MARRIED TO THE BAD BOY LAST SPECIAL CHAPTER
To Be Continued
"Mama! Si Seven oh!"
Napapikit na lamang ako ng marinig ang sigaw ng unica hija namin ni Stanley. Tumayo na ako at binitiwan ang mga kaso na binabasa ko para puntahan ang anak ko.
"I told you to call me 'Kuya' Serise." Nakalabing sabi ni Seven. Inirapan lamang siya ni Serise at suminghot. Niyakap niya ng mahigpit ang manika na bigay ni Mama sa kanya bago sumalampak sa sahig.
"Ano na namang ginawa mo Seven?" seryosong tanong ni Seth habang nilalapitan na at inaalo si Serise na malapit ng umiyak sa sobrang inis sa kapatid.
"Kuya! Inaaway ako niya!" sumbong nito at lumambitin sa leeg ni Seth. Tumingin si Seth kay Shawn na walang pakialam na nanunuod lamang ng Anime sa gilid.
"Shawn, tulong naman. Pause mo muna si Erza." Nahihirapang sabi ni Seth habang tinatapik na ang likod ni Serise na hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak.
"Ano bang ginawa ni Kuya Seven--"
Lalong nalukot ang mukha ni Serise. "He's not my Kuya nga kasi eh! Ikaw lang Kuya ko tsaka si Kuya Shawn. Si Seven ampon." Ngumuso lalo ang bunso ko at tiningnan si Seven na natatawa lang sa gilid. Napabuntong hininga na lamang ako sa nangyayari.
When I thought Shawn will be the carbon copy of Stanley, doon ako nagkamali. Shawn is more of Tatay Sandro. Tahimik lang, pero matalino. He's really smart eventhough he is just eight. Mahilig rin siya sa business at mas madalas siyang tumatambay sa kumpanya ng Montreal kesa umaattend sa summer camp na pinupuntahan nila Seth at Seven.
Seth was more of the neutralizer sa apat. Kung gaano katahimik si Shawn, at kung gaano naman kaingay si Seven, Seth is on the middle part. Sa kanilang apat ay si Seth na rin ang nagpapakaita ng interes sa musika. But he more into singing rather than drums. Kaya nga mas lalong naiinis si Stan kapag lumalapit si Seth kay August o di kaya'y kay Greg. Siya ang voice of reason ng magkakapatid. Sa kanilang lahat, siya ang hindi namana ang ugali ng mga Montreal na nagpapadalos dalos sa isang desisyon. Don't get me wrong. He is still ruthless. Dumadaloy na yata talaga sa ugat nila ang ugaling yan.
Seven. God. Kahit yata ipatapon namin sa Timbuktu iyang si Seven, maibabalik at maibabalik pa rin siya sa amin ni Stanley dahil sa sobrang pagkakahawig ng mag-ama. Hindi lang sa mukha, which lahat yata ng mga anak ko ay kamukha ni Stanley, pati ugali, sa pagkamainitin ng ulo hanggang sa pagiging alaskador ay kuhang kuha ni Seven. He is,ehem, a bad boy. Need to say more?
And Serise. The flower among the thorns. Ang kaisa isang babaeng Montreal. No wonder her brothers are too protective of her. She's a living joy in the house. Kapag wala si Serise ay tahimik ang bahay. Sa kanya umiikot ang mundo ng tatlo. Sunod lahat ang gusto niya dala na rin ng sobrang pagmamahal ng mga kapatid niya sa kanya. She's carefree, fearless and feisty. She had her brothers, including her father, wrapped around those little adorable fingers.
"What did you say to her Seven?" masungit na tanong ni Shawn. Inalis na niya ang mata sa binabasang libro at nilingon na ang nakababatang kapatid.
"Well--"
Pinutol ni Serise ang sasabihin ni Seven. "Sabi niya pangit ako kasi wala akong teeth! Diba hindi naman Kuya? DIba maganda pa rin si Serise diba?"
And then she did that pouting plus beautiful eyes. Alam ko na ang kasunod niyan.
"No PSP for you Seven." Maawtoridad na sabi ni Shawn sa kapatid. Sumama naman ang tingin ni Seth kay Seven.
"Ikaw rin ang gagawa ng homeworks ni Serise for one week." Dagdag ni Seth. Napanganga si Seven at aalma pa sana noong sabay lamang siyang tinitigan ng mga kuya niya.
"Walang hustisya!" sigaw ni Seven at sumalampak sa sofa. Humigpit ang hawak ni Serise sa leeg ni Seth bago pasimpleng bumelat kay Seven. Napailing na lamang ako bago nagpasyang lumapit sa apat.
"Ano na naman yan?" bungad ko sa apat. Agad ngumiti ang mga anak ko at mabilis na lumapit sa akin.
"Mama karga!" pacute ni Serise sa akin. Ngumuso lamang si Seven.
"Spoiled." Bulong nito. Madiin siyang sinapok ni Shawn sa ulo.
"Aray."
"Stop." Utos ni Seth sa kapatid. Tumaas lang ang kilay ni Seven habang ako naman ay binubuhat na si Serise.
"Darating na si Papa niyan diba Mama?" tanong ni Seth sa akin. Tumango lamang ako at hinaplos ang buhok nito. Sabay sabay kaming lumabas apat para antayin ang pag-uwi ni Tan Tan.
Over the years, huminto na rin ang AEGGIS sa pagbabanda. Noong nagsipag-asawa na sila at nagkaanak, nagpasya na ang anim na bitiwan na ang industriya at magfocus na lang sa pamamalakad ng Wave Records. Kumakanta pa rin naman sila, lalo na kapag nag-away ang isang AEGGIS at ang asawa niya. Tulong tulong ang anim kapag nanghaharana sila sa mga Misis nila. It's really funny and sweet kapag naiisip ko lahat ng pinagagagawa nila.
Tatay Sandro is right, as usual. Hindi habang buhay yayakapin ng entablado ang AEGGIS. Mawawala rin ang kasikatan na meron sila. But I think, we all think, that fame is not the sole thing that makes the six of them stick together. Sa AEGGIS nakahanap ng pamilya ang anim. They found brothers who would stay with them no matter what. The found women who will love them with all their hearts. They found people who share the same passion over their dreams and their music. Sa huli, nawala man ang kasikatan na meron sila noon, they still have each other. We still have each other.
Looking back eight years ago, masasabi kong hindi naging madali ang pinagdaanan namin ni Stanley. Walang naging madali para sa ibang AEGGIS. But I think that is what made the ride worthwhile the magic of the story is in its ups and downs. Natuto ako na lampasan ang insekyuridad na meron ako habang si Stanley naman ay natutong magpahalaga ng mga bagay na mas importante pa sa pera. We both learned something. Hindi namin pinaikot ang mundo namin sa isa't isa that is why we grew to what we are now.
Bumaba agad si Serise mula sa balikat ko. "Papa!" naguunahang tumakbo ang apat papunta sa kotse ni Stanley na papasok sa gate ng bahay. Noong bumukas iyon ay bumungad sa amin ang nakangiting mukha nito.
"Papa ko!" si Serise ulit na agad yumakap sa binti ni Stanley. Inakbayan naman ni Stanley si Shawn habang si Seth ay agad ng kinuha ang gamit ni Stan at siya na ang nagbuhat nito.
"Hey dude!" si Seven ang nagsalita. Napasinghap ako sa narinig mula rito.
"Saan mo naman natutunan yan, ha, Seven?" seryosong tanong ni Stanley dito. Ngumisi lamang si Seven bago nagpeace sign.
"Kay Ninong August po."
Tumawa na lamang ako at doon pa lang tumingin si Stanley sa akin. Maingat niyang binitiwan si Serise at inutusan ang mga bata na pumasok na sa loob ng bahay. Noong nawala na ang mga anak namin ay agad siyang lumapit sa akin. Niyakap niya ang beywang ko at hinapit ako sa kanya.
"Missed me?" mayabang ang ngisi niyang sabi. Tumaas lamang ang sulok ng labi ko at niyakap ang kanyang leeg.
Loving a Montreal is not easy. But it is worth it. hindi lamang ang pag-ibig ni Stan ang nakuha ko. I learned lessons, lessons that even a Ph.D degree will never teach in schools. And I gained friends. I gained memories.
I gained strength.
Even now I know we will still experience bumps along the road. Pero hindi ako nag-aalala. With Stan beside me and the support of the whole AEGGIS, nothing is impossible.
Hindi ako sumagot sa tanong niya kaya mabilis na kinagat ni Stanley ang ilong ko. Napatili ako at tinampal ko ang kanyang pisngi.
"Bad boy." Natatawa kong sabi. Kumislap ang mata niya sa narinig.
"Ako yun." Mayabang niyang sabi.
"Alam ko. And I love you." Malambing kong sabi. Ngumisi lamang siya at inipit ang takas na buhok sa likod ng aking tenga.
"Du bist mien Toryang bungi. I am, completely, hopelessly, gorgeously inlove with you too."
So this story is not yet finished now. But this is where I will stop narrating. Let's not wait for a 'the end' but rather, watch out for a 'TO BE CONTINUED.'
=fin=
A/N
Ang hard nilang bitawan. Pero kailangan na. makikita pa rin naman natin sila sa ibang installments ng AEGGIS (ayan nadagdag ko na si August. He's the other G. Sadya kong tinabi kay Greg dahil pareho naman silang vocalists).
Maraming maraming salamat sa suporta. Nag-enjoy ako habang sinusulat ang STBB. This is the lightest among the stories that I wrote. Chill chill lang.
Sana na-enjoy rin ninyo.
May playlist rin pala ang STBB sa Spotify *thank you Aisa*, pakinggan ninyo or download ninyo :)
Maraming salamat po sa lahat ng suporta!
*ACE DOMINGO
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top