Not A Dog

45

 

 

Wala na pong regular UD. May pasok na po ako.

Magpopost na lang ako kung kailan meron.

 

-----------------------------------

Hindi ako makapaniwalang maririnig ko iyon mula mismo sa bibig ng isang Alessandro Montreal. Ilang sandali pang prinoseso ng utak ko ang mga salita niya. Tuloy tuloy pa rin ang luha ko habang nakatingin sa kanya.

 

 

"I don't need someone who has fame, money or power Victoria. Hindi sa nagmamayabang ako, pero punong puno na ang pamilya ko ng ganyan. What I want for Stanley is a woman, not a girl." Marahan niyang hinaplos muli ang pisngi ko bago lumayo sa akin ng kaunti. Humarap siya kay Stanley at nagkibit balikat.

 

"Alam kong mali ang pamamaraan ko. Pero ginawa ko lang yun dahil mayabang ka.Akala mo kung sino ka, wala ka namang kayang ipagmalaki sa akin kung hindi yang banda mo. You are immatured. Nakakahiya naman kay Toryang kung ang katulad mo lang ang mapapangasawa niya."

Nga nga akong napatingin kay Tatay na sobra kung makapanglait kay Tan Tan.

"Alessandro!" saway ni Nanay rito. Maging si Stanley ay hindi agad nakapagsalita dahil na rin sa talim ng mga sinasabi ni Tatay.

"I saw it Stan. Magkamukha tayong dalawa--"

 

"Kapal mo Manong. Si Nanay ang kamukha ko. Ampon ka kaya." mayabang na ganti ni Stanley. Nagkatinginan na lang kami ni Nanay. Lumapit si Nanay kay Tatay at may ibinulong rito.

 

"Ikaw ang makapal Tol. Walang kahit na anong parte mo ang may bakas ni Phoebe. Mahiya ka naman sa Nanay mo. At alam mong bukod sa mukha ay namana mo rin ang ugali ko. Yun ang ibig kong sabihin." Ganti ni Tatay. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa dalawa.

When we were kids, laging sinasabi ni Stanley na ayaw niya sa Tatay niya dahil inaagaw nito si Nanay sa kanya. Na gusto lang niya si Tatay Sandro dahil nabibili nito ang mga action figures na gusto niya. But I knew better. Stanley loves Tatay so much. When others think that Alessandro Montreal can walk in the water, Stanley believes that his father created the water itself. Ito na ang naging idolo niya mula bata pa lang kami. Hindi na ako magtataka kung maging sa ugali man ay magkapareho silang dalawa.

And I think, Tatay knows that.

 

"There are millions of mistake in the world Stanley. Pero ginagawa mo ang nagawa ko sa Nanay mo noon. You made Toryang your world, masyado kayong nakulong sa isa't isa. I saw it Stan. You controlled every aspect of her decisions. Pinagalaw mo siya ayon sa gusto mo. Trust me son, that is not a good thing. I did that to your Mom at sa maniwala ka o sa hindi, naloko lang ang lahat dahil doon." Umiling ito bago natawa na lamang.

 

"You were so caught up with each other that you did not see the possibility of more. Kung hinayaan ko iyon, balang-araw masasakal kayo--"

"That won't happen. I love her." matatag na sabi ni Stanley. Tumaas ang sulok ng labi ni Tatay.

 

"Sinasabi mo bang hindi ko mahal ang Nanay mo?" mapanghamon na sabi ni Tatay. Hindi agad nakasagot si Stanley sa tanong na iyon. Matagal walang nagsalita sa kanilang dalawa bago tuluyang umiling si Tatay.

 

"Love is not enough Stanley. Yes, it will make the relationship stronger, pero hindi iyon sapat. There are other things to consider. Maturity, mutual understanding, trust, compatibility,the list is endless Stan.  And I think that is the beauty of loving. Bawat araw, you learn something different, because you are aware of the possibilities, and you use that learning to become a better person for your love." Madamdamin nitong sabi. Habang nagsasalita si Tatay ay inabot na niya ang kamay niya kay Nanay at hinatak ito palapit.

"Alam kong handa na kayong dalawa. At kung magkakaanak kami ulit ni Phoebe, gusto namin si Victoria iyon." Masaya nitong sabi. Pakiramdam ko ay hinaplos ako sa dibdib noong marinig sa kanya iyon. Ngumisi si Tatay bago ako kinindatan.

"Do you understand Stanley?"

Hinintay ko ang pagsagot ni Stan. Ngumisi lamang siya bago tumango. "I do. Salamat Tay."

Lumapit si Tatay sa akin at inakbayan ako.

 

"Gusto ko ng pitong apo Victoria." Natatawa niyang sabi. Nagpakita pa siya ng pito gamit ang daliri niya. Napasinghap ako lalo pa't narinig ko ang pagtawa nila Nanay at Stanley. Maya maya lang ay hinila na ako ni Tan Tan palapit sa kanya.

"Uwi na kami..po." Paalam kaagad ni Stanley.Natawa na lang ako noong marinig ko ang pahabol niyang po. Tumango lang si Tatay pero si Nanay ay humabol.

 

"Maaga pa Sweetheart." Pagpipigil nito. Tumingin si Stanley sa akin at binigyan ako ng pilyong ngisi.

 

"Gagawa pa kami ng apo ninyo Nay. Maawa kayo. Pito yun. Pauwiin na ninyo kami." sagot nito. Pinalo ko ang braso niya pero hindi man lang siya natinag.

"Stan naman!" nahihiya kong sabi. Tumawa lang ang mga magulang niya at wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Tan noong hinila na niya ako palabas.

----------------------------------

Halos isang buwan na rin noong narelease ang bagong AEGIS. It was so overwhelming seeing na mas dumami pa ang tagasuporta ng kanilang banda. Hanggang ngayon ay nag-aadjust pa rin si August, habang si Greg naman ay paunti unti ng bumabalik. Everything is perfect now.

Kami naman ni Stan? Ito, mas pa kami sa ayos na. Wala na akong mahihiling pa. Madalas ay busy sila dahil sa kanilang mga appointments, pero lagi naman siyang tumatawag sa akin kapag nasa byahe sila. It became a habit na kakantahan niya ako over the phone, the usual song. One by Ed Sheeran. I don't know why, baka paborito niya iyon.

Kapag wala naman siya sa trabaho ay magkasama kaming dalawa. Desidido kasi siyang mabuo ang pitong apo na hinihingi ni Tatay. Ako naman ay desidido nang mabuntis para makasal na kami. Hindi na namin kailangang patagalin itong in-a-relationship na status namin hindi ba? Kilala na namin ang isa't isa. Hindi ko talaga alam kung ano ang hinihintay niya. Baka nga ako na lang ang mag-alok. Tingin ninyo?

Hindi naman sa nagmamadali ako. Pero nagmamadali na talaga ako. Geez, 27 na ako. Hindi na ako bata. Baka mauna pa si Shana at Greg sa amin ni Stan, ano ba yan.

"Wear these."

Gulat akong napatingin kay Avvi na may hawak na itim na stiletto. Hindi ko namalayan na nandito pa rin siya sa kwarto ko at hinihintay akong makapag-ayos. Magkikita kasi kami ni Stan dahil matagal rin silang nawala noong pumunta sila sa Visayas at nagroad show doon.

"Pinapatay mo ba ako?" nagtataka kong tanong kay Avvi habang tinitingnan ko ang sapatos. Six inches yata ito?

"No." natatawa niyang sabi. Wala na akong nagawa kung hindi ang suotin iyon kasabay ng damit na siya rin ang pumili. Inayusan ako ni Avvi at nang makuntento siya ay pinicturan pa niya ako.

 

"Kapag talaga hindi pa nagpropose iyang lalaking yan mamaya, ewan ko lang." tuloy tuloy niyang sabi. Natawa ako dahil hindi na pilipit ang dila niya sa kanyang tagalog.

Hindi na ako nakasagot dahil tumunog na ang aming doorbell. Agad akong bumaba sa kwarto at pinuntahan si Stanley.

"Ready ka--"

Napangiti ako ng makita ang reaksyon niya ng makita ako. I opted for a red sleeveless dress. Simple lang ang cut niyon pero tinernuhan ni Avvi ng kwintas at hikaw na makakapagemphasize daw sa aking mukha. Noong una ay hindi ako naniniwala, but looking at Stanley now, Avvi is right.

 

"Let's go." Natatawa kong sabi bago hinalikan ang pisngi nito. Nauna na ako sa kanyang kotse at pumasok agad roon. Nakita kong tulala pa rin siyang nakasunod sa akin. Kinatok ko ang bintana ng kanyang Maserati at agad iyong binaba.

 

"Sweetheart, gabi na. Maghohotel pa tayo, hindi ba?" natatawa kong sabi. Napalunok siya bago tumango. Umikot siya at sumakay na rin.

Daldal ako ng daldal buong byahe pero hindi ito nagsasalita. Tumatango lamang siya sa bawat sasabihin ko. Noong nagpark na siya ay doon lamang ako nagtanong kung ano bang problema niya. Yumuko lang siya at inalalayan akong makalabas.

 

"Pagod lang ako. May concert na naman kami sa susunod na buwan, sabi ni Ria." Sagot nito. Tumango na lang ako dahil alam ko kung gaano kahectic ang sched nila kapag may nalalapit silang concert. Kaliwa't kanan ang appointments nila at mga guestings para sa promotion. Idagdag pang kagagaling lang nila sa roadshow.

"Tara." Alok niya sa akin. Agad naman kaming pumasok sa restaurant.

"Stan--" tawag ko sa kanya pero natigil ako ng maramdaman ko ang marahang ambon. Lalo kaming nagmadaling pumasok dahil unti unti na iyong lumakas. Mabuti na lamang at nagpareserve na itong si Stanley kaya hindi na kami naghintay ng table.

Ilang beses kong kinamusta ang araw niya pero puro tango lamang at iling ang naging sagot niya. Hanggang sa makalahati ko na ang pagkain ay nagpasya na lamang ako na manahimik na lamang. Baka nga pagod talaga siya ngayon at nandito lang siya dahil naoobliga siya. He knew dating his girlfriend os one of his duties. Narito lamang siya dahil iniisip niyang responsibilidad niya ito.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain noong tumunog ang kanyang telepono.

"Excuse lang." sabi niya. Tumayo ako at pinigilan siya.

"Saan ka pupunta?" tumaas ang tono ko pagkasabi niyon. Hindi ko naman ginustong gawin iyon, pero ngayon lang niya ginawa ito. Kahit kailan ay hindi siya nagtatago ng tawag sa akin.

Bumuntong hininga siya at sinagot iyon. "Ria?" sabi niya. Napasinghap ako ng marinig ang pangalan niyon. NJag-iwas ng tingin sa akin si Stan habang pinapakinggan si Leria sa kabilang linya.

"Okay. I'll pick you up. Diyan ka lang." utos nito bago binaba ang tawag. Nagpunas siya ng bibig at tiningnan ako. Inayos niya ang kanyang jacket at tumayo na.

"I have to go. Ihahatid na kita--"

 

"Pupuntahan mo si Leria?" tanong ko. Hindi ko napigilan na nabahiran ng selos ang boses ko. Nakita ko ang pagtiim ng bagang niya sa klase ng boses ko.

"She needs me Victoria." Iyon lang ang sinabi niya. Tumayo ako at sumunod sa kanya.

 

"Sasama ako." Pinal kong sabi at nauna nang pumunta sa kotse nito. Narinig ko na lamang ang pagbuntong hininga nito at walang salitang sumama sa akin.

Habang nasa daan ay panay ang tingin niya sa akin. Hindi ko siya pinapansin. Tinititigan ko lang ang ulan sa bintana ng kanyang sasakyan. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Naiinis ako. Naiinis ako dahil ang bilis lang niya akong iniwan para kay Leria. Naiinis ako dahil hindi niya ako kinakausap. Naiinis ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagaalok ng kasal.

Nakarating kami sa isang park. Ganun na lang ang pagtataka ko dahil malakas ang ulan. Walang sabi sabing lumabas si Stanley roon at sumugod kahit pa mababasa siya. Naghintay na lamang ako sa loob habang nag-aalala sa kanya. Ano bang iniisip niya? Ang lakas ng ulan.

Bumalik siya dala dala ang basang basa na si Leria sa loob. Binuksan niya ang backseat at pinaupo roon si Ria habang umiiyak.

"What happened?" nag-aaala kong tanong. Nilingon lang ni Stanley sa Leria bago umiling. Alam kong may nangyayaring hindi maganda ngayon pero hindi masabi ni Stanley.

"Saan mo siya dadalhin?" tanong ko. Pumasok na si Stanley sa kotse bago sumagot.

"Sa unit ko. Hindi ko yan pwedeng iwan mag-isa."

"Sa condo mo? Kayo lang dalawa doon. Ayoko." Madiin kong sabi. Tiningnan niya ako bago huminga na lang ng malalim.

"Victoria naman! I can't leave her alone." Aniya. Bakas ang pagod sa kanyang boses. Tinikom ko ang bibig ko hanggang sa makarating kami sa building niya.

"You stay here. Dadalhin ko lang siya sa taas." Utos nito. Lumabas ako at narinig ko ang pagmumura niya.

"Ano na naman?" inis na niyang tanong. Nameywang ako at huminga ng malalim.

 

 

"Bakit hindi mo na lang siya ihatid sa bahay niya?!"

 

"I can't leave her alone!" pasigaw na niyang sabi. Nagtaas ako ng noo bago umiling na lamang. Noong nakita niyang hindi na ako nagsalita ay kinuha niya si Leria at pinangko papasok.

"Stanley!" tawag ko ulit. Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng matalim.

"YOU STAY VICTORIA!"

Tumulo na ang luha ko sa sigaw niyang iyon. Kinagat ko ang labi ko at hindi na siya hinintay pang magsalita. Bahala siya sa buhay niya! Stay?! Damn you Stanley, I'm not your dog!

Sumakay ako sa pinakaunang taxing nakita ko. Kumukulo ang dugo ko. Umiikot ang paningin ko. Nahihilo ako! Ang gulo mo Montreal!

--------------------------------

Kinabahan ako sa inyo! akala ko nabura ang buong STBB :)

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top