Last Kiss
30
"What happened there?" usisa ni Avvi sa akin noong masolo niya ako habang gumagawa ng meryenda ng lima. Nakatitig lang siya sa tuna sandwich na ginagawa ko.
"Anong 'what happened'?" pagkakaila ko. Tumaas lang ang kilay ni Avvi bago ngumiti ng parang baliw sa akin. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong talo na ako. Hindi nito ako tatantanan. Mangungulit at mangungulit siya hanggat hindi ko siya sinasagot sa tanong niya.
"Nag-away kayong tatlo kanina? I saw it. Parang S and A will kill each other na kanina. Tapos you're in the gitna looking back and forth. Para kang ewan then." Natatawa niyang sabi. Ngumuso lang ako at kinuha ang isang lettuce at binato sa kanya iyon. Umiwas siya habang humahalakhak pa rin sa akin. Kumuha ako ng tuna at pinapak iyon.
"Stop laughing. Hindi naman nakakatawa." I whined. Pinunasan niya ang luha niya at nangalumbaba akong tiningnan.
"It is kaya. Why don't you choose na kasi. If you will make patagal pa, you'll only hurt them more." Ngumuso siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Umiling na ako bago pa man siya matapos magsalita.
"They are both important to me. Different level of importance. But still, importante sila. I don't see the need to choose." Katwiran ko. Tumigil sa pagtawa si Avvi at seryoso akong tiningnan.
"Alam mo, the more that you hold on to the two of them, the greater the odds na pareho silang mawala sayo. Stanley is too possessive and Athan is not the type who will give up easily. The more that you prolong this, mas lalo silang mag-aaway. The next thing you knew, sira na yung friendship nila. Sira na yung banda nila. Everything that you tried to protect then will all fall apart because you were just so afraid to choose." Madiin niyang sabi sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita sa narinig. Avvi makes so much sense. I know I have to choose. And I know my choice is obvious.
Hindi ko na namalayan na nakaalis na pala si Avii sa harapan ko at mag-isa na lamang ako sa kusina. Lumamig na ang kape na tinimpla ko para sa lima sa sobrang tagal ko na palang nakatanga. Hindi ko mapigilang hindi malungkot sa narealize ngayon lamang. Can I take it? Kaya ko bang saktan si Athan..ulit?
"Matagal ka pa ba diyan? Gutom na ako."
Hinarap ko si Tan Tan na inip na inip ng nakatingin sa akin. Inilang hakbang lang niya ang pagpunta sa pwesto ko at kinuha ang isang tuna sandwich doon bago kinagatan. Tinitigan ko lang siya bago napalunok.
I kept staring at Stanley who is eating at the tuna na para bang bibitayin na siya bukas. Mahirap habulin ang takbo ng isip ni Montreal. He is too moody. At kahit masaya akong ayos na kami at hindi na malamig ang trato niya sa akin, natatakot naman akong baka magbago na lang iyon sa isang iglap.
Sinaktan ko siya noon. What if this is just his way of building his ego back? Paano kung naglalaro lang siya at hindi naman pala ito seryoso? Saan ako pupulutin kapag nangyari iyon?
Montreal siya. Iilang beses ko ng nakita kung ano ang nagagawa nila kapag nagagalit sila. It scares me more dahil ang inaasahan kong pagbaha ng galit ni Stanley sa akin noong bumalik ako ay hindi nangyari. I am more afraid that he just kept it all inside him. Parang bulkan na ano mang oras ay sasabog at wala akong kahit na anong magagawa kung hindi ang saluhin ang buong galit niya.
"Why?" tanong niya noong tumigil siya sa pagnguya. Tiningnan niya ako habang ako naman ay nagkibit balikat lamang sa kanya.
"May problema ka." Madiin niyang sabi. Tinukod niya ang kamay niya sa island at tinitigan ako sa mata. Hinawakan niya ang pisngi ko at bahagya akong inilapit sa kanya.
"You tell me what is wrong." Utos niya. Ngumiti ako ng pilit bago lumayo.
"Uhm.."
Natatakot akong sabihin kay Tan Tan ang nasa isip ko dahil baka totoo iyon. I don't want to burst my happy bubble. Kakabati lang namin kahapon.
Iniiiwas ko ang tingin ko sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya habang hinahabol naman ang mata ko. Agad akong bumaba sa stool at kinuha ang tray.
"Hatid ko na sa kanila--"
Hindi agad ako nakapagsalita noong makita ko ang unti unting pagdilim ng mukha ni Tan Tan. Humakbang siya papunta sa akin kaya napasandal ako sa pader. Hinigit ko ang hininga ko ngunit tiningnan lang niya ako bago umiling. Nilampasan niya ako at bumalik sa sala ng walang sinasabing kahit na ano.
--------------------------------------
May party ang AEGIS ngayon dahil sa pagkakaroon ng platinum na album. Kahit na ayaw kong pumunta magmula noong nagwalk out si Tan Tan at hindi pagsagot ni Athan sa tawag ko, napilit pa rin ako ni Ethan na umaattend. Kasama ko si Avvi sa pagpunta.
"Geez. They're really big." Manghang sabi ni Avvi ng makita ang pulutong ng media sa paligid. May iba ring talent na galing sa Wave ang nandoon. Kasalukuyan namang nagpeperform ang isang soloist ng Wave sa stage habang ang buong AEGIS ay nowhere to be seen pa rin hanggang ngayon. Hinatak ako ni Avvi sa isang lamesa at doon kami umupo. Hindi ko pa man nailalapat ng maigi ang sarili ko sa upuan ay may waiter na na lumapit sa akin at nag-abot ng tissue paper. Nagtataka man ay kinuha ko iyon. Nakatupi ito sa dalawa at ng binuksan ko ay may sulat na nasa tissue.
'Fire Exit.
-A'
Tiningnan ko ulit ang waiter na naghatid pero wala na siya sa likuran ko. Nilingon ko si Avvi na busy sa pagvivideo sa mga nagpeperform kaya hindi na ako nagpaalam sa kanya at umalis na rin ako. Dumiretsyo ako sa fire exit at agad iyong binuksan. Nasa may pintuan pa lang ako ay natiglan na ako. Hilera ng mga kandila ang nakakalat sa sahig. May kasama iyong petals ng rosas at iilang confetti. Nilingon ko ang dulo ng hallway at doon nakatayo si Athan na nakangiti sa akin.
"Hi." Malamig ang boses niyang sabi. Nilingon ko ang likuran ko at napansin kong ako lamang ang tao doon. Nilahad niya ang kamay niya sa akin kaya lumapit ako.
"Anong.." I'm out of words. Iilang beses akong kumurap para masigurong totoo ito.
"Surprise." Binuka niya ang braso niya at pinakita ang buong lugar. Napalunok ako ng ilang beses habang inililibot ko ang tingin ko. Noong bumalik ang titig ko kay A ay nawala na ang ngiti niya.
"Hindi mo ba gusto?" mahina ang boses niyang sabi. Naalarma ako sa tampo na nakabahid sa boses niya kaya ako umiling kaagad.
"No. Gusto ko." sabi ko. And it is true. I love all the flowers and the candles. Alam ko ring nag-effort si A para rito. But..
"Toryang." Kinuha niya ang kamay ko at marahan iyong hinawakan. Napanganga ako at agad iyong binawi. Kita ko ang pagsimangot niya sa ginawa ko.
"Athan." Madiin ang boses ko noong sinabi iyon. Athan brushed his hair using his fingers. Huminga siya ng malalim at hinila na lang ako bigla para yakapin.
"Toryang." Tawag niya sa akin gamit ang basag niyang boses. Napapikit ako sa narinig kong sakit doon. Maybe Avvi is right. Nasasaktan ko na nga siya ng sobra sa ginagawa ko.
Tinaas ko ang kamay ko at tinapik ang likod niya. Hinagod ko iyon ng ilang ulit. Humigpit naman ng humigpit ang yakap niya sa akin.
"Let go now A." mahina kong sabi. Nanigas ang katawan niya sa narinig.
Matagal walang nagsasalita sa aming dalawa. Yakap lang niya ako habang ako naman ay hinahayaan lamang siya. Ilang beses siyang bumuga at huminga ng malalim na para bang hirap siyang kumuha ng hangin. Noong nagtagal na ay ako na ang kusang bumitaw sa kanya.
I still remember the look on your face
Lit through the darkness at 1:58
The words that you whispered
For just us to know
You told me you loved me
So why did you go away?
Away
Napapikit siya noong marinig namin ang kanta mula doon sa entablado sa labas. Yumuko siya pero kitang kita ko pa rin ang pamumula sa mata niya. Huminga siya ng malalim at tiningnan ako.
"It's my fault." Mahina niyang bulong. Kumunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya.
"Ano?"
But now I'll go sit on the floor
Wearing your clothes
All that I know is
I don't know how to be something you miss
I never thought we'd have a last kiss
Never imagined we'd end like this
Your name, forever the name on my lips
Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko mula kay Athan. Ilang beses siyang kumurap at tiningnan ako. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinagdikit ang noo naming dalawa.
"I am a bad, bad person Victoria. I'm sorry." Bulong niya. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha niyang pumatak sa pisngi ko.
"Ano bang sinasabi mo A?" nag-aalala ko ng tanong. Hindi ito sumasagot sa akin.
So I'll watch your life in pictures like I used to watch you sleep
And I feel you forget me like I used to feel you breathe
And I keep up with our old friends just to ask them how you are
Hope it's nice where you are
"Lahat ng nagawa ko, ginawa ko lang kasi ayaw kong masaktan ka. But it turned out wrong." Nabasag ang boses niya at tuluyan ng humagulgol. Ako naman ay gulong gulo na sa sinasabi niya.
And I hope the sun shines
And it's a beautiful day
And something reminds you
You wish you had stayed
You can plan for a change in weather and time
But I never planned on you changing your mind
"Athan, you're scaring me." sabi ko sa kanya. Lumayo siya nga kaunti sa akin at inayos ang buhok kong nagulo sa yakap niya.
Abot abot ang kaba ng dibdib ko sa susunod niyang sasabihin. Huminga siya ng malalim at tiningnan ang surpresa niya sa akin bago napangiti ng mapait.
"It's all my fault. Madamot ako Toryang. Sa lahat ng mayroon ako, ikaw lang ang hindi ko kayang isuko." Madamdamin niyang sabi. Yumuko siya at pinaglaruan ang mga petals gamit ang paa niya.
Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. Kitang kita ko ang paghihirap sa mukha ni A. Gusto ko iyong burahin at tuluyan na lang tanggalin. He suffered a lot because of me. Because I can't reciprocate. Ako dapat ang humihingi ng tawad dito.
So I'll go sit on the floor
Wearing your clothes
All that I know is
I don't know how to be something you miss
Never thought we'd have a last kiss
Never imagined we'd end like this
Your name, forever the name on my lips
"When Ria took me, we had an agreement. I'll do my part in exchange of something awful." Pagsisimula niya. Nahigit ko ang hininga ko sa susunod kong maririnig.
Iniwas niya ang tingin niya sa akin at huminga ng malalim. Tinitigan niya ako bago parang bomba niyang sinabi ang mga salitang kahit kailan ay hindi ko inaakalang maririnig ko mula sa kanya.
"Leria's father owns Wave.Gusto kong iterminate ng Wave ang kontrata namin. I want AEGIS to be disbanded. And I want you to know that. Kasi alam kong gagawin mo ang lahat para sa AEGIS. Gagawin mo para kay S. Alam kong aalis ka kung yun lang ang paraan para maisalba ang banda. With Ri's Dad and Mr. Montreal's help, umalis ka. Nagtagumpay ako. Gusto kitang ilayo kay Stanley. Gusto kong magkaroon ng pagkakataon Toryang. Pero hanggang ngayon pinagdadamot mo pa rin yung pagkakataon na hinihingi ko."
Just like our last kiss
Forever the name on my lips
Forever the name on my lips
Just like our last...
-------------------------------------
Song Used:
Boyce Avenue ft. Megan and Liz Nicole - Last Kiss
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top