CHAPTER (1)

***

Hay...

Lunes na naman...

Pasukan na naman...

Lagi na naman akong stress nito. Wala na naman akong ibang gagawin kun'di ang gumawa ng mga lesson plans at mag-asikaso ng mga projects ng mga students ko na i-checheck ko pa mamaya.

Hindi pa ako nakakabangon nang biglang tumunog ang phone ko. Napabuntong hininga na lamang ako nang makita ko kung ano ang nanggigising sa akin na ang aga-agang nambubulabog, tsk!

*clatsing! clatsing!*

---

Forda Group Chat

FordaBantot (Jamie):

— Ano na, Sam?
Sasabay ka ba sa'kin
papuntang school?

FordaGandaLangAmbag (Me):

— May kotse ako, bruha ka.
Mauna ka na.


— Tim, baka ma-late ako
ng kaunti. Ok, bye!

---

Wala akong panahon makipag-chikahan sa mga 'to. Mamaya na lang sa faculty kapag nakarating na ako. Siguradong maraming dalang tsismis ang mga 'to.

Bumangon na ako at pumunta na ng kusina para mag-prepare ng umagahan ko. Medyo naaantok pa ako pero kailangan ng mag-prepare, baka talagang ma-late ako ng sobra niyan kapag binagalan ko pa ang galaw ko.

Nang makarating na akong kusina, ang una kong binuksan ay ang fridge. Kumuha ako ng two slices of bread. Kumuha ako ng isang malinis na baso at nilagyan iyon ng paborito kong gatas. I toasted the bread and saka ko nilagyan ng tsokolateng palaman.

Kinain ko iyon ng may kasamang pagmamahal, pag-uunawa, lambing—HAHAHAHA!

Charot!

Ganito talaga ako. Minsan okay lang , madalas weird. Oh 'di ba? Kita niyo naman ang kagagahan ko. Kung paano nasama ang pagmamahal, pag-uunawa, at lambing sa pagkain ko ng umagahan ko. Hahaha!

"M-ma'am, bakit nakangiti po kayo ng mag-isa?"

Napaigtad ako nang may marinig akong tanong mula sa isang kasambahay kaya naging seryoso ulit ang mukha kong hinarap siya.

"Wala, may naalala lang ako."

Oh 'di ba? Ano namang naalala ko? Self! Anong pinagsasasabi mo?! Jusko!

"Ah, s-sige po." anito at saka ako iniwan sa kusina na kumakain.

Shit!

Kagagahan ko gumana na naman, tss! Ngingiti-ngiti kasi kung saan-saan! Happy yarn? Hayst! Mamaya pagkamalan akong nababaliw dito.

Pagkatapos kong mag-agahan ay umakyat ulit ako papuntang kwarto para mag-prepare ng isusuot kong uniform. Para makaligo na din at makapagbihis na agad. Mag-aayos pa ako ng mukha ko para magmukhang presentable sa mga makakakita sa akin sa office at pati na ng mga estudyante ko ngayon.

***

Nang matapos na ako sa lahat-lahat ay lumabas na ako at sumakay na sa van namin. Hindi ako magdadala ng sasakyan ko ngayon kasi tinatamad akong mag-drive. Van ang pinagsakyan ko kasi marami akong dalang requirements ng mga estudyante ko. Ipapabitbit ko na lang sa driver ko yung iba na hindi ko na madadala.

"Let's go, Manong." utos ko na siya namang sinunod ng driver ko.

Sinabi ko din na medyo dalian niya ang pagmamaneho para hindi ako gaanong ma-late. Late na nga ako, magiging sobrang late pa. Kung gano'n lang din, bakit pa ako pumasok 'di ba?

Habang nasa biyahe papuntang school, nakinig muna ako ng musics na pinapatugtog ni Manong. Pana'y old songs kaya nagreklamo ako kaya nilipat niya ng channel. Natuwa ako at sumabay sa tugtog nang ang mga pinatugtog sa radyo ay mgapaborito kong kanta ni Taylor Swift.

"You're on the phone, with your girlfriend she's upset..." pagsabay ko pa sa kanta.

"Swiftie po pala kayo, Ma'am?" Napahinto ako nang biglang matanong ang driver ko.

"Ang daldal mo, Kuya. Itutok mo nalang 'yang atensyon mo sa daanan. Mamaya mabunggo pa tayo." Diyos ko po! Late nga ako, tatanong-tanong pa siya! Di na lang dalian sa pagmamaneho at ng makarating na kami.

"S-sige po." anito.

Umayos ako ng upo at muling sumabay sa kanta na aking naririnig. Paminsan-minsan ay napapasayaw ako nang dahil sa vibe na dala ng bawat kanta.

Siya nga pala, bago ang lahat. Ako ay magpapakilala muna. Kasi kanina pa ako kuda ng kuda dito pero di niyo pa pala alam ang buo kong pangalan, pati na rin kung sino talaga ako.

Sawadee kha! Di-chan Samantha Lemphiton Piakhun kha (Hello! My name is Samantha Lemphiton Piakhun). But, they call me as "Sam" or "Khun Sam" since I'm from a wealthy family, yeah. They're always saying that I look like Freen Sarocha Chankimha. Well, hindi ko maitatanggi na maganda si Freen.

Pero kung ako ang tatanungin, ang layo po na kamukha ko siya. Kahit nga hawig ay ang layo pa din. Sobrang layo, opo.

Tapos ito pa ang isang issue. Since, isa akong half Thai ay sinasabi nilang ako daw ang Freen ng Pinas na itinatanggi ko naman kasi alam ko namang hindi ako magiging kahawig ng isang Freen Sarocha.

Fluent ako pagdating sa Tagalog at Thai. Medyo tagilid minsan sa English, hahaha! But, I'm willing to learn. Kaya minsan itinatama ng mga co-teachers ko ang grammars ko.

Sorry sa minsan kong pagtataray. Oo, mabait naman ako. Sobrang bait ko nga eh.

Kapag tulog.

Minsan lang talaga ako magtaray.

One week.

Oh 'di ba? Minsan lang talaga. Minsan lang talaga para sa akin 'yan. Minsan lang talaga ang one week.

Ang dami kong kuda! Diyos ko po!

"Ma'am, nandito na po tayo."

Nandito na pala? Hindi ko namalayan 'yon ah. Ang daldal ko kasi masyado kaya siguro hindi ko na napansin na nasa parking area na pala kami ng school.

Makababa na nga lang at ng makapasok na.

Pinagbuksan ako ng pinto ng van ng driver ko saka ako inalalayan na bumaba. Nang makababa na ako ay kinuha niya muna ang iba kong dala saka isinara ang pinto ng van. Mas nauna na akong maglakad kasi late na ako. Kailangan kong umabot sa oras kasi sigurado akong nagsasaya na naman ang mga estudyante sa section kung saan ang klase ko sa mga ganitong oras.

Kasi nga late akong dumating.

Ewan ko ba! Ang sarap humilata eh. Kung ako lang ang may-ari ng school na ito, mas gugustuhin kong matulog na lang maghapon kaysa magturo. Kaso, sayang ang sweldo kung hindi ako papasok.

Ilang minuto pa ang lumipas at narating ko na din ang faculty namin ng mga kaibigan kong teachers din. Wala na yung isang kaibigan ko, nasa klase na siya ngayon. Mamaya pa 'yon babalik kasi mamayang ten o'clock (10:00 AM) pa ang next class niya. Pagkatapos pa ng breaktime.

Samantalang ako, 7:30 AM hanggang 9:30 AM ang klase ko. Two sections ang tuturuan ko ngayong umaga. Ang sakit pa sa ulo madalas kasi ang gugulo nila kapag may mga activities na pinagawa ako sa kanila. May President pa ng klase na imbis na siya ang napapatigil sa mga kaklase niya ay isa rin siya sa mga maingay.

"Oh, nandito ka na pala. Ang tagal mo, mare!" bungad sa akin ni Timothy.

Si Catherine Flores o mas kilala bilang Timothy Flores ay isang lesbian na kaibigan ko. Isa din siyang dating teacher at siya ang anak ng may-ari ng school na ito. Ngayon ay isa na siyang director ng buong school na pinagtatrabahuhan ko ngayon.

Pero matagal ko ng kaibigan 'yan.

At oo, walang nanja-judge na estudyante sa kanya kasi istrikto ito at isa sa rules iyon ng school. Bawal na i-descriminate ang kahit na sino, pati na ang mga member ng LGBTQIA+ dahil dapat ay may pantay na karapatan.

Bakit panlalake ang pangalan niya?

Dito kasi sa University of Florescaño ay may ilang patakaran na wala sa karamihang paaralan. Kapag lesbian o gay dito ay hinihingan ng pen name bilang pagkilala na tanggap sila dito sa school. Tulad na lamang ng pangalan ni Timothy.

Since, hindi siya kumportable sa tunay niyang pangalan dahil nga isa siyang lesbian, Sir Timothy ang itinatawag sa kanya at d'yan siya kilala ng mga estudyante niya.

Nang maibaba ko na ang mga gamit ko pati ang mga dala ng driver ko na gamit ko rin, umupo na ako sa swivel chair ko dito sa office. Nakaka-stress ang biyahe papuntang school. Mamaya stress na naman ang dala ng mga estudyante ko. Hayst! Teacher's moments nga naman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top