Overdose

11

 

Nananaginip ng gising, nakatulala sa hangin..

Nagsusumudhing damdamin kahit halik mo ay akin..

 

 

Di ko na alam ang kasunod.Di ko rin alam kung tama ang lyrics ko.Di ko rin alam kung bakit baliwan na naman ang peg ko dito sa chapter na ito. Di ko nga rin alam kung bakit kinakanta ko ito. Siguro kasi ayaw ko ng magising sa panaginip ko ngayon. Kung pwedeng ikulong ko na lang ang sarili ko dito sa loob ng pantasya ko gagawin ko, Game na game ako, basta ba marinig ko ulit ang four words eight letters ni Tan Tan.

Tan Tan! Grabe kinikilig ako. Haha, bulateng malandi! Gusto ko siyang pakasalan! Gusto kong palitan na niya ang apelyido ko! Gusto kong angkinin na niya ako! Gusto ko ng maging Mrs. Victoria Shayne O. Montreal!

Pero ang tanong, gusto din ba niya?

Bigla akong napadilat ng maisip ko ang naisip ng isip ko. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko sa sofa at nilingon ang paligid para hanapin si Tan Tan. Ginala ko ang mata ko ng nakita ko siyang nakabaluktot sa single sofa habang may nakayakap na libro sa bisig niya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tinitigan siya.

Maraming nagsasabi sa akin, puppy love lang daw ang mayroon ako para kay Tan. Iyong tipong mawawala pag lumipas ang panahon. Iyong tipong panandalian lang at walang kasiguraduhan. What I feel for him was nothing but just a childish whim. Infatuation. Yun ang ang term nila sa nararamdaman ko. But let me make this clear, Mr. Webster defined infatuation, from the Latin word infatuatus, as the state of being deprive of sound judgment. And I can therefore conclude, according to the cons and bylaws of the human rights, that I was never deprived of my right to judge when I chose to fall for Stanley Philip Montreal. Oo, it is my choice. Gasgas na ang linya na kung may pagpipilian lang ako, hindi ko siya mamahalin chuchu na yan. We have the say on who we will love. Hindi puso ang naiinlove, it is the hypothalamus. At konektado ang hypothalamus sa utak, hindi sa puso. Nagkakaproblema nga lang tayo when we let the irrational part of our brain--the hypothalamus-- choose a wrong person to love.

A girl should know how to weigh a guy. Dapat sa simula pa lang alam na niya kung karapat dapat ba ang lalaki sa tibok ng hypothalamus niya para alam niya kung tama na ba ang desisyon na gagawin niya. And I know Tan Tan is the right guy for me. Magmula noong unang araw ko siyang nakita noong naglalaro ako ng piko sa may putikan, alam ko nang siya ang tamang lalaki para sa akin. Sa akin. Akin. I did not spend ten years upgrading myself in States para lang isuko si Tan Tan. Desperada na kung desperada. Madamot na kung madamot. Malandi na kung malandi. Ako ang nagmamahal at kahit na anong sabihin ng kahit na sino ay hindi ko papakinggan.

"Why?"

Napatingala ako kay Tan Tan ng bigla siyang magdilat. Pupungas pungas pa siya bago niya inayos ang album at inilapag iyon sa lamesa.

"Ha?"

Kumunot ang noo niya bago nag inat. Napako ang tingin ko sa nagsusumigaw niyang biceps bago ako napalunok. Ang muscles niyang nagfeflex na yata ang pinakamagandang bagay na nakita ko sa buong buhay ko. Nakakapang init ang bawat himaymay ng muscles niya. No wonder he is the hottest drummer in the whole Philippines. Biceps pa lang, pwede ng pakasalan.

"Toryang.." tawag niya ulit sa akin. Sinagot ko siya pero nakasunod pa rin ang tingin ko sa biceps niya habang inaayos niya ang throw pillow at ang pinaghigaan ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Stop staring at my arms Victoria." Sita niya sa akin. Doon pa lang ako napatingin sa kanyang mukha. Nakakunot na naman ang noo niya at hindi ko alam kung naiirita na naman siya sa akin.

"Hindi ko tinitingnan ang braso mo." Naglalaway lang ako, sabat ng konsensya ko. Gusto ko sana siyang sapukin pero baka magtaka si Tan Tan kapag sinaktan ko ang sarili ko.

Tumaas lang ang kilay niya sa sinabi ko bago gumapang papunta sa akin. Napasandal ako sa armrest habang siya naman ay itinukod na ang dalawang braso sa likuran ko.

"Iba ang tinitingnan sa tumititig." Bulong niya. Ngumuso ako sa sinabi niya. Bumaba ang tingin niya mula sa mata ko papunta sa labi ko.

"Hindi mo alam kung anong epekto ng pagtitig mo sa balikat ko Toryang." Dahan dahan niyang sabi habang nakatingin pa rin sa labi ko. Napalunok na ako bago ko kinagat ang bibig ko. Narinig ko siyang humugot ng marahas na hininga sa ginawa ko.

Gumapang pa siya lalo palapit sa akin habang umaatras naman akong palayo. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa may dibdib niya pero napasinghap ako ng maramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Is he hyperventilating? Hala!

"W-wala naman akong ginagawang masama. Lumayo ka nga!" pilit kong pinatatag ang boses ko pero ngumisi lang si Tan Tan sa sinabi ko. Gumapang pa siya ng isang beses hanggang sa wala na halos natirang espasyo sa pagitan naming dalawa.

"T-tan Tan naman.. layo sabi."

Umiling lang siya habang may mapaglarong ngiti sa labi niya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin hanggang sa halos maduling na ako sa sobrang pagkakatapat ng mga mata namin.

"Ayaw ko."

"Tan--"

"I want to be close to you. I always  wanted to be this close to you." Bulong niya. Papugto pugto na ang paghinga ko dahil na rin sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung tulog pa ba ako at parte pa rin ba ito ng panaginip ko kanina. I am too afraid that if I close my eyes and open it again, magigising lang ako at hindi pala totoo ang lahat ng ito.

"Ten years Toryang. Pinanuod kita sa malayo. Hindi ako lumapit sayo because I wanted you to grow and become the woman you are right now. Hindi ako lumapit sayo dahil ayaw kong sirain ang pangako ko sa AEGIS. And now you're here."

Kumurap kurap ako ng narinig ko ang sinabi niya. I cocked my head sideways bago ako nagsalita.

"Sinundan mo ako?"

Bigla siyang napatigil sa sinabi ko. Tumaas ang kilay niya na para bang nakakagulat ang sinabi ko.

"Kakasabi ko lang hindi ba? Sinabi ko rin yan sayo kanina. Nakalimutan mo?" hindi makapaniwala niyang sabi. Tumango lang ako bilang sagot.

"Aaaah Toryang.." ginulo niya ang buhok niya bago lumayo sa akin. Ngumuso lang ako at tinitigan lang siya.

"Sinundan mo talaga ako? Sa States? Pero bakit noong pagbalik ko, hindi mo ako nakilala? You even asked if I had any boyfriend diba?" paninigurado ko. Huminga siya ng malalim bago sumandal sa sofa niya.

Tinitigan lang niya ako. Matagal siyang nanahimik. Akala ko ay hindi na siya sasagot dahil kinuha na niya ang drumsticks niya bago tumayo.

"Dahil nainis ako ng nakita kitang niyakap ni Greg noong pinuntahan mo ako sa dressing room. Nainis ako dahil ako, nagpipigil na huwag kang lapitan habang yung apat nagawa kang sunduin sa airport. Gusto kitang inisin kaya nagpanggap ako na hindi kita nakilala.Lalo lang akong nainis na kinocontact ka ng apat habang ako, parang tangang nagmamatyag lang sayo. But guess what, ako lang ang nainis dahil hindi ka nainis na hindi kita nakilala." Sinasabi niya iyon habang tinuturo turo niya ako ng drumsticks niya. Napako ang tingin ko doon at hindi ko na napigilan ang ngiti na gumuhit sa mukha ko dahil sa sinabi niya at sa drumsticks na hanggang ngayon ay gamit niya.

"Toryang!" tawag niya sa akin. Napatalon ako sa sofa at niyakap siya bigla. Muntik pa siyang matumba noong sinalo niya ako pero wala akong pakialam. Masaya ako dahil hanggang ngayon, ang regalo kong drumsticks pa rin ang gamit niya.

Ginantihan niya ako ng yakap habang napapahalakhak na lang siya sa kinikilos ko. At wala akong pakialam kung nagmumukha akong tanga, basta ang alam ko lang, masaya ako.

___________________________

"Canton lang ba talaga yung pagkain na alam mo sa mundo Tan?" taka kong tanong sa kanya habang siya naman ay walang pakialam sa mundo. Nakatitig lang siya sa cup noodles na hinihintay niyang maluto sa mainit na tubig.

"Alam mo ba yung kanin? Tsaka ulam?" sabi ko sa kanya. Hindi pa rin siya sumasagot. Nakapangalumbaba siya sa lababo at hindi man lang ako pinapansin.

"Tan Tan." Tawag ko sa kanya. Humarap siya sa akin at inilagay niya ang daliri niya sa bibig niya.

"Wag kang maingay. Cherish the moment Toryang." Seryoso niyang sabi. Ngalingali kong ibato sa kanya ang upuan dahil sa sinabi niya. Anong ichecherish ko sa binabad na noodles? Buhos ko yata sa kanya yung kumukulong tubig na iyan eh!

"Kailangan seryoso. Wag kang maingay. Baka mapressure yung canton, hindi magiging masarap." Parang bata niyang sabi. Tumabi ako sa kanya at tinitigan siya.

"Para kang shunga." Bulong ko sa kanya. Tiningnan niya ako bago ngumisi.

"Wow ha? Sayo pa talaga nanggaling yan?" nangingiti niyang sabi. Binuka ko ang bibig ko para magprotesta pero sinara ko lang ulit iyon. May punto kasi si Tan Tan eh.

Shunga ba ako minsan? Di nga?

"Addict ka talaga sa canton." Puna ko sa kanya ng sinalang na niya ang canton sa bowl. Kumuha siya ng dalawang tinidor at binigay sa akin ang isa. Nilapag niya ang bowl sa lamesa bago umupo doon. Umupo ako sa tapat niya. Inabot ko ang tinidor ko sa bowl pero hinila lang niya iyon palayo.

"Hindi naman masyado. Dito ka nga Toryang." Sabi niya at hinila ang upuan sa tabi niya. Tumayo naman ako at umupo sa tabi niya. Inilagay niya ang mangkok sa gitna naming dalawa.

Halos isang oras rin naming kinain ang isang buong mangkok ng ramyun. Hindi maubos ubos ang pangungulit ni Tan Tan sa akin. Andoong isusubo niya ang kabilang dulo ng noodles na kasalukuyan kong kinakain. Pagkatapos ay sisipsipin niya iyon hanggang sa wala ng matira sa akin. Minsan naman ay bigla niyang kukunin ang tinidor ko at siya ang magpapakain sa akin. Hindi ko alam kung anong sumanib sa kanya pero pakiramdam ko ay bumalik siya sa pagiging bata, katulad na lang noon.

Nang matapos kami ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Kumuha naman si Tan Tan ng basahan at pinunasan ang lamesa at lababo. Hinugasan ko naman ang pinggan habang winalisan naman niya ang sahig. In the middle of everything ay patuloy pa rin kaming dalawa sa pagkukulitan. Bigla akong napatigil sa pagbabanlaw sa baso ng marealize ko ang ginagawa naming dalawa.

"Para na tayong mag-asawa." Natatawa kong sabi. Nilingon ko siya at patuloy pa rin siyang nagwawalis.

"Tan.." tawag ko sa kanya. Tumingala siya bago ngumiti.

"I know."

Ngumiti rin ako pabalik sa kanya ng biglang dumulas ang baso sa kamay ko. Nabasag iyon at agad kong pinulot ang mga bubog sa lababo. Napatili ako ng masugatan ako. Agad lumapit si Tan Tan sa akin at kinuha ang daliri ko.

"Napano?" tanong niya habang sinisipat ang nasugatan kong daliri.

"Dumulas yung baso--"

"Hindi ko tinatanong yung nangyari sa baso Victoria. Tinatanong ko kung napano ka? Masakit ba?" tuloy tuloy niyang tanong sa akin habang tinatapat niya ang sugat ko sa tubig. Napapikit ako ng makita ko ang dugo na umaagos.

"Tanga mo talaga." Inis niyang sabi. Kumuha siya ng malinis na tuwalya at ibinalit iyon sa daliri ko.

"Mababaw lang naman. Atsaka hindi naman masakit." Katwiran ko. Tiningnan lang niya ako bago siya ngumuso.

"Hindi masakit?" paninigurado niya. Tumango naman ako pero napatigil ako ng makita kong kumuha na siya ng betadine at iilang piraso ng bulak. Agad kong tinago ang daliri ko sa likod ko. alam kong mahapdi ang betadine at ayaw kong magpalagay. Pwede na sa akin ang natural healing! Wala ng ganyan!

"Hindi talaga!"

"But it needs to be disinfected Toryang." Katwiran niya. Hinila niya ang kamay ko pero hinablot ko lang iyon pabalik.

"Tan--"

"Shut up or I'll kiss you. I swear I'll kiss you." Banta niya. Napatigil naman ako sa sinabi niya at tuluyan ng nagpahila sa kanya. Pinigil ko ang hininga ko ng sinimulan na niyang dampian ang daliri ko. nalukot ang mukha ko ng maramdaman ko ang hapdi.

"Masakit.." bulong ko sa kanya. Kinuha na niya ang band-aid at inilapat iyon sa sugat ko.

"Amina, kiss ko masakit sayo." Sabi niya at hinila ang daliri ko. Hinalikan niya iyon bago hinipan. Ibinaba niya iyon at napayuko ako. Hinawakan naman niya ang baba ko at pilit niya akong pinapatingala.

"Now I'll kiss my addiction." At hinila niya ako para halikan naman ang labi ko. napapikit na lang ako.

It is truly addicting.

------------------------------

*pen<3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top