I Choose You

WALO

Hinabol ko si Stanley pagkatapos niyang mag-walkout sa akin. Diretsyo lang ang tingin niya sa daan at hindi talaga ako pinapansin.

"Tan." Tawag ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Binuksan lang niya ang kotse niya at hinintay akong pumasok. Ngumuso ako at tiningnan siya.

"Nakipag usap lang naman ako doon sa Kuya." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Tumaas lang ang kilay niya. Sumandal siya sa kotse niya bago sumimangot lalo. Kinuha lang niya ang cellphone niya bago nagpasak ng earphones sa tenga, trying to completely shut me out of his system.

Napapadyak ako sa semento. Tinopak na naman si Stanley. Fifteen years old na naman ulit ang utak niya. Damn Immature Montreal! Gumana na naman ang pagka Montreal niya.

"Stanley." Tawag ko sa kanya. Tumingin lang siya sa mga bata na naglalaro ng bisikleta sa gilid namin. Nakagat ko ang labi ko sa inis sa kanya. He's being unreasonable. Nakaka-- haay. Pasalamat siya at patay na patay kahit ang split ends ko sa kanya dahil kung hindi, iiwanan ko siya sa gitna ng karnibal na ito.

"I just talked to the guy. What's the big deal about that?"

Tumingin siya sa akin bago niya tinanggal ang earphones niya.

"You talked to him. That's the big deal Victoria."  He snapped at me. Pinakawalan ko ang hininga ko at napailing na lang sa kanya. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko dahil ayaw kong magsalubong ang inis at iritasyon na nararamdaman naming dalawa. Tinaas ko na lang ang dalawang kamay tanda na ng pagsuko ko. Pumunta na ako sa kotse niya at tinitigan siya sa mata. Hindi na ako nagsalita at pumasok na lang sa kotse. Sumunod naman siya at agad niyang pinaandar iyon.

"Babalik ako sa Wave Records. May gagawin pa ako." Bigla niyang sabi. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa.

"Kung gusto mo, magstay ka muna sa dressing room. May wifi doon. Or you can sleep too while waiting for me." dagdag niya. Tumaas naman ang kilay ko ng marinig ko ang sinabi niya. Akala niya sa akin? Magdidiwang kapag may wifi na open ang connection at walang password? Susuhulan niya ako ng tulog?

"Or you can watch while we do the album. Pwede ka naman doon. Gusto mo?"

Hindi ko pa rin siya pinansin. Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita at wala akong ginawa kung hindi ang manahimik na lamang. Pasok sa kaliwa kong tenga, labas sa kanan ko ang mga sinasabi niya.

"Toryang, bakit hindi ka nagsasalita?" hindi na niya natiis. Nagtanong na siya tungkol sa pananahimik ko. Hindi ko siya sinagot. Bagkus ay nagkibit balikat lamang ako. Huminga siya ng malalim bago inihinto ang sasakyan niya sa gitna ng kalsada. Bumusina ang mga nasa likod namin pero wala siyang pakialam. Tiningnan lang niya ako.

"Toryang."

Huminga lang ako ng malalim bago tumingin sa labas.

"Because you don't want me to talk." Sagot ko. Hinarap ko siya at nakita kong nakakunot na ang noo niya sa akin.

"Kailan ko sinabi iyon?"

"Kanina. Kaya ka nga nagalit kasi nakikipag usap ako kay Kuyang Ferris Wheel diba?" inis kong sagot. Tumaas ang kilay niya bago napakamot sa batok niya. Tiningnan niya ako gamit ang matatalim niyang mata. Ngumuso lang ako bago ko pinagkrus ang kamay ko sa dibdib ko.

"I just don't want you to talk with someone who isn't me. Kung makikipag-usap ko, gusto ko sa akin lang." sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya. Kinagat ko ang labi ko bago ako naglakas loob na itanong.

Athan is wrong. Alam kong may nararamdaman si Stanley sa akin. Mali si Athan.

Hindi gagawin ni Stanley ang mga ginagawa niya ngayon kung hindi niya ako gusto. He would not become this possessive kung kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Nararamdaman ko, may feelings na si Tan Tan sa akin.

"Why? Why do you act like that Stan?"

Please. Please say, it is because you have finally learned to like me, or love me. Kahit alin sa dalawa, ayos lang. Sapat na sa aking malaman na sa wakas ay may puwesto na ako sa buhay niya. That I am someone who is more than a bestfriend to him.

Bumuka ang bibig niya para sumagot pero naputol ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ang mouthpiece niya bago iyon sinagot.

"What?" he snapped. Muntik na akong matawa ng marinig ko ang katumbas ng hello ni Stanley sa phone. Tinitigan ko siya habang mariin siyang nakikipag usap sa kabilang linya.

"Papunta na ako diyan George." And then he hang up. Nanlamig ako sa tinawag niya sa kausap niya.

"Si Georgina yun?"

Tumango lang siya bago nagpatuloy sa pagmamaneho. I fiddled with my fingers. Tiningnan ko siya. His jaw was clenched at mas mabilis ang pagpapatakbo niya. His knuckles were white dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa manibela.

Nilayo ko ang tingin ko sa kanya at pinanuod na lang ang mga puno na nadadaanan namin. Akala ko ba hiwalay na silang dalawa? Bakit may contact pa rin ang palaka na iyon kay Tan Tan? Wala pa ba silang closure? Hinihintay ba nilang matapos ang three month rule?

"Ayos ka lang ba?"

"Ibababa na lang kita sa Wave. May nakalimutan ako sa bahay, babalikan ko lang." imbes ay sagot niya. Tumango na lang ako kahit duda akong may babalikan nga siya sa kanila. I have the feeling na may pupuntahan siya. And that it has something to do with Georgina.

"You'll see her." sabi ko. Hindi ako nagtatanong. Sigurado ako doon. Pupuntahan niya si Georgina. Tiningnan lang ako ni Stanley bago huminga ng malalim.

"Nagkaroon lang ng problema sa isa naming producer Toryang. Malapit na ang concert namin. Georgina needs my help."

"Your help? Your help? Lima kayong AEGIS Stanley, bakit ikaw lang yung hinihingan niya ng tulong? Ang genius mo naman." I said mockingly. Hindi na sumagot si Stanley dahil nasa tapat na kami ng Wave. Agad akong bumaba at sinara ang pintuan niya. Sumunod naman siya.

"If you don't want me to go see her, then say it. Hindi na ako pupunta kung ayaw mo."

Hinarap ko siya at pinagtaasan na lang ng kilay.

"Puntahan mo na siya. Nakakahiya naman sa ex mong palaka." At nagwalk out na ako dahil mas maganda ako kay Georgina.

Naiinis ako. Needs help. Sus. If I know, manlalandi lang si Georgina. At walang lalaking banal sa babaeng malandi, I am sure of that. Sigurado akong gumagawa na ng paraan ang palakang iyon para maagaw ulit si Stanley sa akin. Akala niya, hahayaan ko siya. Maghanda siya. Di pa siya nakakakita ng abogadang bitter at desperada.

Hindi na ako papayag na maging pangalawa sa priority list ni Stanley. Ako ang bestfriend. Ako ang kababata. Ako ang nauna. Extra lang sa kwento namin si Georgina, at kung patuloy siya sa pagpapel kay Stanley, sasabunutan ko na talaga siya at ipaparada sa buong EDSA para hindi na tularan ng mga katulad niyang gandang ganda sa sarili. And to hell with human rights! I know the law. Makakahanap ako ng butas para hindi makasuhan. Ang ganda ko namang preso kung sakali.

Dumiretsyo ako sa dressing room nila. Pumasok ako pero napahinto ako ng makita kong si Athan na lang ang nasa loob at nag-aayos. Tumalikod ako at lalabas na lang sana ulit ng tawagin niya ako. Humarap ako sa kanya pero hindi ko siya nilapitan.

"Ano?"

"Tinanong mo na ba siya?" sabi ni Athan. I bit my lip and nodded.

"He loves me A. I can feel that."

Umupo si Athan sa tapat ng salamin bago inayos ang tie niya. Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita.

"Feelings can fool you Toryang. Hindi mo lang alam, nagsisinungaling ka na sa sarili mo in the hopes of having your love reciprocated." Tumingin siya sa repleskyon ko sa salamin. I kept my face straight.

"You're a lawyer. Alam mo kung paano bumasa ng mga tao. But come to think of it, pagdating kay Stanley nagiging tanga ka. Why would you assume something that is not yet confirmed?" he challenged me.

"Bakit mo ba sinasabi yan tungkol kay Tan Tan? Ano bang pinaglalaban mo?" mataray ko ng tanong. Humarap siya sa akin bago lumapit ng ilang hakbang. Hinawakan niya ang baba ko at tiningala iyon.

"You. I am fighting for you Toryang." He said huskily. Tiningnan ko siya sa mata. I saw pain in his eyes kaya nilayo ko agad ang tingin ko sa kanya.

"Mahal niya ako. He gets jealous. He's sweet. He's caring. Hindi pa ba sapat yun?" desperada ko ng tanong. Athan grinned before shaking his head.

"I can be sweeter Toryang. I care better. At kapag ako nagselos, sisiguraduhin kong apelyido ko na ang dadalhin mo para wala ng magtangkang agawin ka. I won't beat around the bush. Hindi kita paasahin sa wala." Seryoso niyang sabi. Huminga ako ng malalim bago umiling.

Naiinis na ako. Magkaibigan sila. Pero bakit nagagawa ni Athan sabihin ang mga ito tungkol kay Stanley. Stanley won't do this to him. Hindi magsasabi si Stanley ng masasakita na salita sa likod ni Athan. Siguro nga harsh si Stan, but he won't backstab a friend.

And I don't care. I don't care if Stanley is the worst person ever. I am not inlove with his perfect I-am-a-drummer image. I love the real him. His flaws and imperfections, tanggap ko lahat. Wala akong pakialam kung may mas nakahihigit pa sa kanya. I just simple don't care about other guys. Si Stanley ang gusto ko.

"Stop it Athan." Mababa na ang boses ko ng sinabi iyon. Athan knows me. Alam niyang galit na ako ngayon dahil kinokontrol ko na ang sarili ko.

"Toryang naman.." frustrated na niyang sabi. Nakakatuwa bang mafrustrate Athan? Sige, push mo lang ang paninira mo kay Stanley at lalo ko lang isasara ang tenga ko sa mga sinasabi mo.

"Si Georgina ang gusto niya Toryang."

"Wala akong pakialam. Ako na ang gusto niya ngayon." Kampante kong sagot. Inis na ginulo ni Athan ang buhok niya bago humakbang papalapit sa akin.

"Haay!" napasigaw na ito sa sobrang galit na nararamdaman. Tiningnan ko lang siya at hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko habang inis na inis niyang niluluwagan ang necktie niya.

"Hindi ba matalino ka? Hindi ka ba nagtataka Toryang? Girlfriend na ni Stanley si Georgina bago ka pa man umalis para mag-aral. Ang dami na nilang pinagdaanang dalawa. Sa tingin mo ganon lang kadaling bitawan yun?"

"Makinig ka naman! For the first time in your life, makinig ka naman! He doesn't like you, least of all love you! Wag kang tanga!"

Napanganga ako sa sinabi niyang iyon. Humigpit ang kapit ko sa bag ko habang nakatingin sa kanya. Pabalik balik siyang naglalakad sa harapan ko na para bang sa sahig niya hinahanap ang sagot kung paano niya ako mapapaniwalang hindi ako ang gusto ni Stanley.

"Ang dami pang iba diyan Toryang. Bakit lagi na lang si Stanley?" napatingin na ako sa kanya ng magsalita siya ulit. Hindi mapagkakaila ang hinanakit sa boses niya. Diretsyo ko siyang tiningnan bago huminga ng malalim.

"Mahal ko si Stanley--"

"And damn it! I am inlove with you too!" sigaw niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi agad ako nakapagsalita sa narinig ko. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"Toryang, sa akin hindi mo kailangang manghula. Ikaw lagi ang una. I won't give a fuck about anyone. Ikaw lang. Walang sideline na ibang babae. Ikaw lang. Toryang, ikaw lang." pagmamakaawa niya. Napayuko naman ako bago ko hinawakan ang kamay niya at inalis iyon sa braso ko.

"Athan.."

"Please.."

Nakagat ko ang labi ko bago ko siya tiningnan. Dahan dahan akong umiling. His face fell upon seeing my reaction.

"Wag mo akong papiliin Athan. Kasi kahit anong mangyari, hindi magbabago ang choice ko. Palaging si Stanley ang pipiliin ko."

Hindi na siya nakapagsalita pagkatapos kong sabihin iyon. Lumabas na lang ako sa dressing room at hinayaan si Athan sa loob.

--------------------------------

As much as I would like to update my other on-going stories,hindi na kinakaya ng powers ko dahil kailangan ko ng maraming brain energy para kila Daphne. Wala na rin akong baklang hormones kila Diamond. Sorry po. Peace XD

Maguupdate ako kapag okay na ko.

*pen<3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top