Leria Morales
40
Wala po UD bukas.
----------------------------------
Garden na ang bahay ko. Chocolate factory na ang buong kusina ko. Hindi ko alam kung anong trip ni Stanley sa buhay niya. Hindi ko rin alam kung ano ang pinaglalaban niya sa ginagawa niya ngayon. Basta ang alam ko lang, naiirita ako sa pangungulit niya. He is playing again damn it. Hindi ako tanga. Alam ko namang sila ni Leria, at kahit hindi sila ikakasal, may relasyon pa rin sila. And that doesn't help anything now. Mas lalo lang lumalalim ang galit ko sa kanya.
"Ready ka na?" excited na tanong ni Avvi sa akin. Lumapit siya sa akin bago nangalumbaba sa lamesa.
"Gusto kong sumama. Si Daddy kasi eh." Maktol niya. Napangiti na lamang ako. Avvi's Dad did not agree on the trip. Gusto kasi nitong makasama si Avvi sa bagong taon.
We will go to Baguio today. Sa resort nila Leria gagawin ang shooting para sa Music Video ng AEGIS.Itong music video na rin ang gagamitin nila para ipakilala ang bagong myembro ng AEGIS.
"Kekwentuhan na lang kita." Sabi ko. Ngumuso lamang siya at tinulungan ako sa pagaayos ng gamit. Maya maya lang ay may nagdoorbell na sa amin. Agad kong hinalikan ang pisngi ng kaibigan ko bago lumabas. Nakita ko agad si Ethan na dumiretsyo kay Avvi.
"Misis!" sigaw niya at tinakbo ang kaibigan ko. Nilingon ko silang dalawa at natawa na lang ng makita kong inirapan lang ni Avvi si E. Bumaba si August sa van at kinuha ang bag ko. Ngumiti siya sa akin bago niya tinapik ang ulo ko.
"Gwapo ko diba?" panloloko niya. Tinaas taas niya pa ang kilay niya. Napailing na lang ako at sumakay na sa van nila. Napahinto ako sa pagpasok noong makita ko si Stanley na nakasakay na roon at ang tanging bakanteng pwesto ay sa tabi niya.
Nilingon niya ako bago niya tinanggal ang earphones niya. "Sit Victoria." Utos niya. Umirap lang ako at umupo sa tabi niya.
Bumukas ulit ang pintuan at pumasok roon si August. "Usog ka Sungit."
Agad gumalaw si Stanley at tinulak ako para mawalan na ng lugar si August.
"Doon ka sa likod." Matigas niyang sabi. Tumaas ang sulok ng labi ni August at tinulak ako para magkaroon siya ng mauupuan.
"Asa ka pa." matapang na sabi ni August. Ngumiti siya lalo, iyong mapangasar na ngiti na nakakapagpakulo talaga ng dugo ng kahit na sino.
"Aba't---"
"Will the two of you just shut up! Itatapon ko kayo sa labas!" inis na sabi ni Leria. Nanahimik na ang dalawang lalaki. Lihim akong nagpasalamat sa kasungitan ni Ria dahil napatigil niya ang dalawa. Umusog ako ng kaunti at pinandilatan si Stanley. Napailing na lang siya at nagbigay ng lugar kay August. Napahinga na lang ako ng maluwag dahil akala ko ay makikipag away pa itong Montreal na ito. Mabuti na lamang at hindi.
"Dito ka." Bulong niya bago niya ipinulupot ang kamay niya sa beywang ko. Napasinghap ako at tiningnan siya.
"Stanley! Ano ba.. nandito si Leria.." naiinis kong sabi. Tumaas lamang ang kilay niya bago niya kinagat ang labi niya at napangiti na lamang. Tiningnan niya si Ria at sinundan ko ang titig niya. Leria was watching us at the rearview. Agad akong pinamulahan ng pisngi. Geez, Montreal.
"Yung mga galawan mo Badboy. Kung sanang dineretsyo mo na lang." sabi ni Ria. Nilingon ko siya at nakita kong natatawa lamang siya sa aming dalawa ni Stanley. Wait.. hindi siya galit?
"You're not mad?" Biglaan kong nabulalas. Nilingon niya ako bago nagkibit balikat.
"Why would I be?"
"Stan's your boyfriend, right?" tanong ko. Natahimik ang buong AEGIS sa naging tanong ko. Ngumiti lamang si Leria at inayos ang shades niya.
"No. He's just my friend Victoria. And I don't do boyfriends." Sagot niya bago pumikit. Tiningnan ko si Stanley na nakatingin lang sa akin. Inayos niya ang buhok ko at ngumiti. Tinitigan niya ang mukha ko na para bang minememorya niya ang lahat ng naroon.
Umiwas ako ng tingin at kinuha ko na lamang ang phone ko at earphones. Nagbrowse ako sa mga kanta ko noong sumandal si Stanley sa akin.
"Du bist mien dustpan."
----------------------------------
Nakatulog ako sa buong byahe namin sa Baguio. Nagising na lamang ako at nakita kong nakasandal pa rin si Stanley sa akin habang ako naman ay nakasandal kay August na katulad ko ay tulog rin. Ginising ko silang dalawa at sabay sabay kaming bumaba. Agad akong nanginig noong umihip ang hangin.
"Ang lamig.." nanginginig kong sabi. Agad lumapit si Athan sa akin at nilagyan ng jacket ang balikat ko. Ngumiti ako at hinigpitan ang kapit roon.
"Salamat A." nakangiti kong sabi. Ngumiti lang siya at inayos ang buhok niya. Luminga siya sa paligid na para bang may hinahanap.
"Una na ako." Paalam niya bago nilapitan si Leria at hinila ito palapit sa kanya. Nakita ko pa kung paano siya itinulak ni Ria at naglakad palayo. Napanguso naman ako sa nakita.
"Sungit!"
Humarap ako kay August na lumalapit sa akin. Maya maya ay yumuko siya.
"Uy--"
"Yung sintas mo nakalas. Madadapa ka niya eh." Naiirita niyang sabi. Tinali niya iyon bago siya tumayo. Ngumiti siya pagkatapos at inayos ang buhok ko.
"Una na ako ha? Magbibihis pa ako. Start na daw kami." paalam niya. Tumango lamang ako at sumunod na sa kanya. Nakita ko ang ilang mga tent na nakaset na sa gitna ng garden ng resort. May isa ring stage roon. Tantya ko, doon kukuhanan ang parte ng buong banda. Nilingon ko ang buong lugar at doon ko nakita ang AEGIS na nagbibihis na. Nilalagay na rin ang mga gagamitin nilang instrumento. Mahigit isang oras rin silang inayusan bago sila pumunta sa make-shift stage na iyon. Agad pumwesto ang apat sa mga instrument nila habang naninibago naman si August noong siya ang tumayo sa mic stand.
"Just the refrain."pagbibigay direksyon ng kanilang director. Sabay sabay tumango ang lima. Sinenyasan lang ni August si Stanley at nagsimula na itong tugtugin ang drums niya.
I was there for you
In your darkest times
I was there for you
In your darkest nights
Ang akala kong mabilis na take ay umabot hanggang sa paglubog ng araw. Ilang beses silang nagkamali sa pagtugtog, mostly. May mga panahon naman na mismong si Leria at nagpapatigil dahil hindi siya satisfied sa facial expressions at sa koneksyon ng AEGIS. Hindi na ako nagulat roon. LAhat sila ay nagaadjust kay August. Sa huli ay walang nagawa si Leria kung hindi patigilin muna ang shooting at papagpahingahin ang lima. Inakay niya kami sa hallway at pinakain ng dinner.
"Sungit, pahinging juice." Bulong ni August sa akin. Kinuhanan ko siya habang siya naman ay abala sa paglalagay ng gulay sa aking plato. Agad akong natigilan sa ginawa niya.
"Hindi siya kumakain ng gulay." Si Stanley ang nagsalita at kinuha niya ang plato ko at pinalitan ng bago.
Si Stanley na ang naglagay ng ulam sa aking plato bago niya iyon inabot sa akin. "May gusto ka pa ba?" tanong niya. Inabot ko iyon bago umiling na lamang. Tinitigan ni Stanley si August bago napangisi na lamang. Siniko ko si August at nakita kong napangisi na lang siya.
"Naiinis na ako diyan." Mariin niyang bulong. Nilingon ko siya at natawa pero agad din iyong nawala noong makita ko ang seryoso niyang mukha.
"Hindi pala ako naiinis. Sungit, nagseselos ako." Seryoso niyang sabi bago nagpatuloy sa pagkain. Hindi na ako nakapagsalita at nanahimik na lamang.
Naunang natapos si August sa pagkain. Habang hinihintay niya akong matapos ay pinaglalaruan niya ang buhok ko. Tinitirintas niya iyon pagkatapos ay kakalagin niya ulit. Nang mainip siya ay bigla siyang yumuko at hinalikan ang pisngi ko. Gulat akong napatingin sa kanya.
"AUGUST!"pagista ko sa kanya. Ngumisi lamang siya at pinaglaruan muli ang aking buhok.
"Nanglalambing lang Sungit." sabi niya ulit bago ako hinalikan sa tungki ng ilong. Hindi na ako nakagalaw dahil sunod kong narinig ay ang pagbagsak ng upuan ni Stanley sa sahig.
"Fuck." Mura ni Stanley bago tumayo. Tiningnan ko ang ramyun niyang hindi man lang nangalahati ang laman. Tuloy tuloy siya sa paglayo at iniwan kami roon.
napatahimik ang buong lamesa. Tanging ang tunog lamang ng pagbalibag ni Stanley sa pintuan ang naririnig.
"Hala ka." Natatawang sabi ni Leria habang tinuturo ako ng tinidor. Tinaas ko naman ang kilay ko at nagtatanong siyang tiningnan.
"Oh dear. You never make a Montreal jealous honey." Dagdag niya. Tumikhim siya bago tumayo. Kinuha na rin niya ang pinggan ng iba at inipon iyon.
"Ano bang sinasabi mo?"
Ngumiti lang siya at sininop ang mga pinggan bago umalis.Nagpaalam ako sa apat at sinundan si Leria. Nasa kusina siya at inaayos ang mga pinggan para mahugasan.
"I am not making him jealous. Wala naman akong ginagawang masama." Sabi ko. Hinarap niya ako at pinagtaasan ng kilay. Nilingon niya ako mula ulo hanggang paa bago pinameywangan. She bit her lip at parang diskumpyado talaga ang tingin sa akin.
Hindi ko mapigilang mangati ang kamay. Nakakairita na siya. She's too bitchy. Kung makatingin siya sa akin ay parang isa akong maruming babae na karapat dapat pandirihan.
"You really are a selfish bitch." Matalim niyang sabi. Napasinghap ako sa narinig ko sa kanya.
"You--"
"Ikaw na ngang nilalapitan, ikaw naman yung lumalayo. Really Tori? Hanggang kailan mo ba siya balak saktan ha? Ang arte mo, alam mo yun?" iritado niyang sabi. Hindi ko napigilang matawa sa naririnig ko sa kanya.
"Geez, ako pa ngayon ang maarte? What about you? You are nothing but a desperate bitch. Too bad, huh?" ganti ko. Sandali siyang natigilan sa naging sagot ko bago napailing na lang. Inayos niya ang buhok niya bago huminga ng malalim. Pinadaan niya ang daliri niya sa kanyang buhok na para bang doon kumukuha ng pasensya.
"Look Victoria, I know we're not friends, and I don't want to befriend you because I really despise you so much. But, Stan is my friend. He protected me then and I want to do the same thing now. He was hurt, damn you! Noong umalis ka.." tumigil siya sa pagsasalita at pumikit.
"If you'll just hurt him again, then you better stop now. Kung kaya ka sumama kay August dito ay para ipamukha kay Stanley na wala na siyang halaga sayo then you really are a pathetic bitch." Galit at madiin niyang sabi sa akin. Lumapit siya sa akin at tinitigan niya ako.
Hindi ako nagpatalo sa tinginan. "That's so sweet dear. Pero baka hindi mo alam, si Stanley ang nanakit. Hindi ako." Pagtatanggol ko sa aking sarili. Napapikit ako ng maalala lahat ng ginawa niya sa akin. Iyong pagtataboy. Iyong panlalamig niya. Iyong panghuhusga niya. Kung may nasaktan man sa aming dalawa ay ako iyon, hindi si Stanley.
This bitch infront of me doesn't know anything.
"I am really wondering, ano nga bang meron ka at ang daming nagmamahal sayo? Other guy would kill for you. Others will throw anything for you. But looking at you know, I only see a trash. A selfish, pathetic trash." Nang-uuyam niyang sabi.
Tumawa siya at nilagpasan ako bago muling lumingon.
"Kung iniisip mong ikaw lang ang nasaktan dito Victoria, then think again. Hindi lang sayo umiikot ang mundo. You did not witness the things I saw back then. And when I told you, you are not worthy of Stanley, I meant it. Pwede kang mabuhay ng paulit ulit, but you will never deserve his love." Madiin niyang sabi bago ako tuluyang iniwan. Hindi ko mapigilang matawa sa mga pinagsasabi niya.
Magkaibigan nga talaga sila ni Stanley. Parehong pareho sila.
Napailing na lang ako at dumiretsyo sa kwarto ko. Binuksan ko iyon at halos mapasigaw ako noong makitang nakaupo roon si Stanley.
"A-anong--"
Tumayo siya at lumapit sa pintuan. Nilock niya iyon at hinawakan ang siko ko. Dinala niya ako sa may pintuan ng banyo at muli akong hinarap.
"Undress yourself. Now." Utos niya. Napasinghap ako at agad kong tinakpan ang sarili ko.
"Stanley--" nagtataka kong sabi habang pilit niya akong kinakaladkad.
"Undress now or I swear to god I'll fucking rip your clothes off Victoria Shayne Ocampo!" sigaw na niya. Napaatras ako sa galit sa mga mata niya. Hindi agad ako nakagalaw habang nakikita ko ang titig niyang sobrang talim.
------------------------------
Naaalala ko si Sandro.
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top