahil ako ang pinili mo. Nasasaktan siya dahil tanga siya. Hindi na dapat siya sumugal sayo dahil sa una pa lang, akin ka na. Sinabi ko na sayo noon Toryang, kahit sino sasagasaan ko kapag may humarang sa ating dalawa. Wala akong pakialam kung kaibigan ko man o hindi. At kung nasasaktan man si Athan, kasalanan na niya yun. Humarang siya, sinagasaan ko siya. Simpleng bagay. Wala ka na dapat pakialam." Malamig niyang sabi. Hindi pa man siya tapos magsalita ay umiiling na ako. Nakita ko siyang natigilan ng tumutol ako sa sinasabi niya. Tumaas ang kilay niya at inis na binalya ang upuan. Tumayo na siya at nag-iwan ng pera sa lamesa naming dalawa.

Napapikit ako ng iniwan ako ni Stanley sa kainan. Kinagat ko ang labi ko at pinanuod siyang humalo sa mga tao. Tinitigan ko lang ang pagkain naming dalawa na halos hindi man namin napangalahati. Pinalipas ko ang ilang minuto bago na ako lumabas at umalis na rin. Dumiretsyo na lang ako sa firm para makapagtrabaho. Kailangan ko pang asikasuhin ang tungkol sa babaeng nangugulo kay Athan at Ethan. Kahit yun man lang magawa ko para sa kanya.

-------------------------------

Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho at hindi ko na namalayan na gabi na pala. Agad kong iniligpit ang gamit ko para umalis na. Kinuha ko na rin ang report tungkol sa stalker ni Athan para mapag-aralan ko mamaya kapag nakauwi na ako.

Nasa elevator na ako ng kinalkal ko ang cellphone ko. Ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang mga missed calls at texts ko. Niscroll ko ang screen at nakita kong puros iyon galing kay Tan Tan. Binuksan ko ang isa.

"I'm sorry I walked out on you. Can we talk?"

Pinindot ko ulit ang isa pa niyang text. Nakagat ko ang labi ko ng makita iyon.

"Alam mong mainitin ang ulo ko. Kasalanan ito ni Tatay. Sorry na. :("

Hindi ko napigilang matawa sa text niyang iyon. Talagang si Tatay ang nasisisi dahil sa ikli ng pasensya niya. Baliw talaga. Tiningnan ko ulit ang isa niyang text.

"Fireworks show later. Punta tayo ha?" huminga ako ng malalim bago ko pinindot ang reply button.

"Saan?"

Iilang segundo lang ang nakalipas ng tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na kinailangan pang icheck ang caller id. May sariling ringtone ang number ni Tan Tan sa akin.

"Hello?"

"Hindi ka na galit?" narinig kong bungad niya sa akin. Lihim akong napangiti. Para akong tanga na umiling kahit hindi naman niya ako nakikita. Bumukas ang elevator at lumabas na ako.

"Saan kita pupuntahan?" tanong ko sa kanya. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko siyang tumayo mula sa waiting shed. Agad kong pinatay ang tawag at lumapit sa kanya. Naglakad siya papunta sa akin at kinuha ang kamay ko. kimi siyang ngumiti sa akin bago niya ipinasok ang kamay naming dalawa sa bulsa ng jacket niya. Dinala niya ako sa kotse niya pero hindi agad kami pumasok doon. Tumigil siya sa pagbubukas ng pinto bago ako niyakap ng mahigpit.

"Sorry." Bulong niya. Yumakap naman ako pabalik bago tumango. Binitiwan niya ako at tiningnan.

"Alam kong naguguilty ka. Alam ko ring mahirap para sayo ito kasi kaibigan mo si Athan. Pero Toryang, kailangan mong lumayo at pabayaan siya para makapag move on na siya." paliwanag niya sa akin. Napayuko naman ako sa sinabi niya.

"Pabayaan mo na siya Toryang." Utos niya sa akin. Binuksan na niya ang pintuan ng kotse niya bago ako pinapasok sa loob. Sumunod naman ako sa kanya. Umikot siya at sumakay na sa driver's seat.

"Nag-aalala lang ako sa kanya Tan." Sabi ko dito ng nagsimula ng umandar ang kotse niya. Nakita ko siyang lumingon sa akin bago nagngalit ang bagang niya.

"Andyan sina Ethan. They can take care of him."

"Pero--"

Huminga ito ng malalim. Nakita kong humigpit ang hawak niya sa manibela. Tumigil na kami sa isang parke na may maraming tao. Nagseset up na ang mga magsoshow ngayon. Naglatag si Tan Tan ng kumot sa hood ng kotse niya bago umupo doon. Sumunod naman ako sa kanya. Tumabi ako dito.

"Isang beses." Narinig kong sabi niya. Nilingon ko siya habang may kinakalkal siya sa bulsa niya.

"Anong?"

"Isang beses mo lang pwedeng kausapin si Athan. Pagkatapos noon, pabayaan mo na siyang mag move-on Victoria." Seryoso niyang sabi. Tumango na lang ako dahil ayaw ko ng magbago ang isip niya. Tiningnan nya ako bago lumapit sa akin. may naramdaman akong malamig na dumampi sa leeg ko. at dahil madilim, kinapa ko na lamang kung ano iyon. Narinig ko ang pagclick ng lock sa likod ng leeg ko at doon ko naoagalamang kwintas ang inilagay ni Tan Tan sa akin.

"But if you will talk to him, you have to wear that." Sabi niya habang pinaglalaruan ang pendant ng ibinigay niya. Hinawakan ko ang lace ng kwintas hanggang mahanap ko ang pendant. Bilog iyon na may matulis na bato sa isang banda. Kinuha ko ang cellphone ko para ilawan iyon at ng makita ko kung ano ang nandoon.

"Ano ito?" tanong ko sa kanya habang iniikot ikot ang bilog na bagay na iyon. Inilapit ko ang ilaw at napasinghap ako ng makita ang pendant ng kwintas. Tiningnan ko si Tan Tan na nakatingin lang sa akin. Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya sa dilim pero rinig ko ang malalalim niyang paghinga.

Tiningnan ko ulit ang pendant. Kinagat ko ang labi ko ng matitigan ko iyon.

Binigyan ako ni Stanley ng singsing.


___________________

I'll change their age. May book 2 rin ang Unwilling Groom.

Salamat po.

*pen<3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top