Endlessly
49
Last chapter then epilogue. Maraming salamat.
Suportahan pa rin sana ninyo ang TTCB.
---------------------------------
"Hey." Bati ko kay Ria. Tinaas niya ang tingin niya mula sa damit na sinisipat niya bago ako hinarap. Agad siyang ngumiti sa akin bago niya binalikan ang puting damit na tinitingnan.
I told you I'll buy a ring for Stan right? Narito ako ngayon sa mall para hanapin ang perpektong singsing para kay Montreal. Uunahan ko na siya. Bahala na ang pagiging tradisyunal. Wala na akong pakialam. Somebody needs to make a move.
Habang naglilibot ay doon ko nakita si Leria. Balak ko rin kasing bumili ng bagong damit para mamaya.
"Hey. Can you try this for me?" tanong niya. Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Agad niyang pinakuha ang damit sa saleslady at hinila ako sa isang dressing room.
Sinubukan ko ang damit. Umabot iyon hanggang sa aking tuhod. Wala itong manggas pero may lace ito hanggang sa aking leeg. Umikot pa ako sa harap ng salamin habang tinitingnan ang aking repleksyon. Napanguso ako dahil nagustuhan ko ang damit pero mukhang si Ria ang bibili niyon.
"Ria. Bibilhin mo ba ito?" tanong ko sa kanya. Tumaas ang tingin niya bago umiling.
"Gusto mo ba? Sakto lang sayo?" sunod sunod niyang tanong. Tumango lang ako at napakagat sa labi. Lumapit siya sa akin at inayos ang neckline. Tinitigan ko lamang siya bago ngumiti.
"I'll buy that for you." Aniya. Nanlaki ang mata ko at bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na niya ako. "Sorry. Nag-away kayo ng dahil sa akin. Just get the damn dress para wala na akong utang sayo." dagdag niya.
"Fine." Pagpayag ko. Lumawak ang ngiti niya bago tinawag ang saleslady at binigay ang card niya. Sabay kaming lumabas dalawa sa boutique bago naghilay. Dumiretsyo ako sa jeweler at naghanap na ng perpektong singsing.
Iilan rin ang nakakuha ng atensyon ko. Pero nagustuhan ko ang isang singsing na may dalawang parang vines na nakatali sa isa't isa. Sa taas niyon ay isang emerald na nakalagay sa gitna. Hindi na ako nagdalawang isip at agad na iyong binili.; Pagkatapos niyon ay dumiretsyo na ako sa apartment namin ni Avvi para maghanda sa pagkikita namin ni Stanley mamaya.
May performance sila ngayon sa Open Grounds ng Galleria. Ngayon na ang balik ni Greg sa AEGIS. Ito rin ang unang pagkakataon na haharap ang AEGIS na magkakasama. Gusto kong gawin ang hinahanda kong proposal kapag tapos na ang kanilang set.
Hindi na ako nagpasundo kay Stanley. Ayaw ko na siyang balahin dahil alam kong nahahanda rin siya. Gusto ko rin kasing masorpresa siya kapag nakita na niya ako suot ang puting damit na bigay ni Leria sa akin.
Marami ng tao sa Open Grounds noong makarating ako. Nasa stage na rin ang anim at naghahanda na sa kanilang performance. Humalo na ako sa mga tao at nagpasyang panuorin na sila. Agad kong hinanap si Stanley at napangiti na lamang noong nakita ko na siyang umupo sa harap ng kaniyang drums.
Kagat niya ang labi niya habang sumusubok ng ilang nota sa drums niya. Inikot niya ang mata niya sa mga audience bago muling tumingin sa banda. Tumango siya sa dalawang bokalista at nagsimula na ang unang kanta nila.
'You lift my heart up when the rest of me is down
You, you enchant me even when you're not around
If there are boundaries, I will try to knock them down
I'm latching on, babe, now I know what I have found'
Ang malamig na boses ni August ang agad kong narinig. Nakapikit siya habang kinakanta ang mga linya. Naririnig ko ang ilang sigawan ng mga babae sa paligid na para bang matutunaw sila sa bawat salitang binibitiwan ni Pangit.
'Now I've got you in my space
I won't let go of you
Got you shackled in my embrace
I'm latching on to you'
Sumunod si Greg at muntik na akong mapaluha ng marinig ulit ang boses niya. Ngumiti siya sa mga fans niya bago sila binigyan ng kindat. Geez, lover boy. Ang daming natutunaw sayo.
Mabilis lang natapos ang unang kanta nila. Nakita ko ang pag-alis ni Athan at Ethan sa kanilang mga gitara at pumalit naman sa kanila sina Greg at August. Ang kambal ang tumayo sa mga microphone at tumugtog ang mas mabilis na beat ng kanta. Naghiyawan ang mga tao noong nakita ang pagngiti nila Ethan.
I stared at Athan. Nakatingin siya sa direksyon ko. Kuminang ng bahagya ang mata niya at napangiti ako. Kakaway na sana ako ng may humawak sa aking braso. Hinarap ko kung sino man iyon at napangiti na lamang ng makita si Leria sa aking likod. Tiningnan niya ang suot ko bago niya pinagkrus ang braso sa tapat ng dibdib niya. Nilingon ko ulit si Athan at doon ko lang napagtanto na hindi naman pala ako ang tinitingnan niya kanino.
"Maglalaway si Stanley." Natatawa niyang biro. Umirap lang ako bago nagpose. Humalakhak lamang siya at napailing na lang.
"Thank you." Anas ko. Nilingon niya ako bago nagkibit balikat.
Namulsa siya sa jacket niya at ngumiti ng malalim. "It's really rare to witness a fairytale Tori. I am glad I am able to participate in yours." Masaya niyang sabi. Hindi na ako sumagot dahil bumaling na siya sa AEGIS.
'Everybody wanna steal my girl
Everybody wanna take her heart away
Couple billion in the whole wide world
Find another one 'cause she belongs to me'
Tahimik lamang kaming nanuod ni Ria habang ang iba ay halos mapilay na sa kakatalon. Nilingon ko ulit siya na nakakatitig lang sa AEGIS. Lumapit ako sa kanya ng kaunti at inakbayan siya. Gulat siyang napalingon sa akin.
'Everybody wanna steal my girl
Everybody wanna take her heart away
Couple billion in the whole wide world
Find another one 'cause she belongs to me'
"Why do you have to participate in mine when you can have your own fairytale Leria?" tanong ko. Hindi pa man ako nakakatapos ay tumatawa at umiiling na siya.
"Oh geez bitch. That will never happen." Sagot niya. Agad niyang iniwas ang kanyang tingin at muling nanuod na lamang. Naiwan akong nakatingin lamang sa kanya. Binalot ng awa ang buong puso ko ng maisip na namatay ang kapatid niya. I have a brother too. I know how important family is.
Siguro kaya bitter si Ria sa mga bagay sa paligid niya dahil sa nasaktan siya ng sobra noon. Maybe I did hate her then, but now, all I want is to her friend. Every bitch has a story behind her.
Namatay ang mga ilaw hudyat ng pagtatapos ng una nilang set. Nanatili lamang ako sa pwesto ko habang pinapanood ang mga bituin na nasa langit. I smiled and put my hand inside my purse. Pinakiramdaman ko ang singsing roon at napangiti ng pinadaan ko ang daliri ko sa hulma nito.
Sumindi ulit ang ilaw sa stage at nakita ko silang anim na nakatayo at may kanya kanyang micstand. Si Iñigo lamang ang tanging walang hawak na mic at nanatiling nakatapat sa kanyang keyboard. Napailing na lang ako sa nakita. Hindi pa rin nagbabago si I. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumakanta.
"Goodevening." Boses ni Greg ang narinig ko. Umalingawngaw ang sigawan ng mga fans nila at hinintay muna niya iyong matapos bago nagpatuloy. "Maraming salamat sa pagpunta. Sa suporta. AEGIS will never be AEGIS without you. We're thankful." Madamdamin niyang sabi. Pumalakpak ako sa kanyang mga salita. Sumunod ay ang pagtugtog ni Iñigo.
'It's her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I'm falling further inlove
Makes me shiver
But in a good way'
Tumigil si I sa pagtugtog at naglakad ang apat paalis sa stage. Naiwan si Stanley at Iñigo sa gitna. Nagtataka kong sinundan ang iba na mabilis na nawala. Nilingon ko rin si Leria sa tabi ko na naglaho rin na parang bula.
Tinapik ni Stan ang mic niya bago ako tinitigan. Ilang beses akong napalunok sa klase ng tingin niya. Malalim iyon at punong puno ng mga emosyon na hindi ko mapangalanan. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ko at hindi binibitiwan ang titigan naming dalawa.
"Hanggang dito ba naman, nagpapakatanga ka pa rin." Nangaasar niyang sabi. Humalakhak siya ng kaunti bago nagseryoso. "Nakikita kita. Wag ka ng magtaka." Aniya. Hindi ko napigilan ang ngiti sa aking pisngi.
Nagkamot siya sa kanyang batok at kinuha ang gitara niya at sinensyasan si I na tumugtog ulit.
'There's a shop down the street
Where they sell plastic rings,
For a quarter a piece,
I swear it.'
Napalunok ako ng magsimula siyang kumanta. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong narinig ko na ang tinutugtog nila ngayon. Sa akin lamang nakapako ang tingin niya habang sinasabi ang bawat salita. Maya maya ay iilang spotlight ang umilaw sa iba't ibang gilid namin at sa bawat isa ay may nakatayong AEGIS roon. Tumigil si Stanley sa pagkanta at sinalo ng apat ang mga linya niya.
"Hindi na siguro uulan?" natatawa niyang tanong habang tinitingala ang langit. Natawa ako kahit hindi ko naman maintindihan kung ano ang nangyayari. Nilingon niya ulit ako at nagkibit balikat. Tumayo siya at, katulad ng nasa mga pelikula, nahawi ang mga tao sa gitna at binigyang daan siya.
Yeah, I know that it's cheap,
Not like gold in your dreams,
But I hope that
You'll still wear it.'
Huminto siya sa harap ko at hinawakan ang baba ko. Ngumiti siya at doon ko lamang naramdaman na nanginginig siya.
"Fuck it. KInakabahan ako." Natatawa niyang sabi. Napahalakhak lamang ako at niyakap siya. Lumayo siya sa akin at hinawi ang buhok ko na nakatabing sa aking mukha.
"I've seen it Victoria. Fairytales do exist. Sina Nanay. Sina Lolo. Ang buong pamilya ko. Nakita kong totoo sila Toryang. Alam kong totoo, pero hindi ko naintindihan." Aniya. Kumunot ang noo ko pero pinadaan niya ang nanlalamig niyang kamay roon para burahin ito.
"Ilang beses kitang tinulak noon. I got scared, alam mo ba yun? Kasi ayaw kong ibigay sayo ang sarili ko. I don't want to fall for you because we only fall once Toryang. Ang daming tanong sa sarili ko noon. Are you worthy of that one chance? Am I ready to fall for you? Magiging katulad ba ng kanila ni Tatay ang atin? Mahal mo ba talaga ako? Hindi kaya dala lang yun ng kapogian ko. You know, I am damn irresistible? I am just your puppy love. Na mawawala rin iyon kasi hindi ka naman seryoso?." Sabi niya. Tumawa ako at hinampas ang braso niya. Nagyayabang na naman siya.
Tinaas niya ulit ang kanyang mic at tiningnan ako.
'Yeah, the ink may stain my skin,
and my jeans may all be ripped.
I'm not perfect, but I swear,
I'm perfect for you.'
Ngumiti siya habang sinasabi ang linya ng mga kanta. Maya maya ay lumuhod siya sa harap ko kaya agad ng nagtambulan sa puso ko ang mga paru paro kong avid fan ni Montreal. May kinalkal siya sa kanyang bulsa habang nakatingin pa rin sa akin.
"I found all the answers now. It took time for me, for us. Pero sigurado na ako Toryang." Anas niya. Kinuha niya ang kamay ko at naglabas ng singsing roon. Pakiramdam ko ay nanigas ako at hindi na malaman ang gagawin.
Oh my goddamn freaking geez! Nagpopropose na ba siya?!
'And there's no guarantee,
That this will be easy.
It's not a miracle ya need, believe me.
Yeah, I'm no angel, I'm just me,
But I will love you endlessly.
Wings aren't what you need, you need me.'
"Hindi ako mangangako na hindi kita masasaktan. O hindi ka iiyak sa akin. I won't even say we won't fight. Damn, kung may isang bagay mang magaling tayong dalawa, yun ay ang pag-aaway diba, Yang? I won't say shits like that because I don't want you to live a life thinking this is some kind of a fairytale or a dream."
Tumulo na ang luha ko habang pinapakinggan siya. Malabo na ang paningin ko at halos hindi ko na siya makita. Ramdam ko lang ang paghawak niya sa akin at ang mga salita niyang kumukumpleto sa aking pagkatao.
Yes, I know this is not perfect. Our relationship will never be perfect. Do I have a problem with that? Hell to the no! Masaya ako sa ganitong klaseng relasyon. We may be far from perfection, but atleast there is no pretention.
'And there's no guarantee,
That this will be easy.
It's not a miracle ya need, believe me.
Yeah, I'm no angel, I'm just me,
But I will love you endlessly.
Wings aren't what you need, you need me.'
"Nagsulat ako ng speech. But then, it all boils down to two things Victoria.Una, I am inlove with you, dustpan. Mula ulo ko hanggang paa, pag-aari mo ako ng buong buo." Sabi niya habang isnusuot na sa aking daliri ang singsing.
"I may not be the man in your dreams, but I want to be the man who will be in your reality. I'm not perfect. Wala akong pasensya, maintin ang ulo ko. Bossy ako. Matatanggap mo ba yun? Kasi ako, kahit gaano ka pa kaslow, tanggap na tanggap kita."
Pumikit siya at nagusal ng maikling dasal bago ako tiningnan."Please, Sweetheart. Will you be my wife?"
Pumatak ang luha ko at ramdam ko ang takot niya sa kanyang tanong. Hinila ko agad siya patayo at niyakap ng mahigpit.
"Yes." Bulong ko sa kanya. Sinagot niya ang yakap ko at napasigaw na lamang. Binitiwan niya ako at nakita ko ang pangingislap sa mga mata niya.
"I forgot. Pangalawang rason Toryang.." tumigil siya at kinindatan ako. Hinila niya ang beywang ko at nilapit ako sa kanya.
"You have successfully seduced the bad boy Yang. And you have to pay the price. Be my wife." Nangingit niyang sabi.
Sometimes, iniisip kong masyadong mahaba itong pinagdaanan naming dalawa. Ang daming nasaktan at ang daming nabitawan. But I think, the process made us stronger. Hindi lang namin minaha ang isa't isa. We learned to grow, to mature. To know the difference between a dream and a reality.
We learned it together.
Hindi nga naman naging madali. Ilang beses akong sumuko. Maging si Stan ay napagod din. But I guess, that is the thing about love. If it is easy, it is not worthy of a fight. Kung madali ay wala kaming natutunan. Kung sumuko kami ng tuluyan at hindi na lumaban ulit, then it is us who is not worthy.
And I know, whatever happens now, we will hold hands. Kahit gaano kahirap, wala ng bibitaw sa amin. No, this will not be easy. Love is a battle. We fought hard. Panalo kami.
I finally got the bad boy.
=WAKAS=
-----------------------------------------
Songs Used:
Hannah Trigwell and Nick Howard -Latch
One Direction - Steal my Girl
Stephen Speaks - Out of my League
The Cab- Endlessly
Maraming salamat po!
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top