Ang Pulang Maserati
47
Nagising ako na mataas na ang sikat ng araw sa bintana ko. Tiningnan ko ang orasan ko at doon ko lang napansin na ala-una na pala ng tanghali. Kumakalam na ang sikmura ko kaya nagdesisyon na akong bumaba at hanapin si Avvi.
Tiningnan ko ang ulam namin. Avvi cooked Tinola. Inamoy ko iyon ngunit nangasim lang ako ng makita ang sayote kaya muli ko na lang iyong sinara. Kinuha ko na lang ang cookie jar at iyon ang kinain. Habang ginagawa iyon ay nagbabasa lang ako ng mga kaso na kailangan kong pag-aralan. Nakaschedule ang isang hearing ko sa susunod na linggo.
Pumasok si Avvi sa bahay at nagulat ng makita akong nakaupo sa sofa. "Ang aga mo nagising." Tudyo niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay habang siya ay ngumiti naman sa akin.
"Napagod yata ako kahapon." Anas ko. Kinuha niya ang cookie jar at sinamahan akong kumain. Nang matapos kong pag-aralan ang trabaho ko ay sinindi na niya ang TV at nanood na.
"Stan's here pala. Nasa labas siya." aniya. Nilingon ko siya bago napatingin sa relo. Mahigit kalahating oras na rin kaming kumakain rito sa loob.
"Iniwan mo siya sa labas?"
"I told him to wait there. Isa pa, you're asleep pa kaya." Katwiran nito. Napanguso na lang ako bago tumingin sa labas. Mataas ang araw at pupusta akong mainit na roon.
"May dala siyang kotse?" tanong ko. Sana naman ay meron. Kahit yung man lang ay makapagbigay ng kaunting lamig sa kanya. Langya naman kasi itong si Avvi eh, nagmamaldita na naman.
Pilya siyang ngumisi bago umiling."None. He's bringing his Ducati."
Napanganga ako sa narinig ko. "What the hell Avvi. Ang init sa labas!" gulat na gulat kong sabi. Nagkibit balikat lang siya at hindi ako pinansin. Tumayo ako at maglalakad na sana noong tinaas ni Avvi ang binti niya at hinarang ang daraanan ko.
"Girl, try mo kaya isearch meaning ng 'pakipot'." Natatawa niyang sabi. Inirapan ko lang siya at umikot para lumabas na.
Nakita ko si Stanley na nakasilong sa ilalim ng punong mangga namin. Ilang beses niyang tinaas ang shirt niya at nagpunas ng pawis. Napakagat na lang ako ng labi habang pinapanood siyang pawisan ng todo dahil sa init. Namumula na ang balat niya at hindi na siya mapakali sa kinauupuan. Bumaba ang tingin ko sa kanyang braso. I really love his arms. Lalo na kapag nakasando lamang siya o di kaya ay kapag wala na siyang suot--
Biglaan akong umiling para putulin ang takbo ng isip ko. Pinaypayan ko na rin ang sarili ko dahil maging ako man ay naiinitan na. Siguro ay hahayaan ko muna siyang magbabad sa araw kahit sandali pa. kahit ganon man lang ay makaganti ako sa kanya. Hinayaan niya akong mabasa ng ulan, bahala siyang mangitim dahil sa araw.
"Matunaw."
Napatalon ako sa gulat noong bigla akong kinalabit ni Avvi. Umingos lang ako at tiningnang muli si Stanley na naghihintay pa rin na papasukin siya ni Avvi. Ilang beses niyang pinaglaruan ang lupa bago tumayo. Napahinto siya sa paglalakad ng makitang nakatayo ako sa may pintuan namin. Naglakad ako at binuksan ang gate. Nagakma siyang papasok ngunit hinarangan ko lang siya.
"What do you want?" masungit kong sabi. Kinagat niya ang labi niya bago huminga ng malalim.
"Yang naman. Hanggang kailan mo ba ako hindi kakausapin?" napapaos niyang sabi. Pinagkrus ko lamang ang kamay ko sa tapat ng aking dibdib bago siya tinitigan.
"Ewan." Simple kong sagot na nagpabagsak sa panga niya. Pagkatapos ay dumilim ang mukha niya bago humakbang papasok. Ako naman ay humakbang palayo sa kanya.
"Anong klaseng sagot yan? I already told you yesterday, hindi ko maiwan si Ria." Paliwanag niya. Ngumuso lang ako at inilagay ang kamay sa aking beywang. Tinaas ko ang noo ko at hindi nagpatinag sa matatalim niyang tingin. I won't back down Montreal. Wag kang magsuplado, bwisit ka.
Huminga ako ng malalim ng makaramdam ako ng pagulo ng dugo. Wala pa man siyang ginagawa ay naiirita na ako. Idagdag mo pang mainit at naalala ko na naman ang ginawa niyang pagabandona ay lalo lang akong naiinis sa kanya.
"Then be with her! Hindi naman kita pinipigilan!" sigaw ko na. Kumunot ang noo niya sa biglaang pagbagsak ng galit ko. Humakbang ulit siya pero agad akong umiwas. Umupo ako sa swing na naroon at hindi siya tinitingnan.
Lumapit siya sa akin at yumuko sa harapan ko. Hinawakan niya ang tuhod ko at pilit na hinuli ang paningin ko. "I don't want to be with her." bulong niya. Inirapan ko lang siya at iniwas ang aking balat sa kanya. Napakagat ako ng labi ng maramdaman ang marahan niyang pagpisil sa tuhod ko. Ramdam ko ang kuryenteng dumaloy mula sa kanyang kamay.
"Weh?" parang bata kong sabi. Lumipat ang kamay niya sa aking palad.
"Yang ko." frustrated na niyang sabi. Napatitig ako sa mukha niya at hindi na nagsalita. Huminga siya ng malalim at wala sa sariling pinaglaruan ang mga daliri ko.
"Ilang araw na akong hindi nakakatulog Victoria. Isipin ko pa lang na galit ka sa akin.." tumigil siya at hindi niya nagawang ilabas ang mga salita sa bibig niya.
"Ano bang gusto mong gawin ko ha?" nagmamakaawa na niyang sabi. Tinitigan ko ang paa ko habang nag-iisip ng ipapagawa sa kanya. Ano bang gusto ko ngayon? Bigla ay napanguso na lang ako sa naisip. Tinitigan ko ulit siya. Baka hindi naman niya ibigay sa akin iyon. Alam ko ang ugali nitong si Montreal. Madamot yan.
"Yang.."
Matagal akong hindi nagsasalita. Wala akong pakialam kung nakaluhod siya sa damuhan at nananakit na ang tuhod niya. Masama mang pakinggan pero natutuwa ako na malapit siya sa akin ngayon kahit nakakairita ang itsura niya.
"Iñigo.." bulong ko at agad yumuko. Naramdaman ko ang daliri niya sa baba ko. Sumalubong sa akin ang kunot na kunot, as in sobrang kunot, na noo niya.
"Anong--"
"Gusto ko si Iñigo!" pumadyak ako at natamaan ko siya sa tyan. Natumba siya ng kaunti at napahawak sa kanyang tiyan. Tumayo na ako at iniwan siyang nakahiga roon. Hindi ko pa man napapangalahati ang daan ay may humawak na sa braso ko.
"Bakit si Iñigo?" madiin niyang sabi. Tinitigan ko ang mata niyang nagaalab na ngayon sa galit. Agad nangilid ang luha ko sa mata kaya napahinto siya roon.
"Galit ka sa akin?" nanginginig kong sabi. Lumuwag ang hawak niya sa akin noong marinig niya ang basag kong boses. Napalunok siya at hindi na malaman ang gagawin.
"Of course not! Victoria naman." Mas lalo siyang nafrustrate. Nasabunutan pa niya ang kanyang sarili. Pinunasan ko ang isang takas na luha bago huminga ng malalim. Pinaglaruan ko ang daliri ko at yumuko.
"Hindi mo na ako mahal? Hindi mo na ako mahal, hindi ba? Sinigawan mo ako noong tinulungan mo si Ria. Tapos ngayon galit ka sa akin. Masama bang gustuhin kong makita si I?" humikbi ako ng kaunti. Ang galit na nararamdaman ko kanina ay muling bumabalik. Sumikip ang dibdib ko sa pagpipigil ng luha. Nakita ko ang paa niyang humkabang papunta sa akin bago ko naramdaman ang kamay niya sa aking pisngi.
"Victoria," dumiin ang hawak niya sa pisngi ko. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya. " Dustpan, tingin ka nga sa akin." utos niya. Umiwas pa rin ako pero hinuli niya ang mga mata ko.
"You don't have to call I. Ano bang gusto mo? Ako na lang ang gagawa." Pagpiprisinta niya. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Ayaw ko sayo. Gusto ko si Iñigo nga kasi!" pumadyak na ako sa sobrang inis. Sumimangot si Stanley habang nakatingin sa akin. Tinulak ko siya bago ko pinagkrus ang braso ko.
"Sinabi na nga kasing hindi pwede. Andito naman ako. Why do you have to look for another guy?"
Hindi ko siya sinagot. Pinanood ko lang ang pagpula ng mukha niya. Taas baba ang dibdib niya habang pinapanood ang bawat galaw ko. Alam ko, ramdam ko, galit na si Montreal.
"Ang damot mo." Bumigat ulit ang mata ko sa luha. Huminga ako ng malalim para hindi iyon muling tumulo.
Pumikit siya ng mariin at tumango. "I know. Toryang, I can't help it. Pagdating sayo, madamot talaga ako." Pagsuko niya. Kinuha ko ang tsinelas ko at lumapit sa kanya. Pinukpok ko iyon sa ulo niya ng puno ng pangigigigil.
"Bwisit ka! Ikaw, pwede mo akong pagdamot habang ako!!" nanginginig ang kamay ko habang sinasabi iyon. Wala na akong pakialam kung saan man siya tamaan ng tsinelas ko.
"Habang ako, pwede mo na lang iwan kapag may babaeng nababasa sa ulan! Anong klase yun Stanley?!" napapaos ko ng sabi. Hinihingal ako pagkatapos kong pagpapalu-paluin siya. Hinuli niya ang braso ko pero pumalag ako.
"Toryang!" inabot niya ulit ang tsinelas pero iniwas ko iyon.
Kinuha ko na rin ang isa ko pang pangtapak at sabay iyong pinalo sa kanya. "Ang sama mo! Sinigawan mo pa ako! Ang sabi mo, hindi mo na ako sasaktan, pero ano ito?! You ignored me damn you! Tapos ngayong nagagalit ako ay saka ka naman manunuyo?! Fuck you Stanley! Fuck this push and pull of yours!" pagod na pagod kong sabi. Tumigil lamang ako noong nahuli na niya ang kamay ko. Agad niya akong hinila at niyakap.
"Ayaw ko na sayo. Break na tayo." Bulong ko. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya at hindi agad siya nakagalaw. Kinuha ko ang pagkakataon na yun para kumalas sa kanya at layuan siya. Narinig ko pa ang pagmumura niya at hinabol ang papasara ko ng pintuan.
"Victoria Montreal!" kalampag niya. Hindi ko siya pinansin at binalik ang pansin ko sa cookie jar.
Bahala ka sa buhay mo, Montreal.
-----------------------------------------------
"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Avvi sa akin habang sinusuot ko ang rubber shoes. Inayos ko ang pagkakapusod ng buhok ko bago siya hinarap.
"Jogging lang." sagot ko. Kumindat lamang ako sa kaibigan ko bago tuluyang lumabas. Hinigpitan ko ang jacket ko bago tumakbo palabas. Malamig na ang simoy ng hangin kaya sinuot ko ang aking hood. Pinasok ko na rin ang earbuds sa aking tenga bago nagsimulang maglakad.
Naalala ko ang ginawa ko kay Stanley noong isang araw. Pagkatapos ng ginawa kong pamamalo sa kanya gamit ang tsinelas ko ay hindi na siya muling nagpakita. At mas lalo akong naiirita dahil doon.
I miss him. So much. Gusto ko siyang makita kapag wala siya. Pero kapag nandyan naman siya ay naalala ko ang ginawa niya sa akin. I am being irrational, but I just couldn't help it. Hindi ko ugali na magtanim ng galit o ang magalit ng walang dahilan. But with Stanley around, nagbabago ang mga pinanghahawakan ko.
And they're friends, for pete's sake. Paano kung napamahal na sila sa isa't isa. Leria's there beside him noong wala ako. Marami siyang alam tungkol kay Stanley na hindi ko alam. Paano na lang kung nagkalapit na silang dalawa?
Napalingon ako sa likuran ko. Hindi ko napansin na napunta na pala ako sa parte ng subdivision na puro bakanteng lote pa lang ang laman. Walang gaanong tao, kung mayroon man ay madalang ko lang nakikita. Bukod sa akin ay tanging pulang Maserati lamang ang nasa daan.
Nagkibit balikat lamang ako at naglakad na lamang ulit. Stan said he wants to be with me. Pero noong gabing iyon ay si Ria ang sinamahan niya. Maiintindihan ko naman kung sikreto ba talaga ang rason ni Ria sa takot niya sa ulan. Hindi naman nila kailangang sabihin sa akin. Kung sanang sinama lang niya ako hanggang sa unit niya para ihatid si Leria. Kahit yun man lang sana ibinigay ni Stanley.
Ginulo ko ang buhok ko at lumiko na para bumalik sa amin. Napahinto ako noong mapansin na tumigil rin ang Maserati sa daan. Bumangon ang kaba sa dibdib ko pero hindi ko iyon pinansin. Yumuko ako at mas binilisan ang lakad.
Lumagpas ako sa kotse bago iyon nilingon. Umandar ang makina nito kaya muli akong napaharap roon. Sinalakay na ako ng kaba pero pinilit kong kumalma.
Just breathe. I have to breathe.
Nagbilang ako hanggang tatlo bago kumaripas ng takbo. Umalingawngaw ang Maserati at sigurado na akong hinahabol ako niyon. Bago pa man ako makaliko ay humarang na ito sa daraanan ko. Napahinto ako at gulat na gulat na tumingin sa kotse.
"Anong--"
Bumukas ang pintuan at dalawang lalaking nakatakip ang mukha ang lumabas. Ang isa ay hinawakan ang braso ko habang ang isa naman ay tinakpan ang mukha ko gamit ang isang panyo. Ilang beses akong naglaban pero nanuot na ang amoy sa akin.
"Dahan dahan lang G!" narinig kong sabi ng isa sa kanila. Malabo na iyon sa pandinig ko. Bago ko pa man mabukang muli ang mata ko ay sumalakay na sa akin ag dilim.
-------------------------------------
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top