Cookies, Cookies
IKAAPAT NA KABANATA
"Eh naman eh!" inis ko ng sigaw habang nakatingin sa mga nakahilerang dustpan sa department store. Ginulo gulo ko na ang buhok ko sa sobrang kalituhan ko.
Ano bang kulay ang gusto ni Tan Tan? Yung blue o yung green?
Bakit kasi sa lahat ng bagay na hihingiin niya, dustpan pa! Bwisit talaga yung Montreal na yun. At dahil nabwisit ako, kinuha ko na ang purple na dustpan at dumiretsyo na sa counter para magbayad. Pagkatapos ko ay dumiretsyo na ako sa building ng AEGIS. Ang sabi ni Athan, may dance rehearsal daw sila at gusto kong manuod. At kung papalarin, makikisayaw din ako. Ganda kaya nung rubber shoes ko, sayang naman kung di maeexpose. Dagdag mo pang first time sasayaw ng mga itlog. Puro lang kasi sila kanta at tugtog. Buti na lang at masisira na ang image nila sa mga babaeng nahuhumaling sa kanila. Maganda na iyon dahil baka may magkainteres pa kay Tan Tan.
Buhat buhat ko ang dustpan ng makapasok na ako sa building. Agad naman akong pinatuloy at dumiretsyo na ako sa practice room nila. Hindi na ako kumatok. Reyna nila ako. Hindi ko kailangang gasgasan ang balat ko para lamang papasukin ako---
"Toryang!! Kamahalan!" bungad sa akin ng pawis na pawis na si Ethan. Tumakbo siya papunta sa akin at agad akong niyakap.
"May pagkain ka?" si Greg naman ang lumapit. Tinaas ko lang ang dustpan kong dala.
"Anong gagawin mo sa dustpan?" tanong niya. Tiningnan ko iyon.
"Ah eto? Nanghihingi si Tan Tan eh." Sabi ko. Biglang napatingin si Stanley sa akin.
"Ha?" tanong niya. Hinarap ko siya.
"Naghingi ka ng dustpan diba?"
"Talaga? Kailan? Bakit hindi ko alam?" takang tanong niya. Napanguso lang ako at nagkamot ng batok.
"Kahapon. Noong bago tayo bumili ng fishball. Binulong mo sa akin iyon diba?" nakalimutan na niya agad? Kahapon lang iyon ah.
"Anong binulong? Anong dustpan?! Bakit ba du--" bigla siyang napatigil at tinitigan ako. Maya maya ay namula ng todo ang mukha niya.
"Dustpan ang narinig mo?" manghang sabi niya. Tumango ako. Matagal akong tinitigan ni Tan Tan. Tiningnan niya ang dustpan pagkatapos ay ako. Habang tumatagal ay umaasim ng umaasim ang mukha niya.
"Dustpan naman ang sinabi mo." Inosente kong sagot. Tinitigan lang niya ako na para bang gustong gusto na niya akong sakalin.
"Ayaw mo ba ng purple?" sabi ko na lang. Baka yun ang kinagagalit niya. Dapat talaga yung blue na lang yung kinuha ko kanina. Huminga ng malalim si Stanley bago niya ginulo ang buhok niya.
"Haynako Toryang! Haaaay! Talaga naman oo, dustpan daw! Aaah! Haaay nako, asar ka!"
Napakurap kurap na lang ako ng nagsisisigaw siya. Galit na galit siyang nakatingin sa akin. bigla niyang tinaas ang mga braso niya bago bumagsak sa rubber mat.
"Haay, ang layo layo ng dustpan sa--haaay!" pumadyak padyak siya sa rubber mat pagkatapos ay hindi na siya gumalaw. Lumapit si Greg sa kanya at may binulong. Tiningnan lang siya ni Stanley.
"Dito ka muna Toryang." Sabi ni Iñigo sa akin bago ako inakay sa isang stool. Tumango na lang ako. Nagsimula na rin silang magpractice.
Napapangiti na lang ako noong tumayo na silang lima at nagsimula na ang tugtog. Nakatingin lang ako kay Athan na hindi gumagalaw. Wala siyang pakialam sa paligid niya habang inaayos lang niya ang butones ng shirt niya.
"Bakit di ka sumasayaw A?" natatawa kong tanong. Para kasi siyang ewan na nakatayo lang sa gilid. Tiningnan niya ako.
"Hindi ako marunong."
"Sige na. Subukan mo lang." pagpipilit ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako.
"Para sayo, sige." Ngumisi siya at nagsimula ng sumayaw. Tumitig lang ako sa kanya habang nagsasayaw siya. Papalakpak na sana ako ng biglang namatay ang music.
"Uwi na tayo." Pinal na sabi ni Tan Tan. Lumapit siya sa akin at kinuha ang dustpan bago ako hinila patayo.
Tiningnan niya ako ng masama bago niya pinagsalikop ang mga kamay namin. Tinaas niya ang dustpan at tiningnan.
"Akin lang itong dustpan Toryang. Binigay mo na, wag mo ng babawiin." Seryoso niyang sabi. Tumango na lang ako dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Hinila na niya ako pero napatigil ako ng tinawag ako ni Athan.
"Bakit?" si Stanley ang nagtanong. Hindi sumagot si Athan. Yumuko lang siya at kinuha ang sapatos ko.
"Yung sintas mo, hindi nakatali." Sabi niya sa akin. Inayos niya iyon. Habang ginagawa niya iyon, humihigpit naman ang hawak ni Stanley sa akin. Napatingin ako sa kanya at nakakunot ang noo niya. Nakatitig lang siya kay Athan. Si Athan naman ay nakatingin lang din sa kanya. Napanguso ako.
Crush ba nila ang isa't isa?
"Toryang, daan tayo sa apartment mo. Diba sabi mo may pasalubong ka sa amin?" sigaw bigla ni Ethan at hinila niya patayo ang kakambal niya.
"Ay, oo nga pala. Kunin na ninyo?"
"Doon na rin tayo kumain ng lunch. Magluto ka kamahalan." Sabat ni Greg sa usapan. Umakbay si Iñigo sa akin. Ngumiti siya at kinindatan ako.
"Adobo ha?" sabi niya sa akin bago ako hinila palayo kay Stanley. TTumabi sa akin si Ethan at Greg. Tiningnan ko ang dalawang na nasa likod namin. Napasinghap ako ng biglang ibinalya ni Tan Tan si Athan noong may sinabi ito.
Ngumisi lang si Athan bago napailing. Nagsalita ulit ito. Kinuyom ni Stanley ang kamay niya bago ito tinalikuran.
"Wag mo silang pansinin." Bulong ni Greg sa akin bago ako tinulak papasok sa elevator.
Tumingin silang tatlo sa hallway bago sumunod sa akin. At hindi nakaligtas sa pandinig ko ang nag-aalala nilang bunton hininga. Hindi ko nga lang alam kung para saan iyon.
_______________________
"Dito ka nakatira?" sigaw ni Stanley pagkakita sa apartment ko. tumango lang ako bago ko tinusok ng stick ang lock ng pintuan.
"Safe ba yan? Nag-iisip ka ba talaga? Mukhang hipan lang ito ng hangin, babagsak na." tuloy tuloy pa rin siya sa pagkatak.
"Sa dorm ka muna Toryang." Sabi naman ni Athan. Sumangayon naman sa kanya ang tatlo. Huminga ng malalim si Stanley.
"He's right. Kunin mo na yung gamit mo. Sa dorm na tayo." Sabi niya. Napatingin naman ako sa kanilang lima.
"Bakit sa dorm ninyo? Akala ko ba ayaw ninyo doon? May kanya kanya naman kayong apartment, bakit pa babalik--"
"To keep you safe." Sabi ni Athan. Ngumuso ako.
"Stay there. Hanggang sa makahanap ka ng bagong apartment. Wag kang tumira diyan. Para kang tanga talaga kahit kailan." Sabi ni Stanley. Pumasok na silang lima at kinuha ang mga gamit ko. wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanilang lima.
May magagawa pa ba ako? Nagdesisyon na silang lima eh. Ako ang reyna na sunod sunuran.
___________________________
"Dito ka muna. From time to time, bibisitahin ka namin. For now, dito muna kami matutulog." Sabi ni Athan habang inaayos niya ang dorm. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakasandal sa may terrace. Yung apat naman eh nasa kusina at sala para ipagluto at linisin ang bahay.
Sasagot sana ako ng bigla akong nanginig dahil sa lakas ng umihip na hangin. Lumipad ang ilang hibla ng buhok ko. Pero kahit malamig ay nanatili pa rin ako sa terrace. Ayaw kong lumabas. Baka utusan pa ako ng mga itlog.
Pinanuod ko na lang ang mga ilaw ng buildings sa Manila. Maya maya lang ay may naramdaman akong tumakip sa balikat ko. Nakita ko si Athan na naglalagay ng kumot sa akin. Ngumiti lang siya bago tumabi sa akin.
"Salamat." Tumango lang siya habang nakatingin sa mga buildings na tinitingnan ko. Napanguso ako ng maalala ko ang nangyari sa kanilang dalawa ni Tan Tan kanina.
"A.."
Tiningnan lang niya ako at kumurap kurap. Hindi talaga masalita itong itlog na ito.
"Anong nangyari kanina?" tanong ko sa kanya habang hinigpitan ko ang hawak ko sa kumot. Tiningnan lang ako ni Athan bago ibiniling ang leeg niya pakaliwa.
"Ha?"
"Sa inyo ni Tan.. nag-away ba kayo? Diba sabi ko wag kayong mag-aaway?" sita ko sa kanya. Tiningnan lang ako ni Athan.
"Ah. Wala lang yun. Wag mo ng isipin yun. Joke lang yun." Balewalang sabi niya. Huminga lang ako ng malalim.
"A." tinawag ko siya. Ngumuso lang siya bago nagkamot ng batok. Alam na niya ang ganitong tono ko. alam niyang kailangan niyang sabihin sa akin ang totoo dahil ako ang reyna nila.
"Gusto kasi ni Stanley ng cookie. Gusto ko rin yung cookie. Parehas naming gusto yung cookie." Sagot niya. Napakurap naman ako.
Muntik na silang magsuntukan dahil sa cookie?
"Yun yung pinagwayan ninyo?" di makapaniwalang sabi ko. Tumango naman siya.
"Alam mo, dapat hinati niyo na lang yung cookie. Pinalalala niyo lang yung bagay. Mga batang ito." Inis kong sabi. Parang ako pa ang mas matanda sa kanilang lima! Bwisit naman! Akala ko, anon ang pinagaawayan nila. Yun pala cookies lang.
"Hindi pwede Toryang. Mahal kasi yung cookie. Isa lang pwedeng makakuha nun." Yun lang ang sinabi niya bago umalis sa tabi ko. Tiningnan ko lang siya nung pumasok na siya sa loob.
Anong klaseng cookie ba iyon at hindi pwedeng mahati?
------------------------------------------------
*LUHANBYEBYE<3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top