Effortless
Boy27
"Ako pa ang paasa ngayon Tan?" napatigil siya sa paglalakad ng marinig niya akong nagsalita. Nakatalikod lang siya at hindi ako hinaharap, pero alam kong nakikinig siya sa akin. Lumapit ako sa kanya hanggang sa nakatayo na ako sa kanyang likuran.
"Hindi ako paasa."
Humarap siya sa akin at kitang kita ko ang lamig sa mga titig niya. Nag-aalab ang galit sa mga mata niya at alam kong lahat ng iyon ay para sa akin. Sige Stan, galit ka diba? Galit ka kaya ipagsigawan mo na kung gaano kalaki ang galit mo sa akin. Say anything, just stop treating me coldly.
"Hindi nga ba? Don't fool me Victoria."
"I'm not. Tan--"
"Stop denying that fuck Victoria! Paasa ka! Iniwan mo ako kaya paasa ka! Ano masaya ka na?" sigaw niyang hindi ko naman ikinagulat. Lumingon siya sa paligid niya at napahilamos. Pumikit siya ng mariin at ng dumilat siya ay bumalik na ang malamig niyang tingin.
"Umalis ka na." utos niya. Tinitigan ko lamang siya at napailing na lang.
"I'm sorry Stan. Kung may pagpipilian lang ako, hindi kita iiwanan." Nabasag ang boses ko ng sinabi ko iyon. Napalingon ako sa kanya noong bigla siyang tumawa ng pagak.
"May choice ka Victoria. You could have chosen me but you didn't. Ang dali lang para sayo na bitawan ako hindi ba?" walangpakialam niyang sabi. Tumulo ang isang luha sa mga mata ko sa sinabi niya.
"This is all just a game for you. Bumalik ka noon dahil kay Georgina. Nagkakaganyan ka ngayon dahil kay Ria. Kasi ano? Kasi nakakathrill mang-akit hindi ba? You'll seduce me everytime I have a girl. And when you succeed you'll dump me. Masaya ba?" buong pait niyang sinabi. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya habang umiiling.
Hindi ko na alam kung gaano kami katagal nakatayo doon sa gilid ng tindahan ng windchime. Tanging naririnig ko lang ay ang mga kanta mula sa stage at ang mabibigat na paghinga namin ni Stanley.
"Mahal kita Tan." Bulong ko sa kanya. Hindi siya gumalaw sa sinabi ko. Batid kong hindi niya iyon narinig dala na rin ng lakas ng ingay sa paligid.
"Wag ka ng magsinungaling Yang. Di na uubra yan." Anas niyang ikinagulat ko. Hindi na ako nakagalaw para sundan siya. Napako na lang ako sa kinatatayuan ko habang inaalala ang sinabi niya.
"Tori! There ka lang pala." Tawag ni Avvi na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. May suray suray ang lakad niya habang may hawak na dalawang baso sa kanyang kamay.
"Tori!" masaya niyang sabi at inabot sa akin ang isang baso. Tiningnan ko siya at namumungay na ang kanyang mga mata. Pulang pula rin ang pisngi niya. Nanliit ang mata ko sa itsura niya.
"Lasing ka?"
"Try mo yan. Really cool." Hagikgik niya habang ininom niya ang isa pang basong dala niya. Huminga ako ng malalim at tinikman ang inumin niya. Ang inaasahan kong mapait na lasa ay hindi dumating. The drink was unexpectedly sweet kaya hindi ko napigilang inumin iyon ng tuloy tuloy.
"Sarap right?" bulong ni Avvi sa akin habang hinihila niya ako sa gitna. Ilang beses pa kaming nabangga ng mga nagsasayaw. Diniretsyo ako ni Avvi sa isang booth at kumuha ulit nung inumin. Kinuha ko agad iyon at diniretsyo ang inom. Inalog ko ang ulo ko ng makaramdam na ako ng hilo.
"Sayaw tayo!" sigaw ulit ng kaibigan ko at nauna ng pumunta sa gitna. Inubos ko muna ang laman ng baso ko bago sumunod rito.
Itinaas ko ang dalawang braso ko habang sumasabay sa kanta. Pinikit ko ang aking mata dahil umaalon na talaga ang paningin ko. Patalon talon pa ako habang sumasayaw.
Kailan ba ako nagenjoy ulit ng ganito? Eversince I came back, pakiramdam ko ay hindi pa ako nagkakaroon ng panahon para sa sarili ko. Kahit ngayong gabi man lang ay makalimutan kong halos isuka na ako ng lalaking mahal ko.
Bakit nga ba ako'y iyong pinaasa?
Natawa ako ng marinig ang linyang iyon ng kanta. Naalala ko pang isa ang kantang iyon sa set nila Tan Tan noong bumalik ako. Nandoon na naman ang salitang kanina lang namin pinagawayan. Sino nga ba sa aming dalawa ang paasa?
Ofcourse siya! sigaw ng isang bahagi ng isip ko. Natawa ako kahit walang nakakatawa. Siya naman talaga ang totoong paasa. May Leria na siya. Nagagawa niyang tumingin sa ibang babae kapag wala ako. Siya ang tunay na paasa.
May naramdaman akong humawak sa beywang ko kaya pinilit kong dumilat. May isang binatang hindi ko kilala ang nakatayo ngayon sa harapan ko at sumasayaw rin. Lumapit siya sa aking tenga.
"Hi!" sigaw niya. Tumawa lang ako at nagsayaw lang ulit. Pakialam ko sayo. Hindi naman ikaw si Stanley. I will flirt if it's Stan and Stan only.
"Can I get your number?" dagdag niya. Tinapik ko ang pisngi niya.
"One, two, three, number ni Marie." Kanta ko. Tumaas ang sulok ng labi niya sa sinabi ko. Tumaas ang hawak niya sa akin kaya napapitlag ako.
Dumilat ulit ako at ganon na lang ang gulat ko noong mawala ang lalaki sa harap ko. Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagsayaw. Tinaas ko ulit ang kamay ko noong may naghatak pababa noon.
"Lumalabas ang tiyan mo."
Ilang beses akong napakurap noong imahe naman ni Tan Tan ang nakita ko. God! Am I hallucinating?
Nakita ko ang pagtiim ng kanyang bagang habang inis na inis na nakatingin sa akin. Lumapit siya lalo para magkadikit ang mga katawan naming dalawa. Ngumiti ako at tinaas ulit ang mga kamay ko.
"Goddamn it Victoria!" bwisit niyang sabi. Hinila na niya ang laylayan ng aking tshirt. Kinulong niya ang dalawang braso ko at pinaikot niya iyon sa kanyang beywang. Nagmumukha tuloy kaming nagyayakapan sa gitna ng sayawan.
"Akala ko ba bawal makipagyakan?" natatawa kong sabi. Shit. Umiikot na talaga ang paningin ko.
"Manahimik ka."
"Bakit bawal? Hindi naman illegal eh. Bakit bawal?" humagikgik ulit ako at pilit na hinihila ang braso ko. Humigpit ang hawak niya roon.
"Ang tigas ng ulo mo Victoria." Pagbabawal niya sa akin. Tumawa ulit ako ng malakas. Tinitigan niya ako.
"Are you drunk?"
"Bakit nga kasi bawal Stan? Kapag hindi mo ako sinagot, yayakapin ko lahat ng nandito." Banta kong wala namang laman. Nagtagis ang bagang ni Tan Tan sa sinabi ko.
"Wala akong sinabing bawal."
"Bawal kaya. Kakasabi mo lang." ngumuso ako at tinitigan niya ang labi ko. Come on Stan, kiss me. Halikan mo ako.
"Hindi bawal. You just don't hug any other guy." Madiin niyang sinabi. Kinalas niya ang mga braso ko bago niya ako hinila paalis sa mga tao.
"But Athan is not just any other guy. Isa pa, you don't care right?" daldal ko pa rin habang hinahatak niya ako.
"Athan is the other guy. At sinong nagsabi sayong wala akong pakialam?" tanong naman niya. Tumawa lang ulit ako. Grabe. Magpapakalasing na lang yata ako araw araw. Atleast sa panaginip na ito nasasabi ko ang mga bagay na hindi ko magawang sabihin kapag gising ako.
"You treat me as if you don't care." Ngumuso ako at nabangga pa sa dibdib niya noong bigla siyang humarap at tumigil sa paglalakad.
"Tell me, do you still care?" tanong ko sa kanya. Tumingkayad ako at inikot ang mga braso sa kanyang leeg. Naglapat ang mga labi ni Tan Tan sa ginawa ko.
"Do you treat your other guys like that Victoria? Do you flirt with them this way?" mapanganib niyang sabi. Bumiling biling lang ako habang tumatawa.
"Nope." Sabi ko bago ko pinadulas ang daliri ko sa kanyang pisngi. Hinuli niya ang kamay ko at inilagay niya sa kanyang dibdib.
"Liar." Bintang niya. Hindi ko siya pinansin. Pinaglaruan ko lang ang butones niya.
"Yeah. As if you care if I flirt. Wala ka namang pakialam." Bitter kong sabi. Binuksan ko na ang isa niyang butones at pinaglaruan ang sunod.
"Wag mo nga akong hubaran!" inis niyang sabi at hinila ulit ang kamay ko. Tumawa ako ng malakas.
"What? I'm flirting with you." Katwiran ko. Tumaas ang sulok ng labi niya.
"That's right. Flirt with me. Only me." utos niya. Hinila niya ako palapit sa kanya.
"Pero wala ka namang pakialam sa akin." paguulit ko sa topic na hindi ko mabitawan. Nakita ko ang pagnguso niya.
Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Sana hindi na lang matapos ang panaginip kong ito. Sana ganito na lang lagi. Sana lagi na lang akong nakakulong sa kanya.
"Let's go home." Sabi niya. Hindi niya pa rin sinasagot ang tanong kong paulit ulit. Hinatak niya ako pero hinihila ko ang braso ko. Noong mabawi ko iyon ay umupo ako sa damuhan. Nagtatakang tiningnan niya ako.
"Anong--"
"Leave me. Wala ka namang pakialam sa akin." nagtatampo kong sabi. Pinikit ko ng mariin ang mata ko dahil sa hilo.
"Tumayo ka nga!"
"Iwan mo na ako. You don't care right?" paghahamon ko sa kanya. Bumuga siya ng hangin at naglakad palapit sa akin. Hinawakan niya ako sa ilalim ng aking kilikili at pinilit tumayo.
"God! What am I going to do with you?" tanong niya. Ngumiti ako at pinilit siyang yakapin ulit.
"You still care." Bulong ko sa kanya. Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Bumaling siya sa akin at halos mabangga na ng ilong niya ang aking ilong.
"You still care, Stanley Philip Montreal. You still care." Deklara ko sa kanya. Tinitigan lang niya ako at hindi nagsasalita. Kumapit ako sa kanya noong bumigay ang tuhod ko. Humigpit ang hawak niya sa aking beywang.
"What if I say no?" tanong niya. Tumawa lang ako at pinilit tumayo ng diretsyo.
"What if you just say the truth?" paghamon ko. Tumaas ang sulok ng labi niya at kung hindi lang nanlalabo ang paningin ko ay iisipin kong ngumiti siya.
"Ikaw. Lagi mo na lang akong tinutulak palayo. Kung umakto ka parang wala lang ako sayo. Kapag may kasama naman akong iba, nagagalit ka. Ano ba talaga Tan Tan? Ang labo mo." Sabi ko sa kanya. Naramdaman ko ang pag-alog ng balikat niya sabay ng marahan niyang paghalakhak.
"Nag-iingat lang ako." Sagot niya. Tinulak ko siya ng kaunti para tingnan.
"I won't hurt you. I can't." sabi ko. Ngumisi lang siya at tinanggal ang hibla ng buhok na nakatakip na sa aking mukha.
"Yes, you can. Sa lahat ng tao, ikaw lang ang may kayang saktan ako Toryang. You can crush me if you want. Effortless."
Binuka ko ang bibig ko para magsalita ulit ngunit kinabig niya ang batok ko at mariin akong hinalikan. Pumikit na lang ako at hinayaan siyang sakupin ang labi ko.
--------------------------------------
Chance! Saniban mo ako please!
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top