Bulsa ng Pantalon
IKATLONG KABANATA
This is the day the Lord has made. Nakaitim kaming lahat at may bahid ng lungkot ang mga mukha. Paalam Georgina. Naway di ka na bumalik pa. Salamat at namatay ka na.
HOW I WISH!! Aargh! Nakakairita! Nabibwisit na ako kay Georgina! Grabe! Kung hindi ko lang talaga mahal ang mga kuko ko, papatayin ko na talaga siya para wala ng hadlang. Naman eh!
"Problema mo?" tanong ni Athan. Nasa apartment niya ako ngayon dahil wala na silang pagkain ng kambal niya at dahil sa dakila nila akong reyna, pinagluto ko silang dalawa ni Ethan.
"Naiinis ako kay Georgina!"
"Anong bago doon? Noon pa naman, inis ka na sa kanya." Walang pakialam nitong sabi. Umupo siya sa sofa at sumunod naman ako sa kanya.
"A."
"Ano nga?"
Tinitigan ko lang si Athan bago ngumuso. Naiinis na talaga ako. Naiinis ako sa 'ibang kaso si Georgina' ni Stanley.
"Pangit ba ako?" tanong ko. Tumaas ang kilay ni Athan. Sasagot sana siya ng biglang bumukas ang pintuan ng apartment niya.
"Mahal na reyna!" sigaw ni Ethan at patakbo akong nilapitan. Nasa likod na niya ang ibang Aegis, kasama si Stanley.
"Tsk. Wag mong yakapin." Sabi ni Athan at hinila ang kakambal niya sa gilid. Umayos ako ng upo.
"Bakit nandito ka?" tanong ni Stanley sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Tumayo ako at inayos ang buhok ko.
"Pinapunta ko siya dito." Si Athan na ang sumagot. Tiningnan naman siya ni Stanley.
"Nasa baba na si Georgina. May lunch date tayong lahat ngayon diba?" sabi niya. Napatingin naman ako kay Athan.
"Akala ko ba dito ka manananghalian? Nagpaluto ka pa sa akin." Akusa ko. Ngumiti lang si Athan bago nagkamot ng batok.
"Nakalimutan ko. Sama ka na lang sa amin." Sabi nito. Ngumuso lang ako pero hinila na ako ni Iñigo at inakbayan.
"Tara na po kamahalan." Nakangiti nitong sabi. Sinapak ko lang siya. Naiinis pa rin ako. Sayang ang afritada ko.
Tiningnan ko si Stanley na nakatingin pa rin sa amin ni Iñigo. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi ka sasama? Akala ko ba naghihintay na si Georgina mo?" tanong ko. He clenched his jaw bago tahimik na naglakad papunta sa amin. Tinulak niya pa si Greg.
"Aray! Bakit lagi na lang ako yung nabubugbog?!" sigaw ng kawawang si Greg. Humarap sa kanya si Stanley.
"Pangit ka kasi." Inis niyang sabi bago naunang naglakad.
------------------------------------------
"Sino yan?" maarteng tanong ni Georgina pagkakita pa lang sa akin.
"Ang babaeng aagaw ng lahat sayo." Sagot ko. Natawa si Ethan at Iñigo sa gilid ko.
"What?" she snapped. Kumalas ako sa pagkakaakbay ni Iñigo sa akin at lumapit dito.
"Sabi ko kawawa ka naman. Arte mo na nga, bingi ka pa. I'm Tori by the way." Pakilala ko. Stanley cleared his throat.
"Si Toryang yan. Kakauwi lang niya kahapon." Sabi ni Stanley. Napasinghap si Georgina bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Sabi ko na eh, insecure yan.
"Bakit kasama siya? Akala ko ba tayo tayo lang ng AEGIS?" she whined. Tumaas ang sulok ng labi ko.
"I don't want to eat lunch with her Stanley!" dagdag niya pa. Natawa naman ako sa inasta niya. Pero yung totoo naiinis ako sa kanya niyan. Ang arte, di naman maganda.
"Then don't eat. Mamatay ka sa gutom." Sabi ko. Hinawakan ni Greg ang balikat ko. Georgina looked at me.
"Look guys! She's bullying me!"
"Ayos lang." Iñigo said.
"She's the queen. Normal lang na mambully siya." si Ethan naman ang nagsalita.
"So you better shut up Georgie. Kung ayaw mong kumain kasama siya, then don't. But we will be having our lunch with the queen." Si Greg naman ang nagsalita bago na ako hinila palayo. Naiwan si Georgina sa hallway kasama si Stanley. Inis na inis itong nakatingin sa akin. Ako naman ay inis na inis na nakatingin kay Stanley. Bakit hindi pa siya sumusunod sa amin? Mas pinili niya si Georgina, ganun?
Ibang kaso si Georgina..
I just shook my head bitterly. Ibang kaso talaga.
Malapit na kami sa van ng AEGIS. Una akong pumasok sa loob, syempre, ako ang reyna nila. At ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko na si Stanley na nasa loob at tutok na tutok sa iPad niya.
"Oh, bakit nandito ka?" tanong ko habang tumatabi ako sa kanya.
"Gwapo ako eh." Sagot niya. Tinitigan ko siya dahil walang connect ang sagot niya sa tanong ko. Hanggang sa wala na siyang idinugtong. Nakatabi na si Ethan sa akin at hindi pa rin nagsasalita si Stanley.
"Toryang. Pawis ako." Sabi ni Ethan. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang polbo at tuwalya para punasan ang likod niya.
"Ikaw lalaki ka! Ang tanda mo na po!" talak ko habang pinupunasan ko ang likod niya. Hindi naman siya nagsasalita. Nakangisi lang siya sa akin.
Naalala ko pa kung paano ko sila nakilala noon. Transferee silang dalawa ni Athan. Tapos nakita ko silang naggigitara. Nilapitan ko sila agad at inalok na kaibiganin si Stanley. Malungkot kasi si Stan noon kasi akala niya namatay na si Nanay Phoebe. Ilang linggo ko rin silang kinulit kulit noon para lang kausapin si Stan. Hindi na yata nila nakayanan ang kakulitan ko kaya nilapitan na nila si Stanley.
Iba naman si Greg at Iñigo. Mga kaibigan ko na talaga sila noon pa. Madalas, tutugtog ng piano si Iñigo habang kakanta naman kaming dalawa ni Greg. Naisipan naming bumuo ng banda noong nagkalapit na ang kambal at si Stanley. Sumali na noon sina Greg at Iñigo. At doon pinanganak ang AEGIS. Kaya ako ang reyna nila. Ako ang bumuo sa kanila eh.
"Toryang.." napatingin ako kay Iñigo. May inaabot siya sa aking kahon.
"Ano ito?"
"Brownies. Kahit di mo sinasagot tawag ko sa Skype, binilhan pa rin kita." Nakangisi niyang sabi. Presko talaga nitong isang to. Ngumiti lang ako at nagpasalamat.
Bumaba kami sa isang turo turo. Ayaw kong kumain sa isang mamahaling restaurant na kakarampot lang ang servings pero libo libo ang babayaran. Mas masaya sa turo turo. Bahala na yung mga kasama ko kung may makakilala sa kanila. Problema na nila yan.
"Toryang.." tawag ni Athan sa akin. Nakasuot na silang lima ng shades. Tumaas naman ang kilay ko ng lumapit siya sa akin at hinawakan ang buhok ko. inipon niya iyon at nilagay sa ilalim ng cap niya. Kinuha rin niya ang shades niya at sinuot sa akin iyon.
"Salamat." Sabi ko bago inayos ang cap na bigay niya. Tumango lang ito. Naglakad na kaming dalawa ng may maramdaman akong humawak sa kamay ko. Tiningnan ko ito at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko si Stanley sa tabi ko. Tinaas niya ang kamay naming magkahawak.
Tumaas lang ang sulok ng labi niya habang nakatingin sa mga kamay namin. Binaba niya iyon at ipinasok sa bulsa ng pantalon niya.
"Ano ba! Hindi ako makagalaw!" sita ko sa kanya para pagtakpan ang pamumula ko. Tumingin lang siya sa akin.
"Ayos lang yan. Para wala kang takas." Nakangisi niyang sabi. Hinila niya pa ako palapit sa kanya bago ako inakay palayo.
"Sandali, sila Athan--"
"Hayaan mo sila. Nasolo ka nila sa loob ng sampung taon. Ako naman ngayon." Sabi niya. Halatang halata sa tono niya ang pagkainis sa apat na itlog. Napanguso ako.
"Possessive." Tukso ko.
"Only to the things that I love." Sabi naman niya. Nanlaki ang mata ko at tinitigan siya. pero parang wala naman sa kanya ang sinabi niya.
Huminga ako ng malalim. Ofcourse, he loves me. Bestfriend niya ako. Umasa na naman akong baka iba ang ibig sabihin niya doon.
"Toryang.." tawag niya sa akin. Tiningnan ko siya. Marahan niyang pinisil ang kamay ko na hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ng bulsa niya.
"Masaya ka ba? Nung nasa States ka, masaya ka ba?" he anxiously asked. Huminga ako ng ng malalim.
"Oo naman. Alam mo namang matagal ko ng pangarap makapag-aral."
"Pwede ka namang mag-aral dito. Pero umalis ka."
"Kasi ayaw kong maghiwalay kayo ni Georgina dahil sa akin. Alam ko naman kung gaano mo siya kagusto Tan. Ayokong dumating yung araw na sisisihin mo ako dahil iniwan ka niya ng dahil sa akin. Ayokong dumating yung punto na kailangan mong mamili Stanley. Alam ko naman kung anong magiging sagot mo kapag nangyari iyon."
Sino ba naman kasi ako noon kung ikukumpara mo kay Georgina? Si Georgina ang kabaligtaran ko. Si Georgina ang babaeng pinangarap ni Stanley at ang abbaeng nababagay sa isang Montreal na katulad niya.
"Baliw ka talaga." Naiinis niyang bulong. Tiningnan ko siya.
"Sige nga. Kung sakali, sino bang pipiliin ko?" nanghahamon niyang tanong. Tiningnan ko siya.
"Si Georgina." Walang gatol kong sagot.
Nagdilim ang mukha ni Stanley bago huminga ng malalim. Tinitigan lang niya ako bago bumuntong hininga.
"Ikaw na rin nagsabi Tan. Ibang kaso si Georgina." Sabi ko sa kanya. Hindi na siya sumagot. Binitiwan niya ang kamay ko bago ako inakbayan at inilapit sa kanya.
"May sasabihin ako Toryang.." seryoso niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko. Hinarap niya ako sa kanya. Ngumisi siya at tinitigan ako.
"Isang beses ko lang itong sasabihin, kaya makinig ka ng maayos ha? Wag kang tatanga tanga."
"Nilait mo pa ako."
"Tahimik nga sabi." Naiinis niyang sabi. Tinikom ko na lang ang bibig ko. hinawakan niya ang pisngi ko at nilapit niya ang mukha niya sa akin. napahakbang naman ako palayo pero hinigpitan niya ang hawak niya sa akin.
"Du bist mein Toryang." Bulong niya. Kumunot naman ang noo ko. binitiwan niya ako at naglakad na palayo.
Anong..ANO DAW?! ANONG DUSTPAN?!
-------------------------------------
Wiieh! Ang saya ko kanina. Naging chatbox ang cb ng last chapter. Ang saya at naguusap usap kayo mga tao about sa kanila Tan Tan! Nakakahappy lang. :)
Matagal ang susunod na UD.
*pen<3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top