Final Chapter


"D-DANRICK?"

"Yeah, it's me." Napakurap-kurap ang babae. "What's with the look in your face? Sad to see me?"

Napatiim-bagang si Danrick at inalalayan ang dalaga habang isinasakay sa kotse niya. Pinabayaan lang siya nito, tila naguguluhan pa rin na nakatitig sa kanya.

"Why are you here? Where are you taking me?" sunod sunod na tanong nito nang pinatatakbo na niya ang kotse. Hindi siya nagsalita. Punong-puno ng muhi ang dibdib ni Danrick at kung hindi lang niya inuna na mailayo agad ang dalaga. Baka pinapatay na niya sa bugbog ang lalaking 'yon.

Fuck him for trying to touch her. Taking advantage of her. Walang kahit sinong lalaki ang may karapatan na hawakan kung ano ang kanya. He dared to touch his woman. Nag-uunahan ang pagdagsa ng mga posibleng gawin niya sa lalaking 'yon.

Damn, he wanted to kill that sick bastard! Mabuti na lang nandoon siya para protektahan ang dalaga mula sa pananamantala ng hinayupak na 'yon!

Gusto niyang magpasalamat sa imbitasyon na galing sa isang kaibigan na malapit kay Gab. Nagkaroon siya ng pagkakataon na mabantayan si Jeasabelle. Hindi siya nito napapansin dahil nasa sulok lang siya at nakamanman habang kasama nito si Jeasabelle.

Obsessed stalker? Siraulong ex? Wala siyang pakialam kung maging ganon man ang tingin sa kanya ng dalaga.

Dahil sa isang banda, tama rin naman ito. It was all his fault kung bakit humantong sila sa hiwalayan. Kung bakit iniwan siya ni Jeasabelle.. Kung bakit hindi na siya nito balikan kahit ano pang pagsuyo ang gawin niya.

Damn, the problem was him.

Pero hindi siya nasuko. Wala siyang balak na sumuko na lang na hindi niya ipinapakita na totoong mahal niya ito.

Magta-tatlong buwan na niya itong nililigawan at sinusuyo para bumalik sa kanya. Kahit anong paliwanag niya at pakiusap dito, patuloy siyang nirereject nito. Itinataboy at determinadong ignorahin na lang siya. Pero wala siyang balak na tumigil kahit na nakikita na niyang gusto na talaga siya nitong kalimutan. Patunay na lang ang pakikipag-date nito sa Gabniel na 'yon.

He was never insecure. Pero nang pumasok na ang lalaking iyon sa buhay ng dalaga, aminado siya na unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa. Maybe, she's moving on with that guy. Maybe she really don't love him anymore.

Isa lang ang dahilan kung bakit hindi pa siya sumusuko. Iyon ay dahil mahal pa niya ito, at handa siyang maghintay kahit gaano pa katagal at kahirap. Hangga't hindi rin nito kayang sabihin na hindi na siya nito mahal, umaasa pa rin siya.

Malapit na siya sa tinitirhan niya ng mapansin niya ang pananahimik ni Jeasabelle. He was expecting her to confront him. Malamang gusto nitong malaman kung anong ginagawa niya doon. Pero naging tahimik lang ito.

Napansin niya ang pamumungay ng mata nito at pamumuo ng pawis sa noo ng dalaga. Parang kaybigat din ng paraan ng paghinga nito habang nakatitig sa kanya. "Dan," she whispered his name.

Umahon ang pag-aalala sa dibdib ng binata. "Anong nararamdaman mo? Hey, are you okay?"

"I- I don't feel good."

"Anong nararamdaman mo? Fuck, wait lang. Dadalhin kita sa ospital."

"No.. Don't." Sunod sunod na umiling si Jeasabelle, pagkatapos ay pumikit ito na parang nahihirapan. "Please don't."

What the hell is happening to her? Papatayin niya ang hayup na 'yon. Anong ginawa nito kay Belle?

Nagsisimula na siyang magpanic sa loob-loob niya. Hindi niya alam ang gagawin. Kailangan niya dalhin ito sa ospital.

"Malapit na ba tayo sa place mo? Dan?" tanong ng dalaga, at di niya napigilan ang pagtayo ng balahibo sa paraan ng pagtawag nito sa pangalan niya. May init, may pang-aakit.

It made his cock twitch. Fuck! Di na nga niya alam ang nangyayari dito. Nagpa-panic na siya. Pero nakuha pa niyang tigasan! Gusto niyang iuntog ang noo sa manibela. Kinalma niya ang sarili.

"Malapit na tayo. Are you sure ayaw mong dalhin kita sa ospital?"

Sumulyap siya sa dalaga.

"Yes. Just bring me to your place right now..."

Nagsalubong ang kilay ni Danrick. "Can you please tell me what you feel? Hindi ko alam kung bakit ayaw mong magpadala sa ospital." Nanginginig na siya sa kaba. Seryoso, papatayin siya ng dalaga sa kaba.

"I don't know know."

"Di mo alam? Then, dadalhin na kita sa ospital."

"Just bring me to your place, babe." she sounded so desperate and needy.

Umawang ang labi niya. "W-What are you.." Nabitin ang tanong niya nang maramdaman ang paghaplos nito sa bicep niya. Namumungay na inilapit nito ang mukha sa may tenga niya.

"I need you, Dan.." mainit na bulong nito. "I want you to fuck me now.."

Inilapit nito ang sarili sa kanya, dumikit ang malulusog na dibdib sa braso niya. At tila hinahanap ang init ng katawan niya. Di niya naiwasan ang pagnanasang nabuhay sa kanya.

Itinigil niya ang kotse sa tabi ng kalsada at madilim ang anyong tumingin kay Jeasabelle. Kita niya ang init sa mga mata nito at parang wala sa sarili na idinidikit ang sarili sa kanya. Inabot nito ang harap ng pantalon niya.

Pinigilan niya ang kamay nito. "No, no..!"

"Yes, yes!" Parang batang nakikipag-agawan ito ng laruan. "I want you, Dan! Please, please!"

She was in so much heat. So much lust. Mas lalong lumala ang galit niya sa lalaking kasama nito kanina. Kaya pala malakas ang loob nito na pagsamantalahan ang dalaga. It's because he drugged her! May inilagay ito sa drinks ng dating nobya para magkaganito ito ngayon. Naiintindihan na niya.

"Jeasabelle, look at me." Sinapo niya ang magandang mukha ng dating nobya-- pero para sa kanya, nobya pa rin niya ito. Sa kanya pa rin ito at walang sinong lalaki ang nagmamay-ari dito kundi siya lang. "I know what you feel now and I'm here to help you, okay?"

Pumikit ito at tumango. Hinalikan niya ang noo nito.

God, he love her so much.

Pinasibad niya ulit ang sasakyan. Nagmamadaling makarating sa unit niya. Sa elevator pa lang ay parang napapaso na siya sa init na namamagitan sa kanila. Hindi ito humihiwalay sa kanya. She was practically rubbing her body against him.

Matinding pagpipigil ang ginagawa ni Danrick para lang matiis ang ginagawa ng dalawa. Alam niya kung nakakapag-isip lang ito ng tuwid ngayon hindi nito gagawin ang ginagawa nito sa kanya ngayon. Baka masampal pa siya nito. Kaya naguguluhan siya. Ayaw niyang samantalahin ang sitwasyon nito ngayon..

Pumasok sila sa unit niya.

Nahigit niya ang hininga ng abutin ni Jeasabelle ang butones ng polo niya at marahas na tinanggal sa pagkakabutones. "Belle, baby, wait.."

"Please, Dan.. I want you now." Tumitig siya sa mga mata ng dalaga. He could see the lust and desperation in her eyes. Sinapo niya ang mukha nito. Then, he looked at her intently.

Habang nakatitig sa magandang mukha nito, mas lalo niyang narealize kung gaano siya nangungulila dito. He missed her so much. To hold her like this again, it was almost like a dream. He love her so much. He would do everything to have her again.

He know she would regret this tomorrow.. Dahil sisiguraduhin niyang hindi na ito makakawala sa kanya.

Bumaba ang mukha niya dito. Then, their lips met in a hot kiss. Hindi siya makapaniwala na hinahalikan niya ulit ito ngayon. Parang matagal silang nawalay at muling bumalik sa bisig ng isa't isa. Mainit na sinibasib niya ito ng halik. At sa marubdob na paraan, tinugon iyon ng dalaga.

Sabik na hinubad ng binata ang damit niya, pagkatapos ay nagmamadaling hinubad ang saplot ni Jeasabelle.

Ilang beses na niyang nakita ang katawan ng dalaga, pero hanggang ngayon namamahanga pa rin siya. She have the perfect curves of a woman that he really wanted in his bed. Nang unang beses pa lang na nakita niya ito sa bar habang palapit sa kanya, napukaw na nito ang interes niya. Mula noon, hindi na ito nawala sa isip niya.

Binaliw siya ni Jeasabelle sa paraang hindi nito nalalaman.

And now, seeing her perfect curves again. Naputol na ang pagtitimpi niya sa katawan. He would claim her like he never claim her before. Tonight, she will be his woman again. Wala na itong dahilan pa para itaboy siya palayo.

UMUNGOL si Jeasabelle at gumulong sa kama niya. Damn. Parang pinupukpok sa sakit ang ulo niya. Nakainom ba siya ng marami kagabi? Hindi naman niya natatandaan na naglasing siya ng bongga.

Si Gab ang maraming ininom kagabi at inuulukan siyang uminom din.. Hindi niya alam kung paano niya nagawang makauwi.. Nanigas ang kanyang katawan ng rumehistro sa isip niya ang ilang imahe ng nangyari kagabi.

Napamulat si Jeasabelle at agad na napatingin sa side table niya. Mas lalo siyang natigilan sa pagpasok ng realisasyon. She's not in her room! Pamilyar ang kwartong ito pero hindi ito ang kwarto niya! At higit sa lahat, wala siyang saplot! Tanging ang makapal na kumot lang ang nagtatakip sa kahubdan niya.

Napabalikwas siya sa kama.

"Finally, you're awake." saad ng baritonong boses. Napalipad sa may pinto ang tingin niya at nakita niya si Danrick na nakatayo sa pinto ng kwarto nito. Nakasandal doon na topless at drawstring pants ang pang-baba. Hindi na kailangan mag-effort, para itong model sa men's magazine na nagpo-promote ng healthy lifestyle.

Mukhang nabawasan ito ng timbang pero ang katawan nito, pang-kama pa rin. Sinaway niya ang sarili at iniiwas ang tingin sa dating nobyo.

Tumikhim siya. "Anong ginagawa ko dito?"

"Wala ka bang naalala?" balik na tanong nito. Pilit na inalala niya ang mga nangyari kagabi. Hindi man malinaw, isa-isang dumagsa ang pira-pirasong imahe ng mga nangyari..

Ang party na pinuntahan nila ni Gab, ang pagtanggi niya sa alak na inaalok nito, pero mapilit ito at ayaw naman niyang maging KJ sa harap ng mga kaibigan nito kaya tinatanggap niya.. Ang pagpapaalam niya dito na umalis.. Ang panghihina at pagkakaroon ng kakaiba sa pakiramdam niya..

Then,the most important: the memory of Gab forcing her.

Naaalala na niya! Muntikan na siyang mapagsamantalahan ni Gab! That asshole! Pinagkatiwalaan niya ito. Hindi niya alam kung ano ang inilagay nito sa inumin niya pero sigurado siyang meron para mag-iba ang pakiramdam niya. Kilala niya ang sarili. Hindi siya ganon kalasenggera para magpakalasing ng todo gayong hindi naman niya lubos na kilala ang mga kasama niya.

"Naaalala mo na ba?"

Muling bumalik ang tingin niya kay Danrick. Madilim ang anyo ng binata na humakbang palapit sa kanya.

"Nandoon ka na," sabi niya. Hindi man ganon kalinaw ang memorya niya. Pero naalala niya ito. He was there to save her. Hindi niya inaasahan.. Parang panaginip. Pero nandoon talaga ang lalaki.

"Yeah, I thought that was obvious." walang kangiti-ngiting sagot ng lalaki.

"Bakit ka nandoon?"

"A friend invited me. So pumunta ako."

Napatitig lang siya dito. Tumawa ito, walang humor sa tono. "Ofcourse, you won't believe that. Iisipin mong sinusundan kita. That I'm stalking your date with that asshole like a crazy ex boyfriend who can't accept that her girlfriend already dumped him months ago."

Naningkit ang mata niya. "Nanunumbat ka ba or what?"

Wala itong sinabi. Tumayo lang ito sa harap niya, pinagkrus ang mga braso kaya mas lalong pumintog ang muscle nito doon.

Pinigilan niyang maglaway.

"Ano ng nararamdaman mo ngayon?" tanong nito, may concerned sa boses nito.

"Masakit lang ang ulo ko, but I'm good."

"Iyon lang?"

Nag-init ang pisngi niya. "And sore."

Nahuli niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito. Pero bago pa man to makangiti, agad na nabawi nito iyon bago niya ito mairapan.

"Did you.. uhm, did we have sex last night?" she asked.

"Why? You don't remember?"

"I don't."

Kita niya ang pagdaan ng dilim sa mata nito. Pero parang naiintindihan siya na tumango. "Ofcourse, you can't. It's because of that goddamn drug. Iyon ang dahilan sa kakaibang nararamdaman mo kagabi."

Right. Alam na niya iyon ngayon. Labis na nagtiwala siya kay Gab. Hindi niya akalain na may iba pala itong binabalak sa kanya kagabi.

"He drugged you, Belle. He tried to rape you. Kung hindi ako dumating at hindi ako nakabantay sa inyo, baka nagawa na niyang pagsamantalahan ka at hindi ka makakapanlaban dahil sa epekto ng drug sa katawan mo."

Tama si Danrick.. Baka kung hindi talaga ito dumating, nagtagumpay si Gab. Nakaramdam siya ng pagsisisi at guilt. Pagsisisi dahil sa pagtitiwala niya ng husto kay Gab. Guilt ay para kay Danrick. Nakokonsensya siya sa ilang beses na pagtataboy niya dito. In the end, ito pa ang sumagip sa kanya.

Ngunit hindi maiwasan na isipin ang walanghiyang lalaki na muntikan na siya pagsamantalahan.

"A-Anong ginawa mo sa kanya?"

She saw his jaw clenched. "Wala akong ginawa sa kanya. Why, do you still care about him? Siya pa rin ba inaalala mo sa kabila---"

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin!"

"Kung bakit bakit mo pa itinatanong? Don't worry, I didn't kill him. Kahit iyon talaga ang gusto kong gawin. Ang basagin ang mukha niya at balian para hindi na siya makalakad pa. Pero di ko ginawa dahil mas inisip ko na ilayo ka na lang. But that doesn't mean palalagpasin ko ang pagtatangka niya sa 'yo. I will make him pay."

May galit sa mata na tumalikod ang lalaki sa kanya at humakbang palabas ng kwarto. Maagap na bumaba siya sa kama at pinigilan ito.

"Wait, Dan!"

Napalingon ito sa kanya. His eyes widened, na parang ngayon lang nito nakita ang katawan niya na walang saplot. Oh, shit. Wala nga pala siyang saplot sa katawan!

Nakaramdam siya ng hiya ng bumaba ang mata nito sa matambok na bahagi ng katawan niya. Pero bakit nga pala siya mahihiya? Wala naman siyang dapat ikahiya sa katawan niya ngayon lalo na at nabawasan pa ang timbang niya.

Nag-iwas si Danrick ng mata at tumikhim.

"Okay, stop pretending na parang nahihiya ka pa. I believe, nakita mo na ang mga 'yan kagabi."

Napaubo lalo ito. "Put some clothes on, woman."

"Tigilan mo ako, magpagpanggap na 'to."

"Take my advice. Sabi mo mahapdi pa, di ba? I believe ayaw mong mas lalong madagdagan ang hapd--"

"Fine!"

Tumalikod ito sa kanya. "Hihintayin kita sa labas. Mag-breakfast ka muna then we'll talk."

Kumuha siya sa drawer ni Danrick ng t-shirt nito at siyang isinuot niya. Hapit na hapit iyon sa kanya. Di na rin siya nag-abalang magsuot ng panloob niya at lumabas na.

Nakita niyang natigilan ang binata at tila muntikan pang mabitawan ang mug nito nang makita siya. May nakahanda na ngang breakfast sa table. Tinabihan niya ito.

"Akala ko sinabihan kita na magsaplot," sabi ng binata.

Tumaas ang kilay ni Jeasabelle. "Ano ba sa tingin mo ang suot ko na 'to?" Itinuro niya ang sarili, pero ang mata nito ay bumaba sa malulusog na dibdib niya, lalo na sa tuktok ng mga 'yon na nakabakat sa tela.

Pinaningkitan lang siya nito ng mata. Pinigilan niya ang mapangisi. Ngayon pa ba ito gumaganon? Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila?

"Huwag ka umakto na parang hindi mo rin naman nagugustuhan ang nakikita mo."

"Don't tempt me, Belle.. Alam mo ang kaya kong gawin." Nanghahamon ang mga mata nito.

Nagtitigan sila, pagkatapos ay natagpuan niya ang sariling nakikipagngitian dito. Para silang mga teenagers. Hindi niya alam kung kailan sila huling naging ganito sa isa't isa. Marami din ang nangyari sa pagitan nila. Naghiwalay sila at hindi niya alam kung ano pa ang naghihintay para sa kanila.

Si Dan ang unang nagbaba ng tingin. Bumuntong-hininga ito. "Belle, I think we both need to talk."

Tumango siya. "Dapat lang. We need to talk about what happened last night. We had sex..."

"I don't want to take advantage last night. Alam ko kung ano na ang sitwasyon natin, at kung hindi lang dahil sa epekto ng drug na 'yon, sigurado akong aayawan mo ako. Ilang beses mo nang sinabi na ayaw mo na sa 'kin. Pero kita ko kung paano ka nahihirapan kagabi.."

"So, ginalaw mo ako kahit na..."

"Hindi kita pwinersa," pagputol nito. "You were rubbing yourself to me. You're so needy last night, demanding and desperate for me."

"No."

"Yes, that's you last night."

"At dahil iyon sa drug. Pero sa totoo lang, hindi na ako ganon. Dati lang ako naging ganun, pero hindi na. Alam mo 'yun." Nawala ang ngiti nito dahil sa sinabi niya. Huli na para bawiin iyon. Nakita niya ang sakit sa mukha nito. Pero pilit na ngumiti ito.

"I know. Dahil ang totoo, ako na 'yon. I'm needy, desperate and demanding for your attention. I just want you to be mine again. Kung makakabalik lang ako sa panahon na akin ka lang, hinding-hindi ako gagawa ng dahilan para magsawa ka sa 'kin."

Kumabog ang dibdib niya.

"Kung kaya ko lang ibalik ang oras na 'yon, di kita bibigyan ng dahilan para mawalan ng tiwala sa akin."

Hindi niya iniwasan ang titig ni Danrick. Sinalubong niya iyon sa nanghahamon na tingin.

"Nangyari na ang nangyari.. Hindi natin maibabalik ang nangyari noon."

"You still love me. Aminin mo man o hindi. Kaya naniniwala ako na maibabalik pa natin ang dati." Napanganga siya at ilang sandaling nakatitig lang kay Danrick. May mayabang na ngiti na sa labi ng binata at confident sa sinabi.

"Ang presko mo. Hindi porke niligtas mo ako kagabi, ibig sabihin babalik na ako sa 'yo."

"Hindi ko naman hinihiling na 'yon ang kapalit. Iniligtas kita dahil iyon ang kinakailangan. I won't let someone hurt the one I love."

Nagbigay sa kanya ng kiliti ang huling sinabi nito. She want to hear that again.

Ngumuso ito. "And hindi dahil may nangyari sa atin kagabi, babalik din ako agad sa 'yo. It's clear that I'm unconscious and drugged, that's why I'm not aware---"

"You're not unconscious when we made love last night, let me clear that. Inaakit mo ako at kahit ayoko sana wala akong magawa. Sino ba naman ang tatanggi kung palay na ang lumalapit sa manok?"

"Ayaw mo sana? Dapat ba akong maniwala doon? At di kita inakit."

Tiningnan siya nito ng masama. "I'm not like him. Kahit gaano ko gusto na bumalik ka sa akin, hindi kita pagsasamantalahan tulad ng ginawa ng manliligaw mo na 'yun. Hindi ako gagawa ng mas lalong ikagagalit mo sa akin. May respeto ako sa 'yo. Di kita pipilitin na balikan ako kung ayaw mo talaga." humina ang boses nito sa huling sinabi.

Pinigil niya ang ngiti na gustong gumuhit sa labi niya. Parang kinikiliti siya ng mga sinasabi ng lalaki. Di lang sa mga salita nito pinatunayan iyon sa kanya, kundi maging sa gawa.

Parang gusto na niyang tapusin ang pagpapahirap dito. Ayaw na niyang mahirapan pa ito dahil sobra sobra na ang ibinigay niya sa binata. Sapat na naman ang nakita niyang nagpaka-miserable ito para suyuin siya. Ano pa bang ipinag-iinarte niya?

"Di mo nga ako pipilitin. Pero hina-harass mo naman ang nanliligaw sa akin at ang mga magbabalak pa. Gab told me, you know."

Mayabang na ngumiti ito. "Nagsumbong pala siya sa 'yo."

"Totoo nga? Pinagbantaan mo pa. That's not funny."

"Wala ka naman na balak makipagkita doon sa Gab na 'yon. O meron pa?"

"Wala na! Syempre! Tingin mo sa akin, tanga?" Parang hindi pa kumbinsido ang tingin nito. Nainis siya. "Ikaw nga mahal ko pa, di ko binabalikan. Siya pa na hindi ko naman talaga---"

Huli na para bawiin ang sinabi. Malawak ang ngiti sa labi ni Danrick at sa pagkaliwanag ng mukha nito, aakalain mong nanalo sa lotto.

"Wag kang magdiwang d'yan. Oo, mahal pa rin kita. Pero may mga kasalanan ka pa sa akin na di ko pa nakakalimutan."

He sighed. Pagkatapos ay kinuha ang kamay niya at hinawakan. "Look, babe. I'm really sorry for not being honest with you. For lying and keeping secrets from you. Alam mo naman ngayon na hindi totoong ako ang ama ng dinadala ni Gianna at hindi kami magpapakasal tulad ng narinig mo. Pero gusto ko rin malaman mo kung ano ang nangyari."

"Nang bumalik siya pagkatapos niya mawala noong nag-break kami, gusto niyang makipagbalikan sa akin. Sinabi niya na napressure lang siya sa alok kong kasal. But the thing is, hindi ko na siya mahal. Tinanong ko rin ang sarili ko kung meron pa rin ba. Kaya sinigurado ko din."

Nahihiyang nagbaba ito ng tingin. Alam na niya kung ano ang ibig sabihin nito. Iyon ay 'yong time na nakita niya ito na kahalikan si Gianna.

"I understand." Hinawakan niya ang kamay nito.

"Isa pa, nalaman ko na rin ang tungkol sa kanila ni Wendell. Kaya hindi ako naniniwala sa kanya na gusto niya kaming magkabalikan. May kutob akong may ibang dahilan."

"Buntis na ba siya noon?"

Tumango ang binata. "Buntis na siya at pilit niyang sinasabi na ako ang ama ng bata. Hindi ako naniniwala sa kanya. Maingat ako noon dahil nasa contract niya sa isang kompanya na hindi pa siya pwedeng mabuntis. That's why I'm confident it's not mine."

"Bakit niya sa 'yo ipinaaako ang bata?"

"Because the baby's father is an irresponsible fucker. Hindi niya agad nun panagutan ang bata at itinatanggi na kanya."

"Kaya desperada si Gianna na bumalik sa 'yo," madiing sabi niya.

"Lagi niya akong gustong tawagan. She kept on texting me. Pinagbabantaan niya ang sarili niya at ang dinadala niya. Alam ko na hindi lang siya nagbabanta. She mean it. May isang beses na noon na pinagtangkaan niya ang sarili, but that's another issue."

Nagpakawala ng buntong-hininga si Danrick. "You see, hindi ko rin alam ang gagawin ko. Ayaw ko na idamay niya ang bata. May pinagsamahan rin kami at lalo na ang mga pamilya namin kaya hindi ko siya basta mapabayaan. I'm willing to help her. Pero hindi sa paraan na ako ang aako sa bata na dinadala niya. I care for her. Pero ikaw ang mahal ko, Belle.. Hindi ko kayang gumawa ng desisyon na makakasira sa ating dalawa.."

"Pero inunahan na niya ako. Sa mismong araw ng birthday ng lolo mo, kasama na niya ang mga magulang ko. Sinabi na niya sa parents ko. Dinagdagan pa niya na sinagot na niya ang proposal ko na pagpapakasal namin.. Alam niyang nandoon ako at sa mga text niya sa akin, tinatakot nya ako na kapag ipinahiya ko siya. Hindi siya magdadalawang isip na tapusin ang.." Hindi na niya pinatapos si Danrick. Hinila niya ito at niyakap.

Naging sarado ang isip niya. Gusto niyang magalit sa sarili dahil naging pinagsarhan niya ito ng pinto para ipaliwanag ang sarili. Naging bingi siya at inintindi lang ang sakit na nararamdaman.

Pero hindi rin niya masisisi ang sarili kung ganon siya. Nasaktan lang din siya. Kaya hindi niya alam na mas nasasaktan si Danrick.

Nasaktan niya ang lalaki sa naging desisyon niya. Sa pag-iwan niya dito. Ngayon na narinig niya ang paliwanag nito, hindi niya na masabing niloko siya nito. Mahal talaga siya nito at walang duda doon.

Masyado lang siguro siyang nabulag ng selos niya noon at insecurity sa dating nobya nito. Kaya kahit di naman nito ginagawa, nagiging praning siya sa posibilidad na iwan siya nito.

Humigpit ang yakap niya dito. "Hey, hey.." natatawang sabi ng lalaki pagkatapos bumitaw. Natigilan ng makita ang mukha niya. "Wait, why are you crying?"

Pinalo niya ito sa dibdib. "Nakakainis ka. Bakit hindi mo agad sinabi 'yan sa akin noon?"

"Because you won't let me, remember?" He pulled her to him. Hinayaan niya ito. Gusto pa muna itong mayakap. Maramdaman ulit ang init nito na ilang buwan niyang nagawang tiisin. Wow, di ba? Nagawa niyang tiisin ang love of her life niya. Ang lalaking pinagnanasahan niya mula pa noong college.

Natawa siya.

"Bakit?" tanong nito.

"Naalala ko lang kung gaano ako ka-patay na patay sa 'yo noong college. Nakakatawa kung paanong..."

"Paanong ako naman ang patay na patay sa 'yo ngayon?"

Nakagat niya ang ibabang labi sa hirit ng lalaki. Gusto niyang murahin ito. Tangina, kinilig siya doon ha!

"Belle, tatanungin kita ngayon din. I want an honest answer please. Kasi ako, ipapangako kong hindi na ako magsisinungaling o magtatago pa ng kung ano mula sa 'yo. Ipapangako ko rin na mamahalin kita habambuhay. Magiging loyal at faithful lang ako sa---"

"Danrick, are you asking me to marry you?"

Napakagat labi ito, parang binatilyong nahuling naglalagay ng love letters sa bag ng crush nito. "Hmm. Yes?"

Parang nalaglag ang puso niya. Hindi niya napigilan ang sayang bumaha sa dibdib niya. Iba ibang emosyon. Parang maiiyak na ulit siya, pero pinigilan niyang hindi.

She pouted her lips. "Nagpo-propose ka, wala ka namang singsing pa. So, paano mo ako mapapa-oo niyan?"

Sabay pa silang napalingon sa pinto ng unit nito ng marinig nila ang mga katok doon. "May inaasahan ka bang bisita ngayon?" tanong niya.

Napakamot sa batok si Danrick. "Wag ka sanang magagalit. Pero kagabi, sinabi ko sa sarili ko na wala na akong balak na makawala ka pa sa akin o matanggihan mo pa ako kapag may nangyari ulit sa akin."

"Kaya anong ginawa mo?"

Hindi pa man nakakasagot ang binata, bumukas na ang pinto. At gayon na lang ang panlalaki ng mata ni Jeasabelle ng makita niya kung sino sino ang mga pumasok! Ang lolo at ang Tito Berta niya! Kasunod ng mga ito ay ang mga BBC friends niya. Malawak ang ngiti ni Alicia at Cathy habang may dala-dalang baloons. Sa likuran ng mga ito, nandoon ang parents ni Danrick! Pawang nakangiti sa kanya. Pero tila naeskandalo sa naabutang itsura nila ni Danrick.

"Oh, my God." Hinila siya ni Danrick para itago sa likod nito. Saka lang niya narealize kung bakit siya pinagdadamit ni Danrick ng ayos. Iyon pala ang plano nito!

Kinurot niya ito sa tagiliran. "Pahamak ka!"

"Di ko alam ito, babe, sina Mom and Dad lang ang tinawagan ko para ipakilala ka."

"Mamatay man?" Pinandilatan niya ito.

"Okay, oo na. Sinadya ko na tawagan sila lahat para papuntahin dito, at mawalan ka na ng dahilan na tumanggi sa akin."

Pa-cute na ngumiti ito na ikinatunaw niya. "Saka isa pa, kahit tanggihan mo ako, babe. Wala ka pa ring ibang choice. Kung tatanda akong binata dahil hindi kita magiging asawa, mas lalong hindi ako papayag na may ibang manligaw at umangkin sa 'yo."

"Baliw!" Natawa siya. "Oo na! Papakasalan na kita!"

At sa harap ng lolo, tita, mga kaibigan at magulang ni Danrick, ipinakita nila sa mga ito kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

"Eeeew!" sigaw ng mga kaibigan niya. Bineletan lang niya ang mga ito.

Next, Epilogue. ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top