Kapag Lasing, Nababaliw

28

Kumapit ako sa batok ni Tan Tan para mas lalong mapalalim ang halik niya sa akin. Lumipat sa pisngi ko ang isa niyang kamay at hinawakan ang mukha ko para hindi ako makagalaw palayo sa kanya. Naramdaman ko na lang ang pagsandal niya sa akin sa kanyang kotse habang patuloy pa rin sa paghalik.

Tumigil lamang siya noong maghiyawan ang mga bisita sa streetdance. Dinikit niya ang noo niya sa aking noo at tiningnan ako sa mata. Nakakalasing ang titig niya, pakiramdam ko ay walang binatbat ang alak na nainom ko kumpara sa tingin ni Stanley sa akin. Nakakapanlambot ang titig niya at nakalimutan ko na lahat ng sakit na pinagdaanan ko nitong nakaraang araw dahil sa kanya. All I remember is him, his wicked eyes, his sinful lips. Wala na akong ibang maisip kung hindi ang moment naming ito. It is too perfect, too damn real, na kung pwedeng hindi na lamang gumising sa panaginip na ito ay gagawin ko. I want to be trapped in this fantasy.

"Tan Tan." Tawag ko sa kanya. Tumaas ang sulok ng labi niya bago bumaba ang ulo niya at hinalikan ulit ako. Mababaw na lamang at mapangbitin na halik. Hindi ko napigilan ang sarili kong habulin ang kanyang labi noong humiwalay siya.

"Come on Victoria." He chuckled bago ako inalalayan papasok sa kotse niya. Ilang beses pa akong muntik matapilok sa sobrang hilo ngunit nakaalalay naman siya sa akin.

"Nahihilo ako." Reklamo ko noong nakaupo na ako sa frontseat. Sumandal ako sa headrest at mariing pumikit. Naramdaman ko ang paglapit ni Stan sa akin. Pinilit kong idilat ang mata ko para tingnan siya sa kanyang ginagawa. Nakita kong inaayos niya ang seatbelt ko noong may mapansin akong itim sa kanyang leeg. Itinaas ko ang kamay ko at hinaplos iyon. Napapitlag siya sa ginawa ko at tiningnan ako.

"May dumi ka." Wala sa sarili kong sabi habang pinipilit kong burahin iyon sa kanya. Hindi siya sumagot, inayos lang niya ang kanyang kwelyo at bumalik sa manibela.

"Tan Tan may dumi ka sa leeg." Inabot ko ang leeg niya pero hinawakan lang niya ang kamay ko at ibinaba iyon.

 

"Ang ingay mo." Asar niyang sabi. Natawa lang ako sa kasungitan sa kanyang boses. Come on Stanley, para nagtatanong lang. Sungit nitong gwapong ito.

"Hindi ka ba naliligo? Ang dumi talaga oh." Pagpipilit ko pa rin. Doon ko lang napansin na mahaba pala ang itim na linya sa kanyang leeg. Huminga lang ito ng malalim at hindi na sumagot. Binuksan ko na lang ang bintana ng kanyang kotse at inilabas ang kamay ko roon.

"Damn it. Ibalik mo nga yang kamay mo dito sa loob. Mamaya mahagip pa yan ng kotse." Inis na inis na siya sa akin. Tumawa lang ako at lalo iyong inilabas. Ang sarap ng hangin eh. Isa pa, wala namang sasakyan. Hatinggabi na kaya. OA talaga ni Montreal.

"Kakulit." Bulong niya at hinila ang braso ko. Tumatawa ko siyang tiningnan. Tumitig lang din siya sa akin habang napapailing na lang. Ibinalik niya ang tingin niya sa daan at bumulong bulong.

Inayos ko ang upo ko bago sinidihan ang radio ni Tan Tan. Tiningnan niya pa ako ng masama pero ngumiti lang ako. Napabuga na lamang siya ng hangin sa aking ginawa.

I'm all out of faith

This is how I feel

I'm cold and I'm ashamed

Lying naked on the floor

 

 

Sumabay lang ako sa kanta habang hinahayaan kong mahipan ng hangin ang buhok ko. Umusog ako ng kaunti at lumapit kay Tan Tan habang kumakanta pa rin.

You're a little late

I'm already torn

Hindi ko napansin na tumigil na pala kami ni Tan Tan. Inalis ko ang seatbelt ko at muntikan na akong mahulog noong binuksan iyon ni Tan Tan. Natawa na lang ako habang nakasalampak sa sahig ng kotse ni Tan Tan.

 

"Shit." Mura niya at sinalo ako. Pinilit niya akong tumayo pero hindi ko na magawa iyon sa sobrang hilo. Huminga na lang siya ng malalim at tumalikod sa akin. Nagtaka pa ako sa ginawa niya noong umupo siya at kinuha niya ang dalawang braso ko para ipulupot iyon sa kanyang leeg.

"Wrap your legs around me." utos niya. Napasinghap ako sa sinabi niya.

"Victoria." Tawag niya ulit sa akin. Hindi ako gumagalaw. Tinititigan ko lang ang batok niya pababa sa leeg niya. Napanguso ako noong makita ko na naman ang itim na mga linya roon.

"Ang tigas ng ulo mong babae ka." Asar niyang sabi. Binitiwan niya ang braso ko at kinuha ang mga hita ko para ipulupot sa beywang niya. Kumapit ako sa kanya noong tumayo na siya at maingat akong kinarga.

"Nahihilo na talaga ako." Bulong ko sa kanya habang nipipiggy back niya ako. Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin sa sinabi ko.

"Bobo mo kasi. IInom inom ka hindi mo naman kaya. And since when was the last time you ate?" tuloy tuloy niyang sabi. Hinipan ko ang leeg niya at muntik na siyang mapatalon.

"Damn! Victoria naman!" inis niyang sabi habang lalong hinigpitan ang hawak sa akin. Tumawa lang ako lalo at hinampas hampas pa ang paa ko.

"Ang likot mo." Reklamo niya. Sasagot pa sana ako noong nalaglag ang sapatos ko sa hallway. Napanguso ako noong maiwanan namin iyon.

"Tan Tan, sapatos ko." sabi ko sa kanya. NIlingon lang niya iyon bago bumalik. Iniupo niya ako sa isang bench doon at kinuha ang sapatos ko.

 

"Wag ka na kasing magulo." Pakiusap niya sa akin. Ngumiti lang ako at pilit na inaagaw sa kanya ang sapatos pero inilalayo niya sa akin iyon. He took my ankle at dahan dahan niyang isinuot iyon sa aking paa.

"I look like Cinderella." Hagikgik ko habang inaayos niya ang sapatos sa paa ko. Tiningala niya ako bago ngumuso.

 

"Kaso you're too harsh to become Prince Charming." Sabi ko sa kanya. Hindi pa rin ito sumasagot. Tumalikod lang siya ulit at binuhat na naman ako.

 

"Ang daldal mo." Reklamo niya. Pinaglaruan ko ang hikaw niya sa tenga. Doon ko lang napansin sa malapitan na  krus pala ang disenyo ng diamond na iyon. Napanguso ako at pinitik pitik iyon.

 

"I love you Stanley Montreal." Bulong ko sa kanya bago ko siniksik ang ulo ko sa leeg niya. Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya sa narinig mula sa akin. Pumikit na ako at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

--------------------------------------------------

Ang init. Ilang beses kong pinunas ang likod ng palad ko sa aking leeg dahil sa basa na ako sa pawis. Hindi pa ako makagalaw sa bigat na nakapatong sa aking tiyan.

"Ang aga pa." reklamo ng katabi ko. Humigpit ang yakap niya sa aking beywang at hinila ako palapit. Napaungol naman ako noong kumirot ang ulo ko.

"Mainit." Sabi ko. Napapapikit na naman dahil sa antok.

"Sorry. Hot talaga ako." Sagot nito. Napangiti ako. He sounds so much like Stanley--

Napadilat ako noong maisip ko iyon. What the hell! May katabi akong lalaki na kamukha ni Tan Tan?! Oh my--

Dahan dahan akong tumayo para makita ang lalaking katabi ko. Ilang beses akong napalunok noong makita ang puting tshirt nito.

 

"Victoria naman. Ang likot mo matulog." Sabi nito. Kumunot ang noo ko ng marinig ito. Tumaas ng bahagya ang ulo niya mula sa pagkakabaon sa unan. Muntik na akong mahulog sa kama noong makita ko kung sino ang katabi ko.

 

"Oh fuck." Sa kawalan ng masasabi ay iyon na lang ang lumabas sa aking bibig. Ngumisi ito kahit nakapikit lamang siya.

"Oh yeah, fuck." Pang-aasar niya. Hinila ko ang isang unan at hinampas iyon sa kanya.

"Walanghiya ka Stanley! Bwisit ka!" naiiyak kong sabi. Tumayo siya at hinila niya ang unan mula sa akin.

"Tulog na ulit tayo." Parang bata niyang sabi bago  siya humiga ulit. Ngumuso na lang ako sa sinabi niya. Naiinis pa rin ako sa kanya.Bakit niya ako dinala sa bahay niya? Hindi naman..

Pinagsamantalahan ba niya ako?

Takot na takot ko siyang tinitigan sa naisip. Surely, wala naman siyang gagawing masama sa akin hindi ba? Oh my god.

Dahan dahan kong tiningnan ang sarili ko. Wala na ang pantalon ko at nakasuot ako ng isang spongebob na oversize shirt at isang boxer. Napatingin ako kay Tan Tan na tulog pa rin.

How..how could he..

Mabilis kong nilundag ang kama at narinig ko pa ang pagmumura niya noong umalog iyon. Tumakbo ako sa banyo para icheck ang saril ko. Damn it! Oh, I'll surely kill Avvi! Paanong.. paanong wala akong maalala sa nangyari? Hindi dapat iyon nangyari. Hindi pa dapat kasi hindi pa kami kasal. At wala pa akong maalala! Asar naman eh!

"Anong ginagawa mo?" takang tanong niya. Nakatayo siya sa may pintuan ng banyo at nakatingin sa akin.

"Thank you for knocking." Sarkastiko kong sabi. Hindi ko mapigilang hindi maiyak sa naisip. I lost my virginity and yet, I can't remember anything.

 

"Why would I knock? Bahay ko ito." Mayabang niyang sabi. Tinitigan ko lang siya ng matalim bago kinuha ang shaving cream niya at binato sa kanya iyon. Tinaas niya ang braso niya para harangin ang bote sa pagtama sa kanya.

 

"Bwisit ka!" sigaw ko. Nilampasan ko siya at nagtuloy tuloy sa sala niya para hanapin ang mga gamit ko. Hinalughog ko ang buong center table niya pero hindi ko mahanap ang bag ko.

 

"Ano bang problema mo? Sinasaltik ka na naman." Inis niyang sabi. Tinitigan ko siya at napahikbi. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko.

"You virginity thief!" akusa ko sa kanya. Bumilog ang bibig niya sa sobrang gulat sa sinabi ko. Hinintay ko siyang magsalita kaya ganon na lang ang gulat ko ng tumawa siya ng malakas.

 

"Oh, it's not funny Stanley!" frustrated ko ng sabi. Damn you Stanley Montreal! Nakakafrustrate ka! Asar ka!

 

"It is." Humahagalpak pa rin siya at napapaiyak na sa kakatawa.

 

"It's not! Wala pa akong maalala! It's my first!" sigaw ko ulit. Tumango tango siya habang pinupunasan ang luha sa mga mata niya sa kakatawa.

"You really never fail to make me happy Yang." Sabi niya. Hindi na siya tumatawa pero nandoon pa rin ang mapang asar niyang ngiting gustong gusto kong burahin sa mukha niya.

Lumapit siya sa akin at may inabot sa aking ilang aspirin. Ngumuso ako at tiningnan iyon.

 

"Para kang baliw." Tukso niya pa rin. Tiningnan ko lang siya ng masama.

 

"W-were you gentle?" nanginginig kong tanong. Humaba lang ang nguso niya sa pagpipigil ng ngiti.

 

"Stop laughing at me Stan!" grabe kang Montreal ka! Nakakfrustrate ka sobra!

 

"I'm not. Nakakatawa ka lang kasi."

 

"Seryoso ako."

 

 

"I know. Kaya nga mas nakakatawa kasi seryoso ka. Did you really think I'll make love to you?" natatawa pa rin niyang sabi. Ako naman ay talagang uminit na ang ulo. Hindi ba ako desirable para sa kanya? Damn you Stanley! Aah, naasar na ako sayo! Bwisit ka!

 

"Walang nangyari Yang. Wala pa." nangingiti niyang sabi. Napahinto ako at napanganga sa kanya.

"Ano?"

 

"But if you'll marry me, I'll gladly do 'it'." Alok niya. Napanganga na lang ako sa kanya.

--------------------------

Hate being sick. Need my unicorn now. Jinya-yo.

CHANCE! Nafufrustrate na rin ako.

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top