About Time

32

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay namin ni Avvi. Namalayan ko na lamang na nakahiga na ako sa aking kama at nakadungaw sa bintana, pinapanood ang mga ilaw sa bawat building na nasa malayo. The world seems too big for me. Hindi ko na alam kung ano ba ang susunod kong gagawin ngayon. After everything that happened, pakiramdam ko ay nawala ako at hindi ko na alam kung saan ba hahanapin ang sarili ko.

This is not healthy anymore. Hindi na dapat ganito Toryang. Yes, you can love with all your heart, but you should not lose yourself in the process.Magmula noong natuto akong magmahal, kinalimutan ko na ang sarili ko. My world revolved around Stan. Minahal ko ang mga bagay na mahal niya. Iningatan ko lahat ng mahalaga para sa kanya. Ginawa ko ang lahat dahil sa pagmamahal ko. Everything that I did, it was all for him. And in the process, I lost myself. I lose the young girl who used to believe I need to find myself. Kailangan kong hanapin ang sarili kong naiwala ko noong nahanap ko si Tan Tan.

"Tori?" mararahang katok ang gumising sa diwa kong natutulog. Tumayo ako at pinagbuksan si Avvi. Ngumiti siya sa akin pero agad din iyong nawala ng makita ang aking itsura.

"Anong nangyari?" nag-aalala nitong tanong. Nagkibit balikat lang ako bago siya tinalikuran. Dumiretsyo ako pabalik sa kama ko at ramdam ko pa rin ang pagsunod ng kaibigan ko sa akin. Umupo ako sa aking higaan at niyakap ang mga binti ko.

"Hindi sila nagperform. I thought pa naman they have a new song. Bakit kaya?" tuloy tuloy pa ring sabi ni Avvi. Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay ang sagot ko.

"And Ethan was yelling at Athan. Hinanap kasi kita eh. Tapos I saw the two of them fighting." Pinakatitigan niya ako ng para bang hinihintay niyang magwala ako sa dala niyang balita. Huminga ako ng malalim at umiling na lang sa kaibigan ko. Gumapang siya papunta sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"What the hell happened Tori?" seryoso na ang boses ni Avvi noong tinanong niya ako. Kinagat ko ang labi ko bago siya tiningnan. Hindi ko namalayan na tuluyan ng tumulo ang luha ko habang nakatingin ako sa aking kaibigan.

Sinabi ko kay Avvi ang lahat, magmula sa ginawa ni Athan hanggang sa lahat ng salitang binitawan ni Stanley. Habang ginagawa ko iyon ay nakikinig lamang sa akin si Avvi at hinihintay akong matapos. Sa huli ay halos hindi na ako makahinga sa sobrang luha ko. Tiningnan ko si Avvi na nakayuko lamang.

"Where did everything go wrong Avvi? Noong bata pa lang kami, ang simple lang ng bagay eh. Hindi ko alam kung paano kami napunta dito." Basag ang boses kong sabi. Lumapit si Avvi sa akin at inihilig niya ang ulo niya sa balikat ko.

"You know, your problem is in here Tori." Sabi nito at inilagay niya ang kamay niya sa dibdib ko. Umayos siya ng upo at tinitigan ako.

"Naover-use kasi yan eh. Nakalimutan mong meron pang isang parte mo na mas marunong gumawa ng desisyon.You forgot to use this Tori." Itinuro naman niya ang sentido ng aking ulo. Ngumiti siya bago nagkibit balikat.

"Forget about the people who say follow your heart for it will lead you to your happiness. That's bullshit Tori. Hindi sa lahat ng oras, tama ang puso. Sometimes, we have to learn how to listen to what our mind says. Ikaw, ano bang sinasabi ng utak mo ngayon?" tanong niya. Tumingin ako sa malayo at hindi sumagot.

"I bet your mind wants you to take a rest." Marahan nitong sabi. Tiningala ko siya bago nagkibit balikat. Humiga na ako at tinalikuran si Avvi. Huminga ako ng malalim bago pumikit na lamang.

I don't want to cry. I'm tired of crying for the same old reasons. Pero hindi ko magawang pigilan ang mga luha ko kapag naiisip ko ang lahat ng nangyayari ngayon. Maybe Avvi is right. Maybe I should take a rest. Legal naman ang mapagod hindi ba?

Ilang araw ko ring iniwasan ang AEGIS. Hindi ko sinasagot ang tawag nila E at kapag bumibisita sila ay nagkukulong lang ako sa kwarto ko. Alam kong nagtataka na ang tatlo pero hindi ko pa sila kayang harapin. Everything is still fresh for me, at ayaw ko ng idamay ang tatlo sa gulo.

This is better. Distance will help me heal. Maganda na rin na kapag bumibisita ang AEGIS, wala rito si Stanley at Athan. I bet the two of them is nowhere to be found too.

Mararahang katok ang nagpagising sa halos patulog ko ng diwa. Hindi na ako tumayo dahil nagbukas na rin naman iyon at sumilip si Avvi. Alanganin siyang ngumiti sa akin bago niya tinuro ang likuran niya.

"Ethan wants to talk." Alanganin niyang sabi. Napaupo ako sa kama at tiningnan ang bukana ng pinto. Nakita kong nakasandal si Iñigo sa may hagdanan habang si Greg at Ethan naman ay nakasilip sa may pintuan. Hindi nila hinintay na pumayag pa ako. Sabay sabay silang pumasok. Napasinghap ako ng sa may pinakalikod ay pumasok rin si Athan. Nanigas ang panga ko ng makita ko siya. Agad kong kinagat ang labi ko para wala akong masabing kahit na ano.

"Kamahalan." Lumapit si Ethan sa akin at umupo sa tabi ko. Tiningnan ko lang siya at pilit na ngumiti.

"Ilang araw mo na kaming pinagtataguan Toryang. May problema ba?" nagtataka namang tanong ni Greg. Hindi ako sumasagot. Nanatili lamang akong tahimik. Tumikhim si Athan at lumapit sa akin. Tiningnan ko lang siya at ako na rin ang naunang nag-iwas ng tingin.

"I'm sorry." Mababa ang boses niya noong sinabi niya iyon. Napangiti ako ng mapait bago umiling.

"Victoria, I'm sorry. I didn't mean to--"

Napatigil siya noong tumulo ang luha ko. Nagmamadali ko iyong pinunasan bago pa magunahan ang mga ito sa pagtulo. Narinig ko pa ang mga pagsinghap noong makitang umiiyak na ako.

"Umalis ka na." sabi ko. hindi agad nakagalaw si Athan sa narinig niya. Namutla ito bago dahan dahang lumapit sa akin. Umupo siya sa sahig na para bang lumuluhod lang sa akin. Nagulat ako sa kanyang ginawa pero sinubukan kong ipinakita na walang epekto sa akin ang ginawa.

"What the hell is happening here?" mataas na ang boses ni I noong magsalita siya. Hindi kami sumasagot dalawa. Nakayuko lang si Athan sa gilid ng kama ko at hindi gumagalaw.

"He's not the one for you." Mariin niyang sabi. Natawa na lang ako sa narinig ko sa kanya. How can he say that to me? Wala siyang karapatan!

"Victoria.."

"Shut the fuck up Nathaniel." Malamig na sabi ni Ethan. Tumingala si Athan dito. Ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang seryosong mukha ni Ethan na nakatingin sa kakambal. Umiling si Ethan dito bago niya ako tiningnan. Ng dumako ang tingin niya sa akin ay malungkot siyang ngumiti.

"I won't tolerate this Nathaniel. Tumigil ka na." madiin nitong sabi. Tumigas ang mukha ni Athan at natawa na lang.

"I'm sorry. Toryang.." tuluyan ng pumatak ang luha nito. Lumapit si Ethan sa kanya at hinila ito palayo sa akin. Umupo silang dalawa sa gilid habang si G at I ay nagtataka lamang na nakatingin sa kanilang dalawa.

Hindi na nakapagpigil ang dalawa na walang alam sa nangyayari. Ethan was the one who told them everything. Nagulat na lamang ako ng malaman na alam rin pala iyon ni Ethan. Tiningnan niya ako at nagkibit balikat.

"Narinig ko yung pag-uusap niyo sa fire exit." Simple lang niyang sabi. Matagal walang nagsasalita sa aming lima. Abot abot ang tibok ng dibdib ko sa sobrang kaba. Sinulyapan ko si Iñigo, sa lahat sa kanya ako pinakakinakabahan. Iñigo is rude. He can be a devil, lalo na kapag nagalit siya at nasagad ang pasensya.

"I want him out." Si Greg ang nagsalita. Napausog ako sa kama sa narinig.

"Greg--"

"Hindi na natin kailangang magbotohan. Umalis ka na." si Iñigo naman ang sumunod. Namutla ako at napatingin kay Ethan. Yumuko lang ito at wala sa loob na napatango.

"Iñigo, Greg, please." Nagmamakaawa kong sabi. Tumingin lang silang dalawa sa akin. Huminga ako ng malalim bago ko pinunasan ang luha ko.

"Please don't do this. Wag ninyong sirain ang AEGIS. Wag ninyong takpan ng isa pang pagkakamali ang nagawa ni A." seryoso kong sabi. Umigting ang panga ni I sa narinig.

"Tanga ka ba talaga Victoria? Pagkatapos ng ginawa niya--"

"Tapos na nga kasi I. Okay na. Isa pa, I should be thankful. Kung hindi niya ginawa yun, hindi ko malalaman na ganun lang pala kababaw ang tingin ni Tan sa akin. Okay na. Please, ang tagal na ninyong pangarap ang AEGIS. Hindi ako papayag na masira lang yan dahil sa gulo sa pagitan naming tatlo." Pagpupumilit ko. Kinagat ni I ang labi niya bago niya inihilamos ang kamay sa mukha niya.

"Bahala ka sa buhay mo." Galit niyang sabi bago lumabas. Binagsak niya ang pintuan at walang lingon likod na umalis. Sumunod sa kanya si Greg at Ethan at naiwan kaming dalawa ni Athan sa loob.

"Sana hinayaan mo na lang sila." Bulong nito. Tiningnan ko siya. Nakayuko lang siya sa gilid at hindi malaman ang gagawin.

I can't blame him. Gustuhin ko man, hindi ko kaya. Nakikita ko ang sarili ko kay Athan. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng pagiging desperado sa pagmamahal. Alam ko kung gaano kasakit iyon. At ayaw kong talikuran pa siya ng AEGIS. Ayaw ko ng dagdagan kung ano man ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Layuan mo na ako." Pinal kong sabi. Tiningala niya ako at bumuka ang bibig niya.

"Toryang.."

Ngumiti ako at umiling sa kanya. Pinunasan ko ang luha ko bago nagkibit ng balikat.

"Wag na wag mo na akong kakausapin. Wag mo na akong iisipin. Mag move on ka na." sabi ko sa kanya, pero alam kong sarili ko lamang ang pinagsasabihan ko. Iniiwas niya ang tingin niya sa akin.

"And when the time comes, na hindi mo na nararamdaman ang sakit. Na kapag nakalimutan mo na ako. Kapag nagmahal ka na ulit, balikan mo ako A. And we will start again. As friends." Nakangiti ko ng sabi. Huminga ng malalim si Athan at tumango na lamang.

"As friends."

Pinunasan ko ang luha ko at tumayo na para lapitan siya. Tinapik ko ang balikat niya at tiningnan siya sa mata.

"Someday, you will find a girl who can love you with all that she have A." naluluha kong sabi. Ngumiti si Athan ng malungkot bago tumango na lamang.

-----------------------------------------

Pagkatapos ng usapan namin ni Athan sa apartment ay hindi na siya muli pang nagpakita. Siguro ay abala sila sa nalalapit nilang comeback concert na gaganapin sa bisperas ng pasko. Ilanga raw na lang rin at pasko na. Hindi ko mapigilang hindi maexcite sa naisip.

Maybe I should get something for Avvi. Pasko ang pinakapaborito niyang okasyon. A pair of earrings or a bracelet will do. Agad na akong pumasok sa isang kilalang jewelry store para maghanap ng ireregalo kay Avvi noong mapahinto ako sa pintuan.

"Toryang? Ikaw na ba yan?" salubong sa akin ni Nanay Phoebe. Nakangiti ko siyang nilapitan. Lumayo siya sa estante at naglakad sa aking direksyon.

"Kamusta ka na?" masaya niyang tanong. Sinagot ko lamang siya. Inakay niya ako sa isang sofa bago niya hinawakan ang aking kamay.

"Oh dear. Alam mo bang ilang linggo kaming nag-away ni Alessandro noong malaman kong siya ang nagpaalis sayo. That guy. Napakadominante talaga." Inis na inis nitong sabi. Napatingin lamang ako sa kanya.

"Alam niyo po?"

"Of course Toryang. Asawa ko si Sandro. Hindi siya nagtatago sa akin." nagkibit balikat siya at inayos ang alon alon niyang buhok. "I understand him. Natakot kami para kay Stanley Toryang. Ginagawa niya ang mga pagkakamali ni Sandro noon. And he is a father. He will do everything just to shield his child from hurt. He knew you were not both ready. Stanley's not ready. Ginawa lang niya iyon kasi yun ang iniisip niyang makabubuti sa inyong dalawa."

Kinuha niya ang kamay ko at marahan iyong hinawakan. Inipit niya ang buhok ko sa likuran ng aking tenga.

"Pasensya ka na Victoria."

Hindi agad ako nakapagsalita. Phoebe Montreal is apologizing. To me?

"Nay.."

"Akala ko kayo na talaga ni Stan. He even planned to propose. Sayang nga lang at hindi natuloy." Malungkot niyang sabi. Ngumiti siya sa akin habang bakas ang panghihinayang sa kanyang boses.

"Nanay, I think Ria will like this."

Lumingon ako sa likod ko at nakita si Stanley na naglalakad palapit sa amin. Hindi niya ako napansin dahil nakatutok ang tingin niya sa singsing na hawak.

Nawalan ako ng hangin sa nakita. Stan is holding a ring. Leria's ring. Iniiwas ko ang tingin ko at huminga ng malalim. They're getting married.

People come and go. You just have to learn to live with that. Sometimes, being selfless is a sign of idiocy. Learn to love yourself. You can't lose who you are because you fell. There is a time for everything. There is a time when everything is enough.

This is a sign. I should stop this. I should stop the chase. I should love myself more. Hindi na pwedeng kay Stanley na lamang iikot ang mundo ko.

----------------------------------

Prelims ko po.

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top