Chapter Twenty Two
🍷
HUWAG kang susugod sa isang gyera kung ayaw mong maputukan.
Hindi tanda ni Jeasabelle kung saan niya iyon narinig. Pero malaman ang linyang 'yon. May aral.
At itinanim niya iyon sa isip bago pa niya gawin ang ginagawa niya nya ngayon.
Nakatingala siya kay Danrick. Pinapanood ang pagtingala nito at pagkagat nito sa labi. "Fvck, babe."
She could stare at his face forever. Hindi siya magsasawa paglandasin ang titig sa gwapong mukha nito. Hindi siya magsasawang titigan ang pamumula ng mukha nito tuwing gagawin niya ang bagay na 'yon.
He was just so beautiful. At kahit na gamitin niya dito ang salitang iyon, hindi pa sapat upang ilarawan ang nakakapasong titig nito, mapang-akit na labi..
Mariin siyang napahawak sa binti nito, at tumawa. "And you really think I'm going to give you a head?"
Napamulat si Danrick at salubong ang kilay na tumingin sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagkalito.
"W-What?"
Tumayo siya at binigyan ito ng isang nang-aasar na ngiti. Sinadya niya na paasahin ito. "Hindi porke pwede kang maging tanga, uulit-ulitin na. There's no excuse for being stupid over and over."
"Goddamn it, babe."
"Wag mo akong matawag tawag na babe! Alam kong mataba ako, di muna kailangan ulit-ulitin!"
"W-what?" Tumayo na rin ito at inayos ang pantalon. "I don't mean to offend you. I just don't understand... Why?"
"Alam mo kung ano 'yong nakaka-inis? 'Yong nagpapanggap pa 'yong isang tao na walang alam kahit aware siya sa kung ano 'yong nagiging epekto sa ibang tao."
Hindi nito masalubong ang mata niya.
"I don't wanna hate you, Danrick. But please, tigilan mo na lang ako kung wala ka namang balak na seryosohin ako. Sa iba mo na lang ibaling 'yong libog mo kung isa lang akong parausan sa 'yo."
Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Tinalikuran niya ito at nagmartsa palabas ng office ng lalaki.
SHE SHOULD be proud of herself. Nakayanan niyang hindi magpadala sa tukso kanina kay Danrick. At ang mas importante nakayanan niya na mag-walk out dito.
Hindi sa lahat ng pagkakataon kaya niyang gawin 'yon. Lalo na sa lalaking kayang magpahina sa kanya ng lubusan.
Pero nakayanan niya. Kaya nga heto siya, mag-isang isine-celebrate ang pagtanggi niya kay Danrick na para bang isang malaking event 'yon na nangyari sa buhay niya.
She should be proud, and happy.. But for some reasons, ang bigat ng dibdib niya. At ito nga siya oh, ang lakas maka-Angelina Jolie ng eksena niya.
May luhang kumawala sa gilid ng mata niya habang hawak ang baso ng wine. Very Mrs. Smith ang drama niya. Kulang na lang ay umeksena din si Danrick at nare-create na nila ang scene ni Brad Pitt at Angelina Jolie. 'Yong scene kung saan nagdadalamhati si Angelina nang akala nito wala na si Brad. Ang kaibahan lang ay ang setting.
Nasa Purple Haus siya at nakaupo sa may counter. Nagkakasiyahan ang mga tao sa paligid niya. Pero siya, parang nasampulan na naman ng heartbreak.
Arte.
But iyon na iyon talaga ang pakiramdam niya. Nakatitig siya sa kawalan. Parang may nawala sa kanya kahit ang ginawa lang naman niya ay unahin 'yong sarili.
"Ganto pala kapag nagmamahal ka ng totoo, mas gugustuhin mo na ikaw 'yong nagpapakatanga kesa sa ikaw 'yong nang-iiwan."
"Hindi mo naman ako iniwan, ah?"
Muntikan na siyang mapalundag sa kinauupuan nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon.
"Danrick?" Marahas na nilingon niya ito.
Nandoon ito sa likod niya. Nakatayo. He was wearing his fitted black shirt. Hakab na hakab ang katawan nito. Mas lalo pang lumakas ang dating nito ngayon sa hikaw sa isang tenga nito at gintong kwintas.
Nasa aura nito 'yong pagiging mapaglarong bad boy. 'Yong alam mo nang mapapasubo ka, gogora ka pa rin talaga dahil malandi ka at marupok.
"Hi there."
Napaismid siya at ibinalik ang mata sa inumin. "Parang kang kabute, bigla bigla sumusulpot."
"Hindi naman 'yon sumusulpot.." Tumabi ito sa kanya at bumulong, "Pumapasok."
"Try harder, D." tinikwasan niya ito ng kilay at itinulak palayo. Nakakalaglag panty na nginisian lang siya nito. Tumama ang init ng hininga nito sa leeg niya at tila rumagasa agad ang kilabot sa balat niya.
"You don't want me to go harder, babe."
"I did not tell you to get hard."
"But you can make really so hard."
Napainom siya bigla sa inumin niya. "Then, that's not my problem."
"Yeah, not your problem. But you know your the solution."
Nakainom na nga siguro yata si Jeasabelle at nakikipagpalitan pa siya dito ng englisan. Narinig niya si Danrick na tinawag ang bartender. Pinalagyan din nito ng alak ang baso niya.
Nanghihinalang tinitigan niya ang lalaki.
"May problema?" nginisi-ngising tanong ni Danrick.
"Alam mo 'yong kasabihan kapag may alak?"
"Pag may alak, may..." Ibinitin nito ang sinasabi at mapang-akit na ibinaba ang nakakapasong titig sa labi niya, dumausdog pababa sa malusog na cleavage niya. She inhaled sharply.
"May balak," pagsundo niya. "Stop looking at me like that, Danrick!" saway niya dito. Magiging sinungaling siya kung hindi siya naiinitan sa ginagawa nito.
Ang totoo, biggest turn on niya ang mga titig ni Danrick. Di ba nga, titig lang nito handa na yata siya lumuhod.
'Yon nga lang.. Hindi siya luluhod para sa titig nito, kundi para sa tit---Oh, Gawd.
"Iyon ba 'yon? Kapag may alak, may binabalak na?" usal nito.
"Wala ba talagang balak?"
"That's unfair."
"Yes, I know. Unfair and being judgemental kapag inisip mo agad na may balak ang isang tao kapag may alak na. But you know's what unfair?" Humarap siya sa lalaki na sinisimsim ang alak nito. Ang sexy nito panoorin.
Umangat ang kilay nito. "Ano?"
"'Yong gusto ka lang kangkangin ng isang lalaki, tapos hindi ka naman gustong seryosohin."
"Ako ba 'yan?"
"Tinamaan ka ba?"
"Okay, okay.. First of all---"
"Paasa ka."
"No---"
"Malandi ka."
Napatiim-bagang ito at mahinang napamura. Nilagok nito ang alak at muling naglagay sa bartender.
Hindi niya maiwasan mapangiti. "Napatahimik ka d'yan? Nawalan ng sasabihin?"
"Makakapagsalita pa ba ako? Pinuputol muna bago ko pa matapos."
She chuckled. Pigil niya ang sariling kurutin ito sa pisngi.
"Why are you really here, Danrick?"
"What do you think?"
"Naghahanap ng ibang mao-offer-an ng 'no label relationship' mo?"
"Stop insulting me." Matigas na sabi nito.
"That's not an insult. Sabi mo, "what do you think". So, I'm just being honest."
"I'm not an irresponsable manwhore, Jeasabelle. Don't make me feel like a manslut. Hindi porke nakita mo ang nagiging reaksyon ko sa 'yo, ibig sabihin ganun na ako sa ibang babae."
Siguro nga na-offend niya ito. Sumobra siya. "I'm sorry."
"Sinusundan kita."
Nabigla siya doon. Bakit siya nito sinusundan? Gusto niyang tanungin ito kung bakit. Pero natagpuan lang niya ang sariling pinag-aaralan ang anyo nito. And she could tell he's really serious.
Nakatiim-bagang ito. Gustuhin man niya pagnasahan ang prominenteng panga nito na ilang beses nang dumampi sa pagitan ng hita niya. Hindi niya magawa.
Because she was waiting for him to answer. Pero dumaan ang ilang sandali, hindi ito nagsalita. Nainis na siya.
"So, ano.. Hanggang closing ko ba hihintayin 'yong sagot mo?"
"Hindi mo naman tinanong kung bakit kita sinusundan. Nagtanong ka ba?"
Inis na hinampas niya ito sa braso. Napahawak ito sa braso at napapikit, bakas sa mukha na nasaktan ito.
"Ang OA, ha!"
He hissed. "Alam mo ba kung gaano kasakit 'yang kamay mo kapag nananampal?"
Naalala niya 'yong eksena na sinampal niya ito sa coffee shop. Kumapla talaga 'yong palad niya sa mukha nito.
"Mabigat talaga 'yong kamay ko, lalo na sa mga paasa."
"Tsk." Tumingin ito sa kamay niya na para bang ang tingin nito doon ay gawa iyon sa semento at bakal.
Gusto niyang matawa. She suppressed it.
Inilapat niya ang kamay sa may binti ito. Naramdaman agad niya ang pagkalat ng tensyon sa katawan nito.
"Sige na, tell me why you're following me.. Wait, following ba 'yong term na dapat ko gamitin or stalking? Kasi ilang araw mo na rin naman ako ini-stalk eh."
"Hindi mo rin ba ako ini-stalk?"
"Hindi ko itatanggi na tinitingnan ko ang IG stories mo."
"At ini-screenshot? Notifications can't lie."
Pahamak na instagram.
She rolled her eyes. "Just answer me seriously."
"Tingin mo makakapagseryoso ako kung hinihimas mo ang binti ko?"
"Gusto mo ba dakmain ko pa 'yong nasa pagitan?" Mapanuksong pinagapang niya ang palad papunta sa namumukol na bahagi ng pantalon nito. Paano kaya nito naitatago ang pamumukol nito kapag nasa publikong lugar? It must be hard for him.. At literal na hard talaga.
"Sa ginagawa mo ngayon, sa tingin mo sino sa 'tin ang paasa?" mababa ang tinig nito at mapanganib ang pagnanasang nakahugit sa mukha.
He looked like he want to fvck her there.
Napalunok siya at binawi ang kamay.
"Paasa ba 'yun? Kinapa ko lang, baka kasi may baril ka d'yan." She chuckled.
Ngumisi ito. "Baril na talaga 'yung nakapa mo."
"Oh?"
"That's why you don't touch it irresponsibly. Ikaw rin, baka maikasa mo bigla.. Maputukan ka."
"Mapuputukan agad? Hindi pa nga nakakalabit?"
"Hindi mo ba gustong kalabitin?"
"Kung gusto kalabitin 'yan, ginawa ko na kanina sa office mo. Pero ginawa ko ba? Di ba iniwan kita?"
"And I could label you as paasa. Tulad ng paratang sa 'kin."
"Hindi kita pinaasa. Lumuhod lang naman ako. Tutulungan lang sana kita pulutin ang damit mo sa sahig."
"Kasalanan ko pa ba'ng inisip na makakatikim ulit ako ng special promo mo?"
Inirapan niya ito. "Huwag mo ibahin ang usapan natin, Danilo. Answer me why."
"Hindi pa ba malinaw? Pinapadalhan kita ng kung ano-ano. Nagpopost na ako sa social media na nandun ang pangalan mo. Hindi pa rin malinaw na gusto kita? I like you, Jeasabelle. Happy now?"
Umiling siya at tumingin sa mga daliri niya. "Wala akong dapat ikatuwa doon. Because the truth is you don't like me, Dan. You like sex with me."
"I like sex with you because I like you."
"Magkaibang bagay 'yon. You like sex with me because of lust. Iyon ang habol mo. Ang katawan ko lang. Because you want free handjobs, free blowjobs, free sex!"
"Then, I guess I'll start paying you with every purchase of blowjobs and sex---"
"Hindi ako bayaran!"
"Kung sex lang ang habol ko sa 'yo, then why would I choose to like you? When I can have every sexy women in this town in my bed."
Hindi niya alam kung ano ang ibabalik niya sa sinabi nitong 'yon. Nagsimula na siyang maguluhan. Malito. And that's not right.
Hindi niya hahayaan na tibagin nito 'yong walls sa pagitan nila. Dahil kapag natibag na naman ang harang na 'yon, sigurado siya matatagpuan na naman niya ang sarili sa ilalim ng lalaki.. Panting and moaning as he took her ruthlessly.
"I want you, Jeasabelle. And I'm serious."
"At ako ba hindi?"
"I know you're serious. Alam ko nasasaktan kita."
"Ayun na nga eh. Alam mo na pala na nasasaktan lang ako, kasi umaasa ako na---" Tumigil siya. Pinigil ang sarili at mariing pinikit ang mata. Too much info na. Sa bibig na niya mismo lumalabas na patay na patay talaga siya dito.
Pero anong masama? Mabuti na rin na alam nito. Para hindi na siya lapitan pa nito. Ewan lang niya kung hindi ito matakot sa commitment.
"I don't want to hurt you, J. Pero gusto kita."
Hindi siya kumbinsido. Iniisip niya na dahil lang iyon sa sexual tension na namamagitan sa kanila.
She also like sex with him. Hot, dirty sex. But she want a label between them. Hindi na niya hahayaan na pumasok ito sa pagitan ng mga hita at puyatin siya ng ilang gabi, tapos wala naman silang label.
Marahang tumawa siya at ininom ang natitirang alak sa baso.
"Seryoso 'yon. Hindi 'yon biro. Hindi kita pinaglalaruan."
"One question, D."
"Ano 'yon?"
Humarap siya sa lalaki at iniangat ang mukha. "Naka-move on ka na ba kay Gianna?"
Nagbilang siya. Isang segundo.. Dalawa.. tatlo.. Hanggang sa mag-isang minuto hindi agad ito makasagot. Ang pagkagulat sa mukha nito ay napalitan ng pagkataranta.
"Hindi pa," usal niya at may pagkadismaya na ngumiti. Alam na rin naman niya na hindi pa talaga ito totally move on sa babaeng iyon na pinagpala na sa lahat. Pero hindi pa rin talaga niya mapigilan madismaya.
His clenched his jaw and avoided her gaze. "Huwag mong ipasok si Gianna sa usapan natin. Labas siya doon."
"That's being selfish, D. Bakit hindi ko siya isasali? Ex mo siya. Hindi ko pa nakamove on sa kanya kaya naghahanap ka ng rebound. And I came to the scene willingly, offering myself to you with open legs, with pleasure."
Napahilamos si Danrick. "Fvck."
Parang pinahihirapan niya ito sa mga lumalabas sa bibig niya. Torture, iyon ang nakikita niya sa mukha nito.
"Well, I don't care if you still have feelings for her, Danrick. Hindi ko naman sa 'yo ipagkakait 'yon. All I want is an assurance."
"Assurance?" mas lalo itong nalito.
Mapang-akit na ngumiti siya at inabot ang braso nito. Marahang pinisil iyon, at inabot ang leeg nito.
Kumalat agad ang kulay sa mukha nito. Uh-oh. Someone's blushing again.
"Stop," saway nito.
"Do you really like me, Dan?" paos ang tinig na tanong niya. Napalunok ito at tumango.
"Yes, I like you.. Walang halong pambobola para maikama ka lang. Hindi ko sasabihin 'to kung nakikipaglaro lang ako."
"Kung seryoso ka talaga, then I guess irerespeto mo ang gusto ko. I don't want a no label relationship." Inabot niya ang ibabang labi nito. Gusto niyang bawiin iyon nang hulihin nito ang kamay niya.
Hindi na siya nagulat sa sunod na ginawa nito. Marahang sinipsip nito ang daliri niya.
Matapang na sinalubong niya ang nag-iinit na mga mata nito. At saka binawi ang kamay. "Enough. Narinig mo ang sinabi ko."
"Is that what you want? Lumayo na talaga sa 'yo?"
"Wala akong sinabi na lumayo ka."
"Pero sabi mo ayaw mo ng 'no label'. Kung hindi mo pala gusto tigilan na kita, anong gusto mo? Look, I really really like you. Hindi mo ako mauutusan na layuan ka. Because I can't."
"Then, don't. Tulad nga ng sinabi ko, wala akong pakialam kay Gianna kung hindi ka pa nakakamove on sa kanya. I just want a label..
He stiffened. At napakurap ang mata.
Pinapungay niya ang mga mata, at gumuhit sa labi ang mapang-akiit na ngiti. "All I want is to be your official girlfriend."
Napanganga ang lalaki.
"Kung gusto mo ulit ako madala sa kama mo. Then kailangan mo maging boyfriend ko."
🌡
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top