Ang Taho Ni Badboy

34

"Avvi, labas lang ako ha?" sigaw ko mula sa baba ng aming bahay. Sumilip lang ito bago tumango. Inayos ko na ang sintas ng sapatos ko at lumabas na para makapagjogging.

Sumalubong sa akin ang malamig na hangin pagkalabas ko ng bahay. Kakaunti pa lang ang mga tao sa daan at tulad ko ay mga magjojogging lang ang mga ito. Sinuot ko ang earphones ko at nagsimula ng tumakbo papunta sa parke.

Napahinto ako sa pagjojog noong makakita ako ng isang batang babaeng bungi na nagbibigay ng bungkos ng santan sa katulad niyang batang lalaki rin. Hindi siya pinapansin noong batang lalaki kaya napapanguso na lang ang batang babae.

Lihim akong napangiti. Pamilyar sa akin ang eksena. Ganyang ganyan din ako noong mga bata pa kami at hinahabol habol ko siya. Naalala ko na naman---

"Ang cute nila noh?"

Halos mapatalon ako noong may humila sa earphones ko at bigla na lang bumulong sa aking tenga. Agad kong tiningnan iyon at ganun na lang ang gulat ko noong makita ko ang makulit na binata sa mall kahapon.

"Dito ka rin pala nakatira?" tuwang tuwa niyang sabi. Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakapatong sa balikat niya ang skateboard. Bakas sa tshirt niya ang muscles na halatang galing sa pagwoworkout. Basa rin ang buhok niya sa pawis niya at tumutulo pa iyon. Ngumiti siya ulit sa akin at lumabas na naman ang dimples niyang malalalim. Lalong sumingkit ang mata niya habang nakatingin sa akin.

"Kanina pa kita tinatawag sungit. Nakaearphones ka pala kaya hindi mo ako naririnig." Daldal niya pa. Napanguso ako at sinuot ulit ang earphones ko at hinarap ang dalawang bata kanina. Ganun na lang ang pagkadismaya ko noong ang batang babae na lang ang naiwan doon.

Ibinaba niya ang skateboard niya at sumakay doon. Pinagtaasan ko siya ng kilay at maglalakad na sana noong hinarangan niya ako. Inis kong tinanggal ang earbuds sa tenga ko at sininghalan siya.

"Lumayas ka nga diyan."

Ngumisi lang siya. "Ang aga-aga ang sungit mo po."

Tinitigan ko lang siya. Lalong lumawak ang ngisi niya sa reaksyon ko.

"Sabi ko sayo ngiti ka lagi diba?" humalakhak siya at hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan niya. Naglakad na lang ako palayo sa kanya pero sumakay na naman siya sa kanyang skateboard at humarang na naman.

"Ano bang problema mo?" gigil ko ng sabi.

"Nakikipag kaibigan lang po ako." Sagot niya. Umismid ako at tinanggal ang ponytail ko sa buhok. Gustong gusto ko na siyang sabunutan sa kakulitan niya.

"Wag ka ngang mag-po! And I don't need your friendship." Masungit kong sabi. Humakbang ako pero pinagulong ulit niya ang skateboard niya sa direksyon ko.

"Eh sa maginoo ako eh. Isa pa, hindi ako nagpapaalam sungit. Kakaibiganin kita sa ayaw mo o sa ayaw mo, at kahit ayaw mo, okay lang. Walang babaeng immune sa mukhang ito." Kumindat siya sa akin bago ginulo ang buhok ko. Hinawakan ko ang kamay niya at tinaggal iyon sa ulo ko.

"Aaah!"

"Ang cute mo magsungit." Dagdag niya pagkatapos ay humalakhak lang siya ulit. Pinandilatan ko siya pero hindi naman niya ako pinansin. Ngumuso na lang ako at naglakad pauwi.

"Habit mo ba talagang magsungit?" tanong niya habang nagseskate siya ng pabaligtad.

"Hindi ako masungit. Nakakairita ka lang talaga." Natatawa kong sabi. Napanganga siya at bumilog ang bibig niya. Maya maya ay hinawakan niya ang dibdib niya at umaktong parang nasaksak.

"Ang hard mo magsalita miss. Ouch." Sabi niya pa. Yumuko siya at hinawakan ang tuhod niya pangbalanse. Hindi ko mapigilang hindi matawa ng malakas sa pinaggagagawa niya.

"Para kang tanga." Natatawa kong sabi. Napailing na lang ako at nilampasan siya. Dumiretsyo siya ng tayo at umagapay sa paglalakad ko.

"Magrerelease na yung AEGIS ng bagong album sa bisperas. May bago na naman akong icocover." Masigla niyang sabi. Malawak pa ang pagkakangiti niya habang nagkekwento. Bakas sa mukha niya ang pilyong ngiti, simbolo ng kanyang pagiging badboy.

"Gusto kong pumunta sa concert nila kaso sold out na yung ticket." Daldal pa rin niya. Napangisi ako sa narinig.

"May ticket ako." Bigla ko na lang nasabi. Napatigil siya sa paglalaro ng skateboard niya at tumingin sa akin.

"Akala ko ba hindi mo sila kilala? Taong bundok ka diba?" pangaasar niya pa. Agad tumaas ang kamay ko para sapakin siya pero agad siyang nakaiwas.

"Baliw." Natatawa kong sabi. Tinitigan niya ako kaya nawala ang ngiti sa labi ko. Bigla akong napahawak sa mukha ko dahil baka may dumi iyon kaya ganun na lang ang paninitig sa akin ni August.

Ilang beses siyang napakurap at may tinuro sa likod ko. Nilingon ko iyon at nakakita ako ng nagtitinda ng taho. Tiningnan ko siya. Hindi ko mapigilang hindi maexcite sa taho. Ang huling beses kong nakakain noon ay noong high school pa lamang ako.

"Bili tayong taho panget." Sabi ko sa kanya at nauna ng tumakbo papunta sa tindero.

"Sandali lang sungit! Nagmamadali?" pasigaw niyang sabi. Sunod ko na lang narinig ay ang gulong ng skateboard niyang hinahabol ako.

------------------------------

"Hmmmn. Ang sarap." Tuwang tuwa kong sabi habang nilalagok ang pangatlo ko ng baso ng taho. Nakatitig lang si August sa akin na para bang tinubuan ako ng isanglibong mata. Agad kong nilunok ang taho at tiningnan din siya.

"Problema mo?"

"Ilang taon kang hindi kumain? Ginugutom ka ba?" seryoso niyang sabi. Tumaas agad ang kamay ko pero hinawakan niya iyon.

"Tsk. Tsk. Bad yan. Wag ganyan." Humahalakhak pa niyang sabi. Binaba niya ang kamay niya habang ako naman ay tinitingnan siya ng masama.

"Bwisit ka. Panget!"

Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. "Ikaw naman. Sungit."

Natawa ako sa tinawag niya sa akin. Ngumiti din siya at inabot sa akin ang panibagong baso ng taho.

"Kung alam ko lang, sana dinala ko na lang yung buong alkansiya ko." pangaasar pa rin niya. Nililibre niya kasi ako sa taho. Ang problema ay 50 pesos lang ang dala daw niya. Ipinipilit ko namang may pera ako pero maginoo daw siya kaya hindi niya hahayaang gumastos ako.

"Mayabang ka kasi. Nanlilibre ka, wala ka namang panlibre." Pangaasar ko rin. Humalakhak lang siya at ginulo niya ang buhok niya. Sumipsip ulit ako sa taho at tumahimik na lamang.

Pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko. Ngayon lang ulit ako nakatawa ng ganito magmula noong umuwi ako. Yes, I smile, but I don't laugh anymore. Sa sobrang tagal, nakalimutan ko na ang pakiramdam kapag sumasakit ang tiyan mo sa kakatawa.

"Hoy August." Tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako at hinintay ang susunod kong sasabihin.

"Bakit hindi ka mag-audition sa Wave?"

"Hindi naman tumatanggap yung AEGIS ng bagong member, bakit pa ako magaaudition?" mabilis niyang sagot. Pinaglaruan niya ang isang bato sa paa niya at tinitigan ko iyon.

"Gusto mo sa AEGIS?"

"Yup." Simpleng sagot niya. Napangiti ako. Kaya pala gumagawa siya ng cover ng mga kanta nila. He really likes them that much?

"Don't get me wrong. Hindi ako bakla. Masyado kang judgmental." Bigla niyang sabi. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangisi siya. Pinagtitripan na naman ako nitong baliw na ito.

"Passion. Alam mo yung kilabot na nararamdaman ko kapag nakikita ko sila sa stage? Yung passion nila sa musika. Yung pangarap nila. That's what makes me like them. Kasi sila yung patunay na pwede ko ring maabot yung naabot nila." Seryoso niyang sabi. Naramdaman ko ang pagmamahal niya sa musika kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong tapikin ang balikat niya.

"I've spent 27 years of my life looking for another dream. Pero wala eh, musika lang talaga ang pangarap ko."

Tumango ako at tiningnan siya. "I understand."

Kumislap ang mata niya at tumango tango na lang.

"That's new. Konti lang ang nakakaintindi sa musika ko." natatawa niyang sabi. Inabot ulit niya ang panglima kong baso ng taho. Agad ko iyong kinuha.

"Tara na? Mataas na yung araw. Baka lalo kang mahigh blood." Panloloko niya ulit. Napanguso ako. Tusukin ko yung singkit mong mata dyan eh!

Bumaba ako sa swing at sinundan siya. Kinuha niya ang skateboard niya at hinintay akong makalapit sa kanya.

"Hatid na kita sungit." Sabi niya. Tinaasan ko lamang siy ng kilay.

"At bakit?"

"Para kapag nagcarolling ako alam ko yung bahay mo." Nakangisi niyang sabi bago humalakhak. Inirapan ko siya at tinali ulit ang buhok ko.

"Ang kapal ng mukha mo panget." Ganti ko sa kanya. Nagkibit balikat lamang siya at sumakay muli sa skateboard niya.

Tahimik lamang kaming naglakad pauwi sa bahay. Ang tanging naririnig ko lamang na ingay ay ang mga batang naglalaro.

"Sungit." Tawag niya sa akin mula sa likuran ko. Hinarap ko siya. Umaakyat siya sa fence ng aming kapitbahay. Napatakbo ako sa kanya.

"Hoy! Bawal yan!" sita ko sa kanya. Niyuko lang niya ako bago hinila ang gumamela sa tangkay nito. Tumalon siya at pinagpagan niya ang shorts niyang nadumihan.

"Ang totoong badboy, hindi natatakot sa bawal. Oh." Pagyayabang niya bago inabot sa akin ang gumamela. Tiningnan ko iyon bago napanguso sa kanya.

"Baliw nito." Natatawa kong sabi bago kinuha ang bulaklak.

"Totoo yung sinabi kong magkacarolling ako sa inyo ha?" sabi ulit niya. Nilabas ko ang dila ko at binelatan siya.

"Ito naman. Sungit mo na nga, kuripot mo pa." parang bata niyang sabi. Natawa na lang ako ng malakas pero natigilan ako ng makitang may puting BMW na nakaparada sa harap ng aming bahay.

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng hangin noong dumiretsyo sa pagkakatayo si Stanley at tiningnan kaming dalawa ni August. Dahan dahan siyang lumapit sa aming dalawa.

"Sino yan?" malamig niyang sabi habang tinitingnan si August.

-----------------------------------------------

Ang kulit niya!

#SungitPangit

#TanYang

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top