Halik
ANIM
Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my---
Mamamatay na ba ako bukas? May mangyayaring masama na ba sa akin pagkatapos nito? Itutulak na ba ako ni Stanley para mahulog ako sa rooftop? Bakit nangyayari na ito? Ending na ba ng kwento namin?
Dahan dahan siyang lumayo sa akin bago niya idinikit ang noo niya sa noo ko. Bahagya pa siyang hinihingal habang ako naman ay malapit ng himatayin sa sobrang kilig at kaba. My brain stopped working. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako o kaya ay matutumba ako. Salamat na lamang at mahigpit ang kapit niya sa beywang ko. Para bang takot na takot siyang lumayo ako sa kanya.At dahil sa simpleng hawak niya at sa bonggang halik na binigay niya, alam kong ano mang oras ngayon ay mangingisay na ako sa kilig na nararamdaman.
"Du bist mien Toryang." Seryoso niyang sabi. Napakurap kurap ako. Ano daw yun?
Bakit alien language ang salita niya pagkatapos niya akong halikan? May problema na ba sa labi ko?
Magsasalita na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at tiningnan ako ng diretsyo sa mata. Ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso si Stanley kaya hindi na ako nagsalita. Nakakatakot naman kasi yung mata niya. Yung tingin niyang tumatagos sa loob mo, pakiramdam ko ay matutunaw na ako sa titig niya. Siya ang global warming ko. Dahil sa kanya, nanlalambot ako at nawawala sa katinuan.
"Akin ka Victoria. Tagalog na para maintindihan mo. Gets?" maangas niyang sabi. Hinigpitan niya ang hawak sa pisngi ko. Ginalaw niya ang ulo ko para magmukhang tumango na ako sa sinabi niya bago niya ako binitiwan at ngumisi.
"Tan--"
Naputol ang sasabihin ko ng hinila niya ulit ako para halikan. Napakapit na lang ako sa kanya at nawalan na ng pakialam sa mundo. Basta ang alam ko lang ay masaya ako, dahil natupad na rin ang pangarap ko magmula noong bata pa ako at bungi.
_____________________________________
"Iñigo! Ang bagal!" sigaw ni Stanley sa baba. Napatingin naman ako kay Iñigo na hanggang ngayon ay nasa tapat pa rin ng salamin at nagsusuklay.
"Sandali lang naman S. Atat ka." Inis na sagot nito. Sasagot pa sana si Stanley pero pinandilatan ko lang siya.
"Ang aga-aga ang init na naman ng ulo mo. Dito ka nga." tawag ko sa kanya. Lumapit siya sa akin habang nakanguso. Natawa naman ako sa itsura niya.
"Tan Tan, 25 ka na pero batang isip ka pa rin."
"Gwapo ako eh."
Tiningnan ko siya habang inaayos ko ang kwelyo niya. Tinaasan ko siya ng kilay habang siya ay nakangisi lang sa akin.
"Mayabang."
"Gwapo naman. Saan ka pa?" sagot niya sa akin bago yumuko at hinalikan ang noo ko. He grinned at me habang ako naman ay tulala pa rin sa ginawa niya.
"Hoy Iñigo! Late na tayo sa shooting!" sigaw niya bago ako kinaladkad palabas. Habang naglalakad kami ay lihim siyang napapangiti. Mukha tuloy siyang tanga sa ginagawa niya. Nilalaro lang niya ang daliri kong hawak hawak niya.
Papasok na ako sa van nila ng bigla akong mabangga kay Athan. Nginitian ko siya at tumango lang siya sa akin. Napanguso naman ako sa inasta niya. Badtrip yata siya ngayon? Ang daya naman. Ang saya ko pa naman kasi kami na ni Tan..yata? Hinalikan na niya ako eh. Kami na ang ibig sabihin noon hindi ba? Diba?
"A." tawag ko sa kanya pero hindi na niya ako sinagot. Sinuot na lang niya ang earphones niya at tumabi na lang sa kambal niya.
"Toryang, pasok na." tawag ni Stanley sa akin mula sa loob ng van. Tiningnan ko ulit si Athan na nangangalikot lang sa phone niya. Lumapit ako kay Ethan at hinila ang tenga niya.
"Aray! Toryang---"
"Doon ka muna sa tabi ni Tan Tan E." utos ko. Tiningnan niya ako at mukhang may sasabihin pa siya ng pinandilatan ko siya. Tumaas lang ang sulok ng labi niya bago napailing.
"Tss. Dense mo." Bulong niya bago binuksan ang side ng van ni Stanley. Tiningnan ko si Athan na nakatingin lang sa may bintana. Nakatalikod lang siya sa akin.
"A." tawag ko ulit. Hindi siya sumasagot kaya dinutdot ko ang tagiliran niya. Tiningnan lang niya ako.
"Uy, may problema?" tanong ko. Umiling lang siya bago binalik ang tingin sa bintana. Magsasalita pa sana ako ng bumukas ang pintuan sa gilid ko at nakita kong nakatayo si Tan doon.
"Ba--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong hilahin bago niya tinulak si Ethan palabas.
"Ano ba!" sigaw na ni Ethan. Hindi siya pinansin ni Stanley.
"Pasok." Matigas niyang sabi. Nang makaupo ako ay agad niyang sinara ang pintuan sa gilid niya. Hinawakan niya ang beywang ko at hinila ako palapit sa kanya. Tiningala ko siya. Lapat ang ngipin niya at matigas ang panga niya. Hindi rin niya ako tinitingnan. I poked his cheeks and smiled at him.
"Nakakunot na naman yung noo mo." Biro ko sa kanya. Lumipat ang braso niya mula sa beywang ko hanggang sa balikat ko.
"Hindi pa ba tayo aalis?" biglang sabi ni Athan. Ang taas ng tono ng boses niya kaya napatahimik ako. Napailing na lang si Greg bago inutusan ang driver nila na magdrive na. Napanguso ako.
Ang init ng ulo ng dalawang ito.
__________________________
"Dito ka lang." utos ni Stanley sa akin. Inayos niya ang ID na nakasuot sa akin na may nakasulat na VIP. Tumango na lang ako. Hindi na siya nagsalita at dumiretsyo na lang siya sa stage kung saan gagawin ang interview nilang lima.
I smiled when I saw how great is the five of them. Hindi sumagi sa isip ko na maabot nila ang ganitong pangarap while having their friendship solid. Masaya ako na magkakapatid ang turingan nilang lima, at alam kong kahit na anong mangyari, mananatiling ganun iyon.
"Last question." Sabi ng interviewer habang bumubunot siya sa mga tanong na galing sa fans nila. Ng makakuha siya ay agad niya iyong binasa.
"What makes AEGIS happy?" sabi nito. Napatingin ako sa bawat isa sa kanila. Agad nagtaas ng kamay si Ethan.
"Volunteer E?" tanong ng host. Tumango lang si Ethan bago sumagot.
"Cotton candy." Sabi nito bago humagikgik ng malakas. Natawa naman ako sa sagot niya. Napailing na lang si Greg at Iñigo sa sagot nito.
"Ako, masaya ako kapag nagpeperform ako." Sagot ni Greg. Nagtilian ang mga babae sa likod ko. Kinilig naman daw ang mga ito. Kung alam lang nila yung tunay na ugali ni Greg, baka mag iba na sila ng pananaw tungkol dito.
"Same lang." sagot naman ni Iñigo sabay turo kay Greg. Napaingos na lang ako sa sinagot nito. If I know, tamad lang mag isip itong itlog na ito ng sarili niyang sagot.
Humarap naman si Host kay Stanley. Ngumiti muna ang mokong at kumindat sa camera bago niya ako tiningnan sa mata.
"Doing my hobby." He said simply. Napataas naman ang kilay ko sa sagot niya.
"Anong hobby?" Greg asked. Stan fixed his side burns before smirking.
"Kissing her."
Nanlaki ang mata ko sa sinagot niya. Napalunok ako ng maramdaman kong umakyat na lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sinabi niya. He even has the grace to look at me in the eye. Bumilis na agad ang tibok ng puso ko, kung may ibibilis pa ba ito. Kinagat niya ang labi niya at nakisabay sa palakpakan ng mga fans nila.
When the laughter died, nabaling ang buong atensyon ng mga tao kay Athan. Pinaglaruan niya ang lapel niya bago siya tumikhim.
"Pwedeng hindi sumagot?" bulong niya kay host, pero dahil suot niya ang lapel niya ay hindi namin naiwasang hindi namin iyon marinig. Girls started laughing at his childish behavior. Namula naman si Athan ng mapatingin siya sa akin habang natatawa ako sa ikinilos niya.
"Kailangang sumagot. Sumagot kaming apat!" sigaw ni Ethan. Napanguso si Athan at huminga na lang ng malalim.
"Happiness ko ay.." huminto siya bigla habang nag-iisip ng matagal. Nanahimik ang buong set habang naghihintay kami ng susunod niyang sasabihin.
"Just seeing my cookie with a smiling face." Nakangiti na niyang sabi. Napanguso ako habang inaalala ko ang ginawa kong cookie para sa kanila kaninang umaga. Kaya siguro siya tahimik, ay tahimik naman lagi siya. Pero mas tahimik siya kanina. Ang gulo ko na.
Siguro gusto niya ng chocolate crispies sa taas? Ethan likes chocolates. Maybe Athan loves it too.
Kaya nakarating ako sa conclusion na gagawan ko ulit si Athan ng cookie na may drawing ng smiley.
-------------------------------------------
"Naiihi ako." Bulong ko kay Stanley. Tapos na ang interview nila at kasalukuyan na silang nagtatanggal ng make-up. Hindi ko na siya hinintay sumagot. Tumakbo na ako sa CR para masagot ang tawag ni Mother Nature.
Nang matapos ako ay nakita ko si Athan na naghihintay sa akin sa labas ng banyo. I smiled at him and he smiled back.
"Masaya ka yata ngayon?" tanong niya. Ngumiti ako at naunang naglakad sa kanya. Patalikod ang mga hakbang ko.
"Oo A."
Ngumiti siya pero hindi iyon umabot sa mata niya.
"Bakit naman?"
Huminga ako ng malalim bago sumagot. Kinuha ko ang dalawang kamay niya at hinawakan ng mahigpit. Tumalon talon pa ako.
"Kasi kami na ni Tan!" impit kong tili. Ngumisi lang siya.
"Paano naman nangyari yun?"
Ngumuso ako bago lumapit sa kanya. I tiptoed para magkapantay ang mga mukha naming dalawa.
"Hinalikan niya ak--"
Nabigla na lang ako ng hilahin niya ang batok ko at hinalikan rin ako ng mariin. Nanlaki ang mata ko at hindi ako kaagad nakagalaw. Ng bitawan niya ako ay nakatulala pa rin ako.
"Hinalikan din kita Toryang. Ibig bang sabihin noon, tayo na?"
__________________________
Belated Happy Birthday Ate Sweet :)
*pen<3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top