Ang Batayan
44
Sinikop ko ang laylayan ng dress na pinahiram ni Avvi sa akin. Mahaba ang likuran niyon pero hanggang tuhod lang ang harapan. Sinulyapan ko ulit ang sarili ko sa harap ng salamin bago huminga ng malalim.
Alright. This is already my best look.
Kinakabahan talaga ako. I want everything to be perfect. Gusto ko kapag nakita ako ni Tatay Sandro, wala na siyang iba pang masasabi sa akin. He will just smile and accept me. Ayaw ko ng maulit ang nangyari noon. Lalo pa ngayong ayos na kami ni Stanley.
Alam kong kahit na ano pa ang sabihin ng Tatay, hindi na magbabago ang isip ni Tan Tan tungkol sa akin. Matigas ang ulo ng Montreal na iyon. Hindi siya makikinig sa Tatay niya. But then again, Tatay niya iyon. Ayaw kong mahati si Stanley sa pagitan naming dalawa. Ayaw kong mamili siya.
Kinuha ko na ang purse ko bago bumaba sa naghihintay nang si Stanley. Agad siyang tumayo ng makita akong pababa sa hagdan. Kumunot ang noo niya pagkakita sa suot ko kaya napatigil ako sa pagbaba.
"Why?"
Lumunok ito at lumapit sa akin. Inalalayan niya ako pababa kaya sumunod na lang ako.
"Bakit Tan?"
Tinitigan lang niya ako bago nagkamot ng batok. Nilingon niya ang kwarto ko sabay nguso.
"Wala ka bang ibang damit?" naiinis niyang tanong. Tiningnan ko ang dress ni Avvi. Maganda naman ang tabas ah? Ano na namang ikaiinit ng ulo nito? Sumpungin talaga.
"Pangit ba?" balik ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Maya maya ay hinubad niya ang jacket niya at isinuot iyon sa akin. Napanganga na lang ako pero binigyan lang niya ako ng matalim na tingin.
"Wag mong tatanggalin yan." Utos niya. Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong makatanggi. Agad na niya akong hinila para makaalis na kami papunta sa birthday ni Shana.
Habang nasa daan ay hindi ko mapigilang hindi kabahan. Lalo pa noong pumasok na kami sa mansyon ng mga Montreal. Sa daan pa lang papasok ay kitang kita ko na ang kaibahan ng pamumuhay ni Stanley sa akin. Kahit saan man ako tumingin, karangyaan ang isinisigaw niyon. I just know I don't belong here. Isang babaeng naghiram lang ng masusuot para sa okasyon na ito. Sino ba naman ako--
Pinikit ko ng mariin ang mata ko. hindi pwede ito. Hindi pwedeng muli na naman akong magpakain sa insecurities ko. I have been there, I have done that. Napahaba lang nito ang proseso. Lalo lang akong nasaktan, lalo lang kaming nasaktan ni Stanley dahil binababa ko ang sarili ko.
Naramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa hita ko. Agad niyang hinuli ang kamay ko at marahan iyong pinisil. "You don't have to be nervous." Aniya. Ngumiti lang ako bago tumango.
Marami ng tao pagkapasok namin. Una kong nakita si Nanay na nakakapit sa braso ni Tatay. Nahagip kami ng kanilang tingin. Lumawak ang ngiti ni Nanay pagkakita sa amin ni Stanley. Agad niyang hinila si Tatay papunta sa amin pero naharang sila ng iilang lalaki. Napahinga ako ng maluwag dahil doon.
Hinaplos ni Stan ang braso ko bago ako hinila palapit sa kanya. "Victoria, relax." Bulong niya. Inakay niya ako sa lamesa kung nasaan nakaupo ang ibang AEGIS.
"Happy birthday." Bati ko kay Shana na nakaupo sa tabi ni Greg. Tumayo siya at niyakap ako. Humilig siya ng kaunti sa akin.
"Ang sweet ninyo ni Kuya." Tukso niya. Agad akong pinamulahan ng mukha sa sinabi niya. May sasabihin pa sana ako noong bigla na lang siyang lumayo sa akin.
"Aray! Kuya!" sigaw niya habang hinahatak ni Stanley ang buhok niya. Napanganga naman ako sa inasta ni Tan Tan sa kapatid niya.
"Tss."
"Ang sama mo talaga! Isusumbong kita kay Tatay." Asar nitong sabi. Tumawa lang ang mga nasa lamesa sa inasta ni Shana. Nakakuha kami ng atensyon dahil doon kaya nanahimik rin agad ang AEGIS. Nilingon ko si August na tumatawa rin kasama namin kanina. Kumaway siya sa akin at nginitian ko siya. Umupo ako sa tabi niya habang si Stanley naman ay pinagkukuha ako ng pagkain.
"Sungit, ang cute niya ano?" sabi nito. Nilingon ko ang sinasabi niya. Napasinghap ako ng makita na si Shana ang tinititigan niya.
"Si Shana? Hindi yan pwede. Si Greg gusto niyan eh. Atsaka baka patayin ka ni Tan Tan." Sagot ko. Ngumuso lang siya bago niya hinawakan ang dibdib.
"Naman. Saklap nun dude. Di pa nga nagsisimula lovestory ko, natapos na agad." Pagdadrama niya. Hindi na ako nakasagot noong tinawag ni Shana ang buong AEGIS at naghingi ng performance mula sa kanila. Nag-aalalang tiningnan ko si Greg, pero mukhang ayos na ito.
Sabay sabay silang anim na umakyat sa stage roon. Dalawang micstand ang nilagay at pumwesto sa tig-isa noon ang mga vocalists nila. Tumayo ako at nilitratuhan silang anim. I can say that they're complete now. Gumilid ng kaunti si Greg at may ibinulong ng kaunti kay August. Tumango lamang si Pangit kaya sabay silang humarap sa apat.
Nagsimula na silang tumugtog, mostly si August lang din ang kumakanta. HAlatang nahihirapan pa si Greg at hindi pa ganoon kayos ang timbre ng boses niya, but he's getting there. Konting pahinga na lang ay maari na silang bumalik sa dati.
"Victoria."
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nakita ko si Tatay na nakapamulsa sa likod ko at pinapanood rin ang AEGIS. Agad akong tumayo at nagmano dito.
"Follow me." utos nito. Nilingon ko si Stanley na abala sa pagtugtog. Walang kiming sumunod ako kay Tatay. Abot abot ang tibok ng dibdib ko habang naglalakad kasunod nito. Binuksan ni Tatay ang isang pintuan at pinauna akong pumasok.
Umupo ako sa sofa pero tinitigan lang ako ni Tatay ng matalim kaya agad akong napatayo.
"You should not sit without my permission Victoria." Matalim nitong sabi. Tumango na lang ako at yumuko na lamang. Umupo siya sa kanyang swivel chair at tinitigan ako. Hindi ko alam kung saan koi ibabaling ang tingin ko habang si Tatay ay hindi matinag sa pagtingin sa akin.
"So," huminga siya ng malalim bago niya binuksan ang drawer sa kanyang lamesa. Inilabas niya roon ang isang tseke bago niya iyon pinirmahan. "Ilagay mo na lang kung magkano ang gusto mo--"
Natigagal ako noong maintindihan ko ang pinupunto ni Tatay.
"Ano?"
"Name your price Victoria. Ibibigay ko. Just leave my son alone." Madiin nitong sabi. Napasinghap ako at abot abot ang pag-iling sa kanya.
"Tatay--"
"Mr. Montreal, Victoria." Seryoso nitong sabi. Huminga ako ng malalim. Ang kaninang kaba ay napapalitan na ng galit. Anong karapatan niya para ipahiwatig na pera lang ni Stanley ang kailangan ko? He knows me. Nakita niya kung paano ako lumaki. Ganon lang ba talaga kababa ang tingin niya sa akin?
"Blanko na ang tseke iha. You can take several thousands..millions if you like. Mabibili mo na ang kahit na anong gusto mo. You can buy a house or start your own law firm. Name it. Ang gusto ko lang, iwan mo si Stanley."
Tinitigan ko lang siya. Hindi ko maisip na si Tatay Sandro nga ang nasa harapan ko. Pakiramdam ko ay demonyo ang nakatayo at nakikipagusap sa akin ngayon.
"I told you to come back if you are worthy of my son, if you are worthy of being a Montreal. But seeing you now, hindi ka pa rin sapat Victoria." Madiin niyang sabi. Kumirot ang dibdib ko at naramdaman ko ang pananakit ng lalamunan ko. Pero hindi ako iiyak. I'm not a little girl anymore.
"Ano bang batayan ninyo ng sapat Mr. Montreal?" tanong ko. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko sa aking gilid. Ngumiti lang ito pero nakikita ko sa mga mata niya ang panganib sa likod niyon.
"Have you seen my wife, Victoria? Siya ang batayan ko. Kaya mo bang gawin ang nagawa niya para sa amin ni Stanley? She fought for us. She gave everything that she has for us. Nagtiis siya sa lahat ng sakit na dinanas sa kamay ko. Nagsakripisyo siya para sa amin Victoria." Tumigil siya at umikot sa lamesa. Lumapit siya sa akin hanggang sa magkatapat na kaming dalawa.
"Bukod doon, maganda siya. Mabait. Matalino. Kayang kaya niyang sabayan lahat ng mga tao sa paligid ko. She is not insecured. May tiwala siya sa sarili niya. She knows how to handle a life being a Montreal. Lastly," yumuko ito para magkapantay kaming dalawa. "Hindi niya kami tinalikuran. Hindi niya ako iniwan." Dumiretsyo siya ng tayo at namulsa.
"Sapat na bang batayan yun Victoria?" paghahamon niya sa akin. Sa mukha niya ay ang ngiting gustong gusto kong burahin.
I am no Phoebe Montreal. Mabuhay man ako ng ilang beses, hindi ko mapapantayan ang isang tulad ni Nanay. Pero hindi sapat na dahilan iyon para gawin ko kung anong gusto ni Tatay.
Inilahad nito sa akin ang blankong tseke. "Wag mo ng pahirapan ang sarili mo Toryang. Tanggapin mo na ang tseke and you can rest in peace." Aniya. Tinitigan ko siya bago kinuha iyon. May kung anong dumaan sa mata niya bago siya malamyang ngumiti.
"I see--"
Nilukot ko ang tseke bago pa man niya matapos ang litanya niya. Hindi pa ako nakuntento, binato ko iyon sa sahig at inapakan. Habang ginagawa ko iyon ay nakatingin lang ako ng diretsyo sa mga mata niya. Look at me Alessandro Montreal. I'm grown up now.
"Tama ho kayo Sir. Marami ho akong hindi maibibigay kay Stanley. Unang una na ang ganito." Sabi ko at nilahad ang kamay sa buong lugar. "Wala akong pera. Hindi ako kasing yaman ninyo. I can't even pronounce the names of the foods in your menu, but then to tell you frankly, I don't even care. Mas mababa nga siguro ako sa ibang babae dito. May mas matalino sa akin, mas maganda, mas mabait, mas bagay kay Stanley, pero wala ho akong pakialam. Mahal ko ho ang anak ninyo at sigurado ho akong mahal din niya ako." Matapang kong sagot. Tinaas ko ang noo ko at hinamon siya gamit ang tingin.
"Wala ho akong balak pantayan si Nanay. She's one of a kind Tay. Pero hindi sapat na rason iyon para bitiwan ko ulit si Stanley. I made that mistake then, I won't repeat it now. In case you haven't notice, nagkasakitan lang kami ng anak mo."
Tumaas ang sulok ng labi nito at agad niyang tinakpan ang kanyang bibig. Kung hindi lang talaga ako galit, iisipin kong napapangiti siya sa mga sinasabi ko.
"You made me leave then. Pumayag ho ako dahil insecured ako. Natakot ako sa hamon ng pagiging Montreal. I wanted to be enough.." humina ang boses ko at napayuko na lamang ako. Tinitigan ko ang sapatos ko bago huminga ng malalim.
"But then,sino nga ba tayo para diktahan si Stanley ng kung anong sapat para sa kanya? Yes, you may be his father and I am his girlfriend, pero hindi ibig sabihin noon ay may lisensya na tayong pangunahan ang desisyon niya. Tapos na ako sa ganon Tatay. Kung aalis man ako, si Stanley ang magpapaalis sa akin. if he wants me to stay, then I'll stay. Hindi na ho ako makikinig sa kahit na anong sabihin ninyo."
"Pwede ninyong isampal paulit ulit sa akin ang pera ninyo. But I won't go. Hindi na ho ako ulit luluhod sa mga utos ninyo." May diin kong sabi. Tuluyan ng kumawala ang ngiti niyang kanina pa niya pinipigil.
Hinihingal ako ng matapos akong magsalita. Matagal na katahimikan ang namayani sa amin bago bumukas ang pintuan. Agad may mga brasong bumalot sa akin at halos matumba ako noong maramdaman ko ang presensya ni Stanley. Nakahinga na ako ng maluwag ng maramdaman ko siya sa tabi ko.
"Ano ito? Are you asking her to leave again?!" sigaw ni Stanley. Tiningnan lang siya ni Tatay bago niya ibinalik ang tingin sa akin. Inilagay ako ni Stanley sa likuran niya at hinarap niya si Tatay.
"Hindi pa ba kayo natuwa noon? Ano bang problema mo ha?" tuloy tuloy nitong tanong. Lumapit si Nanay sa amin at hinawakan niya si Stanley sa braso.
"Sweetheart." Pag-aalo ni Nanay dito pero hindi natinag si Stanley. Patuloy pa rin ang matatalim nitong titig sa kanyang Tatay.
"There is a rule in our family Victoria. When a Montreal falls inlove, he gives everything he has. Come what may, a Montreal fights for his love."
Nilingon ko siya. Hindi ko makuha ang kanyang sinasabi. Nakita ko rin ang kalituhan sa mukha nina Nanay at Stanley.
Ngumiti siya at lumapit sa akin. Ginulo niya ang buhok ko bago niya hinawakan ang magkabila kong braso.
"Sa wakas, natuto ka rin." Masaya niyang bulong. Napanganga na lamang ako sa narinig. Niyakap ako ni Tatay bago niya tinapik ang aking likod.
"Wag mo na ulit siyang iwan Toryang. Never doubt yourself. Never let your insecurities rule over you. Kahit gaano pa yan kasungit, wag mo siyang bibitawan. That is all that I want for my son."
Tumulo na ang luha ko pagkarinig sa mga salita niya. Yumuko ito at pinunasan ang aking pisngi.
"You're enough back then. You're more than enough now. I'm glad." Aniya.
-------------------------
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top