My Turn
25
Tahimik lang kami sa byahe pabalik sa aking hotel. Hindi nagsasalita si Tan Tan sa tabi ko habang nagmamaneho. Ako naman ay nakatingin lamang sa labas at pinipilit na huwag bumaling sa kanya. Hinigpitan ko ang kapit ko sa kanyang jacket at inamoy iyon. Pinikit ko ang mata ko at inisip na si Tan Tan iyon at niyayakap niya ako ng mahigpit upang maibsan ang lamig na nararamdaman ko.
"Inaantok ka?" tanong nito. Nilingon ko siya bago umiling.
"Hindi."
Hindi na ito sumagot ulit. Tiningnan ko siya bago yumuko. Ang Stanley na kilala ko ay hindi ganito. He is not a one word man. Palagi siyang masalita at ikaw na lamang ang susuko sa kadaldalan niya. Maingay siya at maraming kwento sa akin dati, ngunit ngayon, para lamang akong kung sino sa kanya. Ni hindi man lang siya nagsasalita.
Nipark niya ang kotse niya bago umikot at inalalayan ako palabas. Nagpasalamat lamang ako sa kanya at hinubad na ang jacket niya. Inabot ko sa kanya iyon pero pinagtaasan lang niya ako ng kilay.
"Wear that. Nilalamig ka pa." utos nito. Pinilit kong ibigay iyon sa kanya.
"May jacket naman ako sa kwarto."
"Pero malamig mamaya sa loob. Lalo na sa elevator." Katwiran niya. Umiling lang ulit ako bago binato sa loob ng kotse niya ang jacket.
"Kaya ko na--"
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" sigaw niya. Nanlaki ang mata ko lalo na noong marahas niyang pinadaan ang mga daliri niya sa buhok niya. Nanlilisik ang mata niya noong bumaling ulit siya sa akin.
"Come on Stan. Don't act as if you care." Sabi ko sa kanya. Napanganga lang ito sa sinabi ko at tumigil sa pagsasabunot sa sarili niya. Tinitigan ko siya at hinintay ang magiging sagot niya.
"Do you still care?" tanong ko sa kanya. Dumiretsyo siya ng tayo bago niya ako tiningnan. Hinigit ko ang hininga ko sa pag-aasam na sana ang sagot niya ay ang sagot na inaaasahan kong marinig. Gusto kong sabihin niyang nag-aalala pa rin siya sa akin.
"Of course. Kaibigan kita Victoria. At naguguilty ako dahil lumala ang lagnat mo ng dahil sa akin." seryoso nitong sabi. Hindi agad ako nakahuma sa narinig ko. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya.
"I'm just guilty Victoria." Mapait akong ngumiti at tumango na lamang. Yumuko ako at tumalikod na.
"Victoria." Habol niya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko kaya ko siya hinarap.
"Saan ka pupunta? Ihahatid na kita--"
"I'll be fine Stanley. Wag ka ng maguilty." Sabi ko na lang at hinila ang braso ko. Tuloy tuloy na akong pumasok sa hotel namin at umakyat sa aming kwarto.
Pumasok ako sa kwarto at nakita kong papaalis si Avvi. Nagulat pa ito ng makita niya akong nakatayo sa may pintuan.
"Grabe ka Tori! Where did you go ba?" inis nitong sabi. Nakita ko ang pagaliwalas ng mukha niya noong makita ako.
"Akala ko you were kidnapped na. I just went to the comfort room and then wala ka na. Where did you go?" tuloy tuloy na daldal nito. Hindi ko siya sinagot. Tumuloy lang ako sa kwarto at kumuha ng pajamas. Nakasunod pa rin si Avvi sa akin.
"Are you alright?" nag-aalala nitong tanong. Nginitian ko lang siya bago ako pumunta sa kama at humiga.
"I'm fine." Sabi ko bago ako pumasok sa ilalim ng kumot. Tumalikod na ako kay Avvi at pumikit para makatulog.
Noong marinig ko ang pagsarado niya ng pinto ay dumilat ako. Hindi ko mapigilang hindi maalala ang sinabi ni Tan Tan. Na inaalagaan lang niya ako dahil naguguilty siya. Sinasamahan lang niya ako dahil sa obligado siya at pakiramdam niya ay responsibilidad niya ako. Napipilitan lamang siya.
Suminghot ako sa naisip. Hinigpitan ko ang hawak sa kumot at inalis sa isipan ko ang ideya na iyon.
----------------------------------
"Drink mo ito." Bigay ni Avvi sa akin ng ilang tabletas. Tumaas ang kilay ko at umirap sa kanya.
"Lumabas ka? You should have stayed here. Hindi mo pa gamay ang Manila." Kastigo ko dito. Ngumuso lamang siya at umupo sa harap ko.
"I did not buy that. May room service lang na nagbring dito niyan." Sabi niya habang nakaturo sa mga gamot. Kumunot naman ang noo ko sa narinig.
"Pinaroom service mo ito?"
"Nope. Hindi ko naman kaya know na may fever ka. How can I ask for the room service some meds?" katwiran niya. Tiningnan ko ulit ang mga gamot bago nagpasyang inumin ang isa.
"Hey. May street dance sa weekend. Can we come? AEGIS will be there daw. Please Tori, please. Make sama to me." Pagmamakaawa nito habang nilalagyan niya ng tubig ang baso ko. Tiningnan ko lang siya.
"Akala ko ba maghahanap na tayo ng trabaho?"
"After natin maghanap ng trabaho. I want to see a Philippine street dance T." nagpuppy eyes pa ito habang sinasabi iyon. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang gamot para naman sa sakit ng ulo.
"Magpeperform ba sila?"
"Hindi. Pero guests sila. Sige na Tori." Patuloy pa rin nitong pagpupumilit sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang pagbigyan na lang si Avvi sa gusto nito.
-------------------------
Mabilis lumipas ang mga araw. Nagsimula na kaming maghanap ni Avvi ng trabaho sa mga Law Offices dito sa Manila. Naghiwalay lamang kami noong binisita niya ang Papa niya. Ako naman ay dumiretsyo sa isang café dahil gusto ni Athan na makipagusap sa akin.
Pagkarating ko doon ay agad akong luminga sa café. Nakita ko siya sa siang sulok, nakasuot ng raybans at jacket. Nakayuko siya at hindi pinapansin ang mga babaeng napapatingin sa kanya. Kahit naman kasi hindi siya nakikilala ng mga tao, malakas pa rin ang hatak ni Athan.
Mukha yatang nakita na niya ako kaya tumayo siya. Lumapit ako dito at pinaghila niya ako ng upuan. Pagkatingin ko sa lamesa ay puno na agad iyon ng pagkain.
"Nag order na ako para sayo." Sabi nito. Tumango na lamang ako at tiningnan ang mga nakahain.
"Toryang."
"Hmmn?" sagot ko at binaba ang tinidor na ginamit ko upang tikman ang sansrival. Nakatitig si Athan sa akin habang ngumunguya ako kaya napilitan akong itigil na lamang ang pagkain.
"Magaling ka na ba?" nag-aalala nitong tanong. Ginagap niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil. Ngumiti ako at tumango.
"Yup. I'm fine."
Ngumiti lamang ito ng marinig ang sagot ko. Kumain kami habang hawak niya ang kamay ko. Dahan dahan niyang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Walang nagsasalita sa aming dalawa habang kumakain.
"Toryang." Tawag ulit niya sa akin. Tiningala ko siya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Bakit A?"
"Pupunta ka sa streetdance mamaya hindi ba? Gusto mo bang samahan na kita?" pag-aalok nito. Napanguso ako.
"I'm with Avvi. Yung friend ko." sagot ko. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya sa narinig. Biniling lang niya ang ulo niya habang nanunuot ang titig niya sa akin.
"Sasamahan pa rin kita." Pagpupumilit niya. Uminom siya ng kape habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"You have to stay with the others. Paano na lang ang media?"
"Hayaan mo sila. This is my life. I will do whatever I damn well please." Maangas nitong sabi. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Ngumisi lang ito habang nakatitig sa akin.
"Toryang."
Tiningnan ko siya at natigil ako sa pagtawa noong makita ang seryoso niyang mukha. Ilang beses pa akong napakurap noon.
"Sinabi ko sayo noon na bibitawan na kita hindi ba? Because I want you to be happy at alam kong kay S ka sasaya. Hindi ba't yun ang sinabi ko?" tanong nito. Tinitigan ko siya at nagseryoso na rin.
"Yes. Pero bakit mo sinasabi--"
"Masaya ka ba ngayon?" pagpapatuloy niya. Hindi ko na naituloy ang naputol kong pagsasalita sa tanong niya. Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit alam kong hindi ko naman maloloko si Athan. He knows me. Alam niya kung magsisinungaling lamang ako.
"Ano bang klaseng tanong yan A?" natatawa ko na lang na sabi. Kinuha ko ang aking kape at pinaglaruan ang heart na nakadrawing doon.
"I want to..no, I have to break my word Toryang. Sa nakikita ko, hindi ka masaya." walang gatol nitong sabi. Napatigil ako sa paglalaro sa kutsara at yumuko.
"All I wanted was for you to be happy Toryang." Masuyo nitong sabi. Lumamlam ang mata niya at kitang kita ko doon ang pagmamahal na pilit kong hindi pinansin nitong mga nagdaang taon. Kinagat ko ang labi ko at hinila ang kamay ko mula rito.
"A."
"He's not inlove with you anymore Victoria." Napapikit ako sa narinig. Huminga ako ng malalim bago umiling.
"Athan.."
"Why can't you see anybody else Victoria? Ang dami pang iba diyan. Bakit lagi na lang si Stanley?" may nginig ang boses nito ng tinanong niya iyon. Tiningnan ko siya at napansin ko ang bahagyang pagkislap ng mata niya.
"May Leria na siya Victoria." Dagdag pa nito. Hindi ako sumasagot sa kanya. Napaigtad ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila iyon.
"Sinuko kita noon and you end up being hurt Victoria. I am not going to do that again. I won't give you up. Whatever happens, I won't. Hindi kita bibitawan."
Pilit kong hinihila ang kamay ko mula sa kanya ngunit hinigpitan lamang niya ang hawak niya doon. Pinilit niya akong titigan siya. Iilang beses akong napalunok sa bawat pagkalabog ng dibdib ko sa mga titig niyang nanunuot sa kaluluwa.
"Athan.."
"Enough is enough Victoria. Ako naman. My turn." Desidido niyang sabi. Hindi na ako napagsalita lalo pa't alam kong kahit anong sabihin ko ay hindi na magbabago pa ang isip nito.
--------------------------------
Eh, nadali nyo ako sa NEXT MONTH thingy ko.
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top