EPILOGUE
EPILOGUE
"She's late."
Pinandilatan ko si Leria sa tabi ko. Inikot lang niya ang mata niya bago tumayo sa pwesto nito. Inayos ko ulit ang suit ko at tumingin sa orasan.
Naalala ko pa noon. Nawalan ng trabaho si Nanay sa Makati kaya lumipat kami sa Tondo. Doon ko siya unang nakita. Naglalaro siya ng patintero at punong puno ng putik ang paa niya. Nakalugay ang kulot na kulot niyang buhok habang nakikipaghabulan sa mga kalaro niyang puros lalaki. Unang kita pa lang ay nairita na ako sa kanya. Siya lang ang kaisa isang babae at hindi pa kumpleto ang ngipin niya. Paano na lang siya kung may mang-away sa kanya?
Napansin niya ako noon at siya mismo ang lumapit sa akin. Ngumiti siya at wala akong nakitang kahit na isang ipin sa bibig niya.
"Anong pangalan mo?"pacute niyang tanong sa akin. Tumaas lang ang kilay ko at hindi siya pinansin. Pangit siya. Wala siyang ngipin. Pogi ako. Hindi kami bagay. Kadiri siya.
Nilagpasan ko lang siya at niyakap ang binti ni Nanay. Pero hindi pa man kami nakakapasok sa maliit na bahay namin ay tinapik na naman niya ang balikat ko.
"Anong pangalan mo nga?" pagpipilit niya. Nilabas ko lang ang dila ko at tiningnan siya ng masama bago siya tinalikuran.
"Lagot ka dude. Di na yun darating. Nagbago na isip ni Sungit." Natatawang sabi ni August habang pinaglalaruan ang mic niya. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang drumsticks ko bago siya tinusok sa gilid.
"Fuck off." Banta ko. Humalakhak lang ito at umupo na habang hinihintay si Toryang. Kinuha ko na ang cellphone ko at sinimulan na siyang tawagan.
"Kapag hindi siya dumating, ako na lang papakasal sayo." Dagdag ni August. Uminit na talaga ang ulo ko at ambang hahampasin na sa kanya ang gitara ni Athan kung hindi lamang ako napigilan.
Pumikit na lamang ako at nagdasal. Pilit na pinapakalma ang sarili kong nanginginig na sa tagal niya.
"Happy birthday." Bati niya sa akin bago tumakbo. Napahawak ako sa labi kong ninakawan niya ng halik. Damn that girl. Ang lakas ng loob. Montreal ako, pero inunahan niya pa ako sa mga galawan na ganito.
Sa sobrang kabwisitan ko ay hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanya magmula noon. Naiinis ako kapag napapalapit siya sa ibang AEGIS. Alam kong gusto siya ni Athan. Nakikita ko kung paano siya sundan ng kambal kapag uwian na. Alam ko ring malapit siya kay Greg at madalas silang magkasamang dalawa. At sa lahat ng AEGIS, si Iñigo ang pinakaprotective sa kanya.
Hindi pwede ito. Hindi ako pwedeng maagawan. Ako ang nauna. Noong putikan pa lamang siya at wala pang ngipin ako na ang nauna sa kanya. Hindi pwede ito. Hindi ako papayag.
Akala nila. Ako ang pinakapogi sa buong AEGIS. Sa akin si Toryang.
Pero kaya ko ba? Isang beses lang ang pagkakataon naming magmahal. Ang mga Montreal ay isang beses lang nahuhulog. Is she worthy? Is she the one? Katulad ba siya ni Nanay? Hindi ba niya ako iiwan? Can I take this one chance with her?
Hindi ako naging handa. Masyado pa kaming bata. Masyado pa siyang bata. Sa akin umikot ang mundo niya. Ako ang inilagay niya sa gitna ng mundo niya. Natakot ako. Natakot ako na baka panandalian lamang iyon. Natakot ako na baka binibitawan niya ang oportunidad dahil sa akin. Natakot ako na baka bitawan niya ako sa huli kapag nalaman niyang may mas pa na maibibigay ang mundo kesa sa makukuha niya kung mananatili siya sa paligid ko.
"Ang pangit mo. May braces ka. Ang laki ng salamin mo sa mata. Feeling mo maganda ka kasi sabi ng Nanay ko maganda ka? Naniwala ka naman Toryang." Tuloy tuloy kong sabi. Sinadya kong bahiran ang boses ko ng panlalait para mas maniwala siya sa akin.
Gusto kong saktan ang gwapo kong mukha noong makita kong nasaktan siya sa sinabi ko. Hindi naman siguro masamang gasgasan ko ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo hindi ba? Naiinis ako pero kailangan kong gawin ito para kay Toryang. Kailangan niyang matutong mabuhay na wala ako. Kailangan kong masiguro na kaya kong mabuhay na wala siya.
I'm scared. Natatakot ako na baka hindi na siya bumalik. At kailangan ko ng masanay na wala siya sa tabi ko. Hanggat maaga pa. Hanggat hindi ko pa naiibigay ang lahat.
Hindi na ako mapakali. Pumunta na ako sa kwarto kung saan siya nagbibihis. Wala na akong pakialam sa matatalim na tingin ni Nanay sa akin. Una kong nakita si Avvi sa may pintuan ng banyo. Nanlaki ang mata niya ng makita ako at agad na tumabi. Hinanap ko si Toryang na nakasalampak sa sahig habang yakap yakap ang inidoro.
"Lumilindol ba Avvi?" hinihingal niyang sabi. Hindi pa man siya nakakapagsalita ulit ay umatake na naman ang kanyang pagsusuka. Agad akong lumapit at hinawakan ang buhok niya bago hinaplos ang likod niya.
Sumandal siya sa lababo at pumikit ng mariin. "Late na ako sa kasal." Naiiyak niyang sabi. Suminghot siya at pumatak ang isang luha sa mata niya.
"Magagalit si Tan Tan." Anas niya bago tuluyan ng umiyak. Agad akong pumunta sa harap niya at niyakap siya ng mahigpit.
"Hindi ako magagalit. Tanga nito." Sagot ko. Dumilat siya at napaiyak na naman ng makita ang mukha ko. "Stan--" hindi niya natapos ang sasabihin niya at bigla na naman akong tinulak at muling nagsuka.
"Anong.." natigilan ako ng matitigan siya. Nagsusuka siya? Kanina akala niya lumilindol, nahihilo din ba siya?
Hindi ko napigilang hindi magmura sa naisip ko. Nanginig ang buong pagkatao ko at agad kong tinawag si Nanay na tumatakbo namang pumasok.
"Stanley, nagtatanong na yung mga tao. Matagal pa ba si Tori?" tanong ni Ria na hindi ko naman pinansin. Hinawakan ko ang braso ni Nanay at tiningnan siya sa mata.
"Buntis siya Nay." Bulong kong lumalakas yata sa bawat salita. Narinig ko ang pag-ubo ni Toryang sa banyo bago natawa na lamang.
"Para kang baliw Stanley. Paano naman ako mabubuntis?" aniya. Tumaas ang sulok ng labi ko. Ano ba namang klaseng tanong yan.
"May simptomas ba?" tanong ni Nanay. Sinabi ko sa kanya ang mga nakita ko. Idagdag pa ang mood swings ni Toryang nitong nakaraang araw. Tangina, sigurado ako. Buntis na siya. May bago ng Montreal.
"Here. Patry mo." Sabi ni Ria at naglabas ng isang kahon. Tiningnan ko iyon at nakitang Pregnancy Test Kit iyon. Nagtataka man ako kung bakit mayroon siya noon ay hindi na ako nagsalita. Agad kong pinuntahan si Toryang at pinagamit sa kanya ang kit.
Sabay kaming naghintay ng resulta. Pinagtatawanan lang niya ako dahil sa naisip ko.
"Hindi ako mabubuntis Tan." Dagdag niya pa. Tumaas lang ang kilay ko bago nagkibit balikat.
"Anong hindi? I made love to you countless times Victoria. Ni minsan hindi ko hinugot ang akin sayo." Mayabang kong sabi. Bahala ka. Basta ako sigurado ako.
Isang pagkakataon lang meron ang isang Montreal para magmahal. Ibinigay ko sa kanya iyon. Sinugal ko ang nagiisa kong pagkakataon para lamang iwan niya ako.
Sinabi ko sa kanyang mahal ko siya. Fuck, nangharana pa ako. Pinagmukha ko ang sarili kong gago para lang maintindihan ng mabagal niyang utak na seryoso ako sa kanya. Na kahit naging kami ni Gerogina ay siya lang naman talaga. Kaya nga ganon na lang ang gulat ko noong nalaman kong iiwan na niya ako.
"She's leaving you."
Napaharap ako mula sa drums ko patungo kay Athan na naglalaro sa kanyang gitara. Tumaas ang sulok ng labi niya bago nagkibit balikat. Agad akong tumayo at kinwelyuhan itong gagong ito.
"Ano? Hanggang ganyan ka lang naman Montreal! Kung makaangkin ka parang iyo! Hindi mo ba alam kung bakit siya aalis ha? Dahil sayo. Kasi nalilito siya, gago! Kasi iniisip niyang mahal ka niya pero hindi na siya sigurado. Hindi siya sigurado dayo kaya aalis siya." mapanguyam niyang sabi. Hindi ko na napigilan ang kamao ko. Agad iyong lumipad patungo sa pisngi ni Athan na nagpatumba rito.
Hindi na ako nag-isip. Kinuha ko na ang gamit ko at sinundan si Toryang sa airport. I don't give a fuck. Kung kailangan kong lumuhod, gagawin ko. Wag lang niya akong iwanan. Hindi pwede. Ngayon pa? Ngayon pang ibinigay ko na ang pagkakataon ko sa kanya? Tangina lang.
"Sasama ako." Desperado ko ng sabi. Kitang kita ko ang gulat sa mukha niya pagkakita sa akin. Humakbang ako papunta sa kanya pero humakbang naman siya palayo. Para akong sinilaban ng mga panahon na iyon. Hindi ako makapaniwalang lalayo siya sa akin.
Maybe Athan's right. Nalilito siya sa akin? Hindi siya sigurado?
Pinilit ko siyang isama ako. Kung kailan kong lumuha ng dugo ng mga panahon na iyon, gagawin ko. Wala akong pakialam kung magmukha akong tanga. Mas gugustuhin ko iyon kesa ang maging miserable kung wala siya.
"I won't ask you to wait for me." tanging sabi niya bago tumalikod. Hindi na ako nakagalaw sa kinatatatayuan ko ng naglakad na siya palayo. Wala na akong lakas na habulin siya noong mga panahon na iyon. Hell, I can't even feel anything.
Pagkatapos ng sakit, galit ang naramdaman ko para sa kanya. Kung kaya mo akong talikuran Victoria Shayne, kayang kaya ko ring gawin iyon. Akala mo, ikaw lang ang babae sa mundo ko? Think again. Kayang kaya kong magmahal ulit. Ako ang unang Montreal na babasag sa tradisyon namin. I can fall inlove again. Hindi ako kay Toryang babagsak.
Ilang buwan akong nawala sa sarili noon. Hindi ako makakatulog nang walang alak. Hindi na rin ako makapagtrabaho ng matino dahil kumukulo ang dugo ko kapag nandyan si Athan. Hindi ko na rin kinausap si Tatay at hinayaan ko na lamang ang sarili kong maging mag-isa.
"Darating na daw siya."
Napatingin ako kay Ria na nasa may facetime. Kinakagat niya ang kuko niya habang nakatingin lamang sa akin. Nagkibit balikat ako at walang pakialam siyang tiningnan. Kinuha ko ulit ang brandy at tinungga iyon.
Ofcourse, alam kong babalik na siya. Hindi ko mapigilan eh. Sinusundan sundan ko pa rin siya. Kahit wala siyang pakialam sa AEGIS, kahit wala siyang pakialam sa akin, hindi ko pa rin natanggal sa sistema ko ang bantayan siya.
"You're a sucker." Bulalas nito. Muntik na akong mapabuga ng alak ng marinig ang galit sa boses niya. Nilingon ko si Leria at tumaas ang sulok ng labi niya.
"Well, guess what. We're in the same flight. You know.. connections. I learned na iisa lang pala ang eroplano namin. Isn't that lovely." Natatawa nitong sabi. Napahinto ako at nag-isip.
Well, I guess this is it. Ipapakita ko sayo Victoria. Hindi mo na hawak ang leeg ko. Kayang kaya na kitang kalimutan. May babae na na higit sayo. Binitiwan mo ako, ngayon matuto kang magsisi.
Pinapanood ko ang reaksyon niya habang kausap ko si Leria. Napapangiti na lang ako kapag bumabalatay ang sakit sa mukha niya. Nagseselos ka na ba? Masakit diba? Kasalanan mo yan Victoria. Tinatanong mo kung galit ako sayo? Hell no. I am not angry Yang. I am furious, damn you. Pero hindi ko ipapakita sayo ito. I will act as if I don't care anymore. Bahala ka na sa buhay mo.
But everything backfired on me. Tanginang banana split yan. Naloko lahat nang dahil sa dessert na yan. Gusto kong patayin si Nathaniel ng malaman kong naghati sila ng Toryang ko sa saging na iyon. Kung pwede lang manakit ng tao, gagawin ko. Bwisit. Akin lang siya.
Ako na ngang naiwanan, ako na naman ba maghahabol sa kanya? Ano ito? Laro lang? Paasa ka talaga Victoria. Babalik ka dito na para bang wala kang ginawa. Palibhasa ikaw ang nangiwan. Ikaw, sigurado kang may babalikan. Habang ako, parang tangang naghihintay sayo. Kung hindi dahil sa pride, susundan na sana kita kung saang lupalop ka nagpunta. Pero pride na lang ang meron ako. Ikaw ang umalis, kailangan ikaw ang bumalik mag-isa. Hindi na ako gagapang papunta sayo.
Kinuha ko ang stick at tinitigan iyon. Kinakagat ni Toryang ang kuko niya at lumapit sa akin. Nalaglag ang panga ko ng makita ang resulta. Inasahan ko na ito, pero ang malaman na totoo nga ay parang milagro pa rin kung papakinggan.
"You're pregnant." Bulong ko. Agad ko siyang hinarap at niyakap ng mahigpit. Kinakalampag ang buong pagkatao ko at hindi ako makahinga ng matino.
"Am I? I am?!" masaya rin niyang sabi. Binaba ko siya at agad na binuksan ang suot niyang robe para makita ko ang kanyang tyan. Hinaplos ko iyon at sumikip ang dibdib ko. Pinigilan ko ang emosyon pero tumulo na ang luha ko bago ko pa man mapunasan iyon.
"Fuck. Tatay na ako?" natatawa kong sabi. Yumuko ako at hinalikan ang kanyang abdomen bago tumayo at inayos ang buhok ni Toryang.
"Get dressed. Now. Hindi na ako makakapaghintay Yang." Utos ko. Inayos ko ang robe niya at hinila siya palabas. Niyakap ko ang kanyang beywang bago bumulong.
"Thirty minutes. Magbihis ka na. I want to have my wife." Nangingiti kong sabi. Para akong tanga na wala ng ginawa kung hindi ang ngumiti at tumawa. Hinalikan ko ulit siya bago tuluyang lumabas ng kwarto niya at bumalik sa simbahan.
Noong nakita ko siyang hinalikan si Athan, nawala ako sa huwisyo. Naalala ko lahat ng rason kung bakit siya biglaang umalis noon. Na nahati siya sa akin at kay Athan. Na madali lang para sa kanya na bitawan ako. Nauulit ba iyon? Mangiiwan na naman ba siya? Pinaasa lang niya ako, hindi ba?
Nasaktan ako. Walang ibang babaeng kayang makapanakit sa akin katulad ng nagagawa ni Toryang. Hawak niya ako. Kahit gaano ko pa ipagpilitan na nakawala na ako sa kanya, bumabalik pa rin ang katotohanan. She can ruin me. Kayang kaya niya pa rin akong durugin.
Nasaktan ako kaya may mga salita akong nasabi na hindi na tama. Noong makita kong umiyak siya, noong naglakad siya palayo, kinain ako ng takot. Wala na akong pakialam kung masaktan man ako ulit. Hell, bahala na si Athan. Sisiguraduhin kong hindi na siya ulit tatalikod sa akin. Gagawin ko ang lahat. Kahit noong nalaman ko ang totoo, kahit noong sinabi niya sa aking magmomove on na siya ay hindi pa rin ako tumigil.
Asa ka pa Toryang. Akala mo magiging madali para sayo ang kalimutan ako? Imposible sa akin iyon. Dapat sayo rin.
Bumukas ang pintuan ng simbahan at nagsimula na siyang maglakad. Pakiramdam ko ay mapupunit ang pisngi ko sa ngiti ng tumugtog na ang AEGIS. Sa tabi ko ay tinapik ako ni Greg, ang aking bestman, at sabay naming pinanood ang papalapit na si Toryang.
'All I am,
All I'll be
Everything in this world
All that I'll ever need is in your eyes
Shining at me
When you smile I can feel
All my passion unfolding'
Lumunok ulit ako ng maramdaman ko ang paninikip ng lalamunan ko. Bwisit. Naiiyak ako. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam. Para na akong mababaliw sa sobrang saya. Hulog na hulog ako sayo Victoria. Hulog na hulog.
"Hi." Nakangiti niyang sabi. Binigay ng Tatay niya ang kamay niya sa akin bago kami sabay na humarap sa pari.
Tinaas niya ang kamay niya at pinunasan ang pisngi ko. Tumaas ang kilay niya at natawa na lamang.
"Umiiyak ka?" tanong niya. Tiningnan ko lang siya ng matalim kaya humalakhak lang siya. Asar, umiiyak ako dahil sayo. Umiiyak ako kasi sa wakas, sa akin ka na. Montreal ka na. Hindi ka na makakaalis sa akin.
I do, Cherish you
For the rest of my life,
You don't have to think twice
I will, Love you still
From the depths of my soul
It's beyond my control
I've waited so long, to say this to you
If your asking do I love you this much,
I do—-
Hindi ko siya sinagot. Maya maya ay tumingkayad siya at may kinabit sa leeg ko. Napanguso ako bago iyon tiningnan. Ganon na lang ang gulat ko ng makitang isang singsing iyon.
"I bought that. Akala ko kasi hindi ka na magpopropose sa akin." natatawa niyang pa ring sabi. Suminghot ako at niyakap siya ng mahigpit. Gumanti siya at sinagot niya ang yakap.
"I love you Stanley. Sobra. Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa sobrang pagmamahal ko sayo." Bulong niya. Humiwalay ako sa kanya at inalalayan siya sa pag-upo.
'In a world torn by change
Still with all my heart
Until my dyin' day'
"And I am too. I love you so much Victoria Montreal." Napahinto ako at kinuha ang kanyang kamay.
"You promised me then, kapag kumpleto na ang ngipin mo, papakasalan mo ako." Anas ko. Namula ang pisngi niya at hinampas ang aking dibdib.
I do, Cherish you
For the rest of my life,
You don't have to think twice
I will, Love you still
From the depths of my soul
It's beyond my control
I've waited so long, to say this to you
If your asking do I love you this much,
I do—-
Tumawa kaming dalawa bago ko hinaplos ang kanyang pisngi. Punong puno ng pagmamahal at adorasyon. Lumapit siya sa akin at pinanood ako.
"Are you ready? To take a bad boy as your husband?" paghamon ko. Tumaas ang sulok ng labi niya at kumindat sa akin. Lumawak ang ngiti niya bago nanglambitin sa aking leeg.
"I've always been ready bad boy."
-WAKAS-
-----------------------------
Song Used:
98 Degrees- I do
Yan na po talaga.
Walang Book 2. Makikita naman ninyo sila sa TTCB at sa iba pang installment ng AEGIS.
Special chaps. Hindi ko alam. :) Busy eh.
Maraming maraming salamat po. Si Athan naman ang sunod. Sana same pa rin ng suporta sa STBB ang makukuha nila Ria at Athan sa TTCB.
Maraming maraming salamat po!
*ACE DOMINGO
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top