Nakakapagpagaan

39

Parang hilo ako noong lumabas na ako sa utility room. Hindi pa ako hihiwalayan ni Stanley kung hindi pumasok ang isang janitor para kumuha ng mop. Nang makaalis kami ay kinailangan na rin ni Stanley na mauna dahil may guesting pa sila sa isang TV show.

Agad kong hinanap si August pagkaalis ni Stanley. Ilang beses kong ginustong sabunutan ang sarili ko sa nangyari. Shit. Damn.

Ilang mura pa ang nakuha ng sarili ko. Ang tanga ko. Naiinis ako. Hinayaan kong halikan niya ako. Nang dalawang beses. Sinong matutuwa doon? Anong klaseng pagmomove on itong ginagawa ko? Nanakainis! Nakakafrustrate kang Montreal ka!

"Anong nangyari sayo?" takang tanong ni August. Hindi ko napansin na nasa harap ko na pala siya at nagattaka kung bakit ko hinihila ang kulot kong buhok.

"Ha?"

Humakbang siya papunta sa akinbago yumuko. "Kinagat ba ng bubuyog yang bibig mo? Namamaga ah." Tanong niya habang nakatingin sa aking labi. Inalis ko ang kamay niya at umirap.

"Baliw."

"Nagsusungit ka na naman." Natatawa niyang sabi. Lumapit siya lalo at inakbayan ako. Pagkatapos ay huminga siya ng malalim.

"Ayos lang ba yung kanina? Pakiramdam ko nagkalat ako." Aniya. Ngumuso lang ako at pinandilatan siya. Kung alam mo lang. Mas pa sa ayos yung nagawa mo. Pero ayaw kong ako ang magsabi na pasok na siya. Bahala siya sa buhay niya.

"August!"

Napalingon kami noong may tumawag sa kanya. Nakita ko ang manager ng AEGIS na papalapit sa amin. He smiled before extending his hand to August. Ngumiti rin siya sa akin kaya tinanguan ko lang siya.

"The President wants to talk to you." Aniya. Nilingon ako ni August at napanganga siya. Tumingkayad ako ng kaunti at bumulong.

"Hala ka, ipapakulong ka na nila. Binastos mo kasi yung bahay kubo." Pagbibiro ko. Tumaas lang ang kilay niya bago niya hinawakan ang kamay ko.

"Isasama ko po siya." biglaan niyang sabi. Bumuka ang bibig ng manager pero inunahan siya ni August.

"Moral support lang po." Parang bata niyang sabi bago niya ipinulupot ang kamay ko sa braso niya at hinigpitan ang hawak sa akin. Sinundan namin si manager bago kami pumasok sa opisina ng presidente. Nahigit ko ang hininga ko noong makita si Leria na nakaupo roon at nagbabasa ng mga papeles.

"Paano yung pelikula ni Sunshine? Diba nagkaroon na ng usapan roon?" tanong niya sa sekretarya niya habang nakapokus sa mga binabasa niya. Tumikhim si Manager kaya tumingala ito. Nanliit ang mata niya habang nakatingin sa akin bago lumipat ang mata niya kay August. Tumayo siya at lumapit dito.

"Leria Morales." Pagpapakilala niya kay August. Binigyan niya ito ng matamis na ngiti at kulang na lang ay halikan pa ito sa pisngi. Hindi ko mapigilang hindi kumulo ang dugo ko. Ang landi." Napuntahan na ba si Greg?" baling niya ulit sa sekretarya niyang tumango lamang. Pinaupo niya kaming dalawa bago may kinuhang folder.

"Usually, our talents undergo workshops. How they talk, act, speak, how they bring their selves in public. We train them to become artists with talents and confidence. Pero sa kaso ng AEGIS ngayon, kailangan ka naming madaliin. If you will sign the contract, magsisimula ang training mo ngayong linggo rin. While you are having your training, you will also have to join several interviews and appearances. Hindi ka muna sasama sa AEGIS. Ibibuild up ka namin bilang individual artist. At the end of the month, isasama ka na sa AEGIS. You will star in their MV for their carrier single. Papalitan mo muna si Greg for the mean time." Tuloy tuloy niyang sabi. Nakatitig lang ako sa seryosong mukha ni Leria habang nagsasalita. Clearly, she is the president. But still, bitch pa rin siya.

"T-tanggap ako?" hindi makapaniwalang sabi ni August. Natawa si Leria bago niya pinagkrus ang kamay sa dibdib niya. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya pero lumitaw ng bahagya ang cleavage niya at napalingon si August doon.

"After singing bahay kubo that way, tanga na lang ang hindi tatanggap sayo babe." Malandi niyang sabi. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Athan doon. Napatingin siya kay Leria bago nanliit ang mata niya.

"Why are you here? May interview kayo hindi ba?" masungit niyang sabi kay Athan. Nilingon lang niya ako bago niya binalik ang tingin niya kay Leria. Namulsa lamang ito bago siya lumapit sa amin. Nilahad niya ang kamay niya kay August. Tumayo naman si Pangit at tinanggap iyon.

"Welcome sa AEGIS." Tipid niyang sabi.

"Gwapo mo pala sa malapitan." Parang tanga niyang sabi. Napapalo na lang ako sa noo. Geez, August, way to go.

"Athan, bumalik ka na nga sa studio!" naiinis na sabi ni Leria. Tiningnan lang siya ni Athan bago nagkibit balikat.

"Naiinip na ako." Simpleng sabi niya bago tinapik si August sa balikat. Nginitian niya ako bago umupo sa sofa.

"Damn it! Ang tigas ng ulo mo." Frustrated na sabi ni Leria bago muling bumaling sa amin ni August. "We will have the shooting for the music video after christmas, will that be okay?" tanong niya ulit.

"Sama ka na rin Toryang. Doon na tayo mag New Year" sabat ulit ni Athan. Pinandilatan lamang siya ni Leria bago napailing na lang.

"Okay lang." masayang sabi ni August. Ngumiti si Leria bago niya kinuha ang kontrata at binigay iyon kay August.

"Nandito na rin naman si Tori, she can help you with the contract. Same contract lang yan with the other members. But you can still review it. We will expect the contract before new year sana. Kapag ready ka ng pumirma, I can arrange a conference for the signing."

"Sure." Nakangiting sabi ni August. Kinamayan niya si Leria bago kinuha ang kontrata.

"Welcome to AEGIS."

--------------------------------------

"Sungit, libre kita. Gusto mo?" masayang sabi ni August habang nakasakay na naman sa kanyang skateboard. Ngumuso lang ako at tiningnan siya ng matalim.

"May pera ka?"

"Kumuha ako sa alkansya. Tara, fishball." Sabi niya bago hinila ang kamay ko at dinala ako sa tindahan ng turo turo. Kumuha agad siya ng baso at binigay sa akin ang isa.

"Halagang thirty pesos lang ha? 100 lang dala ko. Bibili pa tayong inumin." Natatawa niyang sabi. Tumingkayad ako at sinapok siya.

"Pangit, ang kuripot mo." Natatawa kong sabi. Ngumuso lang siya bago ako kinindatan.

"Ganyan talaga ako manligaw."

Napanganga ako sa sinabi niya pero bago pa man ako makapagtanong ay tumalikod na siya at kumuha na agad siya ng kwek kwek at Betamax.

Tinitigan ko lang ang likod niyang abala sa pagkain ng tusok tusok. Napahinga ako ng malalim habang nakatingin sa kanya.

August is not that bad. Masaya siyang kasama. Kwela. Mabait. And if I want to fall inlove again, pipiliin kong siya ang sunod na mahalin. Nasa kanya na lahat ng katangian na gugustuhin ng isang babae sa isang lalaki. He is perfect.

At kung gusto kong magmove on, kailangan kong magmahal ulit.

"August!"

Humarap siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay. Ngumiti lang ako at lumapit sa kanya. Nilagyan niya ng laman ang baso ko habang binibilang kung magkano na ang mga iyon.

"Salamat." Nakangiti kong sabi.

"Bait mo yata ngayon?"

"Ayaw mo? Sige, magsusungit na lang ako." Paghahamon ko. Tumaas ang sulok ng labi niya kaya lalong lumalim ang dimple niya.

"Mas gusto ko yun. Nanginginig ako kapag sinusungitan mo ako. Ganda mo kasi magtaray." Parang wala lang na sabi niya. Agad kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi niya.

"Baliw." Sabi ko na lang para mawala ang awkwardness. Humalakhak lang siya at hinila ako papunta sa ilalim ng punong mangga. Umupo kami roon habang kumakain ng fishball.

"Salamat ha?"

Tiningnan ko siya.

"Saan?" tanong ko pero ngumiti lang siya. Kumain ulit siya ng fishball bago sumandal sa puno. Pinaglaruan niya ang isang fishball gamit ang stick.

"Kinakabahan ako Sungit. Alam mo na, beterano silang lima. Sabay sabay silang lumaki. Kaya nilang gawin lahat ng kaya ko. Sa tingin mo, matatanggap nila ako?" nanginginig niyang tanong. Ngumiti lang ako at tumango.

"Ofcourse. Mabait ang AEGIS..well..sort of." Natawa ako sa sinabi bago nagseryoso. "Lahat sila may moments naman. Madalang lang magsalita si Athan, Ethan is his opposite. Iñigo is really rude, pero mabait yun at sweet, pinakasweet sa kanilang lima. Si Greg ang pinakamabait at pasensyoso. And Stanley.." natigilan ako sa pagsasalita at nagkibit balikat.

"Hindi niya ako gusto."

"Well, I am their queen. And when I like someone, they will have to learn to like him too." Madiin kong sabi. Bahagya siyang namula sa narinig.

August? Blushing?"

"You like me?" hindi makapaniwalang sabi niya. Hindi ko mapigilang irapan siya.

"Kahit pangit ka, gusto kita. Kaibigan kita hindi ba?" natatawa kong sabi. Nalaglag ang panga niya bago hinawakan ang dibdib.

"Ouch. Friendzoned ako kay crush." Parang baliw niyang sabi. Napahalakhak ako ng malakas sa itsura niya.

"Akala ko pa naman, may pag-asa na ako sayo." Natatawa niyang sabi. Tinitigan ko siya bago ko kinagat ang labi ko. Huminga ako ng malalim at tinitigan siya.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo August? O pinagtritripan mo ako?" seryoso ko ring tanong. Ngumiti si August at ginulo ang buhok ko.

"Sa tingin mo Sungit?"

Inalis ko ang kamay niya at ngumuso.

"Baliw ka talaga Pangit." Naiinis kong sabi. Tumayo siya at bigla na lang akong hinila patayo. Hinawakan niya ang magkabila kong braso at seryoso akong tiningnan.

"Basta ang alam ko lang, kapag nandiyan ka, napapagaan mo lahat ng bagay sa paligid ko." aniya. Napanganga ako at hindi na nakapagsalita.

Tahimik lamang kaming naglalakad pauwi sa amin. Hinatid niya ako at katulad ng gawi niya, kumukuha siya ng gumamela sa kapitbahay at binibigay iyon sa akin. Napapanguso na lang ako sa tuwing ginagawa niya iyon.

Nang makarating kami sa bahay ay nagpaalam na ako sa kanya. Kumaway lamang siya bago sumakay sa kanyang skateboard. Hinintay kong mawala siya sa paningin ko bago ako tuluyang pumasok. Pagkabukas ko ng pintuan ay ganun na lang ang gulat ko ng makita ang mga bulaklak na nakakalat sa sala.

"Anong?" nagtataka kong tanong habang tinitingnan ang mga Stargazers na nakalagay sa centertable. Kunuha ko iyon at hinanap kung may card ba iyon. Nang makakita ako ng isa ay agad kong binuksan.

'Have a nice day Sweetheart.'

Napabuntong hininga na lang ako at agad ng binaba ang bulaklak. Nakagat ko ang labi ko ng di oras. Ginulo ko na naman ang buhok ko habang nagtataka na talaga sa ikinikilos niya. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari.

Ang gulo mo Montreal.

-------------------------------

Jersey number ni Lay yung 10 :)

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top