Beads And Diamonds On Christmas Day

37

Agad akong tumakbo sa backstage pagkatapos ng kanilang concert. Hinanap ko agad ang AEGIS at nakitang nagpupunas sila ng kanilang mga pawis. Tumayo sina Stanley pagkakita sa akin. Lumapit siya at hinawakan ang magkabila kong braso.

"What happened?" basag ang boses kong sabi. Kinakain ako ng takot para kay Greg. Not Greg. Hindi pwede. Ano na lang ang mangyayari sa AEGIS ngayon?

"He's fine. Kailangan lang niya ng pahinga." Alo ni Stan sa akin. Tinitigan ko siya bago lumipat ang tingin ko sa kambal.

"Gusto ko siyang puntahan. Nasaan siya?"

"Sa ospital kamahalan. He's still unconscious. His vocal nodules are rubbing together. Kinailangan munang operahan. Maayos namkan siya. Kailangan nga lang niya ng pahinga." Sabi ni Ethan habang hinahawakan ang kamay.

"Makakakanta pa naman siya Toryang. Tatanggalin namin siya sa AEGIS because we value him more than our career. Makakabalik pa naman siya and our doors will be open for him. But as of now, kailangan muna niya ng pahinga. Hindi namin alam kung gaano katagal iyon and I know Greg will not like it kung titigil ang banda dahil sa pagkawala niya. We already had an agreement. Hahanap kami ng isa pang vocals para matulungan siya. Habang wala siya, the new one can take his place for the mean time habang nagpapagaling siya." dagdag ni Athan. Tiningnan ko s Stanley na nakatingin lang sa akin. Tinaas niya ang baba ko para matinginan siya ng diretsyo.

"Magiging maayos din ang lahat Yang. Please don't worry yourself, hindi makakatulong kay Greg yan." Malambing niyang sabi. Pinadaan niya ang daliri niya sa pisngi ko at pinunasan ang luhang hindi ko naman napansin.

"I don't want you crying sweetheart. Not again."

"Isa pa pasko ngayon. Papatayin kami ni Greg kapag gumaling na yun at nalaman niyang pinaiyak ka namin ngayon. Alam mo namang protective sayo yun." Nakangiting sabi ni Iñigo sa akin. Tumango na lamang ako at pinilit na ngumiti.

"Come on. Umuwi ka muna at magpahinga. Pasko na mamaya. Be happy for Greg." Stanley said. Inipit niya ang buhok ko sa likod ng aking tenga bago siya yumuko at hinalikan ang noo ko.

"Merry Christmas dustpan."

----------------------------------------------

"August!" pagbabawal ko sa kanya sa isang daang beses na. Tumawa lang siya at pinagpatuloy ang paglalaro ng feather sa ilong ko. Hindi ko mahiwa ng maayos ang sibuyas at mushroom para sa spaghetti dahil sa gulo niya.

"August naman eh!" pinandilatan ko siya. Lumawak lang ang ngisi niya at binaba na ang feather bago lumapit sa akin.

"Okay ka na nyan?" tanong niya sa akin habang kinakain ang mga brownies na binake ni Avvi. Tiningnan ko siya at naintinidhan kong ang issue tungkol kay Greg ang tinutukoy niya.

"I guess so. Kapag sinabi nilang lima na ayos lang, ayos lang. May tiwala ako sa kanila. And Greg will not turn his back on AEGIS. Magpapahinga lang siya." dagdag ko. Kinuha ko ang mantika at asin at inilagay na iyon sa pagpapapakuluan ko ng noodles.

"Hahanap sila ng isa pang vocals." Bigla kong sabi. Tiningnan ko si August na napapangalahati na ang brownies. Agad akong lumapit at inagaw ang kahon sa kanya.

"Oy! Sungit naman! Kumakain pa ako eh!" atungal niya. Tiningnan ko lang siya.

"Humahanap sila ng isa pang vocals." Paguulit ko. Ngumuso lang siya.

"Mag-audition ka kaya." Sabi ko sa kanya. Nagpaikot ikot siya sa upuan bago tumigil noong makaharap na niya ako.

"Ayoko. Kinakabahan ako." Natatawa niyang sabi. Inirapan ko lang siya at tinalikuran. Nicheck ko ulit kung kumukulo na ba ang tubig.

"Sungit."

"Ano?"

"Matagal pa ba? Gutom na ako." Sabi niya. Lilingunin ko sana siya noong makita kong nakatingin na rin siya sa niluluto ko. Ang ulo niya ay halos nakapatong na sa balikat ko habang pinapanood niyang kumulo ang tubig.

"Bakit kasi nandito ka? Umuwi ka na nga." sabi ko sa kanya para pagtakpan ang kabang bumalot sa akin sa pagkakalapit naming dalawa. Nilingon niya ako at ngumisi.

"Ayaw ko sa bahay. Ako lang mag-isa." Anas niya bago ako kinindatan. Lumayo siya sa akin at bumalik na sa upuan niya. Sumipa sipa siya sa hangin habang parang batang ngumunguso.

"Yung family mo?"

"Huh? Nasa malayo. Ako lang mag-isa dito." Nakangiti niyang sabi. Nakagat ko ang labi ko at hindi ko na napigilan ang aw ako noong malaman na mag-isa lang pala itong pangit na ito dito.

"Okay, you can spend your christmas here." Seryoso kong sabi. Nanlaki ang mata niya  sa narinig. Para siyang batang nasabihan na totoo si Santa Claus dahil sa kasiyahan na bakas sa mukha niya.

"Sinasaniban ka ba Sungit? Ang bait mo yata?" natatawa niyang sabi. Nilabas ko lang ang dila ko at binelatan siya. Humalakhak lang siya at tumayo. May kinalkal siya sa bulsa niya at inilabas niya iyon bago inabot sa akin.

"Akin ito?" tanong ko habang tinitingnan ang kwintas na hawak niya. Makukulay iyon at nylon ang ginamit para pagkabitkabitin ang beads.

"Hindi. Pakihawak lang." natatawa niyang sabi. Ngumuso ako at inirapan siya.

"Ganda mo kapag nagsusungit ka na." bulong niya. Tiningnan ko siya at nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Of course sayo yan. Ibibigay ko ba kung hindi?" nangaasar pa rin niyang sabi. Kinuha niya iyon ay nistretch bago niya iyon sinuot.

"Wag mong tatanggalin ha? Kapag nalulungkot ka, ibulong mo lang sa mga beads, darating ako nun para pasayahin ka." Ngising aso niyang sabi. Umismid lamang ako at tiningnan ang kwintas.

"Yabang."

"Gwapo eh."

Tumawa lang ako at sasapukin na sana siya noong nagring ang doorbell namin. Nagpaalam ako at tiningnan kung sino iyon. Ganun na lang ang gulat ko noong makita ko si Stanley na nakatayo sa labas. May hawak siyang ilang Tupperware at paperbags. Tinaas niya iyon at ngumiti sa akin.

"Merry christmas." Aniya. Ilang beses pa akong napakurap kurap sa imahe niya. Anong ginagawa niya dito?

"Uy pare, nag-abala ka pa!" boses ni August ang bumasag sa katahimikan naming dalawa. Agad siyang lumapit kay Stan at kinuha ang mga dala nito. Pinandilatan ko siya pero hindi niya ako pinansin.

"May hamon? Gara ha?" daldal pa rin niya at iniwan na kaming dalawa ni Stanley sa labas.

"Anong ginagawa ng unggoy na yan dito?" maangas na sabi ni Stanley. Nilingon ko siya at nagkibit balikat.

"Dito siya magpapasko."

"Bakit?" masungit niyang sabi. Hinarap ko siya at napatigil siya sa paglalakad noong makita akong nilingon siya.

"Bakit hindi? Stan, kaibigan ko siya." madiin kong sabi. Nanliit lang ang mata niya habang nakatingin sa akin. Kinagat niya ang labi niya at huminga ng malalim.

"Pinaparusahan mo ba ako?" frustrated niyang sabi. Bumilog ang bibig ko at hindi agad nakapagsalita.

"Ano?"

"I already told you I am sorry. Kung hanggang ngayon ay galit ka pa rin, then I'll apologize again. Kung gusto mo, magpapapresscon pa ako." Naiirita na niyang sabi. Bumuka ang bibig ko para magsalita pero naunahan na niya ako.

"But please Victoria. I am not good at sharing. Wala na ang si Athan, unggoy naman yung papalit. Ilang beses ko bang kailangang magselos ha? Maawa ka naman." Pagod na pagod niyang sabi. Sa dami ng mga salita niya ay wala akong naintindihan ni isa. Ang alam ko lang ay nagwewelga na ang mga paro paro sa dibdib ko at nagigising na para suportahan si Stanley.

Ang gulo mo Montreal.

"Hindi kita pinapagselos." Madiin kong sabi, sinusubukang kalmahin ang sarili ko.

"Hindi mo kailangang pagselosin ako para lang magselos ako. Karapatan ko iyon." Masungit niyang sabi. Kinuha niya ang kamay ko at pinagkrus niya ang mga daliri namin bago niya ako hinila papasok sa bahay.

"Sungit, luto mo na yung hamon." Utos ni August sa akin. Napahinto siya noong makita niya si Stanley na hawak ang kamay ko. Sinubukan ko iyong hilahin pero humigpit lang ang hawak niya sa akin.

"Bakit hindi ikaw ang magluto? Ikaw na ngang nakikikain, nanguutos ka pa." sabi nito. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Tiningnan ko siya ng masama.

"Makikikain ka rin naman ah. Ang arte mo. Hindi ibig sabihin na binili mo ito, magyayabang ka na." ganti ni August. Siya naman ang binalingan ko. Ilang beses nagpabalik balik ang tingin ko sa dalawa. Inirapan ko sila at humigpit ang hawak ko kay Stanley, tahimik na inuutusan na tumigil na siya.

"Isa pa, bestfriend ako ni Sungit. Diba sungit?" parang bata nitong sabi. Nawalan ako ng hangin sa narinig. Naramdaman ko ang paninigas ni Stanley sa gilid ko.

"Bestfriend? I am your bestfriend right?" tanong niya sa akin. Napanganga na lang ako dahil naguguluhan na ako. Anong nangyari sa hamon? Bakit napunta sa kung sino na ang bestfriend ko?

"Hindi ka niya boyfriend?" tanong ni August. Nilingon siya ni Stanley bago ako inakbayan.

"Hindi pa." seryoso nitong sabi. Nagkakatitigan sila ni August at matagal na walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Bumuga ako ng hangin at inalis ang pagkakaakbay ni Stan sa akin. Nilampasan ko si August na nakaupo sa taas ng sofa at kumakain na naman ng brownies.

"Ako rin. Hindi niya pa ako boyfriend. Unahan na lang ha, pare?" narinig ko pang sabi ni August. Napahinto ako sa paglalakad at hinintay ang sasabihin ni Stanley. Tiningnan ko ito at nakita ko ang pagngisi niya. Sa ibaba ay kumuyom ang palad niya na nagbabalak na yatang manuntok ano mang oras. Lalapit na sana ako dahil ayaw kong magkagulo sa loob ng bahay. I can't handle a brawl between two badboys. Napahinto lang ako noong lumapit si Stanley kay August at tinapik ang balikat nito.

"Asa ka pa." mayabang niyang sabi. Naglakad na ito at binangga ang balikat ni August na muntik ng mahulog mula sa kinauupuan niya. Sumunod siya sa akin.

"That monkey." Naiinis niyang sabi habang kinakalkal ang jacket niya. May inilabas siya doong maliit na box at iniabot sa akin iyon.

"Anong--"

"Regalo ko. Buksan mo na." utos niya. Tiningnan ko muna siya bago inangat ang lid ng kahon. Napasinghap ako ng makita ang kwintas na tinitingnan niya noon sa jewelry store. Binili niya iyon?

"Kwintas?" paninigurado ko. Tumaas lang ang sulok ng labi niya.

"Malamang Toryang." Nangiinis niyang sabi. Kinuha niya ang kahon sa akin at inilabas ang kwintas. Kuminang ang diamond sa dulo ng kwintas. Tinanggal niya ang lock niyon at lumapit sa akin.

"Sa susunod, singsing na ibibigay ko sa iyo. Kapag ibinigay mo na sa akin lahat ng karapatan ko, uunahin kong palitan ang apelyido mo. Itatali na kita sa akin sa lahat ng paraan na alam ko. Gagawin ko lahat para wala ng magtangkang agawin ka. Sa simula pa lang, akin ka na Victoria." Seryoso niyang sabi. Hinawi niya ang buhok ko at natigilan siya noong makita ang kwintas na binigay ni August sa akin.

"Tanggalin mo yan." Sabi niya. Umiling ako at hinawakan ang kwintas.

"No." protective kong sabi. Tinitigan lang niya ako bago huminga ng malalim. Kinagat niya ang labi niya at hinila ako palapit. Isinuot niya rin ang kwintas sa akin at ipinatong iyon sa kwintas ni August. Nagkahalo ang beads at ang diamond. Nakagat ko na ang labi ko habang tinititigan iyon. Hinaplos ni Stanley ang kwintas na bigay niya bago huminga ng malalim.

"I'll endure. For the mean time." Nakangiti niyang sabi. Yumuko siya bago niya hinalikan ang pisngi ko.

"Merry Christmas Sweetheart."

-------------------------------

Merry Christmas daw mula sa dalawang badboy!

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top