Good
29
Nakanganga akong nakatingin sa kanya pagkatapos kong marinig ang sinabi niya. Nakabalatay pa rin sa mukha niya ang mapang-asar niyang ngisi habang tuwang tuwa akong pinaglalaruan.
"Joke lang. Masyado kang seryoso sa buhay Victoria." Natatawang sabi pa rin nito. Umiling iling siya at tinalikuran na ako. Pumasok siya sa banyo at nagkulong doon. Tinitigan ko lang ang pintuan na pinasukan niya bago napanguso. Pinagtitripan na naman ako ni Montreal. Akala ko pa naman, inaalok na niya ako ng kasal. Parang baliw talaga.
Mabigat ang loob ko ng kinalkal ko ang cellphone ko. Naiinis ako dahil akala ko totoo na ang sinasabi ni Tan Tan sa kasal. Umasa pa naman ako, bwisit talaga.
Hindi ko pa man naunlock ang phone ko ay nagregister na ang pangalan ni Avvi sa caller ID. Agad ko iyong niaccept.
"Hello?"
"Nasaan ka? We will make lipat na sa house today." Reklamo nito sa kabilang linya. Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng maalala iyon.
"I'm sorry Avvi. On the way na ako." Paghingi ko ng dispensa. Nagsabi sabi lang ang kaibigan ko bago niya hinayaang ibaba na ang tawag ko. Lumapit ako sa pintuan at kinatok si Tan Tan na nagkulong na yata at nagtayo na ng prayer vigil sa loob sa sobrang tagal.
"Tan!!" sigaw ko muna sa labas. Narinig ko ang pagpatay niya ng shower.
"Bakit?"
"I'll get my clothes." Sigaw ko pabalik. I heard rustles sa loob. Hinintay kong lumabas siya para mapagbuksan na niya ako.
"Bukas yung pinto. Pumasok ka na lang." sabi niyang ikinabigla ko. Anong..ano daw? Baliw na ba talaga itong Montreal na ito? Nasobrahan yata ng ligo at nalunod na ang utak! Paano akong papasok eh nasa loob siya at naliligo?
"Ano--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko noong biglang bumukas ang pintuan ang lumabas si Stanley na nakasuot lamang ng bathrobe. Nakangisi siya sa akin habang ako naman ay pinipilit na tumingin lamang sa mukha niya. Hindi naman nakatulong ang ginawa ko dahil napako ang paningin ko sa butil ng tubig na tumutulo mula sa buhok niya pababa sa dibdib niyang hindi masyadong natakpan dahil sa maluwag na pagkakatali ng robe niya.
"Ang sabi ko, pumasok ka na lang. Bingi ka ba?" naiinis niyang tanong. Ramdam ko na ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko kapag nagagawi ang tingin ko sa katawan niya.
"Ah..uhm..yung damit ko." uutal utal kong sabi. Gumilid siya at para bigyan ako ng lugar nang makapasok na ako. Nanatili lamang akong nakatayo sa may pintuan at hindi malaman ang gagawin.
"Victoria." Tawag niya sa akin. His tone is impatient. Naiinis na si Montreal.
"Lumabas ka muna kasi." Nahihiya kong sabi. Sumunod ang mata ko sa isang butil ng tubig na dumaan sa labi niya pababa sa leeg niya. Pinilig ko ang ulo ko at tiningnan siya ulit sa mata.
"Ang arte nito." Bubulong niyang sabi bago tumalikod ulit. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dahil natakpan siya ng pintuan habang kinukuha ang mga damit kong nakasabit sa likuran ng pintuan.
"Oh." Bwisit niyang sabi at binato sa akin ang pantalon ko at shirt. Kinuha ko iyon pero ganoon na lang ang pagtataka ko noong hindi pa rin siya lumalabas.
"Magbibihis ako." Mahina ang boses kong sabi. Umismid lamang si Stan at tuluyan ng lumabas sa banyo. Agad na akong pumasok at nakita ko pa siyang sinusundan ng tingin.
"Pasalamat ka.." hindi ko na narinig ang kadugtong ng litanya niya dahil dali dali na akong nagbihis. Mahirap na, baka mainip si Tan Tan at bigla na lang pumasok rito sa banyo. Nang makapagbihis ako ay agad na akong lumabas. Nakabihis na rin si Tan Tan. Nakawhite siyang tshirt at blue jeans. Punit punit iyon sa may bandang tuhod kaya tumaas ang kilay ko. Gwapo talaga nitong si Montreal kahit pa mukhang basahan ang damit niya. Bwisit ito.
Nakita ko siyang nag-aayos sa salamin niya. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang ginagawa niya.
"Aalis ka na?" tanong niya habang nagspray siya ng kanyang pabango. Kinuha ko ang hairbrush niya at tumabi sa kanya sa salamin.
"Yup. Ngayon kami maglilipat ni Avvi." Sagot ko. Kitang kita ko ang paglingon niya sa akin gamit ang repleksyon namin sa salamin. Tumaas ang kilay niya at nag-isang linya ang labi niya. Kumunot ang noo ko ng makita ang reaksyon niya. Napano na naman siya? Bakit mukha siyang pikon?
"Bakit hindi mo sinabi?" halos pasigaw na niyang sabi. Napailing na lang ako. Uminit na naman ang ulo niya. Patience will never be Stanley's virtue.
"I don't see the need to. Bakit ka ba nagagalit?" nagtataka kong tanong. Lalo lang siyang namula at ibinagsak niya ang pabango niya sa tukador.
Hala! Ang suplado!
"Ihahatid kita. Saan ba yan? Safe ba diyan? Baka naman kung saang sulok yan ha Toryang? Sana man lang nagsabi kayo para natingnan muna kung maayos ba yung lugar--"
"Avvi's dad made sure the place is safe Stan. Isa pa, busy kayong lima. Ayaw ko na kayong abalahin." Paliwanag ko. Tiningnan lang niya ako ng masama bago bumulong bulong. Kinagat niya pa ang labi niya habang umiiling iling na lamang.
"Let's go." Madiin niyang sabi pagkatapos niyang isintas ang sapatos niya. Nagtuloy tuloy siya sa pinto at sumunod ako sa kanya. Hindi siya nagsasalita hanggang makarating na kami sa kotse niya. Hindi ko naman malaman ang gagawin ko dahil bumalik na naman ang pagiging malamig niya sa akin. I don't want to initiate the conversation too. Baka hindi ako pansinin nitong Montreal na ito.
Nagsasalita lang siya kapag nagtatanong siya ng direksyon. Matyaga ko naman iyong tinuturo sa kanya. Bukod doon ay wala ng naging pag-uusap sa pagitan naming dalawa hanggang sa makarating kami. Nauna na si Avvi sa akin. Ang sabi niya ay magpapatulong na lang siya para maibaba ang mga gamit namin. Hindi na rin naman ako nag-alala dahil dalawang maleta lang naman ang dala ko noong umuwi kami. Ganoon rin namin si Avvi.
"Kamahalan!"
Napalingon ako noong makita si Ethan na tumatakbo papunta sa akin. May dala dala itong brush sa kabilang kamay habang may mga patak ng pintura ang tshirt niya. Nang makalapit siya sa akin ay hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.
"My wife hates blue kamahalan." Reklamo nito habang nagpopout. Napangiti na lamang ako sa sinabi nito. Hinila na ako ni E papasok. Napasinghap ako ng makita ang isang pader na sinisimulang pinturahan ng yellow para matakpan ang blue. Nakakalat din ang ilang wallpaper at mga vases. Luminga linga ako at napansin na nandoon rin ang iba pang AEGIS at nag-aayos ng bahay.
"Nandito kayong lahat?" nagtataka kong tanong. Bumaba si Greg mula sa pagkakapatong sa ladder at sinagot ako.
"Nagpatulong kasi si Avvi mag-ayos ng bahay." Paliwanag nito habang tinitingala ang maliit na chandelier na ikinabit niya.
"I don't like yellow na. Let's try pink kaya?" nilingon ko si Avvi na nakatingin sa pader na pinipinturahan ni Ethan. Napanguso naman si E sa narinig.
"Pero--"
"Or orange? Diba mas lively yung color? What do you think?" excited niyang tanong. Tumingin si Ethan sa akin na para bang nanghihingi ng tulong. Ngumiti lang ako bago nagshrug. Bahala siya diyan. Ginusto niya yan.
Narinig ko ang pagtawa nila I at G habang inaayos ang iba pang mga ilaw. Napailing na lang din ako sa lagayan ni E kay Avvi. Si Athan naman ay tahimik na nagtatanggal ng plastic sa kama at sofa. Nilapitan ko siya at nginitian. Magsasalita na sana ako noong tumabi si Stanley sa akin at inilagay ang braso sa sandalan ng sofa. Napatingin doon si Athan.
"Avvi said hindi ka umuwi. Saan ka nagpalipas ng gabi?" seryosong tanong ni A sa akin. Napatingin ako kay Stanley na tahimik na pinapanood ang paglalagay ni Avvi ng mga vases sa center table.
"Uhm.."
"Nag-alala ako Toryang. Sana man lang naisipan mong itext ako kung nasaan ka." Kastigo niya sa akin. Ngumuso ako at pinilit ngumiti.
"Ano kasi eh.." hindi ako makaapuhap ng sasabihin. Hindi ko naman kayang ipaalam na nalasing ako kagabi at wala na ako sa tamang katinuan para makauwi. Nakakahiya kung malalaman niya.
"She stayed with me. May angal ka?" biglang sabi ni Tan Tan sa tabi ko. Gulat akong napalingon sa kanya. Nakatingin siya ng diretsyo kay Athan. Binalik ko ang tingin ko kay A na pansamantalang hindi nakagalaw sa narinig.
"Doon siya natulog." Dugtong pa ni Tan Tan gamit ang mayabang niyang tono. Pinanood ko ang ekspresyon ni A. Biglang naging matigas ang mukha niya at dumilim iyon.
"Bakit?" yun lang ang sinabi ni A. Sasagot na sana ako ng biglang humalakhak si Stanley sa likod ko. Nagpabalik balik ang tingin ko sa dalawa na mukhang nagpapatayan na gamit ang tinginan. Napalunok ako at hinawakan ang kamay ni A. Pinisil ko iyon kaya tiningnan niya ako.
"I got drunk. Si Stanley ang kumuha sa akin." pagpapaalam ko. Tiningnan lang ako ni Athan at walang sinabi. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya tumango.
"Akala ko ba nanliligaw ka? Hindi mo man lang mabantayan?" nanguuyam na sabi ni Stan. Hinarap ko siya at pinanlakihan ng mata.
"Stan.."
Tiningnan lang ako ni Stanley. Tumaas ang sulok ng labi niya at bumalik ang mapang asar niyang ngiti. Pero hindi niyon naitago ang inis sa mukha niya.
"You don't take your eyes off to the things you possess A. Kasi laging may nangaagaw." Natatawang sabi nito. Napasinghap ako lalo pa noong walang sabi sabing tumayo si Athan at hindi na ulit nagsalita. Hinarap ko si Stanley na walang pakialam na nakatingin sa mga kasamahan niyang busy sa pag-aayos.
"What was that for?" mahina ngunit madiin kong bulong. Tiningnan lang niya ako bago sumandal sa sofa. Hinintay kong sagutin niya ako pero walang kahit na anong salita ang lumabas sa kanya.
"Stanley!" frustrated ko ng tawag sa kanya. Nanatili lang na nakapikit si Montreal at hindi ako pinapansin.
"Hindi mo dapat sinabi kay Athan yun. Naooffend tuloy yung tao--"
"Bagay lang sa kanya iyon." Nakapikit pa rin nitong sabat sa akin. Nahilot ko ang sentido ko sa kunsumisyon. Huminga ako ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili ko.
"Kaibigan mo siya. You should not--"
Dumilat siya at tiningnan ako gamit ang malalamig niyang mga mata. Napahinto ako sa pagsasalita dahil sa takot sa kanya. Pumikit lang siya ulit.
Napakamot ako ng ulo. Ang tigas talaga ni Stanley. Pambihira talaga ang ugali niya lalo na kapag nagalit na siya. And he is really pissed right now. Kitang kita ko naman sa paggalaw ng panga niya, galit siya.
"Go. Ganyan ka naman talaga eh. Comfort him. Bahala ka na." bulong nito. Napanganga ako at hindi malaman ang sasabihin. Tiningnan ko lang siya bago ko nakagat ang labi ko.
"Stanley.." I whined. Hindi ko na talaga alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Ang hirap niyang habulin. This moment he is nice, the next he is pissed. Daig niya pa ang babaeng may dalaw. Ang bilis niyang magpalit ng ugali.
Lumapit ako sa kanya at niyugyog ang balikat niya. Dumilat siya ng kaunti.
"Oh? Akala ko ba pupuntahan mo ang A mo?" mapanguyam niyang sabi. Ngumuso lang ako at umiling. Nakita ko ang paggalaw ng labi niya na para bang nagpipigil ng ngiti.
"So you'll stay here?" paninigurado niya. Mabigat man ang loob ko ay tumango ako.
"Good. Buti na lang hindi ka na pa-fall." Sabi niya bago pumikit ulit. Bumilog ang bibig ko sa narinig.
-------------------------------
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top