Errors and Reasons

46

Agad akong sinalubong ni Avvi sa tapat ng bahay, nagtataka kung bakit maaga ang uwi ko at kung bakit basang basa ako ng ulan. Hinanap rin niya si Stanley pero hindi na ako nagsalita. Hindi ko na kayang magsabi ng kahit na ano dahil alam kong babagsak na lamang ako kapag ginawa ko iyon.

Nafufrustrate ako. Iritasyon. Inis. Tampo. Pinagsasama sama lahat ngayong gabi. Hindi ko alam kung anong nagyayari kay Leria, at wala rin akong ideya kung bakit malamig ang trato ni Stanley sa akin. Sa dulo ng lahat ng nararamdaman kong galit, alam kong nakatago roon ang takot. Takot na baka nakahanap na ng iba si Stanley.

She's Leria Morales. Siya ang babaeng, katulad nga ng sinabi ni Tatay, na papantay kay Nanay Phoebe. Paano na lang kung nakapagisip isip si Stanley at mas piliin niya si Ria? Ito ang kasama niya noong wala ako. Si Ria ang nasa tabi niya noong nasaktan ko siya ng husto. Maari naman iyon hindi ba? Na mawala ang pagmamahal dahil sa sobrang sakit? Na sumuko sa isang taong hindi ka naman ipinaglaban?

Gumapang ako sa kama at hindi na nagabala pang magbihis. Pinabayaan ko na lamang na nakasuot ako ng basang damit. Tuloy tuloy lang ako sa pagiyak habang iniisip ang nangyari ngayong gabi.

She needs him? Oh, you don't give me that shit Stanley! Eventhough she needs you, it is still your choice if you will be there for her. Sana man lang ipinaliwanag niya kung bakit niya kailangang puntahan si Ria, maiintindihan ko naman eh. Hindi naman ako clingy o selosa. Pero maging iyon ay pinagdamot niya. Pinagdamot na nga niya ang atensyon niya sa akin ngayong gabi pati pa ang paglilinaw kung bakit mas pinili niya si Ria ay kinuha na niya.

"Magkakasakit ka niyan Tori."

Nilingon ko si Avvi na nakatayo sa may pintuan ng aking kwarto. May hawak hawak siyang gatas at dahan dahang lumapit sa akin. Nilapag niya iyon bago niya ako inabutan ng tuwalya. Pinilit niya akong maligo at magtuyo ng sarili bago niya ako hinayaang bumalik sa kama.

"You drink this na." nakangiti niyang sinabi. Inabot niya sa akin ang gatas pero wala talaga akong gana. Amoy pa lang nito ay nahihilo na ulit ako. Damn it, mukha nga talaga yatang magkakasakit pa ako sa ulan na iyon. Ganito rin ako noon sa New York, migraine at hilo ang nararamdaman ko kapag malapit na akong lagnatin.

Humiga lang ako at hinayaan si Avvi sa tabi ko. Hindi naman siya nagsasalita, basta lamang niya akong sinamahan. Hindi rin siya nagtanong kung bakit ako umiiyak, tahimik lamang niya akong dinamayan. Nagbabasa lamang siya ng libro sa gilid ko noong tumunog ang telepono ko. Tiningnan ko iyon at muntik ko na iyong binalibag ng makita ko ang pangalan ni Stanley sa screen.

Hindi pa man ako nakakahuma ay inagaw na ni Avvi ang cellphone ko at siya ang sumagot. Niloudspeaker niya ito at binati si Stanley ng malutong na mura.

"Nasaan siya?" imbes ay sagot ni Stan sa kaibigan ko.

"She's sleeping na!Go to hell asshole--" sigaw ni Avvi sa kabilang linya. Napapikit na lamang ako sa lakas ng boses nito. I am sure as hell she is pissed. Sumisigaw na ito at namumula na ang pisngi sa inis.

Huminga ng malalim si Stanley, halatang nagtitimpi. "Look, I really have to talk to her Avvi. Pakigising siya." pagmamakaawa nito. Tiningnan ako ni Avvi. Umiling ako at tumalikod na lang.

"Ayaw ko. Sorry Stan. Bye." Mapang asar na sagot nito bago niya tuluyang pinatay ang tawag ko. Maya maya ay narinig ko ang kaluskos sa gilid ko kaya tiningnan ko kung anong ginagawa niya. Napanganga na lang ako noong kinalas niya ang phone ko at tinanggalan ng battery.

"This is the reason why I don't want to fall inlove." naiirita niyang sabi. Inisa isa niyang tinanggal ang parte ng phone ko habang nagkakandatulis tulis na ang bibig niya sa pagnguso. Natawa na lang ako sa kabila ng mga luha ko.

"It sucks diba?" binagsak niya ang phone ko sa sidetable bago nagpadulas at pumasok sa ilalim ng kumot ko.

Tinitigan ko lang siya bago pinunasan ang luha ko. "Oh? You're not inlove with E?" tukso ko. Nanlaki ang mata niya bago umiling.

"No! God, no. Ano ba." Natatawa niyang sabi. Hinila niya ang kumot at nagtalukbong na. Hindi na ako nagsalita at natulog na lamang.

Nagising ako kinabukasan na mabigat ang pakiramdam. Noong tiningnan ko ang repleksyon ko ay hindi na ako nagulat sa itsura ko. Mugto ang mata ko mula sa kakaiyak at walang kulay ang mukha ko. Naghilamos lamang ako at pinusod ang buhok ko bago bumaba.

"Yang."

Napahinto ako sa gitna ng hagdanan noong makita ko si Stanley na nakaupo sa gitna ng sala. Naroon pa ang buong AEGIS, maging si Ria. Hinanap ko kaagad si Avvi. Noong makita ko siya ay nagkibit balikat lamang siya at nginuso si Stanley.

"Ang agang bisita naman." Ngumiti ako at pumunta sa island ng kusina. Agad akong kumuha ng tasa at nagtimpla ng chocolate.

Sumunod si Stanley sa akin at siya na ang nagtuloy ng pagtimpla. Sumandal lamang ako sa lababo at pinanood siya sa kanyang ginagawa. "Let's talk." Madiin niyang sabi. Kinuha ko ang jar ng cookies at kumain mula roon.

"Toryang." Frustrated niyang sabi. Inabot niya sa akin ang tasa at kinuha ko lamang iyon.

"I'm sorry--"

"No. It's fine. I understand." Sansala ko sa sasabihin niya. Kumunot ang noo niya pero ipinagwalang bahala ko lamang iyon. Kumuha ulit ako ng cookies at tinitigan siya ng malamig.

"No, you don't. Last night, I was just.." kinagat nito ang labi niya at hindi niya magawang ituloy ang sasabihin. Dumako ang kamay niya sa jacket niya at namulsa roon.

"Kapag umuulan, naghihyperventilate si Leria. She needed me Victoria. I was, well, I am the only person who knows that secret. Ako lang ang makakatulong sa kanya. I thought you will understand." Paliwanag niya. Nilingon ko si Leria na nanonood sa aming dalawa. Ngumuso lang ako bago ko pinagpagan ang kamay ko. Kinuha ko ang tasa at ang jar bago pumunta sa sala.

"Toryang." Tawag niyang muli sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at pinilit akong humarap sa kanya.

"Akala ko ba may tiwala ka sa akin?" nag-igting ang panga niya sa tanong niya. Tinitigan ko lang siya bago ko pasimpleng pinalis ang kamay niya sa braso ko.

"Sayo meron. Pero sa babaeng yan, Stan wala! And you made it clear last night. You chose her over me." mas madiin kong sabi. Huminga siya ng malalim bago napapikit na lamang.

"Victoria." Nagsusumamo niyang sabi. Tinalikuran ko na siya at tumabi na lamang kay Iñigo. Tumaas ang kilay niya habang nakatingin kay Stanley.

"Ayos ka lang?" tanong niya. Napangiti ako sa tono ng boses niya. Over-protective talaga.

Sumiksik ako kay I at humilig sa dibdib niya. Umakbay siya sa akin habang ako naman ay pinaglalaruan ang daliri niya. Tiningala ko siya at natatawang hinila ang pilik mata niya.

"Kamahalan!" saway niya sa akin. humagikgik lang ako at tuluyang binitiwan na ang tasa ko at ang cookies. Pinaglaruan ko ang mukha ni Iñigo habang ito naman ay umiiwas.

"Toryang!"

Napatigil ako noong dumagundong ang boses ni Stanley sa sala. Napatahimik kaming dalawa ni I habang ang iba naman ay tumigil sa kanilang pag-uusap. Tumikhim si Greg at nilapitan si Stanley.

Nagkatitigan lang kaming dalawa ni Stan at ako na ang naunang nag-iwas ng tingin dito. Binalingan ko si Iñigo at lumayo ng kaunti dito. Lumapit na lang ako sa kambal at tumabi kay August, habang ginagawa iyon ay nakatitig pa rin ako kay I.

"Tugtugan mo ako." Hiling ko rito. Nanlaki ang mata niya bago tumingin sa likuran niya. Tinuro pa ni I ang sarili niya na para bang sinisigurong siya nga ang tinutukoy ko. Tumango lamang ako. Bumuntong hininga ito at tumayo na. May ibinulong lang siya kay Stanley bago lumapit sa organ.

Kung ano ano lang ang tinugtog niya. Hindi ko naman siya pinakinggan masyado. Gusto ko lang makita si I na nagpapiano ulit. Maya maya ay sumama na ang kambal, si Greg at si August sa kanya. Tumigil lamang sila noong nagtawag na si Avvi para sa pananghalian. Agad na akong tumayo at pumunta sa lamesa.

Muntik ko ng itapon ang plato ko noong makita si Stanley na tumabi sa akin. Kinuha niya ang kanin at ulam at nilagyan niya ang pinggan ko. Pinanlakihan ko lang siya ng mata pero hindi siya natinag. Nakipagtitigan lamang siya bago ngumisi. Lumapit siya ng kaunti sa akin hanggang sa tumapat ang bibig niya sa tenga ko.

"Ganda mo kapag nagsusungit ka."

Binelatan ko lang siya at nagsimula ng kumain. Sa gitna ng mga subo ay tinititigan ko si Ria at Stanley na kaswal na naguusap sa hapag. Tumaas ang kilay ko at kumulong muli ang dugo. Hindi pwede ito. Nakakairita silang dalawa.

"A."

Nagtaas ng tingin si Athan at sa nagtatanong na mata ay nilingon ako.

"I miss your cookies. Pagbake mo ako." Paglalambing ko. Pasimple kong nilingon si Leria na patuloy pa rin sa pagkain. Lalo lamang akong nainis dahil nanatili pa rin ang walang ekspresyon niyang mukha. Hinarap ko ulit si Athan na sinundan ang aking tingin. Tumaas lang ang sulok ng labi niya at mukhang naintindihan niya kung ano ang gusto kong mangyari.

"If that's what you want" magiliw nitong sabi. Narinig ko ang pagbagsak ng kutsara at tinidor sa plato. Tumayo si Leria at lumapit sa water dispenser.

"So, remember your stalker back then? Yung girl na nagnakaw ng boxers mo? Diba nanghihingi ka pa noon ng restraining order? Kamusta na siya?" natatawa kong sabi. Sinusundan ng tingin si Ria bago sinusulyapan si Stanley at bumabalik ang titig kay Athan. Napapikit ako ng mariin. Nakakahilo pala ang ganito.

"Stan, pahinging ulam." Boses ni Leria ang narinig ko. Malamig pa rin ang mukha niya. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang higpit ng hawak niya sa kutsara niya. Lihim akong napangiti. Huli ka bakla. Selos ka ano?

"Hinahanap ko pa." simpleng sagot ni Athan bago lumingon kay Leria. Napasandal ako sa upuan ko at nagpunas ng bibig. Kitang kita ko kung paano magpalipat lipat ang tingin ng iba sa aming apat na para bang may hinihintay na mangyari.

"That's so sweet Athan. Alam mo, bihira na lang sa lalaki ang maging sweet. Madalas kasi, tinetake for granted ka na lang. Hindi ba Ria?" masuyo kong sabi. Tiningnan lang niya ako bago nagkibit balikat.

"Stan never took you for granted Victoria. Hindi siya katulad ng ibang lalaki." Ganting sagot nito. Nawala ang ngiti ko at tiningnan si Stanley na matalim na ang tingin sa amin ni Athan. Ngumisi ako at huminga ng malalim.

"You will only be taken for granted if you are an option, not a priority. Sa kaso mo, ikaw lagi ang nasa taas ng priority ni Stanley, o ng ibang tao diyan." Simple niyang sabi. Umiling na lamang ako at hindi na nagsalita.

Ako? Priority? Iba ang nakita ko kagabi.

Natapos ang pagkain namin na wala na ulit nagsalita sa amin. Tinulungan ko na lamang si Avvi sa pagliligpit habang si Ria at ang AEGIS ay dumako sa sala para tumugtog ulit. Pero ganon na lang ang pagtataka ko noong humiwalay si Ria at Stanley bago lumabas. Agad akong sumunod at nagtago sa isang gilid.

"It's my fault then?" naiiritang asik ni Ria kay Stanley. Narinig ko ang pagmumura ni Stanley.

"Dapat kasi agad mo na lang binigay iyon!"

"Aba? Kasalanan ko bang hindi mo alam ang sukat niya? Isa pa, you should have checked the weather forecast. Ikaw lang naman ang bobo rito."

Halos mapatalon ako ng marinig ang pagsipa ni Stanley sa gulong ng kanyang sasakyan.

"Kinabahan ako okay?! Hindi ko na naisip lahat yan! Narealize ko na lang na nasira na dahil sa ulan. Pagkatapos ikaw..I'm really sorry Ria. Hindi ko talaga alam na uulan."

Kumunot ang noo ko habang nakikinig sa kanilang dalawa. Wala akong maintindihan sa kahit na anong sinasabi nila.

"Forget about me. Kailangan ko lang ng therapy. Ang isipin mo, siya. She won't say no Stan.Pupusta akong hinihintay pa niya iyon."

Matagal walang nagsalita sa kanilang dalawa. Mauuna na sana ako sa pagpasok ng marinig ko si Stanley.

"I just want everything to be perfect Leria. Para wala na siyang rason na umalis ulit." Nanginginig nitong sabi. Bakas ang takot sa boses niya habang sinasabi iyon. Perfect ang ano? Ano ang kinakatakot niya?

"Girls don't need glitters, flowers or whatever shits Stanley. Ang kailangan lang namin ay assurance. Pero sa ginagawa mo ngayon, kahit konting assurance wala kang naiibibigay sa kanya." Mataray na sagot ni Leria. Napahakbang na ako palayo pero hindi nakatakas sa tenga ko ang huling sinabi nito.

"Kung sanang hinayaan mo na lang ako at nagtanong ka na lang, wala ka na sanang problema."

---------------------------------

SHAIRA BANAG!

Kay Chance bukas, pramis!

Nipatayan nila ako ng wifi eh.. nitulog na daw ako :(

Labyou :*

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top