Carnival

PITO

Hindi ko na napigilan ang paglipad ng palad ko papunta sa pisngi ni Athan pagkatapos ng sinabi niya. Nanginginig ang lama ko pagkatapos ng sinabi niya. Minamaliit niya ba ako? Nilalait? Ganito ba talaga ang tingin niya sa akin? Desperadang makuha si Stanley.

"Toryang." Tawag niya sa akin. Sinubukan niya akong abutin pero humakbang ako palayo.,

"Ikaw, higit sa amin ang nakakakilala kay Stanley Toryang. One moment he says yes, the next he'll say no. Sinabi na ba niya na gusto ko niya, sinabi na ba niyang mahal ka niya? Halik lang yun Toryang. Wag kang umasa doon." Matigas niyang sabi. Hindi na ako sumagot. Tinalikuran ko na lang siya. Hindi ko na napigilan ang luha ko ng tumulo na iyon.

He likes me. Hindi niya hihiwalayan si Georgina kung hindi niya ako gusto. He likes me. Sigurado ako doon. Hindi totoo ang sinasabi ni A. Ginugulo lang niya ang isipan ko. He was just playing the role of the devil's advocate. He wants me to have doubts about Tan's feelings.

Napahinto ako sa paglalakad. Ano nga bang nararamdaman ni Stanley para sa akin? Nakagat ko ang labi ko.Stan said he owns me, pero ako, pag-aari ko ba siya? He can have all of me, pero hindi naman niya sinabing akin siya.

Halik lang yun Toryang. Wag kang umasa doon.

Napailing na lang ako sa naisip. Halik na yun. Sa unang pagkakataon, siya na ang humalik sa akin. Hinalikan niya ako nang hindi ko siya pinipilit o ninanakawan ng pagkakataon. Nasa akin na lahat ng karapatang umasa na may mas malalim pang ibig sabihin iyon. I am a lawyer. I should give Stan the benefit of the doubt.

"Anong ginagawa mo diyan?"

Napatingala ako kay Stanley na nakatingin na sa akin ngayon. Umiling lang ako at sinubukang lampasan siya pero hinawakan niya ang braso ko.

"Namumutla ka Toryang. Anong problema?" tinitigan niya ako na para bang binabasa niya ang iniisip ko. Iniwas ko ang mata ko bago ko sinandal ang ulo ko sa may balikat niya. Huminga ako ng malalim bago sumiksik lalo sa kanya. Binalot niya ako sa braso niya at hinaplos ang pisngi ko.

"Pagod ka na ba? Gusto mong mauna na tayo? I can have the photoshoot tomorrow." Nag-aalala niyang sabi. Nakita ko sa likod niya ang papalapit na si Athan. Kumapit ako lalo sa kanya.

Alam kong hindi ko naman kasalanan, pero naguguilty pa rin ako sa ginawang paghalik ni Athan sa akin kanina. Ayaw kong malaman ni Stanley iyon. Ayaw kong magalit siya sa isang halik na wala namang ibig sabihin para sa akin.

"Uwi na tayo Tan Tan." Sabi ko sa kanya. Hindi na ako nagdalawang salita. Agad niya akong hinila palabas.

Nilingon ko ulit si Athan pero hindi ko na siya nakita. Narinig ko na lang ang malakas na bagsak ng pagsara niya ng pinto noong pumasok na siya sa dressing room.

________________________________

"Tan." Tawag ko sa kanya habang pinapanood ko ang tanawin sa labas ng kotse. Nakita ko ang isang ferris wheel sa may karnibal doon.

"Ano?"

"Punta tayo doon." Sabi ko sa kanya habang tinuturo ang ferris wheel. Tiningnan lang iyon saglit ni Stanley. Napanguso siya bago bahagyang namutla.

"Toryang naman. Iikot pa tayo eh. Saka na lang."

"Sige na Tan. Please?" lambing ko sa kanya. Hinawakan ko pa ang braso niya pero bahagya siyang lumayo sa akin. Agad kong binawi ang kamay ko at napayuko na lang.

"Stop sulking. Para kang bata."

Hindi na ako sumagot. Tiningnan ko na lang ang ferris wheel na unti unti ng nawawala sa paningin ko. Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Stanley bago siya nag u-turn. Napatingin naman ako sa kanya.

Hindi ko napigilan ang ngiti ko ng tahakin na namin ang daan papunta sa karnibal.

------------------------------

"Hindi ako sasakay diyan." Madiin niyang sabi. Napanguso naman ako dahil lumakas ang boses niya. Kahit naman nakasuot siya ng beanie hat at shades, may mga tao pa ring mukhang nakikilala na siya. At hindi nakakatulong ang pagsigaw niya sa pagdidisguise niya ngayon.

"Ssh. Wag kang maingay Tan." Bawal ko sa kanya. Tumaas lang ang kilay niya. Kinuha niya ang wallet niya at naglagay ng tatlong libo.

"Ayan. Bumili ka na ng ticket. Ubusin mo yan hanggang mahilo ka. Basta hindi ako sasakay sa ferris wheel na yan." Inis niyang sabi bago ako tinalikuran. Agad ko siyang hinabol at hinawakan ang braso niya.

"Tan naman eh."

"Toryang! Ang taas niyan! Gusto mo bang mamatay ako ng maaga?" inis na niyang sabi. Hindi ko napigilang matawa.

"Takot ka sa heights?" tanong ko, kahit obvious naman ang sagot. Tumaas lang ang sulok ng labi niya sa tanong kong iyon.

"Toryang, sa iba na lang. Wag diyan. Sige na." pagsusumamo niya sa akin.

"Kahit saan ko gusto?"

"Kahit saan. Wag lang sa over size na gulong na yan." Sabi niya sabay turo sa kawawang ferris wheel.

Napangisi na lang ako sa sinagot niya.

--------------------------------------------

"TORYAAANG! LUMABAS NA TAYO!" sigaw niya habang nakakapit sa akin. Nasa pangatlong course pa lang kami nitong horror house. May apat pa kaming dadaanan pero mukhang mamamatay na si Stanley sa sobrang takot.

"AYAW KO NA! TORYANG!" sigaw ulit niya. Napanguso naman ako sa ingay niya.

"Toryang, sige na. Alis na tayo." Pagmamamkaawa niya. Pawis na pawis na siya at wala ng kulay ang mukha niya.

"May apat pa tayong course--"

"Wala akong pakialam! Lumabas na---AAAAH!" sigaw ulit niya ng may biglang lumitaw sa harap naming white lady. Nagtago si Stanley sa likod ko at yumakap sa akin ng mahigpit. Bahagyang natawa ang white lady sa aming dalawa bago bumaliksa pwesto niya.

"Toryang, mamamatay ako ng maaga dito. Ayoko nang mga nakakagulat." Bulong niya sa akin habang nakakapit pa rin sa braso ko. Papasok na kami sa pang huling course ng horror house.

"Toryaaaang~" he wailed. Napapangiti na lang ako sa tuwing kakapit siya sa akin at yayakapin ako ng mahigpit sa sobrang takot niya. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ba niyang tinawag ang pangalan ko habang nasa loob kami. I never felt this needed. Pakiramdam ko ay kailangang kailangan ako ni Tan Tan ngayon.

"Hindi pa ba tapos? Malayo pa ba?" tanong niya sa akin habang naglalakad ng nakapikit. Mabuti na lamang at mahigpit ang kapit niya sa akin kaya hindi siya nadadapa.

"Ayun na yung exit." Sabi ko sa kanya. Dahan dahan niyang tinanggal ang takip niya sa mata. Agad niyang kinuha ang kamay ko at tumakbo na palabas.

"Grabe..haaaay." hinihingal niyang sabi. Tinanggal niya ang cap niya at inayos ang buhok niya.

"Sa ferris wheel na tayo." Sabi ko sa kanya. Bumuka ang bibig niya para magprotesta pero agad ko na siyang hinila.

"Toryang, sandali!" sigaw niya noong tinulak ko na siya sa loob ng cart. Agad kong inilagay ang harness niya at sinara ang pintuan.

"Game?" sabi ko sa kanya ng naramdaman ko na ang pag angat ng cart. Kumapit siya sa harness at pumikit ng mariin.

"Y-you'll be the d-death of me.." nanginginig niyang bulong. Ngumiti lang ako at kinuha ang kamay niya para hawakan.

Tumigil ang panginginig niya ng maramdaman niya ang kamay kong hawak siya. Dumilat siya at nakita niyang nasa may tuktok na kami. Tumaas ang sulok ng labi niya na para bang pinipigilan niya ang ngumiti.

"Hindi naman ganoon kataas Tan. Don't be scared. Nasurvive mo ang horror house, you'll survive this one too." Pag-aalo ko sa kanya. He smiled at me, a genuine smile na matagal ko ng hindi nakikita. Ngumiti lang siya sa akin ng ganyan noong nalaman niyang sa kanya pala ang drumsticks na binili ko noon kasama si Greg.

"Hindi ako takot sa matataas Toryang. Takot akong mahulog. Hindi ako takot sa multo, takot akong magulat. Takot ako na baka wala ka na sa tabi ko pag labas natin sa loob." Sabi niya. Napanganga naman ako sa sinabi niya.

Gumalaw na ulit ang cart pababa. He sucked his breath at kumapit lalo sa akin.

"I'm falling." Sabi niya. Tiningnan ko siya habang nakakunot ang noo ko.

"Bumababa na tayo eh."

Huminga lang siya ng malalim at napailing na lang. Ano na naman? May nasabi ba ako?

Pinagbuksan kami ng Kuya ng cart. Inalalayan niya akong bumaba.

"Kamusta po ang rides namin Ma'am?" nakangiti nitong sabi sa akin.

"Ang ganda po. Galing ninyo Kuya!" excited kong sabi. Ngumiti lang siya sa akin kaya ngumiti ako pabalik sa kanya. Nilahad niya ang kamay niya sa akin pero agad naman iyong kinuha ni Stanley at hinila ako paalis. Tumigil siya noong nasa gitna na kami ng karnibal.

Naihilamos niya ang kamay niya sa buong mukha niya bago tumingin sa Kuya kanina.

"Ilang beses ko bang kailangang ulitin sayo na akin ka? Walang pwedeng makipag usap sayo, humawak sayo o kumuha sayo! Toryang naman!" inis na niyang sabi sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita dahil nakakatakot si Stanley kapag galit na siya.

"Montreal ako Toryang. At hindi ako marunong magbigay. At lalong lalong hindi ako makikihati sa kahit na sino pagdating sayo."

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya. Inuna na naman niya ang init ng ulo niya.

"Wala naman akong ginagawa ah."

"Anong wala?! You're talking to that guy!" turo niya ulit doon sa Kuya kanina. Napanguso na lang ako habang pilit kong pinipigilang hindi mapasigaw sa nararamdamang kilig. Sigurado ako, nagseselos si Stanley.

"Selos ka no?" natatawa ko ng sabi. Pilit ko siyang pinapangiti pero nakatitig lang siya sa akin.

"Sige, wag mo nang sagutin. Gets ko naman eh, selos lang--"

"Oo."

Napatingin ako sa kanya bigla at nawala ang ngiti sa mga labi ko.

"Nagseselos ako Toryang. Masaya ka na?" inis niyang sabi bago ako tinalikuran at nauna ng umalis.

_______________________

*pen<3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top