Chapter Twenty Six
💋
JEASABELLE woke up feeling energized. Hindi niya mapigilan na mapangiti at muling ipinikit ang mga mata. Mula sa kinahihigan niya ay naamoy niya ang amoy ng pinipritong sibuyas at itlog. Nakikita niya sa isip ang itsura ng binata habang nagsasangag ito. She could imagine him only wearing his favorite apron while singing a Bryan Adams song..
Oh thinkin' about all our younger years..
There was only you and me.
We were young and wild and free.
Napangiti siya. Boses pa ni Bryan Adams ang naririnig niya. Ngunit nang sa mga sumunod ay boses na mismo ni Danrick ang pumailanlang sa buong unit nito.
Hindi na siya nakatiis at bumangon na siya sa kama. Lumabas sa nakabukas na pinto ng kwarto at nagtungo sa kusina.
Hindi siya nagkamali. Naka-apron lang ang lalaki at ang kulay itim na boxers nito. Nakaharap ito sa sinasangag nito habang kumakanta. Nakaharap naman sa kanya ang mamaskulado nitong likod na tila nililok gamit ang bato at apoy.
"Baby you're all that I want.. When you're lyin here in my arms.. I'm findin it hard to believe, we're in heaven.."
Minsan lang niya naririnig na kumakanta ang lalaki. At sa mga pagkakataon na naririnig niya itong kumanta, puro Bryan Adams ang naririnig niyang kinakanta nito.
Walang tunog na humakbang siya, patuloy na pinapanood nito. Pinigilan niya mapatawa nang sinasabayan na nito ng sexy dance ang kanta nito.
"And love is all that I need.. And I found it in your heart.."
Lumingon ito sa kanya. Muntikan na siyang mapaluhod nang mapang-akit na ngitian siya nito at pilyong kinindatan.
"It isn't too hard to see.. We're in heaven."
Maikling tumawa ito at pinatay ang apoy ng niluluto. Mukhang kanina pang aware ang lalaki na pinapanood niya ito. "How's my performance?" may kapilyuhan kumikinang sa mga mata nito.
Tumaas ang kilay niya, at pinigilan niya ang kilig sa ngiti. "Hmm. Marami na akong nakitang katulad niyan. Di na bago for me. Konting practice pa. For now, it's a no for me."
"Ganon?" Lumapit ito sa kanya. Mapang-akin na ipinulupot nito ang matigas na braso sa katawan niya at pinatakan siya ng halik sa labi. Hinagip niya ang batok ng lalaki at mapusok na hinalikan ito.
Napangisi ito. "Paano 'tong halik ko? Di na rin bago sa 'yo. No rin ba?"
"No pa rin," paos na sagot niya at kinagat ang ibabang labi nito. He groaned.
"No, but you keep on kissin' me, hmm.."
"Bawal ba tikman?"
"Pwede ba 'yong hinihindian mo na, tapos titikman mo pa rin?"
"Ako nga hindi mo naman mahal, minamagdamag mo pa. Nagrereklamo ba ko?"
Ngumisi ito at hinawi niya ang buhok na tumatabing sa mukha niya. "Are you complaining now?"
"Naputukan na ako ng ilang beses, ngayon pa ba ako mag-complain?"
Ang lakas ng naging tawa nito. Kinurot niya ito sa tagiliran. "At tinatawanan mo pa ako ngayon, ha?"
"Your fault. You always have your ways of making me laugh. I like the way you speak. Ano ba tawag d'yan beki words? I'm not sure if that's the term."
"You mean, bekimon?" Tumango ito. "Ay, hindi ako masyado ma-bekimon ngayon. Pero I know how to speak bekimon. Hindi lang ako kasing fluent ng BBC sisters ko."
"Naririnig kita minsan magsalita ng ganoon."
"Hmm. But that's not bekimon. Siguro ang tinutukoy mo ay 'yong way ko ng pananalita, like babaeng bakla? Is that what you mean?"
"Uh-huh."
"Bakit natu-turn off ka ba?"
Naglaro ang kapilyuhan sa mga mata nito. Umangat naman ang sulok ng labi niya. "Tingin mo?"
"Hmm. Parang oo na sana ang sagot. Pero masyadong nananampal ang ebidensya na nag-eenjoy ka rin naman."
Mapang-akit na inilapat niya ang palad sa namumukol na sa ibabang bahagi nito. He was already hard. Solid rock hard. And she instantly felt her soft feminine walls throbbing in heat. Napamura siya. Halos panlambutan na nga siya ng buto sa mga namamagitan sa kanila ni Danrick gabi-gabi. At hindi sila natutulog na hindi nila nasusulit ang isa't isa. Tapos ngayon nakakaramdam na naman siya ng pagnanasa.
But gahd, she couldn't help it. He was just so delicious and yummy she want him every chance she gets.
"Is that a sign?"
"Sign of what?"
"Sign that you want me now."
Nakagat ni Jeasabelle ang labi at tinitigan si Danrick. Namimigat ang talukap ng mata niya, at nahihilo siya sa init na nag-uumpisang sumakop sa kanya.
Jeasabelle, huminahon ka.
Umiling siya at nanginginig na tumawa. "Ah, no, no.."
"No?" Tumaas ang sulok ng labi nito. Parang hindi kumbinsido sa sagot niya.
"Yes, it's a no for me. Sira ka ba? Pati kitchen mo, gusto mong babuyin natin." Natatawang humiwalay siya dito bago pa mag-bago ang isip niya.
Napakalakas ng temptation kapag magkadikit ang balat nila. Tinungo niya ang mga nakahain sa mesa. May sunny side-up at hotdogs doon. Kumuha siya ng lalagyan at isinalin doon ang garlic fried rice na nasa kawali.
"Nag-sinangag ka na naman pala. Last na 'to, ha. Panira 'to ng healthy diet."
"Healthy 'yan. Did you know that fried rice contains nutrients that our body needs?"
She rolled her eyes. "I know that. Kaya nga nakakadagdag siya ng weight lalo kasi marami siyang health benefits. Masisira ang mine-maintain kong figure no."
"Minsan lang 'yan. At okay lang sa 'kin na tumaba ka pa."
"Okay lang sa 'yo kasi hindi naman ako pang matagalan para sa 'yo." Umupo na siya. Inirapan ito. Hinubad nito ang apron at umupo sa tabi niya.
Seryoso na ang mukha nito. "Sino bang nagsabi na hindi ka pang matagalan?" mababa ang boses nito, at ramdam niya ang intense na titig nito kaya iniwasan niya iyon. "Meron ba?"
Hopia, hopia, hopia.. Ayaw niyang mag-almusal ng hopia.
Nagpanggap siyang hindi narinig 'yon.
"Mag-breakfast na tayo," aya niya sa lalaki, paraan para maiba niya ang paksa. "Aalis pa ako."
"Aalis ka? Di ba Sunday ngayon? Saan ka pupunta?" sunod sunod na tanong ni Danrick dahilan para magsalubong ang kilay niya. 'Yong tono nito ay parang lalaki na pinagbabawalan ang asawa na lumabas ng bahay.
"Oo, aalis ako? And hello, may bonding kami ng BBC sisters ko every Sunday."
"Hindi ba girl's night nyo na nga pag Friday night? Bakit may Sunday bonding pa? Hindi ba pwedeng magstay ka muna sa loob ng bahay ng isang araw?"
"Eh kasi may zumba sessions kami--" napatigil si Jeasabelle. At di maiwasan magtaas ng kilay. "Bakit mo nga pala kinukwestyon kung aalis ako ngayon?"
"Bawal ba magtanong?"
"Eh, bakit mo nga itatanong?"
"Because we're.." natigilan din ang lalaki. Hindi alam kung anong sasabihin.
"Ano?" mataray na untag niya.
She crossed her arms over her chest. Awtomatikong bumaba ang mata nito doon. "Eyes up here, perv."
Marahas itong humugot ng hangin, iniiwas ang tingin. "W-Wala. Just forget about it. Sige, alis ka mamaya. Baka mas importante 'yon."
Nagsimula na itong kumain. Ngunit hindi nawala ang pagkakasalubong ng kilay niya. Ayaw ba siya nitong umalis?
Ipinilig niya ang ulo. Hindi na siya nagsalita rin at kumain na.
"BAKA ayaw ka paalisin? Gusto yata solohin ka niya buong araw."
"I don't know." Pinunasan niya ang pawis sa noo at uminom ng tubig pagkatapos. "Sinabi ko lang naman na aalis ako today. Tapos tinatanong niya kung bakit. Tinatanong ko rin siya kung bakit niya tinatanong. Aba, di na ako pinansin ng walangya."
Totoo. Pagkatapos kumain dinedma siya ng binata. Niyaya pa niya ito na sumabay sa kanya maligo, aba dinedma lang siya. Kahit nang umalis siya, hindi man lang siya kinibo. Anong problema nun?
Umismid si Alicia sa kanya. "Siraulo ba siya? Hindi naman niya bigyan ng label ang relasyon na meron kayo, tapos maghihigpit pa siya sa 'yo?"
"Hindi naman naghihigpit. Di naman ako nag-assume na may plan siya sa amin for today. Sa bedroom lang naman nagiging date namin. And that's not a problem. Okay lang din naman sa akin na makulong sa kwarto kasama siya, habang parehong walang saplot at nagpapaka---"
"So, kailangan ipamukha mo pa talaga sa 'kin na ikaw sagana sa totnak, at ako wala?" Napahawak ito sa dibdib at tila nagdadamdam na tumingin sa kanya. Ipinaikot niya ang mga mata.
"Gaga, di ko naman intensyon na maramdaman mong wala nang kumakarat sa 'yo, na you're tigang na for like two months na ba or one year?"
"Gusto mo masaktan?"
"Ito naman, di na mabiro."
Nagkatawanan sila. "Pero seryoso, Jeasabelle.. Ikaw ba sigurado na gusto mo talaga i-push 'yang sa inyo ni Danrick? Kasi alam mo, mas masakit lalo ang ending ng ganyan kapag pinatagal pa."
Napatitig lang siya sa kaibigan. Sa totoo lang, hindi rin siya sigurado. Isa lang naman ang sigurado niya. Masaya siya kay Danrick. Kahit aware siya na hanggang ngayon ay di pa rin nila napag-uusapan kung ano ba talaga sila.
"Alam ko naman 'yon. Pero I don't want to force him in a relationship na hindi pa siya handa."
"At okay lang sa 'yo na ikaw 'yong napupwersa sa ganoong set-up kahit ang gusto mo ay meron kayong relasyon?"
Sa halip na makaramdam siya ng pait sa dibdib, natagpuan niya ang sarili na nakangiti.
"Yes, it's okay because I love him. At narealize ko hindi rin naman tama na i-issue ko kaagad si Danrick sa "no label" relationship namin kasi nagsisimula pa lang naman kami. Hindi dapat ako nag-eexpect ng mataas sa kanya. Dahil kagagaling lang niya sa break-up. In the first place, ako 'yong nang-akit, ako 'yong lumandi. It's my fault and I'm the one who's responsible for this. Dahil ako 'yong nagpahayag na willing ako na sumabak sa kung ano man ang mangyari sa aming dalawa. Hindi naman niya ako pinilit, eh. At hindi rin ako napipilitan. Kaya eto ako.. Ine-enjoy ko na lang."
Ngumiti ito at hinawakan siya sa kamay. "Nakikita ko naman na masaya ka kaya hindi kita huhusgahan kahit pagpapakatanga 'yan. Ang mahalaga ay hindi ka kabit."
PAGKATAPOS ng zumba sessions nila, dumaan muna siya sa bahay niya. Ilang araw na siyang hindi natutulog doon. Hindi na tuloy siya nakakapaglinis doon. Kay Danrick na siya tumutuloy. Yes, konti na lang mukha na silang nagli-live in. 'Yon yata ang ibig sabihin nito noon na aasawahin siya.
Bigla na naman niya naalala ang binata. Napaismid siya at pinagpatuloy ang paglilinis sa buong kabahayan. May mga damit pa pala siyang hindi nalalabhan kaya habang naglilinis, isinalang niya ang mga 'yon sa washing.
Saktong 2 pm nang matapos siya at nang oras lang na 'yon niya naalala na hindi pa siya nakakapag-lunch. Habang kumakain, muling pumasok sa isip niya si Danrick. Ano kayang ginagawa ng lalaking 'yon ngayon? Deadma lang siya dito kanina. Baka iba na mood nito. Pero bakit hindi pa rin siya nito tinatawagan or tine-text?
Noon lang niya naalala na hindi pa niya nahahawakan ang cellphone niya buhat ng maglinis siya sa bahay. Nanlaki ang mata niya nang hindi niya makita iyon sa bag niya.
Gahd! Saan niya nakalimutan 'yon?
Think, Jeasabelle. Think! Bigla niyang narealize hindi rin niya iyon nahawakan habang nasa BBC building siya. Yes, hindi niya nagagamit 'yon kanina sa Zumba session nila.
"Sa unit ni Danrick!" bulalas niya. Nakalimutan siguro niya sa side table ng kama nito. Nagmamadali na kasi siyang magbihis kanina, hindi na siguro niya naalala ilagay sa bag niya.
Nakahinga siya ng maluwag. Nagmamadaling tinapos niya ang pagkain. Tinungo niya ang living room kung saan nakalagay ang telepono niya. Dinial niya ang number ni Danrick. Ang tagal bago sumagot ng lalaking 'yon. Siguro ay nasa labas 'yon o may ginagawa.
Naghintay siya hanggang sa sumagot na ito. "Hello?" pagbungad ng baritonong boses nito. Muntikan na siyang mapaluhod. Ugh, she already miss that voice.
"Danrick? Ikaw na ba yan?" pagbungad niya dito sa kawalan ng sasabihin.
"Hindi, lolo niya 'to."
"Ay, nagsusungit?" Napahagikhik siya. "Si Jeasabelle 'to."
"Jeasabelle, who?"
Trip yata siya nito. O, sige. Sasakyan niya trip nito.
"Jeasabelle, the mermaid. Kinalimutan mo na?"
"Hindi, ang naalala ko lang.. Jeasabelle, the beached whale."
"Aba, gago 'to ah. May galit?"
Hindi ito umimik. Naririnig niya sa background ay tunog ng mga explosive bombs na obviously nanggagaling sa TV. Nakumpirma niyang nasa unit lang ito at nanonood lang ng action movies.
Good boy. Atleast, walang kinakatagpong iba at dinedate.
Napangiti siya. "Ipapa-check ko lang sana kung nandyan 'yong cellphone ko. Naiwanan ko kasi---"
"Kunyari ka pa."
"Ha?"
"Hindi mo naman kailangan iwanan sadya ang cellphone mo para hindi kita matawagan kung nasan ka."
Napaatras ang leeg niya at shookt na napatingin sa speaker ng telephone.
"Sira ka ba? Hindi ko sinasadya na iwanan. Akala ko nga nawala."
"Talaga? Bakit mukhang may lakad ka pa yata kasama sina Vin?"
"Ha?" bulalas niya.
"Kababasa ko lang sa inbox mo. Niyayaya ka pa mag-coffee. Tangina."
"Teka, teka, pinapakialaman mo ba phone ko?"
"Bawal ba?" Napanganga siya, at nawalan ng sasabihin. Hindi naman niya pinapakialaman ang phone nito. Kahit natetemp siya minsan tingnan kung sino sino ang nakakausap nito. She respect his privacy.
Pero 'yong phone niya, pinakialaman nito at binabasa pa ang inbox?!
"That's my privacy! Wala naman tayong usapan na pwede mangialam ng fone ng isa't isa di ba?"
"Wag ka mag-alala. Sinilip ko lang ang gallery."
Oh Ghad!
"Pati ba naman ang mga... Don't you dare!"
"Don't worry. Di ko ipapasa sa akin 'yong mga 'yon," tila nakikita niya sa isip ang mapang-asar na ngisi nito. "Nakikita ko na naman, natitikman ko pa, bakit magsa-save pa ako?"
Parang sumakit ang ulo ng dalaga. "Danilo, I'm warning you. Bitawan mo na phone ko."
"Babes, coffee tayo maya. Three PM. Kasama ko si Teddy." pagbigkas nito at hindi niya kailangan manghula kung ano ang binabasa nito. Mapanganib na tumawa ang lalaki.
Nakaramdam siya ng tila asido sa sikmura niya. Iba na ang tibok ng puso niya, may kasamang pag-aalala at takot. Alam mo 'yong feeling na wala ka naman ginagawang masama, pero parang nahuli ka na nagtataksil?
"A-ano yan?"
"Ayan text ng Vin mo. Sino si Teddy? May Vin na, may Teddy pa. Tangina. Akala ko ba ako lang?"
"Wala naman talagang iba. Kaya ano bang pinagkaka---"
Toot. Tumunog ang telepono, senyales na pinatayan siya nito. Kunot-noo na napatitig siya sa kawalan. Nang marealize niya ang lahat ng sinabi ni Danrick, napamura na siya. She grabbed her keys at dali-daling lumabas.
💪🏻
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top