Oh! Victoria
36
Merry Christmas! Spread the love ladies!
----------------------------------------------
"Tinapos mo na nga yung kanta. Ano pang itutuloy mo dun?" masungit kong tanong sa kanya. Ngumisi siya bago niya pinagkrus ang binti sa sofa.
"Malapit na yung concert nila. Sa 24 diba? Bukas na yun." Nakanguso niyang sabi habang pinaglalaruan ang throw pillows namin.
"Alam--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko noong bigla niyang binato sa akin ang isang throw pillow. Pinandilatan ko siya at pinulot ang ibinato niya.
"Bakit hindi mo naiwasan?" natatawa niyang tanong. Sumingkit na naman ang mata niya. Gustong gusto ko siyang lapitan at kurutin ang pisngi niyang may dimple para magflat na iyon.
"I didn't expect you to do that!"
"Yeah. You really can't avoid the unexpected." Ngumisi siya at humiga sa sofa namin. Tumaas ang kilay ko. napakafeel at home nitong badboy na singkit na may dimple na baliw na ito. Ang haba.
"Hoy Sungit." Tawag niya sa akin. Tumingala siya at pinanood akong nagpupulot ng mga unan niyang ibinato sa akin.
"Ano?"
"Naging kayo ni Stanley." Madiin ang pagkakasabi niya. Hindi iyon patanong at alam kong sigurado siya sa konklusyon niya. Natigilan ako sa pagpupulot ng mga unan kaya umupo muna ako sa sahig.
"Hindi."
"Sus, wag ka nang magdeny." Umupo ulit siya at tiningnan ako. Ngumuso ako at binato sa kanya ang unan na binato niya sa akin kanina.
"Hindi ako nagdedeny. Bago pa naging kami, umalis na ako." Sagot ko. Tinitigan lang ako ni August bago nagkibit balikat.
"Kanina, parang papatayin na niya ako. Nakakatakot." Nagkunwari pa siyang nanginginig habang inaalala ang pagkikita nila ni Stanley kanina. Tumawa na lang ako sa reaksyon niya. Tinitigan ko siya habang gumagawa siya ng mga aksyon na pang bata.
"Alam mo ba kung bakit kita hinila noong isang araw?" seryoso niyang tanong. Umikot siya sa sofa at nangalumbaba. Pinagpantay niya ang mukha naming dalawa para matingnan niya ako ng maayos.
"Sabi mo ayaw mo akong itulak."
"Hindi. Maling sagot." Ngumiti ulit siya at ginulo ang buhok ko. Lumayo ako sa kanya para malubayan niya ang buhok ko. Bwisit talaga itong si August. Gumapang siya ng kaunti kaya halos magkadikit na ang mga ilong naming dalawa sa ginawa niya.
"Ang cute mo kasi. Kaso mukha kang malungkot." Parang tanga niyang sabi. Pagkatapos ay umupo na siya ng maayos habang hinihintay niya ang reaksyon ko sa sinabi niya. Cute ako? Mabilis umakyat ang dugo sa pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Malulutong na halakhak ang pumuno sa sala namin dahil sa kanya.
"Siguro kaya ka malungkot kasi dahil kay S." tumatango tango pa niyang sabi. Tinitigan ko lang siya ng matalim pero hindi siya sa akin nakatingin. Pinaglalaruan niya ang remote control ng TV kahit hindi naman niya sinindi iyon para manuod.
"Alam mo Sungit, humanap ka ng lalaking papaiyakin ka sa kakatawa, hindi yung papaiyakin ka sa kakaiyak. There is a thin line between tears of joy and tears of sadness. So you have to choose wisely. Kasi kapag nagkamali ka, masakit." Pangaral niya. Naiwan akong nakatitig lamang sa kanya at pinakikinggan ang mga salita niya. Maya maya lang ay ngumiti na naman siya.
"Wag mo akong masyadong titigan, kinikilig ako." Kinindatan niya ako pagkatapos niyang sabihin iyon. Pinulot ko ang unan at malakas siyang hinampas sa ulo.
"Pangit mo."
---------------------------------------------
"Kamahalan!" tawag ni Ethan sa akin. Bahagya siyang lumayo sa kanyang PA at tumakbo papunta sa akin. Tinaas ko ang panyo ko at pinunasan ang noo niyang may pawis na.
"Takbo ka ng takbo." Pagalit ko sa kanya. Ngumiti lang siya pero hindi iyon umabot sa kanyang mata.
"Toryang, miss na kita." Malungkot niyang sabi. Napahinto ako sa pagpupunas sa kanya sa narinig.
"Ako rin. Miss ko na sarili ko." pagbibiro ko bago humalakhak. Pero agad din akong tumigil noong napansin kong nakatitig lang si Ethan sa akin at hindi tumatawa sa joke ko.
"I'm glad to see you happy again Victoria." Masayang sabi nito. Hinaplos niya ang pisngi ko bago iyon biglaang kinurot.
"Aaaw! Ethan!" tumawa lang ito bago umalis at bumalik sa kanyang PA. Hinanap ko ang ibang AEGIS para masabihan ng goodluck. Nakita ko si Athan na nag-aayos ng kanyang gitara. Kumaway lamang ako sa kanya at tinanguan lang niya ako. Ilang beses akong lumingon para hanapin sila Greg pero hindi ko sila makita. Lumiko na ako papunta sa backstage ng mabangga ako sa isang solidong bagay. Tiningala ko iyon at nakita ko si Stanley na nakatayo sa harapan ko, hawak hawak ang kanyang drumsticks.
"Akala ko hindi ka na pupunta." Relieved niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko noong maramdaman ko ang pamilyar na pagtambol ng dibdib ko noong nahakarap ko siya. Unlike others, nakasando lamang siya para mas madali ang pagtugtog niya ng drums. Kitang kita ko na naman ang braso niyang nagsusumigaw sa ganda, idagdag mo pa ang hikaw niyang naglalaro sa kanyang kaliwang tenga.
Stanley Montreal is a freaking god.
"Concert ninyo. Imposibleng hindi ako pupunta." Malamig kong sabi. Tinangka ko siyang lampasan pero hinawakan niya ang braso ko.
"Yang.."
Hinarap ko siya at hinintay na magsalita. Ilang beses muna siyang bumuga ng hangin bago ako tuluyang hinarap.
"I'm sorry." Mababa ang tono niyang sabi. Nagiwas lang ako ng tingin bago ko hinila ang braso ko sa kanya.
"Ayos lang." wala sa loob kong sabi. Huminga ng malalim si Stanley bago niya hinawakan ang pisngi ko para pilitin akong makatingin sa kanya.
"It's not. I've been an asshole to you. Ikaw yung sinisi ko sa lahat kahit wala ka namang kasalanan--"
"Ayos na nga!" tumaas ang tono ng boses ko sa pag-asang titigil na siya sa pagpapaalala sa akin ng lahat ng nangyari. Ayaw ko ng umiyak. Nangako ako sa sarili kong hindi na ako iiyak. Hindi na sasambahin ng mga luha ko si Stanley. At kung hindi siya titigil sa ginagawa niya ngayon, sigurado akong papatak pa rin ang mga iyon. And the last thing that I want to happen is to cry infront of him.
"Tapos na yun Stanley. Ayaw ko na kayong guluhin ni Leria lalo pa't ikakasal na kayo.You bought her a ring. I saw it.." yumuko ako at iniwas ang tingin sa kanya. Ayaw kong makita niyang nasasaktan pa rin ako kapag naiisip ko ang pagpapakasal niya.
"Isa pa, I'm moving on." Halos pabulong ko ng sabi. Lumuwag ang hawak niya sa akin hanggang sa dumulas na iyon sa braso ko.
"Oh, hell no." natatawa niyang sabi. Tiningala ko siya at nakita ko ang determinasyon sa mga mata niya.
"Subukan mo Victoria. Tingnan natin kung kaya mo nga akong kalimutan. But trust me sweetheart, I won't make it easy for you. Hell I will make it impossible." Seryoso niyang sabi. Ilang beses akong napakurap sa narinig ko.
"AEGIS! Standby na!" sabi ng kanilang stage manager. Humakbang na palayo si Stanley sa akin. Nasa hagdan na siya ng backstage ng bigla niya akong hinarap.
"Just so you know, birthday ni Leria kaya binilhan ko siya ng singsing." Nakangisi niyang sabi bago tuluyang umakyat para makapagsimula na sa kanilang concert. Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko na iyon masyadong pinakinggan. Agad lumiwanag ang buong stage kaya nagpasya na rin akong lumabas para hanapin sina Avvi at August.
Nagsimula na sila sa greetings nila bago ako nakarating sa mga kabigan ko. Agad akong hinila ni Avvi at inilagay sa gitna nilang dalawa ni August. Tiningala ko si Pangit at kinindatan lang niya ako.
"Uhm.." boses ni Stanley ang pumailanlang sa buong stage. Agad nagsigawan ang mga tao kaya hinintay niya munang tumahimik ang mga ito. Maya maya lang ay nagsimula na siyang mag-paikot sa drumsticks niya.
"Into my arms baby. Don't let me die for the second time." Malamig ang boses niyang pagkakasabi. Nagsintidigan ang balahibo ko sa narinig. Nanahimik ang buong coliseum sa sinabi nito. Hindi pa man nakakarecover ang mga tao ay nagsimula na siyang tumugtog.
Victoria, you're breaking my heart
You're shaking my confidence daily
Narinig ko ang marahang pagtawa ni August sa gilid ko. Tiningnan ko siya at siniko.
"Akala ko ako lang ang nagpapalit ng lyrics para mapansin. Si Stanley rin pala." Natatawa niyang sabi. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko nakuha ang sinabi niya.
"You don't know the song? Vamps?" tanong niya na para bang isang malaking krimen na wala akong alam sa kinakanta nila Stanley ngayon. Umiling na lamang ako at nalaglag ang panga niya sa naging sagot ko.
"Taong bundok." Bulong niya sa sarili bago humarap ulit sa stage.
Put your hands up
You're surrounded
The whole love thing
I clowned it
Then who's the joker?
I guess I'm it
'Cause I let it right go when I found it
Tiningnan ko lamang si Stanley na patuloy pa rin sa pagkanta kahit na nasa tapat siya ng drums. Doon ko lamang napansin na apat lang sila. Wala si Greg roon.
Time has never been my best suit
Now I've got everything except you
You moved out of my heart, still got the bruise
I'd give it all back to be next to you
Agad kong tiningnan ang mga tao. Marami na rin akong naririnig na bulungan tungkol sa pagkawala ni Greg. Tiningnan ko ulit silang apat na patuloy pa rin sa pagtugtog.
"Where's Greg?" malakas na tanong ni Avvi sa akin sa kabila ng sigawan ng mga tao. Nagkibit balikat lamang ako kahit kinakain na ako ng kaba. Nasaan si G? Kung tama ang pagkakaalala ko ay wala rin siya kanina noong nasa backstage ako.
Cecilia, you're breaking my heart
You're shaking my confidence daily
Oh Cecilia, I'm down on my knees
I'm begging you please to come home
Tinitigan ko si Stanley. Kitang kita ko ang hirap sa kanya habang tumutugtog at kumakanta ng sabay. Hindi rin normal ang pagkilos ng tatlo. Lalo na si I. Bakas ang pagkabalisa sa kanila at alam kong dahil iyon sa pagkawala ni Greg.
Muntik na akong matumba noong may babaeng bumangga sa akin dahil sa kakatalon niya habang kumakanta. Mabuti na lamang at nahawakan ako kaagad ni August sa beywang at napigilan ang pagkahulog ko.
"Okay ka lang?" malakas niyang tanong. Tumango lang ako. Hinapit niya ako palapit sa kanya at isinandal ako sa kanyang dibdib.
"August--"
"Diyan ka lang. Masasaktan ka kapag binitiwan kita. Ang daming tao eh." Sabi niya malapit sa aking tenga. Hindi na ako nakipag-away. Hinintay ko na lamang na matapos nila ang kanta nila.
Cecilia, you're breaking my heart
You're shaking my confidence daily
Oh Cecilia, I'm down on my knees
I'm begging you please to come home
Nagpalakpakan ang mga tao noong matapos na nila ang kanta. Isa isa silang tumayo at naglinya para bumati. Si Ethan ang kumuha ng microphone at nagkamot ng batok.
"Kaninang umaga..excited ho kami para sa comeback namin ngayon. But while we were rehearsing, something bad happened to one of our members. Greg's vocal chords were pushed to the limit. Kanina, he broke down. Mabigat ho ang pressure ng comeback naming ito at hindi na niya nakayanan." Tumigil siya at nanahimik na ang mga tao.
"We were sorry to say..but Greg will never.."
Pumatak na ang luha ko at humigpit ang hawak ko kay August. Naramdaman ko ang pagkapit niya sa akin lalo.
"Greg will never be a part of AEGIS. His health will be our priority. Hindi ho namin isusugal ang kaibigan namin." Matatag na sabi ni Ethan. Agad akong tumalikod at niyakap si August.
And he was there, holding me firmly.
------------------------------
Song Used:
The Vamps - Oh! Cecilia
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top