Badboy

33

Tumayo agad ako at tumalikod kay Nanay bago pa man niya makita ang pagtakas ng luha sa aking mata. Narinig ko ang pagtawag niya sa akin kaya nagmamadali kong pinakalma ang sarili ko para harapin siya ulit.

"May problema ba iha?" nag-aalala niyang tanong. Humarap ako sa kaniya. Ramdam ko ang paninitig ni Stanley sa akin pero nag-iiwas ako ng tingin. Marahan lang akong tumango bilang sagot.

"Uhm..titingin lang po ako ng ireregalo."paalam ko. Malumanay itong ngumiti sa akin.

Agad na akong tumalikod at dumiretso sa estante kung saan nakalagay ang mga hikaw at bracelet. Napapikit ako ng mariin habang kinakalma ko ang sarili ko. Mabibilis pa rin ang tibok ng puso ko kahit alam kong nakalayo na ako kay Stan. Damn the effect of that Montreal on me.

"Sinong reregaluhan mo?"

Marahas akong napaharap kay Stanley noong nagsalita siya sa aking likuran. Nasa kamay pa rin niya ang singsing a pinaglalaruan niya iyon.

"S-si Avvi." Geez Victoria! Bakit nauutal ka? Wala ng epekto si Stanley sayo. Wala ka ng pakialam. You're moving on.

"Uhhuh." Malamig niyang sabi. Lumapit siya sa estante at tiningnan rin ang mga nakadisplay roon. Nilapag niya ang singsing sa may tabi ko bago niya inutusan ang saleslady na kunin ang isang set na nakadisplay doon. Napako ang tingin ko sa singsing ni Leria bago muling napalunok. Bumabalik na naman ang mga luha kong makukulit at laging sinasamba si Montreal.

"It's beautiful." Wala sa sarili kong sabi habang nakatingin sa singsing. Sinulyapan ako ni Stanley bago nagkibit balikat.

"Alam ko. Hindi ko naman pipiliin yan kung pangit." Mayabang niyang sabi. Inalis niya ang kwintas sa lalagyan at tinaas iyon para matitigan. Ilang beses akong napakurap kurap habang tinititigan kong pinaglalaruan ni Stanley ang bato sa kwintas.

God, he's gorgeous. He's so gorgeous he makes my heart ache. But I can't let that gorgeousness in my heart again. I've had enough. Natuto na ako. Bibitaw na ako.

Iwinagayway niya ang kamay niya sa harapan ng mukha ko. "Why?" taka niyang tanong. Napakurap pa ako dahil hindi ko namalayang nakatingin na pala siya sa akin. Umiling lamang ako at hinarap ang saleslady bago ituro ang hikaw na napili ko.

Ibinigay iyon sa akin ng saleslady. Tiningnan ko muna iyon bago tuluyang binili. Habang inaasikaso niya iyon ay muli akong hinarap ni Stanley. Itinapat ni Stanley sa leeg ko ang kwintas at nagpalipat lipat ang tingin niya sa mukha ko at sa kwintas.

"Anong ginagawa mo?" sita ko sa kanya. Hindi siya sumasagot.

Magsasalita pa sana ako noong tinaas niya ang kwintas at inutusan ang saleslady na ibalot na iyon. Tumaas ang kilay ko sa ginawi niya. Tatanungin ko sana siya noong tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong sinagot.

"Yes?" nakangiti niyang sabi na para bang makikita siya ng nasa kabilang linya.

"Why? Yes..ito na nga po." Humalakhak siya ng kaunti. Kinagat ko ang labi ko at kinuha ang binili ko.

"I'll be there okay. I won't miss it for the world Leria." Malambing niyang sabi. Napahinto ako sa paglalakad noong marinig ko ang pangalan ng kausap niya. Nagbadya na naman ang mga luha kong tanging si Stanley Montreal lang ang sinasamba. Huminga ako ng malalim bago nagmamadaling lumabas ng shop.

Darating ang araw na hindi mo na ako mapapaiyak Stanley. Darating ang araw na iba naman ang pipiliin ng mga luha kong sambahin.

_______________________

"Tori,like mo ng pancakes?" nakangiting sabi ni Avvi sa akin habang namimili siya sa dalawang pancake mix. Tiningnan ko ang mga iyon bago pinili ang original na mix.

"Okay. I'll buy. You cook." Makulit niyang sabi bago inilagay sa cart namin ang mix. Tinulak ko iyon habang siya naman ay tumitingin tingin sa mga bilihin.

Si Avvi na ang pinapila ko para makapagbayad. Ako na ang nagprisinta na kumuha ng baggage namin para mas mabilis kaming matapos. Pumila na ako noong may napansin akong lalaking tumatakbo sa direksyon ko. Nakasuot ito ng hood at shades habang may humahabol sa kanyang ilang grupo ng mga teenagers na may hawak na camera. Kumunot ang noo ko. Sino ba itong--

Biglang hinawakan ng lalaki ang braso ko at sinama ako sa pagtakbo.

"H-hoy!!" sigaw ko sa kanya habang bumababa kami sa escalator. Ilang beses pa kaming may naitulak habang tumatakbo.

"Ano ba!" sigaw ko sa kanya. Tinatahak na namin ang direksyon ng fountain na nasa gitna ng mall. Tumingin siya sa likod niya maging sa magkabilang gilid niya.

"Shit." Mura niya noong makita namin na nagkalat na ang mga teenagers na humahabol sa kanya. Mabilis siyang tumalon sa fountain at hinila ako.

"No!" sigaw ko dahil nakasindi iyon at mababasa ako kapag lumusong ako. Pero wala na akong nagawa noong hinawakan nito ang kilikili ko at binuhat ako. Sabay kaming tumakbo sa gitna ng tubig ng mga fountain hanggang sa makarating kami malapit sa exit. Nakita kong humahabol pa rin ang mga babae pero nakalayo na kami. Lumiko kami papunta sa exit at patago sa isang pader doon.

Nagsiksikan kami sa masikip na pader na iyon. Matatalim ang tingin ko sa lalaking nanghila sa akin sa gulong iyon. Nakangiti lang ito sa akin. Tinanggal niya ang shades niya at ang hood niya bago muling ngumiti sa akin.

"Gus!Gus!Gus!" narinig kong sigaw ng mga babae. Sumilip ako pero bigla niya akong hinila.

"Baka makita tayo." Bulong niya. Inis ko siyang hinarap bago ko hinila ang braso kong hawak niya.

"Baliw ka ba?!" tumaas baba ang dibdib ko sa sobrang pag-kainis sa lalaking ito. At ang mas nakakapangalit pa ay ang ngiti niyang hindi ko mabura bura sa bibig niya.

"Hindi pa. Ikaw naman miss. Sakit mo magsalita." Natatawa niyang sabi. Inalog niya ang ulo niya kaya tumilamsik sa akin ang tubig mula sa buhok niya.

"Isa--"

"Ang sungit mo po." Humalakhak siya sa akin. Umirap lang ako at humalukipkip.

"Girls are scary." Natatawa niyang sabi. Nilingon ko siya at nakita kong yumuyuko siya habang inaalis niya ang sapatos niya.

"Sino ka ba ha?"

Tiningala niya ako at napanganga.

"Hindi mo ako kilala?"

"Gosh. Tatanungin ba kita kung kilala kita?" pagsusungit ko. Tumaas ang sulok ng labi niya sa pagsusungit ko.

"May babae pa palang hindi nakakakilala sa akin?" mayabang niyang sabi. Nanliit ang mata ko sa kanya.

Hindi ko mapigilang hindi mairita sa kanya. Tiningnan ko ang labas at nakitang wala na ang mga babaeng humahabol sa kanya. Iniwan ko siyang nakasiksik doon sa maliit na pader at naglakad palayo sa kanya.

"Sandali lang po." Sigaw niya. Hindi ko siya pinansin. Hirap na hirap ako sa paglalakad dahil bumigat ang pants ko dahil sa tubig na nasipsip.

"Sandali lang." sabi niya pa at hinawakan ang braso ko. Pinilit niya akong humarap sa kanya. Napabuga ako ng hangin noong ibinalya niya ako para matingnan ko siya.

"I'm sorry. Uhm.. I didn't mean to be rude--"

"No you're not! Bigla bigla ka na lang nanghihila ng kung sino! You're not rude! My god!" sarkastiko kong sabi. Nag-isang linya ang labi niya at inis na rin akong tiningnan.

"I'm trying to apologize here miss. Hinila kita dahil ayaw kitang itulak. Come to think of it, you should be thankful na gentleman ako. Bakit ba ang sungit mo? Period?" natatawa niyang sabi, trying to keep the situation light. Pero alam kong naiinis na rin ito sa asta ko. Tinitigan ko lang siya bago ko pinagtaasan ng kilay.

"Hindi ko kailangan ng apology. Bitawan mo nga ako!" hinatak ko ang kamay ko. Sa wakas ay binitiwan na niya ako. Nagsimula na akong maglakad palayo ngunit nakasunod pa rin siya sa akin.

"Alam mo, there's this online site where you can watch videos for free. And it's called Youtube miss." Pabaliktad siyang naglalakad sa aking harapan habang nakapamulsa. Tiningnan ko lang siya bago nagkibit balikat.

"I do covers of songs. Sikat ako doon. Siguro alam mo naman yung bandang AEGIS hindi ba?" tanong niya. Napatigil ako noong marinig ko ang banda nila. Kinagat ko ang labi ko at pinilit pakalmahin ang sarili.

"Mga kanta nila yung ginagawan ko ng cover." Dagdag pa niya. Hindi ko siya pinapansin sa pagsasabi sabi niya. Bigla siyang ngumuso at tumigil sa harapan ko. Mabuti na lamang at agad akong nakapagpreno sa paglalakad dahil muntik na akong mabangga sa kanyang katawan.

Yumuko siya ng kaunti para magkapantay kaming dalawa. Ngumisi siya kaya lumitaw ang napakalalim niyang dimple sa kanan niyang pisngi. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha sa sobrang lapit niya sa akin.

I won't deny. He is rugged alright. Yung tipo ng lalaking walang gagawing tama? Sa paraan pa lng niya ng pagngisi, alam mo ng puro kapilyuhan lamang ang gagawin niya. He's the typical badboy-- geez, hanggang dito ba naman Toryang, naiisip mo pa rin si Stanley?

"Hindi mo talaga ako kilala?" namamangha niyang sabi sa akin. Bumalik ang diwa ko ng muli siyang nagsalita. Umiling ako at tiningnan lang siya. Dumiretsyo siya ng tayo at ngumiti ulit sa akin.

"Hi." the boy grinned at me before extending his hand. Nakasabit pa rin sa mga daliri niya ang sapatos niyang tumutulo pa rin ang tubig. Tiningnan ko lang siya, his hair dripping wet but still looking so sinfully handsome.

"I'm August. You are?" pacute niyang sabi. Ngumuso lang ako bago ko tinanggap ang kamay niyang nakalahad.

"Tori. Victoria." anas ko bago tuluyang ngumiti. Sumilay rin ang ngiti sa mga mukha niya at lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"You do smile." Natatawa niyang sabi. Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.

"You should do that always. Maganda ka kapag ngumingiti." Aniya. Napanganga ako at wala ng nasabi. Tumakbo siya palayo sa akin bago muling nagwave.

"Bye miss!" pagkatapos ay kumaway lang siyang muli. Tinaas ko rin ang kamay ko at nagpaalam sa kanya. Natawa pa ako noong matapilok siya at muntikan ng madapa. Sayang, gwapo pa naman sana. May pagkatanga nga lang.

Noong mawala siya sa paningin ko ay naglakad na ako pabalik sa mall. Bumalik ako sa department store para kunin ang mga baggage namin. Pinagtitinginan ako dahil basang basa ako ngunit hindi ko na sila pinansin. Binalikan ko ang pila ni Avvi. Malapit na siya sa counter. Christmas rush kasi kaya ang daming mamimili. Nanlaki ang mata niya noong pinsadahan niya ako ng tingin. Ganun na lang ang gulat niya ng makita ang itsura ko.

"Tori?" nagtataka niyang tanong noong makalapit na siya sa akin. Agad niyang hinubad ang blazer niya at isinuot sa akin iyon.

"We should buy you clothes girl. Baka you'll get fever. Magpapasko pa naman." Nag-aalala niyang sabi. Hinigpitan ko ang kapit sa kanyang blazer.

"Ayos lang ako." Katwiran ko. Pinandilatan lang niya ako ng tingin. Tinulak niya ang cart namin habang tinitingnan ako.

"Ano ba kasing nangyari?"

Ngumiti lamang ako at napailing na lang habang naalala ko ang lalaking baliw na nakilala ko. Tiningnan ako ni Avvi at halatang nagtataka siya sa ginawi ko.

"What happened na nga kasi?"

Tinitigan ko ang kaibigan ko bago nagkibit balikat na lamang.

"Mahabang kwento." Anas ko bago siya kinindatan.

______________________

5 days to go! Maligayang pasko!

*ACE DOMINGO

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top