Maganda Yan, Gwapo Ako

15 ------------> totoo na to

Nagseselos na ako. Ako ang pinakagwapo sa AEGIS pero mas crush ninyo si Athan? Nasaan ang hustisya doon? Tahimik lang yun. Ako gwapo. May abs ako, pakita ko pa sa inyo. Gusto niyo? Gusto ko tuloy ipatawag si Tita Sweet para ipagtanggol ako. Namiss na nga siya ni Pen mylabs so sweet. Nalulungkot na tuloy ang author ko. Di na nga gumagana pangtasa niya, di pa siya makapagdrawing. Sobrang depressed na ang mahal ko.

Pero bago kayo magtaka kung bakit ako ang umeeksena ngayon, manahimik muna kayo. Kwento ko ito. Title pa lang, angkin ko na. Bad boy diba? Sa parteng yan, hindi ako masyadong sang-ayon. Mabait kaya ako. Hindi nga ako nagsasalita ng masakit at hindi ko binubully si Greg.

 Isa pa, may mga loyal sa akin diyan na nanghihingi ng POV ko. Natouch naman ako. Akala ko nakalimutan na ninyo ako. Tatahimik na lang din kaya ako para magustuhan ninyo ako? Si A na lang ang bad boy at ako na lang ang yelong naging tao? Pwede? Pero ayaw ko. Kapag nangyari yun, magugustuhan ni Toryang si Athan.

Minsan gusto ko nang ipasalvage yung apat eh. Una si Greg, ngayon naman si Athan. Nagkaroon pa kaming lima ng usapan na walang magpapakita kay Toryang habang nag-aaral siya. Lahat sila may gusto sa kanya, hindi naman siya maganda. At lalong slow siya. Kailangan muna niya ng six thousand nine hundred thirty four years para maintindihan na pag-aari ko siya. At hindi ako nakikihati. Kahit kaibigan ko silang lima, uupakan ko sila kapag hinawakan nila kahit dulo man lang ng daliri ni Toryang.

Tanda ko pa noon kung paano umiyak si Toryang nang sinabi ko sa kanya na kami na ni Georgina. Practice ng graduation namin noon at valedictorian ako---effortless. Matalino kasi ako eh. Gwapo na, matalino pa, wala ka ng hahanapin. Ako na! AKO NA ANG DABEST!

Mag flashback tayo ha? Sabi kasi ng iba kulang daw yung pagpapalaganap ko ng kagwapuhan sa kwento ni Manong kaya magrecap tayo. Ganito kasi yun.

----------------------------

 

 

Badtrip ako ng sumunod na Monday. Hanggang ngayon inis pa rin ako dahil hindi sa akin naibigay ang bulaklak ni Toryang. Naiinis ako dahil ako pa ang nag-effort  para kahit paano ay papagmukhain ko siyang tao, ako ang namili ng damit, ako ang nag makaawa sa pinakamaganda kong Nanay na ayusan siya tapos kay Greg lang niya ibibigay? Sinong matutuwa doon? Bwisit lang.

 

 

Inis kong binuksan ang locker ko para kunin ang drumsticks ko at tuluyan ng saksakin si Greg sa pinakagwapong paraan na alam ko ng biglang may nahulog na pink na sulat doon. May mga bulaklak pa iyon at butterflies sa gilid. May nakatape doong rose at naalala kong iyon ang bulaklak ng mga babae nung prom. Agad kong binuksan ang sulat at binasa.

 

 

Dear Stanley Philip Montreal,

 

 

I love you. Ilang oras akong nag-iisip ng creative na paraan para makapagconfess sa iyo ng feelings ko. alam ko namang kasing maarte ka at gusto mong pasabog ang lahat ng bagay na tungkol sayo. Pero habang nag-iisip ako, narealize kong mas maganda kung sa pinakasimple at pinakadiretsyong paraan ako aamin sayo.

 

 

Gusto kita. Gustong gusto kita. Kahit gaano ka pa kaharsh magsalita. Kahit bilib na bilib ka sa sarili mo. Kahit na ten thousand words ang nagagawa mo sa isang araw lang, gusto pa rin kita. Bata pa lang tayo, ikaw na ang gusto ko. Hindi ko rin alam kung bakit ikaw ang pinili ng hypothalamus ko. Basta ang alam ko lang, gusto kita.

 

 

Parang isang mathematical expression na mali ang solution. Kahit anong gawin mong pagsosolve kung bakit ganon ang problem, wala ka pa ring makukuhang sagot. Ganon ka para sa akin Stanley. Hindi kita kayang sagutan. Hindi ko kayang habulin ang takbo ng utak mo o ang pagpapalit mo ng mood. Palagi na lang kitang pinapanood sa malayo hanggang sa hindi ko namalayan, obsessed na pala ako. Kung may lalala pa nga sa obsession, doon na siguro ako.

 

 

Gusto kita. Yun na ang nasa isip ko mula noong una kitang makita.

 

 

Pero gusto ko nang maglevel up.

 

 

Hindi na kita gusto.

 

 

Sumasaiyo,

Nagmamahal na Stalker

 

 

P.S

(6x2)2-1

 

 

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa klase ng sulat na natanggap ko. hindi ko na kailangan ng calculator para masagot ang expression na binigay niya. Binaligtad ko ang sobre para hanapin ang pangalan ng taong iyon. Malay ko ba kung sino iyon? Baka siya na yung babaeng kamihkang kamukha ni Nanay. Yung babaeng kaya akong pakisamahan kahit na sobrang gwapo ko at pagkakaguluhan ako ng mga fangirls ko.

 

 

Hindi maalis ang ngisi ko sa sulat na nabasa ko. bakla man pakianggan pero kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko ng malaman ko na may babae na may gusto sa akin katulad ng pagkagusto ni Nanay kay Manong.

 

 

Lumipas ang ilang araw na ang babaeng nasa sulat lang ang iniisip ko. hinanap ko siya para makausap at malaman kung sino siya. Hanggang sa nagpakilala na siya sa akin.

 

 

Ganon na lang ang gulat ko ng si Georgina ang humarap sa akin at nagbigay ng katauhan sa babaeng nasa likod ng sulat na natanggap ko. I was actually expecting somebody else--at hindi ko napigilan ang pagbigat ng dibdib ko sa nalaman.,

 

 

Ilang araw lang ay sinagot ko na si Georgina. Gwapo ako, kaya ako ang niligawan. Pero hindi pa man kami nagtatagal ay napapadalas na ang pag-aaway naming dalawa. Gusto niyang layuan ko si Toryang dahil pangit daw tingnan. Grilfriend ko na siya at hindi na raw ako dapat nakikisama sa ibang babae.

 

 

Aaminin ko, ayaw kong nauutusan ako. Si Manong nga, hindi man ako inuutusan, si Georgina pa kaya? Pero kasi, siya ang sumulat ng sulat. Siya ang babaeng kamukha ni Nanay. Ayaw kong mawala siya.

 

 

"Tan bakit?" takang tanong ni Toryang sa akin. Bumaba ako sa bike ko at hinintay siyang maiparada din ang bike niya.

 

 

"Babalik na kami ni Tatay sa mansyon. Gusto kasi ni Lola na doon na si Shana." Sabi ko. Napatitig siya sa akin bago nawalan ng kulay ang mukha.

 

 

"Aalis kayo? Pero--"

 

 

"Isa pa, mas maganda na yun. Alam mo na, Yang, nagseselos kasi si Georgina sayo." Diretsyo kong sabi. Hindi siya agad nakapagsalita ng marinig niya ako. Pumula ang mata niya habang nakatingin sa akin. kinamot ko ang batok ko bago huminga ng malalim.

 

 

"Ang pangit mo. May braces ka. Ang laki ng salamin mo sa mata. Feeling mo maganda ka kasi sabi ng Nanay ko maganda ka? Naniwala ka naman Toryang." Tuloy tuloy kong sabi. Sinadya kong bahiran ang boses ko ng panlalait para mas maniwala siya sa akin.

 

 

Mas maganda ng masanay si Toryang na malayo ako sa kanya. Sa lalong madaling panahon ay aalis na rin kami sa Tondo.  Ayaw kong sa akin lang umikot ang mundo niya.

 

 

"Tan tan--" basag ang boses niya ng sinabi niya iyon. Yumuko ako dahil ayaw kong makita ang ganyang reaksyon sa kaniya.

 

 

"Tigil mo na ang pagsunod sa akin Toryang. Kung hindi, makakatikim ka talaga. Nakakairita na kasi eh."

 

 

Pumatak na ang luha niya at gusto kong suntukin ang sarili ko noon nang makita ko siyang umiyak. Pero kinuyom ko na lang ang palad ko at nagtiis na saktan siya. Para rin naman sa kanya ito.

 

"Tan.." napahikbi na siya. huminga ako ng malalim at nilapitan siya. Inayos ko ang salamin niya sa mata at pinunasan ang luha niya.

 

 

"Toryang, bestfriend kita. Pero hanggang doon lang yun. Alam mo namang wala akong balak selyuhan agad ang sarili ko. Sa gwapo kong ito, may mahahanap pa akong babae na higit sayo."

 

 

Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mukha niya. Tinitigan ko siya. you have to be a better woman Toryang. Yung klase ng babaeng hindi mangangailangan ng lalaki sa tabi niya para maging malakas. Yung babaeng matalino, malakas ang loob at punong puno ng sinseridad at galing. And you can't do that if you will be stuck being obsessed with me. okay lang sana noon, dahil wala pa si Georgina. Pero iba na ngayon. May girlfriend na ako. Siya na dapat ang priority ko. Siya ang babaeng matagal ko ng hinintay.

 

 

"Toryang, gutom na ako. Uwi na tayo." Hinawakan ko na ang kamay niya at marahan siyang hinila. Rinig ko pa ang paghikbi niya pero hindi na ako nagsalita.

 

I want her to become who she is now. Hindi para sa sarili ko kung hindi para sa kanya. Ayaw ko ng babaeng tatayo lang sa likod ko at ngingiti sa mga kaibigan ko. I want a woman who can make my friends succumb on anything that she will say. Gusto ko ng babaeng hindi takot sabihin ang nararamdaman niya. Gusto ko ng babaeng matapang. And with my eight years relationship with Georgina, hindi ko nakita sa kanya ang mga bagay na iyon.

Pero ibang kaso si Toryang.

Ibang kaso rin si Georgina. Ibang kaso siya dahil hindi siya ang babaeng inakala kong siya. akala ko katulad siya ni Nanay pero hindi pala. Sinubukan ko namang hindi siya ikumpara sa Nanay, pero hindi ko talaga magawang magustuhan ang ugali niya. She's too passive. And I hate that.

Hindi ko napigilan ang sarili kong maging isang stalker kay Toryang. Kahit autumn na nun at mababa na talaga ang temperature, hinihintay ko pa rin siya hanggang matapos na siyang imemorize ang buong law book niya. Susundan ko siya pauwi. Maglalakad ako sa likuran niya habang pinapakinggan siyang kumanta kasabay ng kung anong pinapakinggan niya sa earphones niya.

"Sweetheart."

Napadiretsyo ako ng tayo ng marinig ko si Nanay sa likod ko. Ngumiti siya sa akin. Ang ganda ganda talaga ni Nanay. Lumapit ako sa kany nang may biglang humampas sa aking unan.

"Aray! Shana!"

"Yan na ba yan Kuya?" excited nitong tanong habang kinukuha sa akin ang kahon kong dala. Nilayo ko ito sa kanya at ngumisi lang.

"Patingin kasi."

"Bawal sa alien ito."

"Nanay oh!" sumbong ng ampon namin kay Nanay. Pinandilatan lang ako ni sweetheart bago hinila si Shana.

"Ang sama mo Kuya."

Yumuko ako para mapantayan ko ang mukha niya.

"Gwapo ako eh."

"Kadiri ka! Aanhin mo yung gwapo, torpe naman. Indenial pa!" pambubuska niya. Ngumuso ako at pinitik ang ilong niya.

"Alien."

"Torpe."

Dumiretsyo ako ng tayo at sinapok ang kapatid ko. Yung malakas. Very, very light lang. Napasinghap si Nanay at agad hinawakan ang ulo ni Shana.

"Stanley naman!" sita nito sa akin. Tiningnan lang ako ng masama ni Shana bago bumelat.

"Susumbong kita kay Tatay Kuya!" sigaw nito. Napatigil ako sa narinig ko. Kahit si Nanay ay tiningnan ako.

"Miss ka na ng Tatay mo." Sabi ni Nanay. Tiningnan ko lang siya bago nagkibit balikat.

"Pakisabi po, ayos lang ako."

"Stanley--"

"Nay naman. Pag-uusapan ba natin ulit yan?" inis ko ng tanong. Napakagat na lang si Nanay ng labi at tumango. Humigpit ang hawak ko sa kahon na nasa kamay ko. Huminga si Nanay ng malalim.

"Tatay mo dapat ang nandito para makausap mo tungkol diyan sa bagay na ganyan anak." Malambing nitong sabi. Nalukot ang mukha ko bago umiling.

Hindi na nagsalita si Nanay noong hindi na ako umimik. Lumapit si Shana sa akin at pabalya akong inakbayan. Halos maputol ang leeg ko sa ginawa niya at wala naman itong pakialam sa pananakit sa akin.

"Hoy--"

"Patingin na kasi Kuya." Pamimilit niya. Bumuntong hininga na lang ako at binuksan iyon. Nakita kong nagningning ang mata ni Shana at Nanay ng makita ang laman niyon.

"Ang ganda ng engagement ring!" sigaw ni Shana. Ngumisi na lang ako.

Maganda talaga yan. Gwapo ako eh.

-------------------------------

Tingin kayo sa side mga nagmamahal kay Athan ----->

*pen<3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top