Hurt
31
Hindi agad ako nakapagsalita sa narinig. Ilang segundo muna ang dumaan bago ko nagawang ibuka ang bibig pero wala pa rin akong masabi. Tinititigan ko lang si A, iniisip na isang impostor ang nasa harap ko, at hindi talaga ang Athan na kilala ko ang nakikita ko ngayon.
"Toryang." Tinaas niya ang kamay niya at akmang hahawakan ako pero agad akong umiwas. Parang lantang gulay na ibinaba ni A ang kamay niya sa naging reaksyon ko. Pinanatili ko ang tingin ko sa sahig. Ayaw kong makita si Athan. Hindi ko kayang paniwalaan ang narinig.
May tiwala ako sa kanya. Sa lahat ng tao sa paligid ko, ang AEGIS ang pinagkakatiwalaan ko. Higit sa kanilang lahat, si Athan. Siya ang pinakamature. Siya ang levelheaded. Siya ang kalmado at hindi gumagawa ng kahit na anong desisyon na makakasakit sa iba.
Hindi ko na napigil ang luhang tumakas sa pisngi ko noong tinaas ko ang tingin ko sa kanya. Namumutla siya at hindi niya malaman ang gagawin. Dapat lang sayo yan. Sinaktan mo ako A.
"Kausapin mo ako Toryang." Basag ang boses niyang pagmamakaawa. Pinaglapat ko ang labi ko. Ang dami kong gustong sabihin pero wala akong magawa kung hindi ang manahimik. Hindi ko magawang ayusin lahat ng gusto kong isumbat sa kanya. Hindi ko alam kung anong uunahin. Pupunto ko ba kung paano ako naging kamiserable noong alam kong wala akong magawa kung hindi ang sumunod sa gusto nila Tatay? Sasabihin ko ba kung gaano naging kasakit sa akin ang iwan si Tan Tan sa kabila ng pagsusumamo niya sa aking wag ko siyang talikuran? Ipapaalam ko ba kay Athan lahat ng pinagdaanan ko, lahat ng pasko at birthday na ako lang mag-isa dahil mas pinili ko ang AEGIS kaysa sa sarili kong kaligayahan?
"S-sorry." Nanginig ang boses niya. Nalasahan ko ang pait sa bibig ko noong marinig ko siya. Ilang beses akong kumurap at sa pinakamalamig na boses ay nakapagsalita na ako.
"Was it worth it Nathaniel?" buo ang boses ko at hindi nanginig. Kitang kita ko ang pagpikit ni Athan ng marinig ako.
"Toryang.."
Tinitigan ko siya. Gusto kong magalit at sigawan siya. Gusto kong iparamdam lahat ng frustrations ko magmula noong umalis ako pero hindi ko magawa. Habang nakatingin ako sa kanya, wala akong ibang maramdaman kung hindi panghihinayang. Nanghihinayang ako dahil nagawa ni Athan kalimutan ang sarili niyang prinsipyo para lang sa akin.
Tinaya niya ang lahat. Ang AEGIS. Ang pagkakaibigan nilang nabuo mga bata pa lang sila. Ang pangarap niya, ng buong banda. Itatapon niya lahat ng mayroon siya para lamang sa akin.
But it did not work. It will never work.
Napapikit ako. Ano pa ang kailangan niyang sirain para lamang malaman niyang wala na siyang magagawa? Everything that he is doing is worthless. This is not healthy for him.
"Saktan mo ako. Murahin mo ako kung gusto mo. W-wag lang ganyan Toryang." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Tumingala ako para matingnan siya. Nangingislap ang mata niya sa luha. Ilang beses siyang lumunok bago muling nagsalita.
"Kung gusto mo, magpapaliwanag ako. I'll accept if Stan wants me out of AEGIS. Wag ka lang magalit sa akin Toryang. I'll take all the blame."
Huminga ako ng malalim bago ako umiling. Nakita ko ang pagtakas ng kulay sa kanyang mukha. Kinagat ko ang labi ko.
I won't let him do it. I won't let him ruin everything for me. I won't make him break AEGIS.
"Just shut your mouth. Wala kang pagsasabihan ng ginawa mo Athan." Madiin kong sabi. Kumunot ang noo niya at magsasalita pa sana pero umiling ako.
"Kung ayaw mong tuluyan akong magalit." Dagdag ko. Hindi agad siya nagsalita. Humigpit lamang ang hawak niya sa aking braso.
"Wag mo na silang idamay. If they will know, hindi lang si Stanley ang magpapaalis sayo sa AEGIS. Nandiyan pa si Iñigo." Malamig ang boses ko ng sinabi ko iyon. Yumuko siya at tumango.
"Do you hate me?" takot niyang tanong. Nagiwas ako ng tingin bago nagkibit balikat.
"To be honest A, hindi ko na rin alam." Sabi ko sa kanya. Humalukipkip ako pero hindi niya pa rin ako binitawan. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya bago parang tanga na napangiti na lamang.
"Gusto kong magalit sayo, gusto kong isisi lahat sayo, but just like what you said, ginawa mo iyon dahil gusto mong magdesisyon akong umalis. You're right. Desisyon ko iyon. The only person who deserves the blame is me." mahinahon kong sabi.
Inayos niya ang buhok ko at tumango na lamang. Hindi pa rin nakaligtas sa paningin ko ang pagkislap sa gilid ng mga mata niya. Huminga siya ng malalim habang nakatingin sa akin.
"Lahat ng ginawa ko, ginawa ko kasi mahal kita Victoria." Bulong niya. Tumango na lamang ako at hindi na sumagot. Tumingin siya sa may bandang likuran ko. Lilingon na sana ako ng hinapit niya ang batok ko at binigyan ako ng dampi sa labi. Hindi agad ako nakagalaw sa sobrang pagkabigla. Noong mahanap ko na ang balanse ko ay agad ko siyang tinulak.
"What was that for?" galit kong sigaw habang pinupunasan ko gamit ang likod ng palad ang aking bibig. Malungkot na ngumiti si Athan bago nagkibit balikat.
"Last shot?" sabi niya na ikinalito ko. Naglakad na siya at nilampasan ako. Pinauna ko muna siyang lumabas habang nasa isip pa rin ang sinabi niya.
Marami ng tao at nagsisimula na rin ang party noong makabalik ako sa hall. Agad kong hinanap si Avvi at nakita kong kausap niya ang iilang press. Hindi ko na siya nilapitan dahil mukhang abala siya. Naglakad lakad na lamang ako sa buong hall at hinihintay ang performance ng AEGIS.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malubos maisip na nagawa ni Athan iyon. I mean, he is Athan for pete's sake. Hindi niya kayang manakit. Wala sa kanilang lima ang may kayang mandaya para lamang makuha ang gusto nila.
AEGIS is their name. AEGIS means the power to protect, to defend and secure the people you love. This is their principle. Ito ang paniniwala nila pero sinira ni Athan iyon dahil sa akin.
All is fair in love and war. Maybe. I get Athan. Naiintindihan ko. Ako higit sa lahat ang dapat na nakakaintindi. Though I never did any cheating para lamang makuha ko si Tan Tan noon kay Georgina, may mga bagay pa rin naman akong ginawa para mapansin niya ako. Nagpakadesparada ako. I made myself look like an idiot para kay Stanley. And if all is really fair in love and war, wala na sanang katulad namin ni Athan na nagpapakatanga.
Natigil ako sa pag-iisip ng makita ko si Stanley na nakaupo sa sofa at may hawak na baso. Luminga ako at nakita kong wala ang ibang AEGIS sa paligid niya. May tatlong bote na sa harapan niya at mukhang marami na rin siyang nainom dala na rin sa pagkakapula ng mukha niya. Hindi na ako nag-isip at agad ko siyang nilapitan.
"Stan."
Tinaas niya ang tingin niya bago nanliit ang mata niya ng makita ako. Sumandal siya sa sofa bago niya ibinagsak ang likod niya roon.
"What are you doing here?" matalim ang boses niya noong sinabi niyo iyon. Hindi niya ako hinintay. Agad siyang tumayo at naglakad palayo. Muntik na siyang matumba sa ginawa niya kaya hinabol ko siya. Nakarating kami sa hallway papuntang kusina.
"Stan!" tawag ko sa kanya. Binuksan niya ang isang pinto at hinila ako papasok doon.
"Anong problema mo?" nag-aalala kong tanong. Tumataas baba ang dibdib niya habang tinitingnan ako.
"Ikaw? Anong problema mo?"
Hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin. Magsasalita pa sana ako ng bigla niyang hinampas ang pader sa likuran niya. Napatalon ako sa gulat sa ginawa niya.
"You! You act as if...as if you are inlove with me! Tangina! Kung makaasta ka parang ako lang! why can you just tell the truth huh? Si Athan naman talaga hindi ba? I am just a big, fat challenge for you, am I right?" sigaw niya bigla.
"Hindi ako naniwala! Noong sinabi ni Athan na kaya ka umalis kasi nalilito ka sa aming dalawa, hindi ako naniwala Toryang! Iniisip ko, baka nga gusto mo lang talaga akong magmature! Na baka gusto mong mag-aral lang! Kaya hinabol kita, pero ano, pinagtabuyan mo ako! Kasi totoo hindi ba? Nalilito ka sa amin ni Athan? Hindi ba?" paniniguro niya pa. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.
Ginulo niya ang buhok niya bago niya ako muling tiningnan. Ako naman ay nanginginig lamang na naghihintay sa susunod niyang sasabihin.
"I saw you..the two of you..sa fire exit." Mahina niyang sabi. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig.
Last shot.
Napapikit ako ng marealize ang sinabi ni Athan. Nakita niya si Stan. He kissed me so Stan will see it. That is his last shot?
"Stan.. that was nothing. Walang nangyari--" nagkukumahog kong paliwanag pero hindi ako nito pinanpansin. Umiling lang siya bago tumayo na.
"We were nothing Toryang. From the start, I was nothing for you." Basag ang boses niya noong sinabi niya iyon. Nilagpasan niya ako pero hinawakan ko siya sa braso.
"Tan..hindi mo naiintindihan. Athan--" napatigil ako noong muntikan na akong madulas tungkol sa ginawa ni Athan sa amin ni Tan Tan. Kinagat ko ang labi ko lalo na noong makitang hinihintay ni Tan ang karugtong ng sasabihin ko.
"Ano?"
Hindi ako nakasagot. Dahan dahang dumulas ang kamay ko sa braso niya bago umiling.
Seems like it was yesterday when I saw your face
You told me how proud you were but I walked away
If only I knew what I know today
Ooh ooh
"Maybe you're right. Immatured ako pagdating sayo. Kaya siguro si Athan lagi ang pinipili mo." Natatawa niyang sabi. Hinawakan niya ang doorknob pero hindi naman niya iyon pinihit.
"And your just here because I am just a challenge. Iyong tipong kailangang mahabol para may mapatunayan ka hindi ba? Ako yung tipong mahirap abutin kaya sinusundan mo ako.
I would hold you in my arms
I would take the pain away
Thank you for all you've done
Forgive all your mistakes
"It was just a kiss. Stan, kung nandoon ka lang, kung nagtagal ka lang, makikita mong tinulak ko siya." I am desperate. My voice is laced with desperation. Nakikita kong kahit anong sabihin ko ay nakatanim na sa isip ni Tan Tan ang sinabi ni Athan. Kaya may lamat silang dalawa noong bumalik ako. Kaya hindi sila naguusap. Kaya mainit ang ulo ni Tan.
Kaya malamig ang trato niya sa akin. Kaya niya ako tinawag na paasa at pafall.
"I don't know." Nalilito niyang bulong. Umiling siya at binuksan ang pinto.
"Stan please. If you will just listen--"
"Stop okay? I get it! Noong una pa lang, alam ko na. Bata pa lang tayo, alam ko na! I am just your puppy love Victoria! I am nothing but a childish whim." Galit niyang sigaw. Napapikit ako at tuluyan ng bumuhos ang luha ko.
Why can't he listen? Nasasaktan din naman ako. Kung alam lang niya, para na akong dinudurog sa lahat ng sinasabi niya. Masakit para sa akin na marinig na may duda siya sa pagmamahal ko.
There's nothing I wouldn't do
To hear your voice again.
Sometimes I wanna call you but I know you won't be there
"Stanley..please.." nabasag na ang boses ko. Ngumiti siya ng mapait bago umiling.
"I'm sick of you. I'm sick of your games." Maanghang niyang sabi bago ako tinalikuran. Naiwan ako sa hallway na umiiyak. Hindi ko mapiglang umiyak dahil hindi niya ako binigyan ng karapatang magpaliwanag.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal doon. The weight of the night is so heavy. Una kong nalaman ang pagtataksil ni Athan, then, Stanley hates me now because of the kiss. Ni hindi man lang niya ako hinayaang magexplain. Hindi man lang niya ako pinakinggan. Sarili lang niya ang pinaniniwalaan niya.
And I am tired of this. Pagod na akong habulin siya. magmula noon ako na lang ang nag-effort. And it is all useless for him. Ako na lang lagi ang umaabot sa kanya. Nakakapagod nang masaktan. I am so damn tired of everything.
Oh, I'm sorry for blaming you for everything I just couldn't do
And I've hurt myself by hurting you
I'm tired.
_____________________________
Song Used:
Cristina Aguillera -Hurt
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top